Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 8 - Chapter 8: Danger

Chapter 8 - Chapter 8: Danger

Nayeon's Point of View

Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan para sundan si Kai sa pagpunta kay Jennie ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay buhat-buhat na ito ni Kai.

Banayad lamang itong naglalakad habang buhat-buhat si Jennie ngunit kapag tumingin ka sa kanyang mata ay alam mong kahit na anong oras ay sasabog ito sa galit. Ngayon ko lang siyang nakitang ganon.

"Isugod nyo sa clinic!" Dinig kong sigaw ni Rosé mula sa aking likod.

Buhat-buhat na ng guard si Jisoo na wala ring malay. Kapansin-pansin ang panunuyo ng balat nito.

Shit! Masama ito!

"Everyone na hindi involved sa pangyayari. Maiwan kayo." Sigaw ni Madame Dara na malawak ang ngisi.

Naikuyom ko ang aking kamao. Anong klaseng namumuno siya? Nagawa nya pang magsaya kahit na nag-aagaw buhay ang dalawang estudyante. Shit!

"I must say... umpisa na ang pagdanak ng dugo." Bulong ng katabi ko na may dalang wine.

Ito ang babaeng nagsabi na drugs iyon. Ang natatanging babae sa kasapi ng Hell's Angels.

"Shut up, bitch."

Iniwan ko na siya roon sa table namin at tumakbo papunta sa clinic. Habang tumatakbo ako ay maraming katanungan ang tumatakbo rin sa aking isip.

Sino ang may gawa non? Anong pinaplano niya? Bakit nya ginawa iyon? Kami ba ang puntirya nya?

Shit!

Naabutan kong humahagulgol si Rosé sa labas ng clinic habang pinapatahan ni Jungkook. Si Kai naman ay nakatulala at matalim ang iniisip.

"Sino sa tingin nyo ang may kagagawan nito?" Tanong ko.

Tumingin sa akin si Kai ng nakangisi habang umiiling. Anong problema nya?

"Sino sa tingin mo, Nayeon?" Balik na tanong nya.

"Hindi ko alam. Wala akong ideya." Sambit ko.

Muling binalot kami ng katahimikan. Medjo tumahan na rin si Rosé sa pag-iyak.

"Maari na kayong pumasok..." Bungad sa amin ng school nurse na si Nurse Joy.

Pumasok kami sa loob at naabutan ang walang malay na si Jennie at Jisoo. Nawala na ang panunuyo ng balat ni Jisoo subalit kay Jennie ay meron pa at parang mas lumalala pa.

"Isang klase ng pinagbabawal na droga ang naihalo sa alak, hindi biro ang dossage nito kaya ganon na lang ang nangyari. Maya-maya lang ay gising na si Jisoo, habang si Jennie ay kailangan pang obserbahan." Sambit nito sa amin.

Nanlumo ako dahil sa sinapit nila. At the same time ay galit na galit sa kung sino mang hayop na gumawa sa kanila nito. Demonyo sila.

"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganoon ang epekto kay Ms. Kim. Malala masyado." Nakakunot na dugtong nito.

"Paanong nangyari 'yon? Pareho lang naman silang uminom non?" Tanong ni Rosé.

Oo nga. Bakit naging malala ang kay Jennie? Bakit parang may mali na naman?

"Hindi ko rin alam, but maybe kumporme iyon sa dami ng nainom nila."

"Nakadalawang baso lang si Jennie! Marami na ang nainom ni Jisoo! Bakit parang baliktad?" Tanong ni Jungkook.

"Hindi ko pa masasagot 'yan ngayon but we will conduct an investigation about this. Don't worry, once na nalaman na namin ang sagot. We will inform you. Excuse me." Lumabas ito ng clinic.

Umupo sa sofa si Kai habang nakayuko habang kami ni Rosé ay pinagmasdan ang kalagayaan ng dalawa.

"Kung sino man ang may gawa nito, I swear, hinding-hindi ko siya mapapatawad." Gigil na sambit ni Rosé.

Sa malapitan ay maging ang labi ni Jennie ay nangitim na. Ang balat nya ay parang wala ng dugo. Sana walang mangyaring masama sa kanya.

"Damn that nurse." Bulong na sambit ni Kai na sinasabunutan ang kanyang buhok.

Kumunot ang noo ko. Bakit naging kasalanan ng nurse?

"Kai, walang kasalanan ang nurse." Pagtatama ni Jungkook.

Tumawa ito ng malakas. Nakakakilabot ang tawa nito. Parang hindi na siya si Kai. Parang sinapian ng kung ano. Anong nangyayari sa kanya?

"Sa tingin nyo, tutulungan nila tayo?" Tanong nito sa amin. "Hindi. Kahit mamatay tayo, wala silang gagawin." Nakangising sambit nito.

Tumayo ito at lumapit kay Jennie. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Lumukot ang mukha nito at paunti-unting kumuyom ang kamao.

"W-What do you mean?" Tanong ni Rosé na halatang gulong-gulo.

Maging ako ay naguguluhan. Bakit nya sinisisi ang nurse? Wala naman itong kasalanan.

"Wala siyang ginawa. Hindi nya ginamot o pinakialaman man lang sina Jennie at Jisoo." Sagot nito.

Ngayon ko nga lang napansin na dapat ay may mga aparatong nakalagay kina Jennie. Dapat ay may oxygen na nagsusupply dahil halatang nahihirapan silang huminga, lalo na si Jennie. Pero wala.

"Bitch." Gigil na sambit ko at aktong lalabas nang pigilan ako ni Jungkook.

"Hindi nya dapat malaman na nagdududa tayo. Baka maya gawin siyang masama sa atin lalo na kina Jennie at Jisoo." Sambit nito na hindi maipagkakailang may punto.

Walang nagawa si Rosé kundi ang umupo sa sofa at lukutin ang unan doon.

Demonyo sila. Sinusubukan talaga nila kami. Humanda talaga sila kapag may nangyaring masama kina Jennie at Jisoo. Humanda sila.

"We need to do something! Nanganganib ang buhay nila Jennie at Jisoo!" Sigaw ko.

Napayuko kami nang biglang mabasag ang bintana sa gilid namin. Mabilis na tumakbo si Jungkook palabas para tignan kung sino ang gumawa non habang kami ni Rosé ay walang nagawa kundi ang umupo sa isang gilid.

"Ayoko na! Gusto ko ng makaalis dito!" Sigaw ni Rosé.

Niyakap ko siya dahil ramdam kong takot na takot siya. Nanginginig ang katawan niya.

Parang isang panaginip ang lahat ng ito. Isang bangungot. Para rin kaming nasa isang laro na maraming palaisipan, isang laro na hindi namin alam kung sino ang kalaban.

"Wala naman." Ani Jungkook na kakapasok lang.

Ngayon ko lang napansin na may hawak si Kai na isang kulay asul na likido, nakalagay ito sa isang maliit na bote. Para itong umiilaw.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

Iniwan ko na muna si Rosé para lumapit kay Kai na nakatitig parin sa bote.

"Yan ba ang pinambato nila? Pero, para saan 'yan?" Tanong ni Jungkook na hindi rin maalis ang tingin sa bote.

"Gusto nilang ipainom ito kina Jennie at Jisoo." Sambit ni Kai.

Inalis nya ang tingin sa bote at ibinalin sa amin ang tingin nya.

"Sino? Teka! Hindi natin kilala kung sino ang nagbigay nyan! Baka Kung anong mangyari kina Jennie!" Awat ko.

Baka mas lumala pa ang lahat. Hindi namin kilala kung kanino  ito galing.

"We need to trust them. Kailangan nating magtiwala. Nasa panganib na ang buhay nila Jennie at Jisoo. Kung hindi sila agad malulunasan, maaring... maaring mas lumala ang lahat." Nagsusumamong paliwanag nito na humihingi ng pasang-ayon.

"Tama si Kai, maaari ito ang lunas." Pagsang-ayon ni Jungkook.

Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pinainom nila ang likidong asul na ito kina Jennie at Jisoo pero kapag hindi kami kumilos, baka maaring manganib na talaga ang buhay nila.

Tumango na lang ako. Ngumiti sa akin si Kai at hinawakan ang aking balikat. "Trust me." Sambit nito bago tumalikod at tumungo kina Jennie at Jisoo.

Unang pinainom ni Kai si Jisoo bago si Jennie. Lumipas ang ilang minuto at nanatili kaming nakatingin sa dalawang mahimbing na natutulog. Lumakas ang pangamba sa amin nang walang nangyari.

"B-Bakit parang walang nangyayari?" Tanong ni Rosé.

Walang sumagot sa amin. Ayoko ng ganito. Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi maalis sa isip ko ang mga pangamba at takot.

Kailangan naming maging matatag. Nag-uumpisa pa lang.

Nabuhayan kami ng loob ng dumilat ang mata ni Jisoo. Hingal na hingal ito kaya inabutan namin siya ng tubig. Nakatatlong baso sya na animo'y ilang araw na hindi nakainom ng tubig.

"Jisoo, gising ka na." Maluha-luhang sambit ni Rosé na ngayon ay nakayakap na kay Jisoo.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam namin ang pagtingin ni Rosé kay Jisoo. Kaya alam kong gayon na lang ang takot nya nang mangyari ito.

"A-Asan si Jennie?" Tanong ni Jisoo.

Napalingon siya sa tabi nya kung saan naroon si Jennie na wala paring malay. Bakit ganon? Bakit hindi parin siya nagigising?

Narinig namin ang pagkabasag ng vase sa tabi ni Kai na ngayon ay nakayuko na lang.

"Hindi. Gigising si Jennie! Bakit ba ganyan ang inaakto nyo?! Imumulat ni Jennie ang mata nya! Susungitan nya pa tayo!" Hindi ko alam ang gagawin ko.

Niyugyog ko siya ngunit walang nangyari. Nagbadya na ag luha sa aking mga mata. This can't be! Hindi mamamatay si Jennie!

"Bakit ganon?! Umepekto kay Jisoo bakit kay Jennie hindi?!" Hindi na rin mapakali si Jungkook.

Nanaig ang katahimikan sa amin hanggang sa narinig namin ang pagbukas ng pinto. Iniluwal nito ang isang babae na medjo bata sa amin siguro.

"Anong ginagawa mo rito? Sino ka?" Tanong sa kanya ni Rosé.

"Hindi ako kaaway. Andito ako para tulungan kayo." Sambit nito.

Dumiretso ito sa gilid ni Jennie. Nakatingin kaming lahat sa kanya at  naghihintay kung anong gagawin nya.

Nanlaki ang mata namin nang makitang naglabas ito ng kutsilyo. Hindi kami nakakilos at pinanuod lang namin kung paano nya itinaas ang damit ni Jennie at hiniwa ng maliit ang gitna ng dibdib nito.

"Anong ginawa mo?!" Hinablot ni Jungkook ang damit ng babae pero wala man lang itong naging reaksyon.

"Ahh..." Napatayo si Kai nang marinig ang mahinang pagdaing ni Jennie.

Nabuhayan kaming lahat sa loob.

"Ngayon. Ipainom nyo sa kanya ang gamot na ibinigay nila." Sambit ng babae na ngayon ay pinakawalan na ni Jungkook.

Mabilis na lumapit si Kai at pinainom kay Jennie ang natitirang likido sa bote.

"That is the Blue Elixir. Isang uri ng gamot na kayang linisin ang daluyan ng dugo sa puso. Hindi ito umubra kanina dahil tulog siya kaya hiniwa ko ang tyan nya para magising siya." Pagpapaliwanag nito.

Napatalon ako sa tuwa nang iminulat na ni Jennie ang kanyang mata. Katulad ni Jisoo ay uhaw na uhaw rin ito.

Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa saya. Lumuwag na rin ang aking paghinga. Lumingon ako sa likod para sana magpasalamat sa babae pero wala na siya.

"Asan na siya?" Tanong ko.

Nagkitbit-balikat na lang sila at muling ngumiti. Sa wakas ay ligtas na sina Jennie at Jisoo. Maraming salamat sa mga tumulong sa amin pero may isa akong ipinagtataka.

Ayon sa pagkakaexplain nya. Ang blue elixir ay uubra lang kung gising ang iinom nito. Hindi umubra kay Jennie dahil tulog sya pero bakit kay Jisoo umubra?

Posinle kayang gising si Jisoo at hindi talaga hinimatay?

Paano?