Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 3 - Chapter 3: Break the Rule

Chapter 3 - Chapter 3: Break the Rule

Rosé's Point of View

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa silya sa gitna nila Jisoo at Jungkook. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa teahcer na nagsasalita sa harap, kami lang ata ni Kai ang hindi mapakali.

"Sa tingin mo okay lang kaya siya?" Tanong ko kay Kai na seryosong  nakatingin sa labas.

Hindi siya sumagot at alam kong kinakabahan din siya. Mag-isa lang si Jennie sa subject na iyon plus babae pa siya kahit na amazona iyon.

Pinagpawisan akong muli nang maalala lahat ng nangyari kanina. Iyong ngisi sa akin ng lalaking pula ang buhok.

-Flashback-

Kasalukuyan akong nakatingin sa labas. Nakakabored ang Math subject. Psh.

Kumunot ang noo ko nang biglang may sumulpot na lalaking pula ang buhok sa gilid ko, bale nasa labas siya ng bintana. Nakangisi siya sa akin.

May earings ito na halos lahat ng parte ng tainga nya ay meron. Maputi ito at matangos ang ilong. Matangkad at malapad ang katawan.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ni hindi ko magawang lumingon kay Jennie na kanina pa ako tinatawag. Ilang minuto siyang nakatayo roon at muling sumilay sa labi nya ang isang ngisi. Nakakakilabot.

Mabilis ang pangyayari at nawala siya sa paningin ko at may lalaking nakatali sa silya na. Nabigla ako kaya hindi ko maiwasang mapayakap kay Jisoo at humagulgol.

-End of Flashback-

Sino siya? Ginawa nya lang ba iyon para lituhin ako at mailagay nila ang lalaki sa silya na iyon? Bakit nila ginawa iyon? Anong gusto nila?

"Miss Roseanne Park? Are you with us?"

Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa hiya na kanina pa pala ako kinakausap ng teacher namin.

"Sorry." Magalang na paghingi ko ng paumanhin.

Hinawakan ni Jisoo ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa harap.

-**-

Jennie's Point of View

Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong paglilitis.

"Are you okay?" Nakangising tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Sino siya? Anong kinalaman niya sa Hell's Angels na simbolo ang pako? Shit! Kasabwat ba siya sa pagpatay?

"You want to know everything?" Bulong niya sa aking tainga na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pinagpapawisan ang palad ko.

Teka. Ano bang sinasabi niya? Tungkol ba sa YGU?

"Nah. Malalaman ko lahat sa aking sariling sikap. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Matapang na sagot ko.

Isang nakakabinging halakhak ang lumabas sa bibig nya. Ni hindi man magawang lumingon ng mga kaklase namin sa kanya na animo'y ikakamatay nila kapag tumingin sila sa kanya.

Sino ba siya? Anong ranggo niya sa YGU?

"Your curiosity will kill you Jen, but if you really wanna know... find it out by yourself, break the only rule." Bulong nyang muli.

Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan at hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa napakabigat na presensya ng babaeng ito.

Dumating ang prof namin na kabadong-kabado. Pawis na pawis ito at lumilingon-lingon sa paligid na animo'y may pinagtataguan.

"You are late Mr. Hwang." Sambit ng babaeng katabi ko.

Mas lalo itong pinagpawisan. Halatang nanginginig din ito. Ano bang problema niya? May humahabol ba sa kanya? Shit! Curiosity is killing me.

"I am sorry." Sagot nito bago nag-umpisa.

Hindi ako maka-focus sa sinasabi niya dahil lumilipad ang aking isip sa napakaraming bagay. God! Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip!

Ano ba talaga ang meron sa YG University?

"Poor girl. Kung ako sa'yo ay huwag ka na lang makialam, mapapaaga ang paglisan mo sa mundo." Sambit ng katabi ko.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago siya binalingan ngn tingin. Nakatitig ako sa itim na itim niyang mata.

"Who are you?" Tanong ko.

Ngumisi ito bago inalis sa akin ang tingin.

"Sabihin na natin na isa ako sa pinakakinatatakutan dito, walang sino man ang nangahas na sigawan ako gaya ng ginagawa mo. Alam mo ba kung bakit? Syempre hindi kaya hahanap ka ng sagot, tama? Go! Feed you curiosity, ngayon pa lang ay napahanga mo na ako Miss Jennie Kim, ano pa bang susunod mong gagawin na mas magpapahanga sa akin?"

Buong klase ay tulala ako sa kawalan. Last subject namin ay between 5:00 - 6:30, 30 minutes bago ang bloody night. Hindi ako pumasok at alam kong nag-aalala na sa akin ang mga kaibigan ko.

Mabilis na nagtago ako sa isang poste, palipat-lipat ako ng pwesto para hindi makahalata ang babaeng demonyo na sinusundan ko siya.

Tama ba ang ginagawa ko? O mas nilalapit ko lang ang aking sarili sa kapahamakan? Shit! Kinakain ako ng takot pero mas nangingibabaw ang kuryosidad.

Masyado akong naging lutang at nawala sa paningin ko ang babae. Lumabas ako sa kinatataguan ko at nagpalinga-linga.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. May nakatutok na sa aking leeg sa pako at maling galaw ko lang ay masasaksak na ako nito.

"Handa ka na bang mamatay?" 

Nanginginig ako sa takot at ramdam kkong nanginginig na ang akong mata. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang tip ng pako na idiniin nya sa gilid ng leeg ko.

Shit! Hanggang dito na lang ba ako?

"Mapangahas ka. Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo? HIndi mo pa talaga ako kilala. Marami na akong napatay, gusto mong masama?" Tanong niya.

Nakakakilabot ang tono ng pananalita niya. Tama nga siya. Kaya pala kinakatakutan siya ay skilled din siya. Nagawa niyang mawala sa aking mata sa sandaling segundo.

Sino ba talaga siya?

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan na nya ako. Muli nyang itinago sa kanyang bulsa ang pakong gamit niya.

"You wanna know my name?" Tanong nya. "Well, I am Jeongyeon Yoo. Remember my name, bitch." Katulad ng nangyari kanina ay mabilis na nawala siya sa aking paningin.

Napaupo ako sa sahig. Mabilis pa rin ang paghinga ko at animo'y hinabol ako ng askong lobo. So dangerous.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Nanghihina pa rin ako.

"Wala kang pasok?"

Napagitla ako at napatayo nang may nagsalita sa likod ko. Mabilis na humarap ako sa kanya.

"Full name, please."

"Jennie Kim."

Binuklat niya ang notebook na dala niya at hinanap roon ang pangalan ko. Nakakunot ang noo nito habang naghahanap.

Normal na estudyante lang naman siya pero bakit ang bigat ng dating niya.

"Boom!"

Napatili ako ng sumigaw siya. Tumawa siya ng tumawa habang ako ay nakahawak sa aking dibdib. Grabe siya...

"Ba't ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko.

Nagseryoso siyang muli at inayos ang eye glass niya.

"May pasok ka ah, bakit andito ka?" Tanong niya.

"Ano bang pakialam mo?!" Aalis na sana ako nang hawakan nya ang braso ko at hawakan ng mahigpit.

Nakangisi pa rin siya. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sakit ng mas higpitan nya pa ang kapit ng braso ko na parang binabakat na ang kuko niya rito.

"A-Aray..."

Ilang segundo ang nakalipas bago nya ako pakawalan. Muli akont napaupo sa sahig dahil sa panghihina.

isang kamay lang ang gamit nya pero halos magkalasaw-lasaw na ang butoko. Halimbawa ang lakas niya.

Nagtataka ngayon ako. Ordinaryong estudyante lang ba tala siya?

"Tumingin ka sa iyong braso..."

Nanlumo ako ng makita ang bakas ng kamay niya roon. Bakat din ang kuko niya.

"That's the first warning Miss Jennie Kim, sa oras na makita pa kitang pakalat-kalat sa oras ng klase, baka tuluyan na kitang alisin ng isang braso.."

Ngumisi ito at tumalikod na sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Lisa Manoban. I am the Supreme Student President of YG University. Nice meeting you Ms. Kim..."

Pinagmasdan ko lang hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Patuloy pa rin na  nagpa-process ang utak ko.

"P-President? Lisa?"

Siya ba? Siya ba ang sinasabi sa akin ni Jeongyeon nung na late ako. Siya ba ang dahilan kung bakit takot na takot ang mga estudyanteng ma late at maging ang mga teacher?

Isa lang siyang nerd kung tignan pero sa loob nito ay nakakubli ang isang demonyo na may pambihirang lakas. No wondere kung bakit siya kinakatakutan.

Damn! Napapaligiran kami ng mga demonyo.

Nakahawak ako sa aking braso habang papunta sa last subject namin. Tinignan lang ako sandali ng teacher namin bago dumapo ang tingin nya sa braso ko at umiling.

Dumiretso ako sa likod kung saan naghihintay ang mga nag-aalala kong kaibigan.

"Saan ka galing?! Shit Jen! Papatayin mo ba kami sa alala?!" Bungad sa akin ni Nayeon.

Hindi ko nagawang sumagot dahil sa mga after shocks na nangyari kanina. Nakasagupa ko lang naman ang dalaw sa pinakakinakatakutan sa YGU, si Jeongyeon na muntik na akong patayin at si President Lisa na muntik ng durugin ang braso ko. Ang swerte ko.

"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ni Kai. Marahas na inalis nya ang kamay ko na nakatakip dito.

Nakarinig ako ng mga bulungan sa buong klase na nakatingin sa braso ko. Ano bang problema nila? Pati ba naman ito ichichismis nila? Psh.

"What happened?!" Alalang tanong sa akin ni Rosé na pinagmamasdan ang braso kong sobrang pula at bakas ang kuko ni Lisa.

"That's the Supreme Mark Warning Number 1."

Napatingin kami sa teacher namin na napapailing na lang. Inabutan nya kami ng first aid kit na kinuha ni Jungkook upang gamutin ang nasa braso ko.

"What does it mean?" Tanong ni Jisoo sa akin.

"Si Supremo ang may gawa niyan. Huwag na huwag mo lang hahayaang magkaroon ka pa ng dalawang warning, sa hukay na ang bagsak mo."

Halos matawa ako sa sinabi ng teacher namin. Spell OA? Duh! Maypawarning-warning pa silang nalalaman! Psh.

"Supremo? Sino?" Sunod na tanong ni Jisoo.

"Lisa Manoban." Maikling tugon nito.

Nag-umpisa ang klase namin na walang kumikibo na animo'y mga natatakot kumilos kahit na konti. Nakaramdam ako ng awa sa mga estudyante rito.

Ilang araw pa lang kami rito pero hindi na kami gaanong makatulog tuwing gabi, paano pa kaya sila na matagal na rito? Anong kahayupan na kaya ang nasaksihan at naranasan nila?

Sino pa ba ang mga tao sa likod sa YGU? Sino-sino ang myembro ng Hell's Angels at Devil's Tribe? Sino ang nasalikod ng mga ito? Shit!

"Your curiosity will kill you Jen, but if you really wanna know... find it out by yourself, break the only rule." Ito ang muling salitang binitawan ni Jeongyeon na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.

Gusto nya bang suwayin ko ang nag-iisang alituntunin ng YGU? Pero ang rule ng YGU ay legal ang pagpatay sa pagsapit ng 7:00pm hanggang 5:00am.

Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin.

Gusto nya bang lumabas ako ng bahay sa ganong oras? Gusto nta bang lumabas ako kapag sumapit ang Bloody Night?

Shit! Parang... parang may nagtutulak sa akin na gawin iyon. Masama ito.