Lunes...
Agad na bumaba si Glenda sa taxing sinasakyan. Hindi magkamayaw dahil sa mga dalang gamit sa school. First day pa naman ng school ngayon. At balita niya ngayon daw sila eh wewelcome ng may ari ng naturang Unibersidad.
Dali daling pumasok sa gate si Glenda at bumati muna sa gwardyang nakabantay sa may gate. Maya maya pa ay may nahagip ng mata niya na papalabas ng isang magarang sasakyan. Hindi niya sigurado pero biglang tumambol ng kaba ang dibdib niya. Hindi niya masyadong naaaninag ang itsura ng lalaki, pero kinakabahan siya.
Agad siyang nagpunta sa Dean's office para makausap ang Dean at malaman narin ang mga teaching loads niya. Kumatok siya ng tatlong beses.
"Come in!". Sabi ng tinig sa loob. Dahan dahang pumasok si Glenda at agad isinara ang pinto.
"Good morning Ma'am". Bati ng dalaga sa Dean na si Mrs. Santos.
"Have a seat Ms. Montaner!". Alok ni Mrs. Santos sa dalaga.
Agad naman siyang umupo sa bakanteng upuan. Maya maya pa ay may binigay sa kanyang papel.
" Ito ang mga teaching loads mo Ms. Montaner!. And I hope na mag eenjoy ka sa pagtuturo sa Unibersidad na ito. Basi sa resume na pinasa mo ay kagagaling mo palang sa ibang bansa, right?". Tanong ng Dean kay Glenda.
"Yes Ma'am!". Agad na sagot ng dalaga.
"Hanga ako sa mga credintials mo iha, at looking forward ako sa mga maituturo mo dito sa mga studyante". Yun lang at kinamayan siya ng Dean.
Hindi narin siya nagtagal at pumunta na siya sa kanyang designated room. Maya maya pa'y dumating si Ms. Kastilyan para sabihin sa kanya na mag uumpisa na daw ang program para sa gagawing pag welcome sa mga bagong guro ng taon.
Inayos muna niya ang gamit na dala dala at dali dali ng nagpunta sa gymnaturium. Doon kasi gaganapin ang pag welcome sa kanila. Sumabay narin siya kay Ms. Kastilyan sa pagpunta doon dahil hindi pa niya masyado alam ang pasikot sikot dito.
Nang makapasok na sila sa gymnaturium ay agad siya pumwesto sa bakanteng upuan malapit likod. Magkatabi parin sila ni Ms. Kastilyan. Baguhan din an guro si Ms. Kastilyan dito pero hindi kagaya niya...alam na ni Ms. Kastilyan ang pasikot sikot dito dahil dati narin itong nagtatrabaho dito as a faculty assistant bago paman siya makahanap ng vacancy at ngayon nga ang swerte din nito kasama siya dahil sa wakas ay makakapagturo narin ito.
"Good morning ladies and gentlemen.....". Rinig niyang boses ng nasa stage at alam niyang hudyat na para mag umpisa ang naturang programa.
"Ngayon ay ang araw ng pagwewelcome sa mga bagong guro ng taong ito. At makakasama pa natin mismo ang may ari ng Unibersidad na ito na siya mismong magwewelcome sa mga bagong guro. At makikilala narin natin mismo ang misteryosong may ari ng skwelahang ito. Please welcome Mr. Robert James Echeverry....!!". Tawag ng host at sabay na nagpalakpakan ang lahat.
Maya maya pa'y may isang matangkad na lalaki ang naglakad papunta sa stage. Lahat ay nagbulungan...at nagpalakpakan.
"Wow! Ang gwapo niya..". Sabi ng gurong nasa tabi lang ni Glenda sa upuan.
"Ang hot naman ng may ari ng skwelahang ito at ang bata pa. Hindi mo maimagine na sa batang edad ay bilyonaryo na pala!". Rinig pang sabi ng isang matabang babae na sa di kalayuan ang upuan kay Glenda.
Ilang lamang yan sa mga maririnig mong bulungan sa loob ng gymanaturium. Tanging si Glenda lang ang tahimik sa upuan at nagyuko habang pumapalakpak.
Ilang sandali pa ay nag angat siya ng tingin at sakto namang pag angat niya ng tingin ay biglang dumako ang paningin ng lalaking nasa stage sa kanya. Matagal siyang tinitigan nito at wari may gustong sabihin.
Umabot pa ng ilang minuto bago nagsalita ang lalaking nasa stage. At kapagkuway habang nagsasalita ay dumadako ang tingin niya sa dalagang hindi magawang ipako ang mga mata sa lalaking nagsasalita.
Ilang sandali pa ay isa isa ng tinawag ang mga bagong guro para pumunta sa stage at makamayan ng lalaking may ari ng naturang paaralan.
Abot abot ang kaba ni Glenda. At ng dumatingnna sa point na tinawag na ang pangalan niya sa stage ay biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Nanginginig pa siyang naglakad ng dahan dahan paakyat sa stage.
Nang malapit na siya sa naturang lalaki para kamayan ay hindi sinasadyang nasagi niya ang wire ng mikropono. At dahil hindi niya napaghandaan ay alam niyang mapapasubsob siya sa sahig.
Mga singhap at sigaw ang tanging naririnig niya sa baba at sa loob ng gymnaturium. Hinintay niyang lumagapak ang kanyang mukha sa sahig...pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga bisig na naman na sumalo sa kanya at biglang napasubsob sa dibdib nito.
Mas lalo pang nagbulungan at nagsigawan ang mga tao sa loob ng gymnaturium.
"Please careful, sweetheart". Rinig niyang turan ng lalaking sumalo sa kanya at dahil sa sinabi nito ay bigla siyang napatayo bigla.
Hindi siya makapagsalita at kinamayan siya ng lalaki. Aalis na sana siya ng biglang pasimpleng bumulong sa kanya ang lalaki.
"Wait for me later, we need to talk". Huling turan ng binata bago siya tuluyang bumaba sa stage.
Abot abot ang hiyang naramdaman ni Glenda sa sarili. Unang araw palang niya sa school ay sobra sobra na nag hiyang inabot niya.
"Bwesit na lalaki na yon!". Tanging naisatinig nalang niya pagkatapos.
Pero nagpapasalamat parin siya dahil dito ay hindi siya tuluyang nangudngod sa sahig kundi ay baka kung saan na pulutin ang mukha niya kapag kuwan.
Agad ding natapos ang naturang programa. Agad siyang bumalik sa kanyang room pagkatapos at sinimulang ang kanyang trabaho.
Habang abala si ginagawa ay dumating si Ms. Kastilyan. At naka smile sa kanya.
"Oy! Ms. Montaner! Ang swerte mo naman. Si Mr. Echeverry pa ang sumalo sayo!". Sabi ni Ms. Kastilyan na kinikilig.
At dahil sa tagpong iyon...ay bigla siyang nahiya na naman. Hindi nalang siya kumibo dahil baka humaba pa ang usapan. Hindi narin nagtagal doon si Ms. Kastilyan sa room niya at bumalik narin ito sa sariling room. Maya maya pa ay dumating na ang mga studyante niya sa oras na iyon.
Nag umpisa na siyang magklase. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtuturo ng biglang dumako ang mga mata ng kanyang mga studyante sa labas ng pintuan. At ganoon nalang ang gulat niya ng nakatayo na pala doon si Mr. Echeverry.
"Good morning Mr. Echeverry!". Sabay sabay na bati ng mga studyante.
"Good morning all". Ganting bati din ng binata sa mga ito sabay baling sa gawi ng dalaga.
"Ahmm. Ms. Montaner! Can I talk to you for a minute?". Tawag ni Rob sa dalaga sabay labas ng pinto.
Bigla namang napasunod si Glenda dito. Hindi pa niya lubusang naisasara ang pinto ng room ng...
"Uhhhhmmmm....Mr. Echeverry!". Napasinghap ang dalaga ng bigla nalang siyang sunggaban ng halik ng binata, at pilit na nilalayo ang sarili sa pagkakayakap.
"I miss you sweetheart!". Imbes na kumalas ang lalakibay yon ang naisatinig niya. Hindi parin humiwalay ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya.
"Mr. Echeverry...S..i..r.rr!"..pagpupumiglas niya sa mga yakap ng binata.
"Its Rob sweetheart...Rob!". Pagtatama nito sa kanya.
" I will wait for you later!". Yun lang at kusa na siya nitong nilayo sa pagkakayakap sa kanya.
Kanina pa nakaalis ang binata pero naiwan paring natutulala ang dalaga. At nang makabalik sa realidad ay saka palang siya pumasok sa loob at pinagpatuloy ang pagtuturo.
_______________________________________