Chereads / I Claim You MINE / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Rob! Ikaw ba yan? Salamat naman at naisipan mo narin kami bisitahin ng dad mo. Alam mo bang namimiss kana namin bata ka?". Pagtatampo ng ina ni Rob sa kanya sabay yakap at halik sa noo nito.

"Mom! Sorry na po marami lang talaga akong inaasikaso sa negosyo at mas lalo pa nadadagdagan sa ngayon ang mga investors ko". Paliwanag dito ng binata para pakalmahin ang sariling ina na ngayon ay halatang sobrang namimiss ang binata.

"Oh! Dumating kana pala anak?". Bungad sa kanya ng kanyang daddy na hindi niya namalayan na nasa likuran niya na pala ito. Galing kasi ito sa labas sa pagjojogging para ma maintain ang lakas dahil tumatanda na.

"Yes dad!". Sagot ng binata sabay mano dito.

Inaya niya ang mga magulang na pumasok ng bahay. Pinaghandaan agad siya ng kanyang mommy ng makakain. Tamang tama ang niluto pa naman nito ay ang paborito niyang sinigang na baboy.

Habang kumakain ay biglang singit ng kanyang ina.

"Anak, kelan kaba lalagay sa tahimik? Wala ka pang pinapakilala sa amin na babae?". Pag papaalala ng kanyang ina sa binata.

"Mom! Wag po kayo mag alala, darating po tayo dun. Kapag nakita ko na po siya ay agad agad ko po siyang ipapakilala sa inyo". Mahabang turan ng binata at biglang naalala ang babaeng nakabanggaan at ang hinalikan niya ng mapangahas.

Hindi niya namalayan na, nitong mga nakaraang araw ay laman lagi ng isip niya ang naturang dalaga. Hindi niya mawari na okupado na nito ang halos kalahati ng kanyang pag iisip.

Pagkatapos kumain ay dumiretso agad ang binata sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapad. Agad siyang naghubad at nagtungo sa banyo para maligo. Para presko ang kanyang pagtulog.

Ilang araw lang siya mag stay sa U.S kapiling ang mga magulang dahil kinakailangan na niya ang magbalik agad sa Pilipinas. Sa isipin palang na yon ay hindi na lubos maisip ng binata kung ano ang mga trabahong nag aantay sa kanya doon.

Dahil sa sobrang busy sa pagpapalago ng kanyang sariling negosyo na sa umpisa pa lamang ay dugo at pawis na niya ang puhunan. Although alam naman niya sa maykaya na talaga sila at marami din ang mga negosyong hinahawakan ng daddy niya. Pero ni isa doon ay wala siya hiniling. Nag umpisa siyang magtayo ng negosyo sa sariling kayod mismo para patunayan sa lahat lalo na sa kanyang sarili na hindi niya kailangan ang tulong ng mga magulang kahit na nga ba noon pa man ay sa kanya na dapat pinapahawak ang mga iyon. Bagkos ay pinili niya ang mag umpisa at maging independent.

Pasalamat nalang talaga siya at nadyan lagi ang kaniyang kanang kamay/bestfriend na si Philip. Siya ang laging naatasan kapag wala siya sa naturang kompanya. Kaya marami na talaga siyang utang sa kaibigan niyang iyo. Pero isa lang naman ang gusto non. Ang eh treat niya ito sa Bar minsan. Kaya ngayong pag uwi niya ay aayain niya iyon na pumunta at mag inuman silang dalawa.

**************

Abala si Glenda sa pag aayos ng kanyang mga gamit para sa formal na pag alis pabalik ng Pilipinas. Ang ibang mga gamit niya sa apartment na may mga sentimental value sa kanya ay pina cargo na niya via airfreight. So, konti nalang ang kanyang dadalhin pauwi kung sakali.

Tiningnan niya ang kabuuhan ng kanyang kwarto. Sa loob ng 2 taon ay ito na ang kanyang pangalawang tirahan. Marami narin siyang mga alaala dito. Kung paano siya naka survive sa banyagang lugar na ito. Pihadong mamimiss niya ang buhay niya dito.

Tinulungan narin siya kanina ng kaibigan niyang si Kate sa pamimili ng mga pasalubong para sa kanyang pamilya. At masaya siya dahil hindi narin magtatagal at uuwi narin ang kaibigan niya sa Pinas pag andoon na siya. At sinabihan ko siya na mag apply din doon sa Unibesidad na pinag applyan ko para hindi narin kami magkakalayo. Kaya titingnan niya pag nakabalik na siya ng Pinas kung meron pabang vacancy para sa kaibigan niya.

Ulilang lubos na si Kate, kaya pag umuwi man ito wala din itong matutuluyan na kamag anak. Pinag aral lang kasi siya ng mga madre at lumaki sa kumbento. Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ito at ng makagraduate ay nakapag pasyang mangibang bansa narin dahil sa kahirapan ngayon.

Papasok pa si Glenda bukas sa school para sa kanyang last day. At pormal na magpapaalam sa kanyang mga katrabaho na tinuring na niyang pamilya sa loob ng dalawang taon. Napag alaman din niya kahapon na may ibibigay daw sa kanya na farewell party kaya dapat talaga na dumalo siya. Lahat ng mga guro at ibang mga staff ang nag organize noon para sa kanya.

Napakalaki ng naging kontribusyon ng dalaga sa naturang paaralan na iyo. Dahil sa kanyang kasipagan ay mas lalong minahal siya ng lahat at pati na mismo ang principal ng skwelahang iyon. Pati mga bata ay napapamahal narin sa kanya.

Hindi lang miminsan na tinuturuan din niya ang mga Arabic, British, Autralian  Canadian, at Indian pupils and students na magsalita ng Tagalog. Nag eenjoy din kasi ang mga bata na matuto ng lengguwahe. Kaya sa edad na 21 ni Glenda na 4"11 ang height ay mapagkakamalan din siyang studyante pa lamang. Kaya hindi nakakapagtaka din na marami siyang mga naging kaibigan na mga studyante na babae sa mga Senior High.

Masyado talagang pinagpasalamat ni Glenda ang lahat sna dumating ang pagkakataon na ito sa kanyang buhay. At pagbalik naman niya sa Pilipinas ay mas lalong pag aayusin niya pa ito. Para sa kanyang kapatid at mga magulang.

_______________________________________