Chereads / I Claim You MINE / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Abala si Rob sa kanyang opisina ng biglang narinig niyang bumukas ang pinto. Hindi na siya nag abalang mag angat ng tingin sa pag aakalang si Philip ito. Laking gulat nalang niya ng biglang nalang kumandong sa kanya si Athena at sabay pulupot ng mga kamay nito sa kanyang leeg.

"Rob, labas naman tayo...maghapon kana lang dito opisina mo!. Hindi kaba naboboro dito?" Pangungumbinsi ng dalaga sa kanya.

Tinapunan muna niya ito ng tingin pagkatapos ay iniangat ang kanya telepono at may tinawagan.

"Ms. Esteban...if someone looks for me call me immediately,alright? I'll just go outside for sometime!". Iyon lang at binaba na niya ang telepono.

Sabay silang lumabas ni Athena at nakalingkit pa ang dalaga na animo sawa kung makakapit. Bigla nalang napa ismid ang sekretarya ni Rob na si Ms. Esteban ng lumabas sila ng pintuan.

Nag aya si papuntang mall dahil may bibilhin daw itong importante. Pagkatapos noon ay kakain sila sa restaurant. Pasado alas sinko narin ng hapon at wala din meryenda kanina si Rob kaya nakaramdam din siya ng gutom kapagkuwan.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat mismo ng ROEC Building na isa paring pag aari niya. Pinagbukas pa niya ng pinto si Athena. At sabay na pumasok sa loob.

*******

Dali daling nag ayos si Glenda ng kanyang mga gamit ng makita niya kung anong oras na. Its already 5 in the afternoon. As usuall hindi niya namalayan ang oras dahil sa busy na naman siya sa mga paper works.

Biglang napasagi sa isip niya ang binata. Mahigit isang linggo narin itong hindi nagpakita at nag message sa kanya. Siguro nakalimutan narin nito siya. Sa isip na lamang ng dalaga.

Naglakad lakad siya ng wala ng masyadong dumadaan na taxi banda doon. Kaya pinagpasyahan nalang muna niyang maglakad lakad total hindi pa naman masyado madilim.

Sa pagtingin niya sa kabilang kalsada ay nakita niya ang pamilyar na mukha na ilang araw din laman ng isip niya. May kasama itong maganda, matangkad at seksing babae.

"Kaya pala hindi na nagparamdam dahil may babae na pala!". Ewan niya pero biglang nakaramdam siya ng sakit.

Mabilis niya iniwas ang tingin ng mapansing inalalayan niya ang naturang dalaga at iginiya papunta sa loob ng mall. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad ng may lungkot na nararamdaman sa kaibuturang ng kanyang puso.

Maya maya pa ay may sasakyan na tumigil sa tapat niya. At iniluwa noom ang sakay.

"Miss!!! Sakay na  hatid na kita! Baka kung mapano kapa sa daan...papadilim na ang kalangitan at mukhang uulan pa naman." Alok ng lalaki sa kanya. Matangkad ito na may medyo singkit na mga mata at makapal ang mga kilay at may manipis na mga labi.

Bigla siyang napayuko sa pag iinspeksiyon niya sa naturang lalaki. Ilang sandali din siyang nakatayo roon at nag aalangan kung sasakay ba o hindi. Natatakot siya na baka kung ano ang mangyari sa kanya kasama ng lalaking yun.

Natigil lang siya sa pag iisip ng kung ano ano ay muling na naman niyang narinig ang boses ng lalaki.

"Don't worry, hindi ako masamang tao!". Biglang turan ng lalaki. Nabasa siguro niya ang nasa isip ng dalaga.

Napayuko naman siya ulit sa sinabi nito. Iniisip din niya na kung hindi pa siya makakasakay ngayon ay baka abutan siya ng ulan sa kalsada. Bigla nalang siyang pumunta sa kabilang pintuan ng sasakyan at pumasok na naturang sasakyan. Pagkaupo niya ay inilahad ng lalaki ang kanang kamay.

"Ako nga pala si Philip!" Pagpapakilala ng lalaki sa kanya.

"Glenda!". Sagot naman ng dalaga sabay lahat din ng kamay at nakipagkamay siya sa binata.

"So, matanong ko! Saan ka pala galing Glenda at naabutan kana ng ganitong oras?". Baling ng binata sa kanya.

"Sa RJE University kasi ako nagtatrabaho, at hindi ko na namalayan na hapon na pala dahil sa daming trabaho sa school!". Paliwanag niya sa binata. Napatango nalang ito at itinutok ulit ang paningin sa daan.

Hanggang sa makarating sila ng kanilang bahay ay hindi na muli pang nagsalita si Philip. Inihinto muna nito ang sasakyan at pinagbulsan siya ng pinto.

"Salamat sa paghatid  Philip!". Pagpapasalamat ng dalaga.

"Walang anuman yon, siya sige una na ako. May pupuntahan pa kasi ako! Bye Ms. Glenda." Paalam nito sa kanya.

Nang makaalis ang binata ay agad din siyang pumasok sa bahay.

Ilang sandali lang ng marinig niyang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pasalamat siya at nakisakay siya kay Philip. Pagnagkataon ay hindi niya alam siguro kung ano ang itsura niya sa labas habang basa ng ulan. Naabutan niya ang kanyang mama at papa na nanunuod ng balita.

"Mano po!".agad niyang mano sa mga magulang. At mabilis din umakyat sa kabyang kwarto.

Naisip na naman niya ang nakita niya kanina sa labas ng mall. Nasasaktan siya sa isiping may kasamang babae ang binatang naging laman ng kanyang isip. Bakit ganon ang naramdaman niya.

Posible kayang nahuhulog na siya sa binata? Sa isiping iyon ay napaupo siya. Hindi dapat niya maramdaman ang ganon sapagkat wala naman silang relasyon ng binata.

*******

Pagkatapos kumain nila Rob at Athena sa mall ay hinatid din niya ang dalaga sa condo nito at siya naman ay bumalik sa kompanya para ayusin ang iba niyang dapat ayusin. Natapos na niya sana ang mga dapat gawin ngayong araw na ito kung hindi pumunta si Athena. Kahit nga pagkita sa dalagang namimiss na niya ay hindi niya magawa gawa dahil sa tambak ang mga papel na dapat niyang pirmahan.

Biglang nag ring ang kanyang phone. Si  Philip iyon.

"Philip am busy right now!". Bungad na sabi agad niya sa kaibigan at alam naman niya na mangunguliy na naman ito. At kung anuman iyon ay alam niyang kalukuhan na naman.

"Hey, bro chill ka lang, masyadong highblood kana naman niyan!". Natatawang sabi ng kaibigan sa kabilang linya.

"Bakit kaba napatawag? Dalian mo sabihin mo na at marami pa akong gagawin!". Naiiritang sabi niya rito.

"Magpapa alam lang sana ako sayo kung pwede pumunta sa RJE University, total pag aari mo naman yun eh.! Kung okay lang naman!". Tila excited na sabi nito sa kanya.

"Ano namang gagawin mo roon, at malamang babae na naman yan!". Panghuhuli pa nito sa kaibigan. Bihlang natawa ang nasa kabilang linya.

"Hahanapin ko lang yung babaeng nakilala ko kanina eh, sana! Doon pala yun nagtuturo sa Unibersidad na pag aari mo pre!. Ang ganda pa naman niya!". Masayang sabi sa kanya ng kaibigan.

May naramdaman siyang tila hindi maganda. Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib.

"Hindi pwede....!!!!". Biglang sabi niya sa kausap at hindi agad ito makapagsalita sa biglang pagtaas ng kanyang boses.

Pati rin siya ay nagulat sa kanyang inasal. Pakiwari ba niya ay may hindi maganda sa mga nangyayari. Agad niyang pinatay ang tawag. Mayamaya pa ay nag ayos narin siya at akmang aalis na sana siya ng biglang sumagi sa isip niya ang dalaga.

How much he missed her now. Mabilis siyang nakalabas ng building at sumakay sa sasakyan. Huminto siya sa bahay ng dalaga na matagal na niyang hindi nakikita.

********

Buti naman huminto narin ang ulan. Pagkaligo ay nag ayos na si Glenda para matulog. Nakasuot lang siya ng manipis na pantulog na lagpas hita. Hindi naman masyadong revealing pero makikita paring ang hugis ng kanyang katawan at bagay lang sa kanyang mamula mulang balat.

Akmang sasampa na siya sa kama ng biglang tumunog ang kanyang phone. Unknown number na naman.

"I'm here outside...can you come for a bit.?" Yun ang laman ng mensahe.

Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Ito din yung number na nagmessage sa kanya dati. At alam niyang sa binata yun na laging nasa isip niya.

_______________________________________