Jennie's Point of View
Sa loob ng ilang oras, mga subjects na lumipas, wala namang kakaibang nangyari. Parang ordinaryong araw, walang gulo, parang ang panatag ng paligid.
"Good Morning class..." Bati sa amin nang kakapasok lang na Physics teacher namin na si Miss Ji-eun Lee or Miss IU.
Walang nag-abalang bumati sa kanya pabalik. Hindi na rin naman ako nag-abala pang ibuka ang bibig ko. Ang boring.
"Before anything else, I have a big announcement." Halata sa mata nito ang excitement.
Mabilis na nakuha nya ang atensyon ng lahat. Masaya siya, pero bakit ganon? Hindi maganda ang pakiramdam ko. Am I just being paranoid o may something talaga sa balita nya?
"It's been a long time since this event happened. But now, we are happy to announce that there will be an Acquaintance Party!"
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwartong ito. Ang kaninang malawak na ngisi ng aming guro ay mas lumapad pa.
Acquaintance party. Isa itong announcement na kung saan dapat ay tumatalon na sa aexcitement ang iba. Pero, sa halip na ganoon ay parang binalot ang bawat isa sa amin ng isang pangamba.
Ngayon, matatawag pa rin ba itong good news?
"Miss IU?" Tumayo ang isa sa aming mga kaklase na si Wendy, base sa tawag sa kanya ng mga kaklase namin.
Ngayon ko lang din napansin, parang close ang mga kaklase namin sa isa't-isa, pero mailap sa amin. Bakit?
"Yes?"
"Sa tingin ko po ay hindi pa tayo dapat magkaroon ng isang kasiyahan, wala pang isang buwan nang mamatay ang ating late Headmaster Jin-goo Yeo." Anito sa isang magalang na tono.
"Late Headmaster?" Bulong na tanong ni Jungkook.
"I am sorry to say this but we can't do anything about it. Madame Dara had finalized it and it will happen this coming friday at the Wide Space."
"You can do something about it because you have the higher positio-"
"Enough Wendy. Okay class, let's start."
Walang nagawa si Wendy kundi ang umupo. Tinapik ng babaeng katabi nya ang balikat nito.
Bakit ganon? Parang may kulang? Shit! Ginagawa nila kaming tanga! Anong binabalak nila?
Wala sa sariling napangisi ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Iyong pakiramdam na kailangan din nila kaming katakutan. Nagkamali kayo o kung sino man ang nasa likod nito, hindi kami basta-basta. Kung ano man ang pinaplano nyo.
Paghahandaan namin ito.
-**-
Break time. May isang cafeteria lamang ang YGU pero ang laki nito ay higit sa triple sa normal na cafeteria. Ang kaibahan lamang sa ordinaryong cafeteria ay parang restaurant ito, may mga waiter na kukuha sa order nyo at hindi mo na rin kailangang tumayo para magbayad dahil sila na mismo ang kukuha sa bayad mo kaya wala kaming ibang ginawa kundi umupo. May take out section din ito kung saan do'n naman ay kailangang pumila bago makakuha.
"Kai, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Kai na kumakain ng spaghetti.
Nagtinginan naman sa kanya sina Rosé, Nayeon at Jisoo habang si Jungkook ay nakangising aso sa akin. Alam kasi nya na may crush ako kay Kai. Psh.
"Ahh oo. Sigurado akong namatay na ang lason dahil sa sili." Natatawang sagot nya na ikinatawa ko.
Kumunot naman ang noo nila dahil hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan namin.
"Ano na guys? Kailan ba tayo makakalabas dito?" Tanong ni Nayeon na nakangiwi.
"Binalikan namin ni Jisoo ang daan kung saan tayo dumaan noong pinapasok tayo pero nakakapagtakang wala. Napakataas na pader lang ang naroon." Naguguluhang sambit ni Jungkook.
Pinaglalaruan talaga nila kami, hindi lang kami kundi lahat ng estudyante na narito. Ikinulong nila kami sa isang hawla na kung saan ang nag-iisang daan ay nakatago. Pinapaikot nila kami at may pinaplanong hindi ko alam.
"They are planning something." Wala sa sariling sambit ni Kai.
"Something? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jisoo sa kanya.
"Something that I can't explain." Malabong sagot nito.
"I have a plan." Sambit ko. Lumingon silang lahat sa akin. Walang nag-abalang magsalita sa kanila o magtanong dahil naghihintay sila na buuin ko ang sinasabi kong plano.
"Hindi nyo ba napapansin? Pinasok natin ang YGU nang walang alam. Hindi natin alam ang history nito o kung sino ang mga nagpapatakbo nito. Ginagawa nila tayong tanga." Pag-uumpisa ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jisoo.
"Tama si Kai, they are planning something na maaring tayo ang maging sangkap. Hindi na tayo makakalabas dito kaya ang tanging magagawa na lang natin ay lumaban. Makipagpatayan para mabuhay, kailangan natin silang maunahan sa kanilang plano. We need information." Mahaba kong litanya.
Kung hindi kami kikilos at magpapakatanga, maaring buhay namin ang panganib.
"Si Wendy. May alam siya." Sambit ni Rosé na malalim ang iniisip.
Nagtugma ang iniisip namin ni Rosé. Base sa nangyari kanina, may alam talaga ang Wendy na iyon, kailangan lang namin siyang makausap, para makakuha ng ideya.
"How? Mailap sila sa atin na parang kinakatakutan nila tayo. How will we approach her?" Ani Nayeon.
"Ako na ang bahala." Sambit ko.
"Paano ang mga gang dito? Anong gagawin nating hakbang?" Tanong ni Kai.
Oo nga pala. Ang dalawang nagbabanggaang gang sa HU na Hell's Angels at Devil's Tribe. Paano nabuo ang grupong ito at ano ang ipinaglalaban nila? Pero isa lang ang alam ko, related ito sa history ng YGU.
"Huwag. Huwag nyong papakialaman ang mga gang!" Kumunot ang noo namin sa inasta ni Jisoo na parang takot na takot sya dahil sa pagsigaw niya.
"Magkarugtong ang mga pangyayaring ito Jisoo, once nalaman nating ang history ng YGU, madugdugtong-dugtong na ang lahat, including the gangs." Sabi ko.
"Bakit ang OA mo ata?" Pagsusungit sa kanya ni Rosé.
"H-Hindi naman sa ganon." Nauutal na sambit ni Jisoo. "Pero kasi, dapat natin munang pagtuunan ng pansin ang history ng YGU bago natin pasukin ang gang." Dugtong nito sa somehow ay may point.
Bigla kong naisip si Jeongyeon. Isa siyang HA member. May alam siya na higit sa nalalaman ng iba pero alam kong imposiblemg makukuha ako ng impormasyon sa kanya at baka maging isang malamig na bangkay na ako knowing na mapanganib siyang babae.
Pagkatapos naming mag-usap-usap ay hindi na kami nagsayang ng oras at naghiwa-hiwalay na kami para makakuha ng impormasyon. Sina Rosé at Nayeon ay nasa library habang sina Kai, Jisoo at Jungkook naman ay naglakad-lakad at nagbabaka sakaling makakuha ng clue.
Mabilis na tumayo ako sa bench nang makita na si Wendy na naglalakad kasama ang isa pang babae. Napaatras sila ng makita ako sa harapan nila.
"Wait! Hindi ko kayo sasaktan o ano pa. We need your help." Pigil ko sa kanila.
"H-Huwag kang lalapit sa amin, madadamay lang kayo." Sabi ng babaeng kasama nya na ikinakunot ng noo ko.
"Damay na kami pagkapasok pa lang sa YGU. So please, I need your help, Wendy." Halos lumuhod na ako sa harap niya para pumayag siya.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao na animo'y ay napaka big deal ang pagkausap namin sa kanila.
"Please..." Pilit ko. Bumuntong-hininga si Wendy bago sinenyasan na sumunod sa kanya.
Sumunod ako sa kanya at iniwan ang kasama nyang babae na nag-aalala. Pumasok kami sa dormitoryo nila at nilock nya ang mga pinto na animo'y takot na may makarinig sa amin.
Umupo kami sa sofa at magkaharap kami.
"Tatanungin kita Jennie, kaya mo bang ipagpalit ang buhay mo para sa impormasyon na ito?" Seryosong tanong niya.
Sumikip ang dibdib ko habang iniisip na ang impormasyon na makukuha ko ang tuluyang magkukulong sa akin sa impyernong ito. Ayoko man pero may nagtutulak sa akin na gawin ito.
"Sabihin mo lahat ng nalalaman mo." Matapang na sagot ko.
"Matapang ka Jen, pero katulad ka rin nila. It's just your curiosity."
Hindi ako nakasagot. Oo, inaamin ko na kuryosidad lang ang nangingibabaw sa akin NOON pero alam ko NGAYON na hindi lang. Hindi lang ito puro kuryosidad.
"YG University, hindi ito ang dating pangalan ng unibersidad na ito kung hindi Philippine High University o mas kilala bilang PHU (fu)." Panimula niya.
Umpisa pa lang ay maraming tanong na agad ang bumulabog sa aking isip.
"Isang kilalang unibersidad na kung saan mayaman lang ang nakakapasok, hanggang sa isang sakim na pinuno ang humawak sa unibersidad na ito, isa siyang baliw na scientist na mayaman, ang kanyang pagkatuso ang naging dahilan para mapasakanya ang kayamanan ng lahat ng nandito. Hanggang isang araw, nagulat na lang ang lahat, wala ng daan palabas, nagawa ng pinuno na itago ang unibersidad na ito sa buong Pilipinas, hindi na kailanman nabanggit sa mga radyo, telebisyon at pahayagan ang paaralan na ito, walang nagawa ang mga magulang ng lahat. Nakakalungkot isipin na isa ako sa nakulong sa impyernong paaralan na ito."
Hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko sa pagkagulat. Ramdam ko ang lungkot at hinagpis ni Wendy. Napakasakim na pinuno pero...
"Bakit nya ipinasara ang PHU?" Isang tanong na nagpapakunot sa aking noo.
Anong pinlano nya sa pagsara sa PHU?
"Pagkasara ng PHU ay pinalitan nya ito bilang YG University. Nagdamdam kami nang husto sa nangyari, maliit pa lamang kami noong nakulong kami sa impyernong ito hanggang ngayon ay andito parin kami. Hindi namin naiwasang magtanim ng sama ng loob sa mga magulang namin na hindi man gumawa ng paraan. Maraming nagrebelde, maraming gang ang nabuo, kasama na ang dalawang gang na nagbabanggaan ngayon. Ang Hell's Angels at Devil's Tribe."
Napalunok ako nang marinig iyon. Ang mga myembro sa loob nito ay tanging mga rebelde? Hindi ko naiwasang makaramdam ng inis sa kanila, napakakitid ng mga utak. Psh.
"Ang scientist na iyon ay si Dr. Yang, sa sobrang talino nya ay nawala na siya sa sarili nya. Bago siya naging pinuno rito ay maraming gamot na syang nagawa na pinagkaguluhan ng buong mundo. Ang sagot sa tanong mo na bakit nya isinara ang YGU ay dahil sa ginawa nya kaming lahat na experemento sa isang formula na bago nagtagumpay ay maraming nasayang na buhay. Ang formula na likido na kayang bumuhay ng isang patay."
Nangilabot ako matapos kong marinig ang sinabi nya. Isang formula na kayang bumuhay sa patay? Imposible. Hayop ang nilalang na iyon, hindi makatao ang experemento niya.
"Narinig mo ba ako Jennie?! Nagtagumpay si Dr. Yang! NAgawa nyang kumpletuhin ang formula na iyon."
"Andito pa ba si Dr. Yang sa YGU?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Namatay si Dr. Yang ng hindi nalalaman ng iba ang formula na iyon, hindi nya ito nagamit sa sarili niya pero may isa siyang naging estudyante noon na may alam ng formula na iyon. Subalit walang nakakakilala sa estudyanteng iyon, kaya hanggang ngayon ay nakasara ang YGU ay dahil pinaghahanap ng mga opisyal dito ang taong iyon, gusto nila makuha ang formula na iyon."
Tinitigan ako sa mata ni Wendy na animo'y takot na takot.
"Iyon ang lihim ng YGU na ayaw nilang makalabas. Ang sigurado ako ay nasa paligid lamang natin ang taong may alam ng formula. Jen, nanganganib ang taong iyon, sigurado ako ngayon na malapit ng malamn ng mga opisyal ang taong iyon. Alam mo ang mas kinakatakutan ko sa lahat? Ang makuha ng mga demonyo ang taong iyon at malaman ang formula, maaring gamitin nila sa masama."
Tumayo na ako dahil lsa ang sakit na ng ulo ko. Ayaw pa rin mag sink in sa akin ang lahat.
"Aalis na ako." Paalam ko. Hinawakan ni Wendy ang braso ko at tinitigan ako na animo'y isa akong kriminal.
"Alam mo na ang sikreto ng YGU. Hindi ka na makakalabas, mamamatay ka rin." Dahil sa tako ay naitulak ko palayo si Wendy na ngayon ay tumatawa na.
"Jennie Kim, kilala mo ba ang taong hinahanap nila? Kung kilala mo siya, lumayo ka sa kanya. Madadamay ka."
"Tumigil ka! Hindi ko siya kilala!"
Tumakbo ako palabas ng kwarto nila na dinig na dinig ko ang malakas niyang tawa.
Napaupo ako sa likod ng puno. Parang hinang-hina ang katawan ko. Ang sikreto ng YGU ay ayaw nilang may makaalam na may formula na ganoon na maaring maunahan sila ng iba. Shit!
"Hindi ka talaga marunong makinig."
Biglang sumulpot sa harap ko si Jeongyeon. Nakangisi ito pero alam kong inis iyon. Anong problema nya?
"Alam ko na lahat." Sabi ko na ikinatawa nya.
Umupo siya para magkalevel kami. Inilapit nya ang mukha nya sa akin na animo'y hahalikan ako. Tinitigan niya ako sa mata.
"Hindi pa Jen, kalahati pa lang ang alam mo, hindi ang buo. Malapit ka ng mamatay Jen, ikaw na ang target nila. Humanda ka."