Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 10 - Chapter 10: Accepted

Chapter 10 - Chapter 10: Accepted

Jennie's Point of View

Naglakad ako palabas ng office ni Madame Mina na tulala. Bwisit na president! Binigyan pa ako sa sakit ng ulo!

Hindi ko naman sinerysos ang mga sinabi nya. Malamang ay nantitrip lang 'yon at gusto nya lang pasakitin ang ulo ko sa kakaisip. Hmp!

"Ms. Kim!"

Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang tumawag sa aking pangalan. Mabilis na lumapit ako sa kanya.

"Bakit po Sir Seo-joon?" Tanong ko.

Hawak nito ang tatlong libro na ginagamit nya habang nakasakbit sa kanyang braso ang kulay itom nyang shoulder bag. Masasabi kong may itsura talaga ito na sa palagay ko ay nasa mid 30's ang edad nya.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero dahil sa alam kong seryoso ito at halatang importante ang sasabihin ay pumayag na ako.

Pumunta kami sa cafeteria at umorder siya ng dalawang juice para sa aming dalawa. Nakaupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria kung saan hindi kami gaanong kita kapag may mga bagong pumapasok dito.

"I need your help."

Wala sa sarili nakagat ko ang straw ng orage juice ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ito at hindi ka makakita ng kahit anong expression sa kanyang mata kundi ang pagsusumamo na tulungan ko siya.

"Para saan po sir?" Tanong ko.

Sumandal ako sa upuan at tumitig sa kanyang seryosong mata. I have a bad feeling about this, may panibago na naman ba akong poproblemahin? Andami ko ng iniisip.

"I am not just a teacher. I am also a detective. They sent me here to rescue you all. Tulungan mo ako."

Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko inakalang detective siya dahil hindi halata sa kanya. Pero anong sinasabi nyang irescue kami?

"What are you talking about?"

"Listen Jen, isa akong detective at the same time ay secret agent. Dati pa namin minamanmanan ang lugar na ito pero hindi kami makakuha ng impormasyon. Hindi rin namin kayang pakialaman ang university na ito dahil hindi siya sakop sa gobyerno, that's why patago ang ginagawa ko. Isang buwan na ako rito pero wala pa rin akong makitang maaring maging butas ng YGU, ililigtas ko kayong lahat but I can't do that by myself that's why I am asking for your help."

Nanatili ang mga mata ko sa seryosong nyang mata. Gusto kong tumanggi pero gusto ko rin namang makatulong.

"Wala akong maitutulong sa inyo." Pagsasabi ko ng totoo.

I am just an ordinary student. Wala akong alam sa YGU, wala akong maibibigay na impormasyon sa kanya. Isa pa rin kaming newbies dito.

"Malaki Jen, malaki ang maitutulong mo. Accept their offer."

Kumunot ang noo ko bago napagtanto ang ibig nyang sabihin.

"Secretary... You want me to accept it?" Tanong ko.

Madiin itong tumango bago sumimsim sa kanyang juice.

"If you have the position, it would be a big help. Malalaman mo ang hindi nalalaman ng iba. Alamin mo kung saan ang Hidden Laboratory nila rito."

"Laboratory?"

Lumapit siya ng bahagya sa akin.

"Yes. They are hiding their laboratory, pinag-aaralan nila ang formula na nakuha nila bago mamatay si Dr. Yang."

Mas gumulo ang lahat matapos kong marinig iyon. "Akala ko hindi pa nila nakukuha ang formula dahil namatay si Dr. Yang na walang nakakaalam nito?" Tanong ko.

Ayon iyon sa pagkakwento ni Wendy. Namatay si Dr. Yang kasama ng formula na kahit sino ay hindi alam, maliban sa isang taong walang nakakakilala. Paanong napunta sa kanila ang formula?

"Hindi namatay si Dr. Yang ng kusa, pinatay nila siya para makuha ang formula." Bulong niya sa nagdulot ng pagtaas ng aking balahibo sa balat.

Unti-unting namuo na naman ang galit sa akong katawan. Napakasakim nila, nagawa nilang patayin ang isang tao para makuha ang isang ideya na hindi naman sa kanila. How cruel! Mga demonyo talaga sila.

"Nakuha nila ang formula pero may kulang. Hindi lahat naitala ni Dr. Yang sa nakasulat. Ang isang napakahalagang sangkap ang hindi pa nila nahahanap na itinatago ng isang estudyante. Kaya ngayon ay pinaghahanap nila ito, pero humahanap din sila ng sangkap na maaring pamalit doon na ginagawa nila sa isang sikretong laboratoryo."

Napatingin na lang ako sa baso ng juice ko na hindi pa man nakakalahati. Bakit ganon? Ang gulo ng mga kwento? Laging may mali! Posible kayang may mali pa rin sa kwento ni Sir Seo-joon?

"Jen, kailangan nating mahanap ang laboratoryo na iyon bago mahuli ang lahat. Dapat itong mapigilan bago mahuli ang lahat. I need your help, Jennie Kim."

Naglakad ako papunta sa dormitoryo namin na tulala. Napakaraming nangyari ngayong araw. Tinanggap ko ang tulong na hiningi ni Sir Seo-joon, kailangan kong makatulong. Para rin ito sa ikabubuti ng lahat.

"Jennie! Anong ginawa nila sa'yo?! Tinorture ka ba nila para mapaamin? Ano? Umamin ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Nayeon na nag o-overreact na naman. Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking likod sa sofa.

"Asan sila?" Tanong ko. "Pumasok. Nagpaiwan na ako para may kasama ka." Inabutan nya ako ng tubig.

Inilapag ko sa gilid ang baso bago nagpakawala ng buntong-hininga. This is too much for an ordinary girl like me. Paano ko ba tatapusin lahat ng pinasok ko? UGH!

"Jen, ano na?" Halatang sabik ito sa sagot ko.

"Hindi naman konektado sa nangyari kanina ang pinag-usapan namin. Pinipilit nila akong tanggapin ang posisyon."

"Ano? Tinanggap mo ba?" Tanong nya.

"Hindi... pa" Sagot ko na ikinalaki ng mata nya.

"Does it mean na may balak ka ng tanggapin ito?! OMG!"

Napabugtong-hininga na lang ako. Ano na kayang mangyayari sa aki kapag tinanggap ko ang posisyon na iyon? Paano ko naman matutulungan si Sir Seo-joon?

UGH!

"Here, this is your new uniform. Wear it now and I'll show you our office."

Walang buhay na tinanggap ko ang ibinigay sa akin na paper bag ni Lisa kung saan naglalaman ito ng isang uniform na pang secretary.

Pumasok ako sa CR at nagpalit. Napangiwi ako nang mapagtanto na mas maikli pa ang mini skirt nito kesa sa dati. Ang blouse na white ay naging kulay ocean blue. May plate din ako sa gilid kung saan nakasulat ang pangalan ko at ang posisyon ko which is obviously the secretary.

Nang kuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako sa CR kung saan nakaabang si Supremo na halatang inip na inip na.

"Nice. Bagay, let's go." Nauna na itong naglalakad.

Bumusangot na sumunod ako rito. Lahat nang makakasalubong namin ay gumigilid. Iyon ang ayaw ko sa lahat. Psh.

"That uniform... is she the new secretary?"

"How come? She's just a newbie! That's unfair!"

"Right! Ginayuma nya siguro si Supremo."

Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ko na ang mga babaeng kanina pa bumubulong. Sa una ay halatang tatarayan din ako pero umatras ang dila nila nang may nakita sa gilid ng aking uniform na nakasulat gamit ang dugo.

"N-Number 9?" Halatang nanginginig na ang mga ito.

"Kasama ka? S-Sorry."

"Paumanhin binibini. Hindi namin inakala na ikaw ang ika siyam."

Nanatiling seryoso ang aking mata na nakatingin sa kanila. Nakayuko na sila ngayon at halatang takot na takot.

"All of you, take my command. Get the fuck out of my sight!"

Mabilis na kumaripas ito ng takto. Gusto kong tumawa ng malakas.

"That's my line. Psh. Let's go." Hinila na ako ni Lisa palayo doon.

Nawala ang ngiti sa aking labi nang mapagatanto na hawak nya ang aking isang kamay. Hindi lang ito basta nakahawak dahil naka intertwin ang bawat daliri namin na parang magka holding hands kami.

Iniwas ko ang aking tingin at pinilit alisin ang kamay nya pero hindi ko magawa. Binitawan nya rin ito bago kami pumasok sa isang office kung saan may nakalagay na SSG Office.

Nakaupo sa isang table si Jimin Park na tumayo ng makita kami. Si Miss IU ay nasa dulo na ngayon ay nakataas na rin ang kilay sa amin. Napadako ang tingi ko sa isang babaeng nakaupo sa Secretary Chair. Bitch.

"Andito na pala ang bagong secretary." Sambit ni Jimin.

"Anong ginagawa ng babae na 'yan dito?" Nakapamaywang na tanong ni Yeji. "At bakit nakasuot sya ng ganyan?" Sunod na tanong nito.

"Get out of her chair." Mahina ngunit may diin nan sambit ni Lisa sa kanya.

"President Lisa. Si Yeji pa rin ang pinili kong secretary." Sambit ni Miss IU.

Nagulat kami nang kinalampag ni Lisa ang desk na katabi nya na nagdulot ng nakakabinging ingay sa buong paligid. Halos masira din ang table na hinampas niya.

"All of you, take my command. Sit on your respective chairs and get out of here Ms. Yeji Hwang."

Walang nagawa sina Miss IU at Jimin kundi ang bumalik sa kanilang pwesto habang si Yeji ay naglakad na palabas pero binangga muna ako.

"Bitch." Bulong ko.

Pinaupo ako ni Supremo sa table na kanina ay inuupuan ni Yeji Bitch.

Tumayo ito sa harapan namin na ngayon ay seryoso na naman. Ano bang meron sa kanya at bakit pati si Miss IU ay walang nagawa? Psh!

"Never. Question. My. Decision." Sambit nito.

Ang aura nito ay nakakatakot at sumisigaw ng kanyang posisyon at bilang isa sa pinakakataas sa lahat. Number 2 ang nakasulat sa gilid ng blouse nito.

"For now on, si Jennie Kim na ang bagong sekretarya ng YGU, and I don't want any questions about that. Respect her as you respect me. She is now in the 9th Power of the Highest 10. Mababa kung ikukumpara sa'yo Mr. Park na nasa ikalimang ranggo pero dapat pa ring respetuhin. This is my decision and it's FINAL."

Nakabusangot na kumagat ako sa hamburger ko. Pasimple kong sinulyapan si Lisa na busy sa pagkain ng kanin habang si Jimin at Yeji ay kumakain lang ng ice cream.

"Hindi ko alam na may ganitong rule." May diing bulong ko sa kanila.

Bahagyang natawa si Jimin habang si Yeji ay pasimpleng iniismiran ako.

Hindi ko alam na kapag pala naging myembro ka na ng SSG, ay dapat sila lang ang kasama mo buong araw, I am not allowed to talk to my friends. UGH!

"Well ngayon alam mo na."

"Fuck you."

Napayuko ako nang sinamaan ako ng tingin ni Lisa dahili sa pagmura ko sa kanya. Nakakainis!

Tumingin ako sa kabilang table kung saan naroroon ang aking mga kaibigan na tahimik na kumakain, pasimpleng sumusulyap sa akin sina Jisoo at Jungkook habang sina Nayeon at Rosé ay talagang nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo, si Kai ay hindi man ako nagagawang sulyapan.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga bago ibinaba ang burger ko. Nawalan na ako ng gana.

"Fine!" Napalingon ako kay Lisa nang magsalita ito. "You are allowed to be with your friends but, kapag tinawag na kita ay dapat na mabilis kang lumapit. Are we clear?"

Ngumiti ako bago tumango. Nagmadali akong umupo sa table ng mga kaibigan kong nakabusangot.

"Buti naisipan mong sumalo sa amin?" Tanong ni Nayeon na halatang nagtatampo.

"Oo nga, may bago ka na palang kaibigan. Snob muna kami." Gatong ni Rosé.

"That's the rule of the SSG. Once you're a member, you are not allowed to talk to your friends the whole day unless the president lets you. Kaya nga ayokong tanggapin mo ang alok nila eh." Sa wakas ay nagsalita na rin si Kai na halatang nagtatampo rin.

Bakit ganon? Gusto ko lang naman na makatulong pero bakit kailangan pang may maisakripisyo? Tulad ng mga kaibigan ko? Psh.

"Sorry." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako nila Rosé, Nayeon at Jisoo.

"Psh. It's okay. Hindi lang talaga kami sanay." Sabi ni Jungkook.

Naramdaman ko na hinawakan ni Kai ang kamay ko na ikinalawak ng aking ngiti.

"Let's go." Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Lisa sa gilid ko.

Bumusangot akong muli bago tumayo. Maging ang mga kaibigan ko ay walang nagawa.

Nanlaki ang mata ko nang biglang may lalaking nakabunggo ni Lisa. Natapon ang orange juice nito sa blouse ni Lisa na wala man lang reaksyon.

Natahimik ang buong cafeteria at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot at alala, takot kay Lisa at pag-aalala sa lalaking naistatwa rin sa kinatatayuan nya.

"S-Sorry, Supremo." Paghingi nito ng paumanhin.

Hindi sumagot si Lisa, bagkus ay kinuha nito ang notebook na dala niya.

"Name." Walang emosyong sambit nito.

Oh shit! Masama ito. Lumilitaw na naman ang pagiging demonyo nya.

"Seok-jin Kim." 

Inilipat ni Lisa ang pahina ng notebook bago ginuhitan ang buong pangalan nito. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, mamamaalam na ang lalaking ito.

"Follow us. The Dark Hell Jail is waiting for you."