Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 2 - Chapter 2: Pako

Chapter 2 - Chapter 2: Pako

Jennie's Point of View

Pagkagising namin ay agad na tinungo namin ang Headmistress na si Madame Dara.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangising tanong nya. Pinaglaruan nya ang ballpen na hawak nya at paulit-ulit na ipinukpok sa lamesa.

Naka black pa rin itong damit. Maging ang kanyang labi at kuko ay kulay itim. Black lady ata 'to.

"Good morning Madame Dara. Gusto na po naming umalis dito sa school." Sambit ni Nayeon sa magalang na tono.

Tumaas ang kilay nya at mayamaya'y humagalpak sa kakatawa. Tumayo it at humalukipkip sa harap namin.

"Bakit? Anong problema? Akala ko ba COOL?" Tanong nya.

"This school is a complete mess! Walang kwenta! How come hindi naipapasara ang school na ito?!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

"Easy Miss Jennie Kim, YG University is an independent school. Hindi ito saklaw ng gobyerno at hindi nila ito maaring pakialaman."

"How come?! Basta lead us the way ng makaalis na kami sa pesteng school na ito." Sabi ni Jungkook.

Tumalim ang titig sa amin ni Madame. That pure intimidating black eyes—they are up to something. Sino ba siya?

"We have a motto here. Once you enter, there's no turning back." Mahina itong tumawa.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na kami makaalis? No way! Hindi kami ligtas sa lugar na ito! All students are evil! Nakakatakot sila at sigurado ako kapag nagtagal kami rito ay maaring mapahamak kami.

"What do you mean?!" Galit na tanong ni Rosé.

Pinaglaruan ni Madame Dara ang tip ng buhok nya bago umupo sa swivel chair at pinaikot ito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakahilo ang ginagawa nya. Iniinis nya talaga kami at hindi sineseryoso. Damn.

"We are not joking here! Lead us the way out!" Utos ni Kai.

"Nah. Pumasok kayo rito. Walang pumilit sa inyo. All you have to do now is... panindigan nyo!"

Tumayo si Jisoo at hinampas ang desk ni Madame na lumikha nang nakakabinging tunog.

"Bullshit! Aalis kami rito! Makakahanap kami ng daan! Isusuplong namin kayo sa mga pulis!" Nagtatangis ang bagang na sambit ni Jisoo.

Lumapit sa kanya si Nayeon para pakalmahin ito.

"Go Miss Jisoo Kim. Find the way out, if there is one. Walang pumipigil sa iyo." Natatawang sambit ni Madame.

Naningkit ang mata ko. Pinaglalaruan nya ba kami? Iniinis nya ba talaga kami? Anong pinaplano nya? Seryoso ba sya? UGH!

"Anyway, here's your uniform. Together with your schedule."

Tinapunan lamang namin ng tingin ang mga inilabas nyang plastic na may pangalan namin.

"Wait. Kailangan pa ba naming mag-aral? May ituturo ba kayo sa amin na lessons? O patayan lang ang alam nyo?" Tanong ni Nayeon sa isang sarkastikong tono.

Sumusumpong na naman ang pagkamaldita nya. Well, hindi ko sya masisisi. This woman is really weird, nakakainis ang ngisi nya.

"YG University is still a school. We have lots of teachers. Pili lang ang mga guro rito na pumapasa sa amin, kaya I assure you na marami kayong matututunan dito kesa sa ibang schools. Magagaling silang lahat." Aniya.

Unti-unting nagsink-in sa akin ang YG University ay literal na hell, when it comes to their one and only rule. Mukhang nagsasabi si Madame Dara ng totoo but still I am not convinced na mag aral dito. No way!

"Woah! May mga teachers na gusto paring magturo rito despite of the danger? Amazing!" Sarkastikong tugon ni Kai.

"Ipagpalagay na lang natin na hindi rin normal ang sahod nila. Hindi lang doble o triple ang perang natatanggap nila. Enough with the discussion. Go to your perspective classes now and wear your uniform. Baka mahuli kayo ng President. Sigurado akong hindi nyo magugustuhan ang parusa."

Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Andito na kami ngayon sa cr at nagbibihis. Iyong mga boys ay nauna na dahil magkaiba kami ng schedule.

"I must say, ang cute ng uniform nila." Puri ni Rosé sa mini skirt na suot namin.

Nagtali sila ng buhok habang ako ay nakalugay lang.

Natigilan kami sa pagdadaldalan nang pumasok ang isang babaeng matangkad, I mean, mas matangkad lang kay Rosé ng konti. Si Rosé ang pinaka matangkad sa amin nina Nayeon at Jisoo.

Hindi ko maiwasang masulyapan sya sa salamin. Naghugas siya ng kamay. Itim ang buhok nya at itim na itim pa ang mata nya. Ang ganda nya.

"Newbies." Sambit nya nang hindi man lang kami sinusulyapan.

Ibinalin ko sa harap ng salamin ang paningin ko at inayos ang blouse ko. Ramdam ko naman ngayon na sa akin sya nakatingin. Shit! Bakit ba ako natatakot sa kanya?

"Tama pala ang balita na may anim na daga ang pumasok dito. Pathetic."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang nakataas ang kilay.

"Don't worry, aalis din kami." Inis na sambit ni Nayeon.

Mahina itong natawa. Humarap siyang muli sa salamin at naglagay ng lipstick sa labi. Pinanuod namin ang galaw nya. May peklat siya na hiwa sa leeg pero hindi halata.

"Aalis kayo? Ituro nyo sa akin ang daan kapag nakita nyo ah?" Natatawang sambit nya.

"Huh?! Hindi mo alam?!" Tanong ko.

Ngumisi siya sa akin bago ibinalik sa shoulder bag nya ang lipstick nya.

"Walang may alam. Once you enter, there's no turning back. Unless, patay ka na or..." pambibitin nya.

Naglakad sya papunta sa pinto pero bago man siya lumabas ay binuo na nya ang salita nya.

"Makakaalis kayo kung may tutulong sa inyo na may mataas na ranggo sa YGU. Guess who?" Pabagsak nyang isinara ang pinto at iniwang kaming apat na lutang.

Ano daw?!

—**—

Hindi nga nagbibiro si Madame Dara tungkol sa sinabi nya na high class ang mga teachers nila. Itong first subject namin na Math ay mas madaling intindihin, it is more like na lahat ng mga long method ay may sarili silang method which makes it easier than I thought.

"Jen, walang ka bang napapansin?" Bulong sa akin ni Nayeon na nasa kanan ko. Si Rosé at Jisoo naman ang nasa kaliwa ko, bale nasa gitna ako at nasa likod kaming apat.

Hindi ako sumagot sa tanong nya at pinakiramdaman lang ang paligid. I knew it! Halos nakatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin. Iyong iba ay pasulyap-sulyap lang, habang ang iba ay lantaran kung kami ay titigan. May mga nakangisi at may iba namang animo'y nag-aalala.

"Rosé?" Sinubukan kong kunin ang atensyon ni Rosé na tulala sa labas ngunit hindi man lang nya ako binigyan ng pansin.

Nagulat ako ng humagulgol si Rosé at yumakap kay Jisoo ng mahigpit. Napatingin ako sa labas kung saan kanina pa siya nakatitig.

Napatili ako ng malakas nang nakita ko ang isang lalaking nakagapos sa silya. Nakatali ang mga kamay niya sa likod habang walang damit at puro saksak sa katawan. Kapansin-pansin din ang nakalawit nitong dila.

Nakarinig ako ng mga bulungan at sigawan din nang makita nila ang kawawang lalaki.

Naglapitan silang lahat doon sa pinamumunuan ni Sir Seo-joon, ang teacher namin sa Math. Hindi ko naman magawang sumunod dahil yumakap din sa akin si Rosé na humahagulgol.

"Shit! Sinong may gawa n'on? Napakawalang puso naman." Kumento ni Nayeon na hinahagod ang likod ni Rosé para patahanin.

Sinulyapan ko ang labas na nakakumpol na ang mga estudyante na nakikiusyoso. Ang iba ay nanatili sa loob na parang natatakot na lumabas.

"Devil. Only heartless people can do such things." Sabi ko.

Demonyo sila. Damn! Ngayon ay kinakailangan na talaga naming makaalis sa lugar na ito. Hindi kami safe rito, no one is.

"Ayos lang kayo?!"

"Anong nangyari kay Rosé?"

Nagdatingan ang mga boys na humahangos. Halata ang alala sa kanilang mga mata.

"Ayos lang siya. Natakot lang. Mabuti pa at iuwi na natin siya sa dormitoryo nang makapagpahinga na." Suhestyon ko na sinang-ayunan nilang lahat.

Binuhat ni Jungkook si Rosé at nakaalalay naman sa kanila si Nayeon at Jisoo.

"May nalaman kami tungkol sa school na ito." Seryosong sambit ni Kai.

Magtatanong sana ako nang tumakbo siya sa mga nagkukumpulang tao para makiusyoso. Sumunod ako sa kanya. Tinakpan ko ang aking bibig nang malapitan na makita ang walang buhay na lalaki.

Nanlaki ang mata ko at halos masuka nang makita ko ang nakalawit nyang dila na may tatak na pako. Parang tinatakan ito gamit ang nag-aapoy na bakal dahil sa medjo malalim ito.

"They did it again." Bulong ng isang babae na nakasalamin.

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Jennie, right?" Tanong nya. Tumango na lang ako.

"Ako si Tzuyu, 3rd year student." Pagpapakilala nya. Tumango na lang ako dahil wala akong interest na makipagkilala sa kahit na sino.

Wala akong mapagkakatiwalaan sa ngayon. Damn! Ang hirap ng sitwasyon namin!

"That nail in his tongue symbolizes the Hell's Angels. Ngayon lang ulit sila nagparamdam matapos ang nangyari last week."

Hindi ko napigilan ang makinig sa sinabi nya at nakakalito talaga. Ano bang sinasabi nya?

"It just means that another war will happen soon... alam kong mas matindi ito ngayon dahil pinatay nila ang nag-iisang kapatid ni Seulgi Kang, the leader of the Devil's Tribe."

Napalunok ako matapos marinig ang mga iyon. Shit! Kailangan na naming makaalis sa lalong madaling panahon dahil kung hindi... madadamay kami sa isang malaking pangyayari.

"Tara na?" Tanong ni Kai na galing sa kung saan. Sandali kong sinulyapan ang kawawang lalaki bago tumango.

Palayo na kami sa pangyayaring iyon ngunit parang nakatatak na sa aking isip ang replika nito, lalong lalo na ang pakong nasa dila nito. How brutal can they be? O baka, patikim pa lamang ito ng kademonyohan nila.

"Daniel Kang. Siya ang nag-iisang kapatid ni Seulgi Kang." Sabi ni Kai na seryosong nakatingin sa daan.

Nanatili ang mga tainga ko sa kanya, naghihintay ng marami pang detalye.

"Who are they?" Tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang Seulgi, ang leader ng Devil's Tribe na sinabi ni Tzuyu.

Naramdaman kong inakbayan ako ni Kai na nakangisi na ngayon.

"Enough. Wala kang dapat malaman, Jen, kung ay hindi ka na talaga makaalis dito at iyon ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari." Aniya.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit andami nyang alam? May nagsabi ba sa kanya? Paano siya? Marami na siyang alam, posible bang hindi na siya makaalis dito?

Nakarating kami sa dormitoryo at naabutan ang natutulog na si Rosé. Natakot siguro siya ng husto.

"Kain na kayo. Oo nga pala, anong subject nyo?" Tanong sa amin ni Nayeon na nag-aayos ng lamesa. Nasa kwarto siguro sina Jisoo at Jungkook.

Pinanghila ako ni Kai ng upuan kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"English." Sagot ni Kai na pinagsasalin ako ng kanin.

Tumingin naman sa akin si Nayeon na nag-aantay sa aking sagot.

"History." Sagot ko naman.

"Ikaw lang pala ang mahihiwalay." Sambit naman ni Nayeon na ikinatigil ni Kai sa pagsandok.

"English kayong lahat?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Ikaw lang mag-isa Jen. Gusto mo bang bantayan kita?" Suhestyon ni Kai na titig na titig sa akin

Inaamin ko na kinikilig ako. Inaamin ko rin na matagal ko ng crush itong si Kai, sadyang manhid lang talaga siya.

Pagkatapos namin kumain ay saktong kagigising lang ni Rosé na mugto pa ang mata.

Umupo kami sa harap nya at saktong kakalabas lang din nila Jisoo at Jungkook sa kanilang kwarto na halatang kakagising lang din.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Jisoo na umupo rin sa tabi ni Rosé.

"O-Oo, salamat." Sambit nito.

Kating-kati na ang aking bibig na magtanong pero pinigilan ko ang aking sarili. Baka mabigla siya at hindi nya pa kayang magsalita. Alam kong nakita nya ang mga tao sa likod ng kawalang hiyaang iyon.

"Kaya mo na ba talagang pumasok?" Tanong ko kay Rosé na nagsusuot na ng blouse.

Natigilan ito sa pagsuot pero agad ding nakabawi at ngumiti sa akin.

"Ikaw nga ang inaalala ko. Ikaw lang ang mahihiwalay sa atin." Sambit niya.

"Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Marunong kaya ko mang-karate." Biro ko.

Tanghaling tapat, grabe ang init habang naglalakad ako sa dulong building ng mag-isa. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakakalat dahil oras ng klase at alam kong late na ako.

Minadali ko ang paglalakad at binalewala ang mga titig ng mga tao. Ano bang problema nila? Hindi pa ba sila nakakamove on na may mga tangang pumasok sa school na ito? Psh! 

Naabutan ko ang katahimikan sa room namin. Wala pa ang teacher namin. Yumuko ako sa awkward na nararamdaman dahil nakatingin sa akin ang lahat. Nakayukong umupo ako sa dulo.

"Late? Ang lakas talaga ng loob mo."

Napatingin ako sa katabi ko at laking gulat na ito ang babaeng nasa CR. Iyong pulang-pula nyang labi at itim na mata. Nakakatakot ang titig nya.

"Pasalamat ka na lang at hindi ka nahuli ni Supremo." Naiiling na sambit niya bago ibinalik ang tingin sa kanyang notebook.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang iginuguhit niya.

Pako?