Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 16 - Chapter 16: Behind The Mask

Chapter 16 - Chapter 16: Behind The Mask

Jennie's Point of View

Kakahuyan. Masukal. Sa likod ng YGU nila ako dinala. Iginapos sa nag-iisang silya sa gitna ng kagubatan na ito. Dapit-hapon na.

Nakatakip ang aking bibig ng tela. Hindi naman na ako nag-abalang sumigaw, nakatali ang bibig ko at wala ring makakarinig sa akin at kung meron man ay alam kong magdadalawang isip silang tulungan ako lalo na at hawak ako ng DT.

Nag-uusap ang dalawang lalaking dumukot sa akin na nakamaskara parin hanggang ngayon.

"Sinaktan nya si Queen, tingin mo? Anong gagawin sa kanya ni boss?"

"Kamatayan. Malamang doon na ang bagsak nya."

Dinig ko ang bulungan nila. Bakit ganin? Hindi ako makaramdam ng takot sa mga sandaling ito, totoo nga ba ang sinabi nila? Na hindi ako takot mamatay?

"Wala pa kasing nagtangkang saktan si Queen, and this newbie just slapped her hard. Mercilessly."

Seryoso? Sinubukan ba nila talagang iparinig sa akin para matakot ako? Well, sorry but I already accepted my death, matagal na, simula nang nalaman ko ang sikreto ng YGU.

Napayuko na lang ako dahil nangangawit na ako. Darating pa ba ang boss 'kuno' nila? Nangangawit na ako, kung papatayin na lang din nya ako, dapat ay kanina pa.

"Why so selfish, Jen? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag nawala ka? Napakamakasarili mo!"

Bigla kong naalala ang litanya ni Nayeon. Siguradong malulungkot na naman sila kapag may nangyaring masama sa akin, andami ko ng nagawang hindi maganda. Hindi pa ako nakakabawi sa kanila.

Hindi pa ako maaaring mamatay. Not now, not unless, sila mismo ang tumalikod sa akin.

Isang pares ng sapatos ang nakita ko sa lupa dahil nakayuko ako. Iniangat ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang isang babaeng mukhang addict. Maraming earrings, tattoo sa katawa at namumula ang mata nya. Is this Seulgi Kang? For real?

"Siya na ba?" Tanong nito.

Kumunot ang noo ko. Bakit ganon? Wala akong kahit na anong mabakas sa boses nya? I must be trembling in fear! She is a demon but how come? There is something wrong here!

"Yes boss." Sagot ng isa sa dalawang lalaking dumukot sa akin.

Ngumisi ito sa akin at tinanggal ang telang nakatali sa aking bibig. Hinawakan nya ang panga ko na animo'y babasagin nya na ito. Nanginginig pa ang kanyang kamay.

May mali talaga rito. Ramdam ko, isang malaking mali.

"Bitch."

Napayuko ako nang sampalin nya ako. Nalasan ko ang kalawang sa aking labi na sa tingin ko ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nya. I must say it fucking hurts.

"How dare you?!"

Muli akong napapikit nang sampalin nya ako. Ang hapdi na ng aking pisngi, namamanhid na rin ata ito dahil sa lakas ng pagsampal nya.

"You are just a newbie! I am the Queen here! Dala ko si kamatayan, parating na rin siya." Aniya.

Hindi ko alam pero natawa ako. Matagal ko ng kakampi si kamatayan, hindi nya ako pwedeng sunduin dahil magkakampi kami. Magpapatayan kami bago nya ako makuha.

"Anong nakakatawa?!"

Lumabas na ang ugat nya sa noo. Ang mata nya ay lalong pumula. Nagngingitngit din ang kanyang ngipin. Kahit na anong gawin nya, hindi ko makita ang demonyo. Pero bakit? Asan na ito?

"Seulgi Kang." Wala sa sariling sambit ko sa kanyang pangalan.

Natigilan ito at biglang nanigas. Natawa ako ng malakas. Confirmed! I knew it!

"Shut up!"

Aktong sasampalin na naman nya ako nang magsalita na ako. "Slap me once again at malalaman ng dalawang ito ang sikreto mo." Turo ko sa dalawa nyang kasamahan.

"Anong sikretong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong iya. You really don't know? Great pretender.

"Sikreto na kapag binunyag ko ay ikamamatay mo. Ito ang sikreto ng kamatayan."

Nanigas itong muli bago sinenyasan ang dala nyang kasamahan na iwan kami. Coward!

"Anong sikreto ang alam mo?" Muling tanong niya.

Dinilaam ko ang dugo sa aking labi bago ngumisi. Kaya pala, kaya pala parang may mail. Mapapaniwala nila ang iba pero hindi ako. Umpisa pa lang ay nagduda na ako, at dahil sa reaksyon nya ay nakumpirma ang hinala ko. Pathetic. Such a great pretender.

"Tell me!"

Tumalsik ang laway nya sa akin dahil sa galit pero hindi sapat para matakot ako. I can't see the demon. I want to see that demon! Pero alam kong wala, walang demonyo sa kanya.

"Tell me your name." Hamon ko na ikinakunot ng noo nya.

"What are you talking about?! I am Seulgi Kang!" Sigaw nya.

Hinawakan nya ang aking panga at hinarap sa kanya. Ngayon ay mas nakumpirma ko na ang hinala ko, gawin nya man ang kahit na ano sa sarili nya ay hindi kailanman mababago ang nasa puso nya. "Seulgi Kang!" Sigaw nyang muli.

Umiling na lang ako at inilayo ang mukha nya sa mukha ko.

"You can't fool me Ms. Whoeveryouare." Sambit ko. "You are not her, you are not Seulgi Kang." Unti-unting lumukot ang mukha nya.

Simula pa lang ay dapat nakita ko na ang demonyong nakakubli sa kanya ngunit wala, walang lumabas. Hindi porque ginawa nya ang hanyan sa katawan nya ay masama na soya, hindi porque ipinapakita nya na dapat siyang katakutan ay nakakatakot na siya. Hindi, hindi nya kayang lokohin ang sarili nya.

"W-What are you talking about?! I am Seulgi Kang! The leader of Devil's Tribe!" 

"Stop it! You are not her! Don't try to be one! You are not Seulgi Kang!"

Nakita ko na minsan si Seulgi noong niligtas nya kami sa HA, oo, pareho silang mapula ang mata pero hindi nya kailanman makokopya si Seulgi. That unique demon.

Unang kita ko pa lang sa totoong Seulgi ay nanayo na ang balahibo ko. Hindi nya kailangan sumigaw o maging marahas para katakutan siya, presensya nya pa lang, ramdam mo na ang demonyo sa kanya. Pero itong sa babaeng ito? Walang dapat ipangamba, hindi nya ako madadala sa itsura nyang nakakatakot.

"Shit! Paano mo nalaman?!" Umupo sya sa ugat ng puno at isinandal ang likod rito. Sinabunutan nya ang sarili sa inis.

"You can't copy the original Seulgi Kang, no one can compare how scary and dangerous she is. Maging ikaw, nong binanggit ko ang pangalan nya, natigilan ka, natakot ka sa pangalan pa lang nya!"

Iyon ang nakumpirma ko kanina. Noong sinabi ko ang 'Seulgi Kang' ay natigilan siya.

"Pero bakit? Lahat sila napaniwala ko, even Nancy. Alam nya na ako ang leader ng DT, pero bakit ikaw? Nalaman mo?" Tanong nya.

"Simple lang, nakita ko na si Seulgi once. Sila? Hindi pa nila ito nakita, kaya hindi sila maghihinala." Sagot ko.

Mahina itong natawa sa sinambit ko. Parang naglaho ang pagpapanggap na kasamaan sa kanya. This is the girl behind the mask. Yes, she is scary physically but not enough compared to the real Seulgi Kang.

"Tama ka, nakita ko na rin si Seulgi but not her real face, nakamaskara sya. She asked for my help, kailangan kong magpanggap na siya."

"Pero bakit?"

"Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Wala pang nakakakita sa mukha nya, baka isa siya sa mga nakakasalamuha natin pero hindi natin alam."

So wala pa nga talagang nakakakita sa mukha ng totoong Seulgi? Even his proxy? Ang alam nilang lahat, this girl is Seulgi Kang, isang malaking pagkakamali pero, sino nga ba ang totoong Seulgi?

"Can I ask you a favor?" Halos lumuhod na ito sa aking harap sa pagsusumamo. "Don't tell anyone about this, magkakagulo ang lahat, lalo na pagnalaman nya, papatayin nya ako." Takot na sambit nya.

"Pakawalan mo na ako." Utos ko dahil nangangawit na rin ako.

Isang malakas na sampal ang inabot nya sa aking pagkakalag nya sa akin. Hindi ito lumaban at nanatiling nakayuko.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. "Ang sikreto ay sikreto." Sambit ko bago tumalikod.

Nakita ko ang dalawa nyang kasamahan na nanlaki ang mata sa pagsampal ko sa boss nila, ni hindi nila nagawang makapagsalita.

Naglakad na ako pabalik. Hinaplos ko ang pisngi ko at sobrang hapdi. Alam ko babakat ang palad nta. Jerk!

"Anong nangyari sa mukha mo?" Salubong sa akin ni Kai pagkapasok ko sa dormitoryo namin.

Sinulyapan ko si Nayeon na hindi nakatingin sa akin. Kailangan kong humingi ng sorry.

"I am sorry."

Napatingin sya sa akin at ngayon ko lang napagtanto na namumula pa ang mata nya at halatang kakagaling lang sa kakaiyak.

"A-Ano bang sinasabi mo Jen?" Naguguluhang tanong ni Rosé sa akin.

"May ginawa ka bang mali?" Tanong ni Jungkook na naguguluhan din.

"Marami, kaya humihingi ako ng paumanhin." Napayuko nalang ako nang maramdaman kong nagbadya na ang luha sa aking mata.

I might be strong physically, but let's not talk about emotionally.

"Naging makasarili ako, hindi ko inaalala ang nararamdaman nyo, patawad."

Naramdaman ko nalang na niyakap nila ako kaya hindi ko na napigilan ang pagluha.

"Shh. It's okay. We are friends, nag-aalala lang kami sa'yo. Pero wala kang kasalanan." Pagpapatahan ni Jisoo na hinahagod ang likod ko.

"Friends forever tayo, walang iwanan magpakailanman." Sambit ni Rosé.

Tumingin ako kay Nayeon na nanatiling nakaupo sa sofa at nakayuko. Kumalas ako sa pagkakayakap nila at lumapit sa kanya.

"Wala man lang bang yakap dyan?" Biro ko.

Natawa nalang ako ng bigla siyang yumakap sa akin, napahiga tuloy ako sa sofa. Humagulhol siya na animo'y bata.

"Ikaw kasi eh! Nagtatampo ako sa'yo! Hindi kita bati!"

"Haha! OA ka! Bati na tayo, please?" Pinisil ko ang pisngi nya.

Kapag talagang sumumpong ito, nag-iisip bata. Naaalala ko bigla nong hindi ko sinabi sa kanya na crush ko si Kai, in-unfriend nya ako sa fb tapos blocked pa! Haha grabe sa ka OA-han.

"Hmm.. sige na! Pasalamat ka, mahal kita! Bati na tayo!"

"Thank you."

Halos hindi ako makahinga nang dumagdag pa sa amin si Rosé, Jisoo at Jungkook habang si Kai ay tumatawa lang.

Ang sarap sa pakiramdan na may kaibigan ka na mapagkakatiwalaan mo. Iyon bang iwanan ka na ng lahat pero sila ay mananatili sa tabi mo.

Jisoo, Rosé, Jungkook, Nayeon, Kai and I. We are friends forever. I guess, no one can tear us apart, I mean absolutely no one.

I hope so.