Lumapad na ang eroplanong lulan ni Glenda. Sa wakas pagkatapos ng dalawang taon ay nakabalik na ulit siya sa kanyang lupabg sinilangan. Hindi mapagkit sa kanyang mukha ang mga ngiting kaytagal na niyang nakalimutan.
Habang inaantay niya ang kanyang mga bagahe na lumabas ay bigla siyang nakaramdam ng medyo pagkahilo. Siguto dahilan sa walang tulog sa biyahe. Sige lang siya sa panunuod ng mga movie sa siyam na oras na biyahe from Dubai International Airport to Ninoy International Airport.
Hindi rin siya halos nakakakain ng matino kapag nagtatravel siya. Ewan ba niya pero yon lagi ang nararanasan niya. Ni ayaw niyang kumain...puro tubig lang ang iniinum niya at panay ihi pa man din siya kapag ganon.
Sa wakas ay nakuha narin niya lahat ang kanyang mga bagahe. Pero ang hilong nararamdaman niya kanina ay parang lumala. Papikit pikit na siyang naglalakad papuntang exit. Nagdadalawa na paningin niya sa dinadaanan.
"Diyos ko! Not now please!". Tanging usal ng dalaga sa sarili habang unti unting pinipikit ang mata, at kapag kuwan ay nagpalinga linga muna sandali para makahanap ng pwesto na pwede niyang upuan at makapag pahinga.
Saktong malapit na sana siya sa bakanteng upuan ng maramdaman na naman niya ang pagkahilo at ngayon ay hindi na niya nakayanan at tuluyan ng babagsak sa sahig. Hinintay na lamang niya ang kanyang pagbagsak ng sa hindi mawaring pangyayari ay may mga bisig ang biglaang sumalo sa kanya.
"Ooops! Careful!". Anang baritonong boses na biglang sumalo sa kanya.
Titingala na sana siya para tingnan kung sino ang may mabuting kalooban na iyon ng unti unting nagdilim ang kanyang paningin. Hanggang sa igupo na siya ng kadiliman.
*******
Hindi makapaniwala si Rob na ngayon ay nakita ulit niya ang babaeng naging laman bigla ng isip niya simula pa nong nasa Dubai siya. Hindi niya maintindihan pero ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya ang ganito.
Ilang gabi ding laman ng babaeng nasa kama niya ngayon ang kanyang isip. Simula ng mabangga niya ito hanggang sa kanyang mapangahas na halik. Aminin man niya pero unti unti na siyang nakaramdam ng kakaiba para sa babaeng ito.
Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama na malapit sa natutylog na babae. Hindi niya makontrol sa sarili ang huwag itong haplusin sa pisngi.
"I have found you again, sweetheart!". Tanging usal ng binata habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na babae.
Mabuti nalang kanina agad niyang nakita ang babaeng ito na sa tingin nga niya ay bigla itong babagsak ano mang oras. Kaya dadali siyang naglakad papalit dito.
*******
Naalimpungatan si Glenda sa sikat ng araw na tumatama sa kanya. Pinapakiramdaman muna niya ang sarili bago niya iminulat ang kanyang mga mata.
Pero pagmulat niya, isang hindi pamilyar na kwarto ang nabungaran niya. Alam niyang panlalaking kwaeto iyon basi narin sa paint ng wall na kulay gray and white.
Bigla siyang nakaramdan ng kaba. Cheneck muna niya ang kanyang sarili at laging gulat niya ng isang malaking polo ng lalaki ang kanyang suot doon. Wala siyang bra. Pilit niyang inaalala kung nasaan ba siya at ano ang nangyari. Ang naalala lang niya ay bigla siyang nahilo ng matindi.
Nagpalingainga siya sa paligid, hinanap ang kanyang mga bagahe pero hindi niya ito nakita. Sakto namang bumulas ang pinto ng kwarto at iniluwa niya ang malaking bulto ng lalaki.
"Good that you're awake!". Anang baritonong boses. Na unti unting naglakad papunta sa higaan malapit sa dalaga.
"I..i.iika..www? Bakit ka nandito? Anong ginawa mo sakin gunggong ka?". Nauutal na sabi ng dalaga sa taong kadarating lang.
"Sagutin mo ang tanong ko? Anong ginawi mo sakin?". Hindi parin magkamayaw na sabi ni Glenda sa lalaki. Sabay tatayo na sana ng biglang daganan siya ng lalaki.
Ga hibla nalang ang layo ng mga mukha nila. At dahil doon, bigla siya napatahimik.
"Is that how you repay ne after saving you from yesterday?". Bulong ni Rob sa dalaga na hindi manlang lumalayo ang distansiya sa dalaga. Bigla siyang napalunok ng mapadako ang mga mata niya sa mga malalambot na labi ng dalaga na minsan na niyang nahalikan ng mapangahas.
"Bakit ganito ang suot ko,huh? Asan ang mga damit ko? Ang mga bagahe ko?". Hindi parin mapigil na tungahaw ng dalaga at akmang sasampalin ang binata ng biglang sinalo nito ang kamay niyang dadapo sana sa pisngi ng binata.
"Hmmmm...uuhhhhmm...". Tanging nasambit nalang ng dalaga ng walang ano ano'y sinakop ng binata ang kanyang mga labi.
Tudo ang palo ng dalaga sa likod ng binata at pinipilit na kumawala sa pagkakahalik nito pero sadyang malakas ang lalaki at hindi siya tinigilan. Biglang nanghina ang dalaga sa kakabayo. At nararamdaman na lamang niya na unti unting naging banayad ang halik nito sa kanya. Awtomatiko namang biglang napakapit ang mga kamay niya sa leeg nito.
Nadadala na sana siya sa kabaliwan nito ng biglang huminto ang lalaki sa paghalik.
"Your lips taste so sweet, sweetheart!". Bulong ng binata sa may punong tenga niya na sabay tayo nito mula sa pagkakaupo sa kama.
Biglang pinamulahanan ng mukha si Glenda.
"Get up! And hurry downstairs, we'll be having breakast! Don't make me wait for too long!". Huling sabi ng binata sa dalaga bago tuluyang umalis at sinarado ang pinto.
Naiwang nakatulala ang dalaga at hindi niya maintindihan ang mga nangyayari sa kanya. Naiinis siya sa binata. Namumuro na siya sa kakahalik dito.
"Tsssk!!! Bahala siya sa buhay niya! Mag antay kang mag isa mo!". Piping sambit ng dalaga sa sarili at dahan dahang bumangon sa kama at nagpunta sa banya.
Napamangha si Glenda sa laki ng banya. Para na itong kwarto niya sa Dubai sa sobrang laki. In fairness, ang linis linis ng banya at alam mo talaga na pangmayaman lang ang mga nakaka afford sa mga ganito. Dahan dahan lang siya sa pagkilos at mas lalo niyang iinisin ang binata.
Paglabas ni Glenda sa banya ay bumulaga sa kanya ang matatalim na mga mata ng binata. Inirapan niya ito at lalagpasan na sana niya ito ng mapasigaw siya sa ginawa nito.
"Aayyy! ". Gulat na sigaw ng dalaga
"You make me wait for too long sweetheart!". Sabi ng binata ng bigla niya itong binuhat patalikod na parang isang sakong bigas.
"Ano ba? Ibaba mo nga ako?". Reklamo ng dalaga habang pinapalo ang likod ng binata.
"Not now, sweetheart! Masyado mo akong pinag antay sa hapagkainan.!". Sabi ng binata habang naglalakad na sa stairs.
Bigla namang napakapit ang dalaga sa laylayan ng polo nito para hindi mahulog.
Pasalampak siyang pinaupo nito sa kabilang upuan at dahil sa hindi niya napaghandaan iyon ay tumaas ang laylayan ng polo na suot niya lang. At dahil doon, kitang kita ng binata ang mapuputi niyang mga hita kasama ang itim na underwear nito.
"Eat!". Biglang sabi ng binata sabay lunok at binalikan ang pinggan niya sabay subo ng pagkain.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang sinabi ng lalaki. Habang kumakain, ay panay ang sulyap niya sa lalaki na tahimik na kumakain. Sa isip niya, napaka amo ng mukha nito kapag habang kumakain.
Pero bigla ding nawala ang isiping iyo at napalitan ng pagkainis ang mukha ng dalaga dahil sa mga mapangahas na mga halik ng binata na binibigay sa kanya.
"Ang lakas talaga manghalik ng hinayupak na ito. Feeling close? Nakakarami na siya huh! Humanda ka sakin may araw karin!". Sabi ni Glenda sa isip sabay irap sa gawi ng binata at pinagpatuloy ang pagkain.
_______________________________________