Glenda POV
Maghapon na namang akong abala sa mga gawain dito sa school. Katatapos ko lang echeck ang mga activities ng mga bata. Ako ang pansamantalang nagtuturo ngayon sa kanila kasi on leave si Ms. Heather dahilan sa lumipad itong patungong UK sa kadahilanang nasa ospital ang dad nito. Humingi siya ng 1 week leave at dahil sa licenced teacher naman ako at nagturo narin sa pinas ay ako nalang ang inatasang magturo sa mga bata. So hindi kinakailangan na maghanap pa ng magtuturo.
Kaya ang ending, maghapon akong busy. Mabuti na nga lang at sa kabusyhan ko ay naalala ko parin ang kumain ng tanghalian. Maya maya pa ay nagulat nalang ako sa biglang pagsugod ng kaibigan kong si Kate. Humahangos pa itong nakasandal sa may pintuan.
"Oh! Anong nangyari sayo bakit humahangos ka talaga?". Taka kong takong sa kanya at kita ko pa ang mga namumuong pawis sa kanyang noo. Hindi ko mawari kung bakit ito nagtatatakbo papunta dito.
Naawa naman ako at pinaupo ko agad siya. Binigyan ng maiinom.
"Eh....ka...si...may du..mating na bagong investor daw ng Paaralang ito. Ang balita ko, ay magsususyo daw ang may ari ng private school na ito at ang lalaking dumating ngayon sa Admin para sa ipapatayong Private University na katabi lang din ng paaralang ito. So bali ang kalalabasan daw is, magkakalapit lang ang Private Elementary, Secondary and Tertiary dito.". Turan ng kaibigan kong si Kate kahit alam kong hingal na hingal pa.
"Ganon ba?". Tanging nasambit ko nalang.
"At friend, balita ko ang gwapo daw ng fafa na iyon. Biruin mo bata pa daw Bilyonaryo na sa edad na 29!". Hindi parin makapaniwalang kwento sakin ni Kate.
Ako naman ay tanging tango na lamang ang naisagot. Mabuti naman at magkakalapit lang ang elementary, secondary, and tertiary private school para sa mga maykaya na nag aaral ang mga anak dito ay dito narin sila magtapos ng college. Kumbaga full package na. Hindi ko parin maiwasan ang hindi mapaisip sa misteryosong lalaki na yun na nag invest ng ganoon kalaking pera para sa ipaparayong University. At ang nakakahanga pa is batang batang Bilyonaryo sabi nitong kaibigan ko.
*******
Sa kabilang banda, nandito ngayon si Rob sa isang private school dito sa Dubai na pag aari ng Sheikh. Ngayon kasi niya bibisitahin ang lugar na pagtatayuan ng Unibersidad dito. Nag invest siya ng bilyong halaga para sa ipapatayong pribadong Unibersidad na ito.
Nasa Admin siya ngayon...at sasamahan muna siyang maglibot sa buong campus ng elementary and seconday school. Isang malaking compound kasi ang elementary at secondary na pinagsama lang. Sinimulan nila sa Senior High School, papuntang Middle School, then ang last is yung Primary school. Hindi niya maiwasan ang humanga sa lawak ng paaralang ito. Habang nasa labas ay marami ang mga studyante na nasa senior high ang naglalaro sa labas dahil breaktime nila at malapit ng uwian.
Sa sulok ng kanyang mga mata marami ang mga babaeng studyante ang napapatingin habang dumadaan sila. May mga naririnig pa siyang mga papuri.
"Wow! What a handsome man!". Dinig niyang turan ng isang Australian at Arabic student.
"Who is he? Why he is so handsome? Where is he from? What is he doing here?"... sabay sabay na sabi ng isang British student kaharap ang isa namang Indian student na babae.
Ilan lang yan sa mga naririnig ni Rob habang nililibot nila ang buong compound ng Primary and Secondary.
Then, dumako na sila sa Primary department. Wala na ang mga pupils kasi maaga ang uwian nila kesa sa mga Juniors and Seniors. Habang tumitingin sa mga classrooms si Rob ay biglang nahagilap ng kanyang paningin ang isang babae na nakatalikod sa pinto sa room habang kumukuha ng maiinom sa water despenser sa loob ng classroom. Habang nakatingin sa babaeng nakatalikod ay bigla niyang narinig ang boses ng kasama niyang naglibot na taga Admin.
"Ahm..Mr Echeverry, would you mind me leaving you here because I need to head back to the Admin. Something urgent came up. Will you be okay here alone?". Nag aalalang tanong ng isang staff sa paaralang iyon.
"Yes, I am fine, you can go ahead". Pagbibigay assurance ko sa kanya.
Pagkatapos niyang kausapin ang lalaki ay agad na itong umalis at naiwan parin siya sa primary building na yon.
*********
Wala na ang mga studyante sa primary dahil kanina pa ang uwian nila. Nag iinat ng likod na tumayo si Glenda papunta sa water despenser para kumuha ng tubig. Sobrang napagod siya sa kakaturo sa mga bata kanina.
Babalik na sana siya sa kanyang upuan ng pagtalikod niya ay may biglang nabgga siya na matigas na bagay. Pagtingala niya ay nagulat siya sa nakita.
"Ikaw/You?"...sabay pang sabi ng dalawa.
" Bakit ka andito? Anong ginagawa mo dito? Ang kapal din naman ng mukha mong gunggong ka?". Walang prenong turan ni Glenda sa kaharap.
"Wait...wait!!! Easy!?" Ganting sabi ni Rob sa dalaga.
"Aha!! Pwede ba umalis kana dito? Lalo mong sinira ang araw ko! Naaalala mo ba ang ginawa mo noong nakaraan,huh? Antipatiko!". Wala paring humpay na satsat ni Glenda sa kanya.
"What?". Biglang naningkit ang mata ni Rob sa narinig na turan ng dalaga sa kanya. Nagngingitngit ang kanyang kalooban sa inis sa sinabi ng dalaga. Ito palang talaga ang nakakapanglait sa kanya ng ganon. Sabay baling niya sa mga labi nitong mapupula na ang sarap halikan kasi na tudo dakdak ng dalaga. Bigla siyang napangiti sa isiping iyon.
"At ano yung nginingiti ngiti mo dyan, huh?". Nanggagalaiting sabi ni Glenda at akmang sasampalin ang lalaki ng bigla nalang kunin ang kamay nito at ilagay sa likod ng dalaga at sabay halik nito sa kanya ng mapusok at nakakapangapos ng hininga.
Nagpupumiglas ang dalaga sa mapangahas na paghalik ng lalaki sa kanya, pati ang paghalik nito ay halik na nagpaparusa. Parang nalasahan pa nga ni Glenda ang kanyang sariling dugo sa ginawa ng lalaki sa kanya.
Biglang nangatog ang kanyang tuhod sa mapangahas na lalaki, at kinakapos na siya ng hininga ay hindi parin siya binibitawan ng lalaki. Ang kamay nito ay kusang naglakbay sa kanyang pang upo sabay pisil doon. At bago pa siya tuluyang kapusan ng hininga ay bigla siyang binitawan ng lalaki na ngayon ay ngingiti ngiti pa.
"That's what I did to a very talkative woman.". Turan ni Rob sa dalaga na may nakapagkit na ngiti sa labi, sabay haplos pa nito.
"Bastos!". Sabay ang isang lagapak kay Rob na dumapo sa kaliwang pisngi na hindi niya pinaghandaan.
"Get out!". Sigaw ni Glenda sa binata. Nanggigigil parin siya at mas lalong nanggigil sa kanyang pangahas na halik. Siya lang naman ang kumuha ng kanyang first kiss dito.
"See you around sweetheart". Sabi pa ng binata bago tuluyang iniwan ang dalaga na kulang nalang ay maging kamatis na ang pisngi dahil sa pamumula.
______________****___________
(Please comment below po kung hindi niyo nagustuhan o kung may suggestions po kayo. Thank you and God bless everyone!)❤