Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 4 - Chapter 4: Bloody Night

Chapter 4 - Chapter 4: Bloody Night

Jennie's Point of View

Nakinig ako sa teacher namin at iwinaksi lahat ng bumabagabag sa akin. Mababaliw ako kapag patuloy kong inalala lahat ng iyon.

Kapansin-pansin ang isang napakalaking wall clock na nasa gitna na kanina pa tinitignan ng mga kaklase namin. Bawat minutong lumilipas ay padilim ng padilim, ramdam ko rin ang kaba sa paligid. Maging ang teacher namin ay hindi na gaanong makapagturo ng maayos dahil sa panay ang sulyap nya rito.

"6 o'clock." Bulong ni Rosé na nakatingin lang din doon. labas namin ay 6:30 kaya 30 minutes pagkatapos ng labasan namin ay Bloody Night.

Napatingin ako sa labas na madalim na. Ano na naman kaya ang mangyayari? Dadanak na naman ba ang dugo?

Nakakatakot na isipin na sa dilim lahat nangyayari ang lahat. Sino na namang inosenteng tao ang madadamay?

"CR lang ako." Paalam ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Nayeon, Rosé at Jisoo.

"Gaga ka talaga! Alam mo ng delikado sa labas iyang pantog mo pa talaga ang iniisip mo!" Bulyaw sa akin ni Rosé.

"Gusto mo na ba talaga mamatay Jen? Sabihin mo lang ah? Ako mismo ang sasaksak sa'yo!" Biro ni Nayeon na inirapan lang ako.

Napahawak ako sa aking puson dahil kanina pa talaga ako napapaihi at masakit na ito. Wala naman kasing CR dito sa loob ng classroom.

"Samahan na kita Jen. Tara?" Inilahad ni Kai ang kamay nya na agad ko namang tinanggap.

"Hay naku! Bahala nga kayo!" Sambit ni Nayeon.

"Mag-ingat na lang kayo." Paalala ni Jisoo.

Tumango na lang kami bago nagpaalam sa guro namin.

"Bilisan nyo. Mapanganib sa labas at hanggat maari ay huwag nyong paiiralin ang kuryosidad nyo." Paalala nya sa amin.

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Mahigpit ang hawak ni Kai sa kamay ko ang mga ilaw sa poste lang ang nagsisilbing ilaw namin.

"Tingin mo Kai, makakaalis pa ba tayo rito... ng buhay?" Tanong ko.

"Shh. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Makakaalis tayo rito. Ok?" Pangungumbinsi niya sa akin.

Pumasok na ako sa CR at naiwan si Kai sa labas upang bantayan ako. Pumasok ako sa isang cubicle.

Katahimikan ang namayani sa paligid at tulo ng tubig lang ang naririnig ko. Nakaramdam ako ng pangingilabot kaya minadali ko ang pag-ihi.

Nakarinig ako ng mga kaluskos galing sa paligid na nagpadoble sa takot na nararamdaman ko.

"K-Kai?" Tawag ko sa pangalan nya.

Napatakip ako sa aking bibig nang may naaninag ako na mga tao sa hindi kalayuan. Marami sila.

Naiiyak na ako nang sumulpot sa dilim si Kai na pawis na pawis. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at hinila ako palayo roon.

"Kai, saan ka galing?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot at pansin ko rin na nagpapalinga-linga siya sa paligid.

"Kai, hindi rito ang daan." Sambit ko dahil sa kabila kami dumiretso.

"6:40 na Jen. Sigurado akong nasa dormitoryo na silang lahat. At isa pa ay nakapalibot na sila sa kabuuan ng YGU, kailangan natin silang iwasan."

Gusto ko pa sanang magtanong kung sino ang tinutukoy niya ngunit wala ng lumabas na boses sa bibig ko.

Naglalakad kami ng walang tunog na nililikha. Nagtatago kami sa dilim kung saan hindi kami makikita. Tama nga siya, nakakalat na ang mga taong nakamaskara na itim.

"Ligtas tayo hanggat hindi pa tumutunog ang kampan-"

Natigilan kami nang marinig ang kampana na nagbabanta.

Tumaas lahat ng balahibo ko nang mapagtanto na bloody night na. Sunod na sunod na mura ang kumawala sa bibig ni Kai at mas humigpit ang gawak niya sa aking kamay.

"Kumapit ka Jen, ako ang bahala sa'yo..." 

Kahit papaano ay nawala ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Kai. Ngunit hindi pa rin sapat para patahinin ang pangangatog ng aking mga tuhod.

Hinila ako ni Kai papunta sa likod ng malaking trash can para magtago dahil sa parating na isang batalyon na mga lalaking nakamaskara, may hawak silang mga patalim gaya noong una.

Ngayon ay mas nakita ko sila ng malapitan. Ang maskara nila ay kalahati lang ng mukha ang natatakpan ngunit sapat para hindi namin sila makilala. Kulay itim ang maskara nila. Kapansin-pansin din ang kwintas nila na pako.

Napatakip ako sa aking bibig. Sila! Sila ang Hell's Angels, katulad ni Jeongyeon, dahil sa simbolo nila ng pako.

Nakakatakot sila na palinga-linga sa paligid na animo'y may hinahanap. Naramdaman kong pinisil ni Kai ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya para sabihin na ok lang ako.

Napansin ko rin na sa iisang direksyon lang din ang tinatahak nilang lahat. Kung bibilangin ay nasa 25+ silang lahat.

Tumayo na kami ni Kai nang wala ng natirang HA (Hell's Angels) member sa daan.

Hihilahin na sana ako ni Kai nang inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Kinunutan nya ako ng noo.

"Mauna ka na Kai, may kukumpirmahin lang ako." Sambit ko sabay takbo sa daan na tinahak ng mga lalaki.

Hindi pa ako nakakalayo nangn may humigit sa aking braso. "Mapapahamak ka! Kapag nakita ka nila, maari kang magaya kay Daniel Kang o mas malala pa. Jen naman, please." Ramdam ko ang alala sa tono ng pananalita niya.

Hindi ko maiwasang makonsensya na pinag-aalala ko siya. Hindi sana siya andito sa sitwasyon na ito kundi nya ako sinamahan.

"Sorry." Ang tanging lumabas sa aking bibig.

Hinaplos nya ang buhok ko bago hinawakan ang aking kamay. "Kailangan na nating makabalik, habang palalim ng palalim ang gabi ay mas delikado na." Aniya bago ako hinila palayo sa lugar na iyon.

Habang tumatakbo kami ay alam kong may nakamasid sa amin. Hindi lang sila dalawa o tatlo dahil parang nasa sampo sila.

"Kung impormasyon ang hanap mo Jen, handa akong ibigay lahat ng nalalaman ko. Huwag mo lang gagawin mula ang ginawa mo kanina." 

Hindi ko maiwasang magtaka, bakit andaming nalalaman ni Kai? Saan nya nakalap ang mga impormasyon? Sinong nagsabi sa kanya?

"Ahhh!" Napahinto ako sa paglalakad nang bumagsak si Kai sa lupa.

"Kai!" Lumuhod ako sa harapan nya para hanapin kung ano ang masakit sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na may nakatusok na pako sa binti nya.

"Ayos ka lang?! Kai! Kaya mo pa bang maglakad?!" Alalang tanong ko.

Narinig ko ang mga yabag ng paa palapit ng palapit sa amin kasabay nang paglaki ng pangamba sa akin.

"Namamanhid ang paa ko. Hindi ko na kakayaning maglakad. Tumakbo ka na Jen! Iligtas mo ang sarili mo!" Sigaw niya habang nakahawak sa kanyang binti.

"Hindi Kai! Hindi kita iiwan! Kasalanan ko ang lahat ng ito!"

"Jen, please! Umalis ka na! Mapapahamak ka lang din!"

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi habang umiiling. Nanginginig ang aking katawan sa alala at takot. Pero ang ipinagtataka ko ay pako lang naman iyon, bakit ganito ang epekto?

Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Kai nang makita ko na ang mga lalaking nakamaskara na itim na palapit sa amin.

"Jen tumakas ka na!"

Parang nabingi na ako at wala ng maramdaman. Hindi ako makapg-isip ng maayos basta ang alam ko lang ay hinding-hindi ko iiwan si Kai dito.

Napahinto ang mga nakamaskarang lalaki nang may humarang sa kanila. Isang babaeng nakamaskara ang buong mukha, kulay pula ito.

Naramdaman ko ang takot sa mga lalaki nang makita ito na animo'y ang babaeng nakamaskara na pula si kamatayan sa dapat nilang takasan.

"One... Two..." Nagbilang ito at hindi pa man umaabot ng tatlo ay wala na sa harap niya ang mga lalaking mga nakamaskarang itim.

Naiwan kaming tatlo sa madilim na bahagi ng YGU. Napakabigitan ng presensya niya. Shit! Sino siya? Bakit natakot sa kanya ang mga lalaking iyon? Anong meron sa kanya?

Lumingon siya sa amin at binuhat si Kai na wala ng malay ngayon. Sumunod ako sa kanya, hindi ko magawang makapagsalita at parang umurong ang aking dila sa takot.

Napakabanayad ng kanyang paglakad na animo'y napakasafe ng buong YGU kahit na bloody night. Nasa likod nya lamang ako.

Lutang na lutang ang aking isip at hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng dormitoryo. Nilapag nya sa sahig si Kai na walang malay bago tumalikod.

"Paduguin nyo ang sugat nya, banlawan nya ng maligamgam na tubig nang mawala ang lason." 

Kumurap ako ng tatlong beses at wala na siya sa aking paningin.

Tinulungan ako nila Jisoo at Jungkook sa pagbuhat kay Kai papasok. Pinaulanan naman ako nla Nayeon at Rosé ng mga tanong na hindi ko magawang sagutin.

Ginawa namin lahat ng sinabi ng misteryosong babaeng nagligtas sa amin.

Sino siya?

-**-

Limitado lang ang nasagot ko sa kanilang mga tanong dahil patuloy pa rin nagsisink in sa akin lahat ng nangyari kagabi. Magdamag kong iniisip kung sino ang misteryosong babae sa likod ng pulang maskara.

"Hindi lang basta-basta pako ang ginamit kay Kai. Taglay nito ang pinagsamang lason at tetano. Pasalamat na lang tayo at may tumulong sa inyo." Sambit ni Jungkook na pinupunasan ang parte kung saan natamaan si Kai ng pako.

Napakalaki ng utang na loob namin sa babaeng tumulong sa amin. Hindi siya myembro ng Hell's Angels dahil hindi itim ang maskara nya kundi pula.

"Lesson learned Jen, mas mabuti ng pigilan ang ihi kesa buhay mo ang kapalit." Pangaral ni Nayeon.

"Sorry." Ang muling lumabas sa aking bibig.

"Oh sya! Sige na at mauna na kami at baka ma late pa kami. Sigurado ka bang hindi ka talaga papasok?" Tanong ni Rosé.

"Babantayan ko na lang si Kai, tutal kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganito." Malungkot kong sambit.

"Mauna na kami. May pagkain ng nakaluto sa lamesa." Pahabol ni Jisoo.

Isinarado ko ang pinto bago lumapit muli kay Kai na medjo mainit pa rin pero hindi na kasing init ng gabi.

"Sorry Kai. Sana hindi ka nasa ganitong kalagayan kung hindi mo ako sinamahan." Sambit ko.

Kung sana hindi na ako nagpumilit pang sundan ang mga lalaking nakaitim na maskara ay hindi ito mangyayari kay Kai.

Kuryosidad ang muntik ng magpahamak sa amin. Pero gusto ko lang naman makumpirma ang hinila ko eh.

Base sa direksyon na tinatahak nila ay parang tinawag silang lahat. Parang magpupulong sila. Iyon sana ang gusto kong makumpirma kagabi na naudlot.

"J-Jen?"

"Kai! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

Tinulungan ko siyang makaupo. Halata parin ang panghihina ng katawan niya.

"Nagugutom ka ba?" Ulit na tanong ko. Tumango siya kaya pinaghain ko siya.

Sabay kaming kumain sa lapag ng walang nagsasalita. Nanlaki ang mata ko nangn makitang kinuha nya ang tatlong pulang sili at sinubo igo ng buo.

"Kai!" Alalang sigaw ko.

Pumula ang mukha nya at halatang nagsusuka na pero pinilit niyang lunukin ito. Nakatingin lang ako sa kanya. Weird.

"Bakit mo kinain 'yong sili?! Nasisiraan ka na ba ng bait?" Tanong ko na ikinatawa nya.

Pinanuod ko lang ang paglagok niya sa lahat ng tubig sa baso naming dalawa bago bumuga ng malakas sa harap ko. Pinalo ko siya sa braso dahil feeling nya dragon siya.

"Sili ang pumapatay sa natirang lason sa katawan ko. Ang anghang ah!" Biro nya na ikinatawa ko.

Nagbalik na rin ang sigla nya at pumunta kami sa park at umupo sa swing. Bigla kong naalala ang unang lalaking naencounter ko at ang unang lalaking nagbanta sa akin.

Nakaitim siyang maskara. Hindi kaya isa siya sa myember ng HA? UGH!

"Jen, salamat." Panimula nya. Nakatingin lamang siya sa lupa. "Salamat at hindi mo ako iniwan. Sorry kung muntik ka ng mapahamak ng dahil sa akin. Sorry." Paghingi nito ng paumanhin.

"Wala 'yon. Ginawa ko lang ang dapat at isa pa, kasalanan ko rin naman kung bakit ko nalagay sa ganong sitwasyon eh."

Ngumiti siya sa akin bago ibinalik sa malayo ang tingin.

"Bago ako mawalan ng malay. Nakita ko ang nakamaskarang babae." Aniya na seryoso ng nakatingin sa akin ngayon.

Hininto ko ang pagtulak sa swing at sinabayan ang titig niya sa akin.

"Pulang maskara. Isa siya sa Devil's Tribe." Dugtong nya.

Ngayon ay napagtanto ko na. Ang itim na maskara ay para sa Hell's Angels at pulang maskara ang sa Devil's Tribe.

Pero ang ipinagtataka ko. Bakit niya kami iniligtas?

"Hindi lang siya basta-basta myembro. Base sa nakita kong takot sa mata ng mga lalaking nagtangka sa buhay natin, kung paano mangatog ang tuhod nila, kung paano mabilis nagsialisan sila. Maaring siya si Seulgi Kang."

Nanatili akong tahimik. Seulgi Kang? Ang leader ng Devil's Tribe? Pero bakit ganon? May kakaiba akong naramdaman sa kanya? Hindi ko mapaliwanag.

"Ang ipinagtataka ko ay bakit niya tayo iniligtas?" Tanong ni Kai na katulad ng tanong ko sa aking sarili.

May pinaplano ba siya? Sila?

"Kagabi rin Kai, nong tumatakbo tayo, may mga nagmamasid sa atin." Halos pabulong kong sambit.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Pero hindi ako maaring magkamali, may nagmamatyag sa amin na para bang pinapanuod nila kami.

"Maaring isa sila sa mga Hell's Angels." Aniya.

Umiling ako bago ibinalin sa malayo ang aking tingin. Imposibleng HA iyon,  dahil kung sila man iyon ay dapat na pinatay na nila kami gaya ng muntik nilang gawin pero hindi, nanatili silang nanunuod.

"Posible kayang Devil's Tribe sila?" Tanong ko.

"Posible. Naroon si Seulgi, kaya maaring anduon din ang pangkat niya." Pagsang-ayon niya.

Napatingin kami sa mga estudyante na naglalabasan na sa mga classroom dahil break time. Parang ordinaryong estudyante lang sila pero sa loob-loob nila ay ang matinding takot.

"Tara na. Balik na tayo sa kwarto at nang makapagbihis na tayo para makapasok." Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko naman nang nakangiti.

Naglalakad kami papunta sa dormitoryo nang mabunggo kami ng isang babaeng nagmamadali. Nalaglag ang mga libro niya kaya tinulungan namin siya.

"Salama-" Napahinto siya sa paghingi ng pasalamat nang makita niya kami.

Napaatras siya na animo'y takot na takot. "H-Huwag please." Tumakbo ito palayo sa amin.

Nagkatinginan kami ni Kai sabay nagkibit balikat. Weird.