Biglang napatayo si Glenda ng mabasa ang laman ng text. Dali dali siyang nagsuklay at hindi na niya nagawang tapalan ang kanyang pantulog. Pagkababa niya ay nakita agad niya ang binata na nakasandal sa kotse nito.
Nang makita siya ay agad agad siya nitong hinapit sa bewang at hinalikan ng mariin. Matagal ang halik na iyon. Kusang napakapit si Glenda sa leeg ng binata dahil sa matangkad ito at hanggang kili kili lang yata siya ng binata.
"I miss you sweetheart!". Tanging sambit ng binata na hindi parin siya pinakawalan sa pagkakayakap.
"Ahhmmm...Mr. Echeverry...ahhmmm R..oobbbb!!! .h..i..n..d..i ako..makahinga!". Nahihirapang tugon ng dalaga sa animo'y bakal na dibdib ng binata.
Hindi parin siya pinapakawalan nito matapos niyang pagsabihan kaya naman, ay kinurot na niya ito sa tagiliran.
"Ouch!". Saka palang humiwalay si Rob sa pagkakayakap sa dalaga ng maramdaman ang biglang pagkurot nito sa tagiliran niya.
"Ikaw Mr. Echeverry, namumuro kana huh, namimihasa kana sa kakahalik mo. Hindi naman kita boyfriend. Kung makahalik ka parang girlfriend mo ako ah!". Pagsusuplada ng dalaga sa binata.
"Bakit ayaw mo ba?". Biglang sagot ng binata.
"Nanligaw kaba?" Pasungit na tanong naman ng dalaga.
"Tssk...kailangan paba iyon? Eh hindi ako marunong manligaw eh!". Pag amin ng binata.
Sa narinig ay biglang nairita ang dalaga.
"Bahala ka, problema mo na yan!" Inis na turan ni Glenda sa lalaking kakamot kamot.
"Pwede bang deretso nalang tayo na...wala ng ligaw ligaw? Ilang beses naman na kitang hinalikan eh!" Pagpapalusot pa ng binata.
Pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga pumayag ang babae.
"Oo nga, ilang beses ka na ngang nangahas halikan ako at minsan ba naghingi ka ng permiso? Sa ayaw at sa gusto mo yun ang gusto ko, period!" Sabay talikod sa binata at narinig pa niya itong nakikiusap pa pero hindi na niya pinakinggan.
********
Papasok na si Glenda sa school ng sa paglabas ng niya ng kanilang gata ay may nakaparadang sasakyan at nakita niya ang binata na nakatayo doon at mukhang siya ang hinahantay.
"Bakit andito ka?" Anong ginagaw amo rito?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa binata.
"Ihahatid ka sa school!". Sabi ng binata sabay akay sa kanya papasok ng sasakyan.
"At bakit mo naman ako ihahatid?". Sunod na tanong pa ng dalaga ng tuluyang makapasok din si Rob sa kotse at inistart ang naturang sasakyan.
"Dahil inuumpisahan ko na ang aking panliligaw!". Walang kagato gatol na saad ng binata.
Biglang napaawang ang mga labi ng dalaga. Hindi makapaniwala na pursigido talaga ito sa panliligaw niya kuno.
Habang nasa daan ay wala ng naglakas magsalita sa kanila. Inaliw nalang ni Glenda ang paningin sa labas. Nang makarating sa school ay akmang aalis na sana siya ng biglang hinawakan ng binata ang braso niya sabay gawad ng masuyong halik sa labi niya.
Iiling iling nalang si Glenda ng tuluyang makalabas ng sasakyan. Pero bago pa siya makapasok sa gate ay nagsalita pa si Rob na ngayon ay nakalabas na pala ng sasakyan.
"Susunduin kita mamaya, so better be ready!". Aniya kapagkuwan at sumakay na sa sasakyan nito at umalis.
******
Habang naglalakad si Glenda papaunta sa classroom ay biglang sumulpot si Ms. Kastilyan.
"Ms. Montaner, si Mr. Echeverry ba yung nakita kong naghatid sayo?". Bungad nito sa kanya.
"Ah..eh..oo...nag magandang loob lang siya na isakay ako!" Pagdadahilan ni Glenda dito para hindi na humaba pa ang usapan at maging issue pa.
"Alam mo Ms. Montaner bagay kayo ni Mr. Echeverry!" Sabi pa nito sabay ngiti an animoy sinisilihan sa kilig.
Hindi nalang niya pinansin ang sinabi nito at pumasok na sa kanyang room.
As usual abala naman si Glenda buong maghapon. Naglalakad na siya papuntang gate na may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay ang lalaking naghatid pala ito sa kanya minsan.
"Oh hi Philip, anong ginagawa mo rito?". Tanong ni Glenda sa binata na sinabayan siya sa paglakad.
"Eto, inaabangan ka!". Mabilis na turan ng binata sa kanya.
At bago paman siya makapagsalita ulit ay may mga kamay na humablot sa kanya. At laking gulat niya ng makita ang nanlilisik na mata ni Rob.
"What are you doing here Navarro? And don't ever talk to my woman, again!". Biglang sambit ng binata sa kaibigan sabay hiklas sa kamay nito sa dalaga at hinila ang dalaga papunta sa kanya.
Muntik ng mapasubsob na naman ang dalaga mabuti na lang mabilis ang ginawang pagkapit niya sa damit ng binata.
"Magkakilala kayo?" Di makapaniwalang tanong ng dalaga sa dalawa.
"Yeah!". Si Philip na ang nagsalita.
"Come on! Get inside now!". Matigas parin na sabi ng binata sa dalaga. At tinapunan niya ng matalim na tingin ang kaibigan.
Biglang naalarma si Glenda ng hinila na siya papasok sa loob ng binata. Walang nagawa ang dalaga.
"Pasensiya na Philip!". Tanging nasambit nalang ng dalaga sa binata bago tumuyang sumakay. Napatango nalang din si Philip at kumaway.
"Ingat bro!" Kapagkuway kinakawayan parin niya ang papaalis na sasakyan.
Habang nasa sasakyan ay biglang hinarap ni Glenda ang binata.
"Ano bang problema mo? Bakit ganon nalang ang inasta mo doon sa kaibigan mo wala namang ginagawa yung tao?". Naiinis na turan niya sa lalaking nakabusangos parin ang mukha.
Animo kakain ng tao ng wala sa oras sa itsura nito ngayon. Ilang buntong hininga din ang pinakawalan nito bago nagsalita.
"Stay away from that ashole!". Madiin na pahayag ng binata.
"Rob!" Inis na tawag nito sa kanya.
"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka sa kaibigan mo? Wala namang ginawa sayo yung tao ah!". Turan niya sa binata na naiinis narin sa inasal nito.
"Just follow what I said! And no one could take away what's mine. What's mine is mine...and you are mine, Glenda! Mine..Dammit!!.!!" Galit paring sabi ng lalaking tutok sa pagmamaneho.
"I can kill my friend pag ako ang kinalaban!". Maya maya pa'y sunod na sabi nito.
"Stop the car at bababa ako!" Sigaw ni Glenda sa kanya.
Hindi siya pinakinggan ng lalaki bagkos ay pinaharurot nito ang sasakyan. Maya maya pa ay iba na ang tinatahak nilang daan.
"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa amin Rob!". Nalilitong turannng dalaga.
Hindi parin umiimik ang lalaki sa kanya at hindi parin nababawasan ang ekspresyon ng mukha nito. Para parin itong tigre sa bangis na animo anumang oras ay sasakmal.
Umabot ng kalahating oras din ang byahe. At huminto ang sasakyan sa isang napakalaking bahay. Pinagbuksan siya ng pinto ng binata.
Pagkasara na pagkasara ng binata ng punto ng sasakyan ay saka naman rumagasa ang malakas na ulan. Bigla silang napatakbo sa kabahayan.
Pagkapasok na pagkapasok nila s aloob ay walang sabi sabing siniil siya ng mapagparusang halik ng binata.
________________________________________