Chereads / I Claim You MINE / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

Glenda POV

"Oy, friend anong oras ka ba papasok sa school?". Tanong ni Kate sa akin habang nakahiga pa ako sa kama.

Nakilala ko si Kate noong nag apply ako dito sa pinapasukan kong skwelahan dito sa Dubai. Pareho kaming nag apply as a Teacher Assistant and fortunately pareho din kaming na hired.

At dahil pareho kaming bago sa banyagang bansa na iyo ay napagdesisyunan naming magsama narin kumuha ng isang apartment na matutuluyan. At ngayon ay dalawang taong na kaming nagtatrabaho sa British School Academy. Which is the British Curriculum, and for the Arabic students to know how to learn English as their second language.

Palagi kaming sabay na pumapasok ni Kate sa school para makatipid sa taxi at usually ay alas sais pa lamang ay umaalis na kami ng apartment. 7:30am pa naman ang start ng klase so may time pa.

"Mauna ka nalang muna pumasok Kate, mamaya na ako mga quarter to 7 aalis.". Inaantok pang sabi ko sa aking kaibigan na ready na sa pagpasok.

"Oh siya, sige! Kita nalang tayo doon sa school sa breaktime mo doon sa cantee.". Pahabol pang sigaw ng kaibigan ko habang nagmamadaling lumabas ng inuupahan naming apartment.

Ako naman ay biglang nag ayos ng higaan. At dali daling nagpunta na sa banyo para gawin ang mga normal routine ko sa umaga. It's gonna be a tiring day again kasi start ng klase sa Middle East is sunday and weekends should be friday and saturday.

Kaya naman, pagkatapos kong magbihis ay uminom muna ako ng kape at tsaka dali daling naring ni lock ang pinto ng apartment at sumakay sa elevator papuntang groundfloor at maghanap ng masasakyang taxi papasok. Kami ay nasa 2nd floor lang naman ng Old Etisalat building umupa ng apartment kasi 10 minutes away lang sa school.

Habang nag aabang ako ng masasakyan ay may nakita akong yellow taxi at agad iyon na pinara. Inayos ko muna ang mga dala dalahan ko at habang inaantay ang paparating na taxi ay dahan dahan akong lumapit habang inaayos ko ang mga gamit ko ng hindi tumitingin sa dinaraanan.

"Aray! Sino ba yang bumangga sa...." nasabi ko ng mayroong antipatikong bumangga sakin.

Hindi manlang nagawang magsorry o dumahan dahan manlang. Nagngangalit ang mga bagang ko sa inis. Kaaga aga nasira na ang araw ko sa antipatiko na yon.

"Madapa ka sana gunggong ka,akala mo kung sinong gwapo...pangit naman!". Sigaw ko parin sa inis bago tuluyang nakapasok sa taxi.

At bago pa yun ay lumingon ang lalaki at nagtama ang aming paningin. At bigla ko siyang tinaasan ng kilay. Nasilayan ko pa ang pagtiim ng bagang niya bago din pumasok sa isang mamahaling sasakyan kasama ang dalawang naka unipormeng lalaki na ang tataas at ang lalaki ng mga katawan na akala mo sila Dwayne "the rock" Johnson sa laki ng mga muscle nila.

********

Abala ako sa pag aayos ng mga kakailanganin ng mga studyante para bukas na naman na nga activities nila. Naka assign ako sa Grade 3 as teacher assistant. Dahil sa sobrang busy ko ngayong araw na ito ay nakalimutan ko na palang maglunch. Bigla lang akong napa balik sa realidad ng may tumapik sakin sa likod.

" Glenda naman alam kong busy ka, pero hindi naman yun sapat na kinalimutan mo na ang paglunch dahil dyan sa kabusyhan mo?". Nag aalalang sermon sakin ng walang iba kundi ang madakdak ko lang namang kaibigan na si Kate.

"Oo na, ito na nga oh! Tinatapos ko lang ito at maglulunch narin."..paliwanang ko sa kanya.

At dahil maglulunch na ako ay nagpa alam muna ako kay Ms. Heather Kent, ang grade British teacher na ina assist han ko. Mabait si Ms. Heather at naging close narin kami. Nasa 40 narin ang edad ni Ms. Heather at madali ko siya nakagaanan ng loob. At dahil uwian na ng mga bata kasi hanggang 3pm lang naman sila.

"Ms. Heather, I'm going to have lunch first". Nakangiti kong paalam sa kanya sabay kuha sa aking baunan na nasa tabi lang ng table ko.

"Sure Ms. Montaner, take your time my dear". Nakangiting tugon niya sakin.

Habang kumakain kami ng lunch ng friend ko ay biglang sumagi sa isip ko ang nangyari na naman kanina habang nag aabang ako ng masasakyan.

" Ano? Gwapo ba ang naka bangga sayo friend? Sana tinanong mo na sana ang name niya para malaman mo?". Tila na kinikilig na tanong sakin ng kaibigan ko.

Bakit ba ito kinikilig doon sa kwento ko samantalang ako dito eh nanggagalaiti sa ginawa niya kanina bigla nalang mambabangga at hindi manlang nagsorry.

"Antipatiko siya! At bakit ka naman kinikilig dyan,huh? Anong nakakakilig doon sa ginawa niya? Tama bang banggain niya ako kanina at hindi manlang mag sorry?". Hindi parin mawala wala ang inis ko sa hinayopak na lalaking yon. Nagpupuyos sa galit na turan.

"Easy ka lang friend, baka naman kasi paharang harang ka at hindi tumitingin sa dinaraanan mo?". Paliwanag parin ng kaibigan ko.

" Ah, basta galit na galit talaga ako doon at huwag lang talaga magkrus ang landas naming dalawa dahil baka masabunutan ko siya ng pinong pino.". Litanya ko sa harap ng kaibigan ko.

Natapos ang lunch at bumalik na kami ni Kate sa kanya kanya naming room na assigned. At pagsapit ng 5 ng hapon ay hinahanda ko na ang sarili ko para umuwi. Nauna na sa akin si Kate sakin umuwi kanina dahil may pupuntahan pa daw siya.

Pagdating sa apartment ay bdali daling kong tinanggal ang aking suot at naligo at nagpalit ng damit saka nahiga muna sa kama. Hapong hapo ang pakiramdam ko ngayong araw dahil sa dami ng trabahong nakatambak kanina. Isipin pa na first day ng klase kaya masyadong busy ang lahat.

Hindi ko na namalayan na hatinggabi na pala. Naalimpungatan nalang ako sa lakas ng katok sa labas ng kwarto ko.

"Friend, ano...may balak kapa bang kumain ng gabihan? Kanina pa nag aantay ang mga niluto ko sayo!". Turan ng kaibigan ko sa labas ng pinto.

"Bababa na!". Agad kong sagot sa kanya at sabay balikwas sa higaan at agad na nagtungo sa kusina.

Habang kumakain ay panay din ang kwentuhan namin. At eksaktong alas 12 na ng makabalik ako sa kwarto ko at natulog ulit.

______________***_________________

(Ito lang po muna eh update ko kasi gagawin ko pa online class ko. I will try to catch up once I am free. Thank you everyone. Godbless😊🙏)