Matapos kumain ay nagpasya ng umakyat si Glenda sa kwarto. Kailangan na niyang umalis dito agad kay aayusin pa niya ang pagsisimula ng klase sa bagong papasukan niya. Pasalamat nalang siya ay ngaýon ay sabado. May time pa siya para sa linggo. Dahil pagka lunes na lunes ay mag uumpisa na siya.
Habang nakatingin sa labas ng veranda ay naramdaman niyang may pumasok. Hindi man niya lingunin ay alam niya kung sino yon.
Naramdaman niyang tumabi ang binata sa kanya at bumuntong hininga.
"Nasaan nga pala ang mga bagahe ko?". Tanong ng dalaga na hindi lumilingon sa lalaki.
"Why?". Imbis na sumagot ay tanong din ng binata.
" Why? At nangtanong kapa, syempre aalis na ako dito dahil marami pa akong aasikasuhin sa papasukan kong trabaho, ano?". Naiiritang turan na naman ng dalaga. Akmang tatalikuran ang lalaki ng bigla siya nitong hawakan sa braso.
"Don't worry! Ipapahatid kita sa driver". Yun lang at sabay labas ng binata sa kanayang kwarto. Wapang ekspresyon ang makikita sa mga mata nito.
*******
Nakauwi narin si Glenda sa bahay nila. At laking tuwa ng mga magulang at kapatid niya pagkakita sa kanya.
"Anak, hindi ka manlang nagpasabi sa amin na uuwi kana pala. Di sana'y nasundo ka namin sa airport!". Nag aalalang sabi ng kanyang pinakamamahal na ina.
Dali dali niyang niyakap ang mga ito.
"Surprise kasi yun ma!". Tanging nasabi nalang niya na nangingiti.
"Sus! Pasurprise surprise kapa, eh alam mo naman kung gaano ka namin kamiss dito. At masaya kami na napag desisyunan mo narin ang umuwi!." Anang kanyang ina.
"Hala sige, kumain muna tayo at ng makapag pahinga ka muna. Alam naming pagod kapa sa biyahe!". Sambit ng kanyang ama at iginiya sila papuntang kusina.
Ang kanyang kapatid na si Shane ay dali daling kinuha ang kanyang mga bagahe at ipinasok sa loob.
Tinulungan narin niya ang kanyang ina sa paghahanda ng pagkain at sabay sabay silang kumain. Habang kumakain ay puro kwentuhan sila. Pagkatapos kumain ay naupo muna sila sa sala at nanuod ng tv.
Maya maya pa ay nakaramdam na siya ng antok. Panay hikab na niya. Nagpaalam narin siya sa kanila na mauuna na.
Hay, sa wakas andito narin siya sa kanyang pinakamamahal na kwarto. Sobrang namiss narin niya ito. Pasalampak nahiga sa kama. Bukas na bukas din ay aayusin na niya ang kanyang mga gamit.
Nakatingala siya sa kisame. At biglang sumagi sa isip niya ang binata. Kahit pala may pagka suplado ito ay mabait din pala ang mukong. Nasabi nalang niya sa sarili.
Pasalamat parin siya at hinatid siya ng driver nito sa sakayan ng taxi. Nagpumilit pa sana ang driver na ihatid nalang siya deretso sa kanila pero siya ang nagpumilit na ayaw niya. Kasi nahihiya siya at sobra sobra na kung pati ang driver eh aabalahin siya.
Sa wakas ay pumayag din ang driver ng binata na ihatid nalang siya sa sakayan ng mga taxi.
*******
Nasa bar si Rob ngayon kasama si Philip. Nandito sila sa bar na pag aari ng kaibigan. Nasa loob na ang kaibigan ng dumating siya.
"Wazzz up bro! Long time no see!". Bati ng kaibigan sabay tapik sa kanyang balikat.
Binigyan siya nito ng isang basong beer at naupo sila sa counter. Andaming tao lagi sa bar na ito na pag mamay ari nitong kaibigan niya. Ewan ba niya kahit may mga business narin ito ay hindi parin nagbitaw sa kanyang pagiging right hand sa kanya. Kanya hindi mo maimagine na isa din itong billionaire.
"So, how was eveeything here, especially the company?". Pangungumusta niya sa kompanya.
"Everything is in good place, man!". Tanging nasabi ng kaibigan sabay lagok ng beer.
Napalingon si Rob sa mga kamay na humawak sa kanya. Its Athena.
"Hi! Rob!" bati ni Athena sabay biglang halik sa kanyang mga labi.
Nagulat si Rob sa inasta ng dalaga. Pero hindi narin umimik.
"Wanna have some?". Alok ni Rob sa dalaga at sumenyas sa bartender na isa pa.
Umupo si Athena sa katabi ni Rob.
"So, how are you?". Paunang tanong ng binata sa dalaga, habang inaabot ang kanyang inumin.
"Ito busy parin sa modeling career!.". Ani Athena sa binata at dahan dahang lumapit sa binata.
At akmang hahalikan niya ang binata ng biglang inalayo ng binata ang mukha at bumaling sa dancefloor.
Marami ng nagsasayawan sa dancefloor at inaya siyang sumayaw ni Athena.
"C'mon! Let's dance Rob?". Aya nito sa kanya. Pero tumanggi siya.
Hindi narin siya napilit ng dalaga at nagpunta na ito sa dancefloor. Si Philip naman ay nawala nalang bigla. Baka busy na naman yun sa ibang bagay.
Kaya ang nangyari ay mag isa nalang siyang nagmamasid sa mga naroon. Nakailang baso din siya ng beer at parang natamaan na din siya kaya nagpasya narin siyang lisanin ang naturang bar. Nagpadala nalang siya ng message sa kaibigan na umalis na siya.
Habang nasa daan ay naalala na naman niya ang dalaga. He missed her suddenly. Good thing ay nalaman niya ang complete name nito ng hindi sinasadyang makita niya ang passport nito ng muntikan ng matumba sa airport noon.
Ipinilig niya ang ulo at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Balik trabaho na naman siya sa sariling kompanya sa susunod na araw.
Pagdating sa bahay niya, ay agad siyang nagshower. Inayos muna niya ang mg papeles na dapat niyang pirmaan bukas na pinadala kanina ni Philip sa kanya. Sa bahay nalang kasi daw niya pirmahan ang mga ito.
Sa lunes nga din pala ay pupunta siya sa isang Unibersidad na pag aari niya para eh welcome ang mga bagong mga mapalad na mga guro na natanggap ngayong taon na ito.
Igugugol nalang niya ang oras niya bukas sa mga pipirmahan niyang mga papeles sa opisina at sa iba pang mga kailangan gawin para sa lunes.
Matapos ang kalahating oras na pag aayos ay napagpasyahan narin niyang bumalik sa kwarto at matulog na.
*****
Nagising sa Rob na medyo masakit nag ulo. Kumuha siya ng gamot sa drawer niya at ininum yun. Mamaya ay babalik na dito sa bahay ang katulong na pinagbakasyon muna niya ng isang linggo sa kanilang probinsiya na si Nanay Rosa.
Nagtimpla siya ng kape at pumunta sa labas ng bahay malapit sa pool. Doon niya pipirmahan lahat ang mga papeles na hawak niya.
Nang maalala niya, kailangan pala niya malaman kung ilan katao ang mga eh wewelcome na guro sa RJE University sa lunes.
"Phil! Pwede mo bang eh forward sakin kung ilang ang mga bagong guro na eh welcome sa RJE University sa lunes?". Tawag niya sa kaibigan.
"Alright bro, just a minute!". Sabi sa kabilang linya.
"Kindly send me over the list of their names too, alright?". Pahabol pa niyang sabi sa kaibigan.
"Got you bro!". Iyon lang at ibinaba na ang tawag sa kabilang linya.
Naiwang abala na naman si Rob sa mga pipirmahan at maya maya lang ay narecieve na niya ang mga pangalan ng mga bagong guro. At gayon na lamang ang gulat niya na.may halong saya ng makita ang pangalan na nakatatak na sa utak niya.
"Now, I know...hindi na ako mahihirapang hanapin kapa kung sakali". Nangingiting sambit ng binata sabay tingin parin sa pangalang nasa listahan.
______________________________________