Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 21 - Chapter 21: Weird

Chapter 21 - Chapter 21: Weird

Jennie's Point of View

Tulala na lumabas ako ng dorm. I need fresh air to calm my mind. Alam na nila ang sikreto ng YGU, ano ng mangyayari sa aming anim?

Habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng mga iyakan mula sa mga estudyante, may mga nagyayakapan na animo'y huling araw na nila sa mundong ito.

Is it about the Bloody Week?

"Ayoko pang mamatay..."

"Wala na tayong magagawa..." 

"Halimaw talaga sila!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa kanila. Halimaw naman talaga sila, pinaglalaruan lang nila kami, buhay ang nakataya. Sigh...

Umupo ako sa isa sa mga bench, tumabi ako sa isang babaeng tulala habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Ni hindi nya nga ata naramdaman na umupo ako sa tabi nya eh.

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan at pinagmasdan ang mga nagdadaan.

All students are suffering from the insanity of their leaders and yeah, we are now included.

"Heartless..." Napatingin ako sa babaeng katabi ko nang magsalita siya. "Wala silang puso, they are worse than monsters." Sambit nito.

Nanatili ang mga tingin ko sa kanya habang ang kanyang tingin ay nasa malayo.

"You are also like them... heartless."

Nangilabot ako nang tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na lapnos ang kalahati ng mukha nya dahil natatakpan ito kanina ng kanyang buhok na itim.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinila. Hindi ko alam kung bakit ngunit hinayaan ko ang aking sarili na magpahila sa kanya. Dinala nya ako sa likod ng isang abandunadong classroom.

"You!" Tinuro nya ako. "You can do something about this... but you are afraid." Sambit nya na animo'y sinisisi ako sa mga nangyayari ngayon.

"Nagkakamali ka. Wala akong magagawa sa mga nangyayari ngayon. I am still a powerless secretary."

Tumawa ito nang malakas na animo'y nawawala na siya sa katinuan. Natakot ako sa inasta niya ngunit hindi ko pinahalata.

"Bakit siya? Bakit siya nagawa nya? You are just afraid! Weak! Akala ko katulad ka rin ni Joo-hyun, but it was a big mistake."

"Joo-hyun?" Naguguluhang tanong ko.

Sino ang Joo-hyun na tinutukoy niya? Bakit tinawag din akong Joo-hyun ni Madame Dara? Bakit naihahalintulad ako sa kanya?

"Si Hyun ay isa sa mga bago noon. Isa siya sa tatlo na tanga na pumasok din dito pero hindi katulad mo, may nagawa siya para sa amin." Pagmamayabang nya sa akin.

Si Joo-hyun ba ang tinutukoy ni Sana na past newbie? Ang dating secretary na napaibig ang dating Supremo?

"Ahh!"

Sumigaw siya habang hawak-hawak ang ulo na animo'y sobrang sakit ng nararamdaman nya. I tried to help her but she just pushed me away.

"Anong nangyayari sa'yo?!"

Halata na rin ang alala sa aking tono. Napaluhod na siya sa sahig habang sapo-sapo ang ulo. May masakit ba sa kanya?

"Hihinga ako ng tulong." Sambit ko pero bago pa ako makaalis ay nahawakan nya ang braso ko.

Kahit na hirap na hirap na siya ay nagawa niya paring umiling. Tumayo siya kaya inalalayan ko siya.

Pulang-pula na ang mata nya na animo'y dumudugo na ito. Ang kanyang labi ay biglang nanuyo. Anong nangyari sa kanya.

"Sorry for that." Paghingi nya ng paumanhin.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Hinang-hina pa siya at hingal na hingal.

"Hindi na rin ako magtatagal dahil alam kong kakalat na ang formula na itinurok nila sa akin." Aniya. Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Anong formula ang sinasabi niya? "They also used me as a human tester for that imperfect formula. Tsk." Sambit niyang muli.

Ginawa siyanng human tester para sa isang formula na ginagawa nila? Hindi pa nga nila ito nakukumpleto pero hindi naman makatarungan na gumamit ng mga estudyante para maging tester. Sa sarili na lang nila dapat itinuturok. Tsk.

"They are still finding that secret formula. Nakakatako lang na makumpleto nila ang formulang iyon dahil alam kong sa masama lang nila ito gagamitin."

"Alam mo ba kung saan ang laboratoryo nila?" Tanong ko na ikinatigil niya.

Kumunot ang noo nito na animo'y hindi nagustuhan ang tanong ko.

"Huwag mo nalang silang pakialaman kung ayaw mong matulad sa akin."

"But I want to help!"

"Hindi ko maaring sabihin. Umalis ka na." Mainahon nyang sambit.

"But-"

"Umalis ka na!"

Wala na akong nagawa nang ipagtulakan nya ako palayo. Umalis na rin ako dahil wala rin naman akong mapapala sa kanya dahil ayaw nyang sabihin kung saan itinatago ang sikretong laboratoryo nila.

"Binalaan na kita..."

Napagitla ako nang biglang sumulpot si Jeongyeon sa aking harap na seryoso.

"Layuan mo ang Seo-joon na 'yon, huwag mong gawin ang sinasabi niya. Ilang beses ko bang uulitin sa'yo?"

"Ano bang pakialam mo?!"

"Stupid."

Nilagpasan ko nalang siya at hindi na nagtangkang lumingon muli. Shit!

Hapon na kaya pumunta na ako sa cafeteria para maglinis. Wala na ring tao rito. Walang ganang dinampot ko ang mga plastic bottle na nakakalat.

"Still slow huh?"

Hindi ko pinansin si Lisa na andito na naman para pansinin ang gagawin ko. Lagi na lang nya akong napupuna.

"What's bothering you?" Tanong nya ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.

Masyadong marami akong iniisip para pansinin ang isang asungot. Una, that bloody week, pangalawa, alam na rin ng mga kaibigan ko ang sikreto ng YGU, pangatlo, 'yong babarng human tester na ayaw sabihin sa akin king saan ko matatagpuan ang hidden laboratory nila at hula ay si Jeongyeon na lagi nalang akong pinapakialaman.

Sigh...

Sinamaan ko ng tingin si Lisa nang hinablot nya sa akin ang basahan na pinamumunas ko ng mga lamesa.

"Are you alright? Why aren't you answering me?" Tanong nya.

I rolled my eyes. Kumuhana lang ako ng bagong basahan pero hinablot nya rin.

"Hey! Ano bang problema mo? Bakit ayaw mo akong pansinin?"

"Wala akong problema. Look, I am just tired. Pwedeng huwag ka ng makialam nang agad akong makatapos at magpahinga?" Inis na sambit ko.

Andaming nangyari ngayon. Pagod na pagod na ako at parang kahit anong segundo ay babagsak na ako. Inaantok na rin ako tapos naglilinis pa ako. Gusto ko ng matapos agad ito at makapag pahinga.

"Fine! Let me help you!"

Nanlaki ang mata ko nang biglang nagpunas ng table si Lisa na nakanguso. Hindi naman sa pagiging OA pero kasi ngayon ko lang siyang nakitang sumimangot at nakanguso pa, tapos nagpupunas pa ng lames.

Si Lisa ba talaga ito? Baka sinasapian. Weird.

"I can do it by myself, I don't need your help." Sambit ko ngunit parang binging hindi siya tumigil.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang basahan ngunit bigla na lang siyang umalis at lumapit ng lamesa.

UGH!

"It is the last time you will do this. No more cleaning after this."

Ano ba talagang nakain nito at parang sinapian ng anghel? Asan na ang Lisa na walang puso? Walang pakialam sa mga tao sa paligid niya?

Agad kaming nakatapos kaya naglalakad na ako ngayon pabalik. Tahimik na binabaybay namin ang tahimik na daan patungo sa dorm namin.

"T-Thanks." Nahihiyang sambit ko.

"I don't need your thank you. Just don't... d-don't do it again."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya pero alam kong nahihiya siyang sabihin 'yon. Tumingin ako sa kanya ngunit nanatili ang mata nya sa daan.

"Don't do what?" Tanong ko.

"Slow."

Slow? Hindi ko naman talaga maintindihan ang sinasabi niya o ang ibig nyang sabihin sa huwag ko ng uulitin eh! Slow daw! Ang labo kaya nya!

Buti nalang at tinulungan nya ako kaya hindi na ako nagbunganga nang tawagin nya akong sloe. UGH!

Inis na binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko alam kung bakit pero nakakasabay parin siya sa akin eh halos tumakbo na nga ako habang siya ay naglalakad lang. Masyado ba siyang malaki? Nanliliit ba siya sa akin?

Hay naku! Pagod lang ito!

"Dito na lang." Sambit ko nang ilang hakbang nalang ay nasa dorm na ako. "Makakaalis ka na baka maabutan ka ng bloody night." Dugtong ko.

"Are you worried about me?" Unconscious na tanong nya.

Nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong nya. "Worried? Sayo? Ako?" Turo ko sa sarili ko.

Tumawa ako pero halatang pilit habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Bakit naman ako mag-aalala sa'yo? Assuming karin noh? FYI, wala akong pakialam kahit maabutan ka ng Bloody Night at mamatay!" Nairap na lang ako sa hangin.

Ambisyosa! Feelingera! Assumera!

"Don't worry about me, I can handle myself." Inosenteng sambit niya.

Naubusan na ako ng sasabihin at explanation para ipaliwanag na mali ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko. GOSH! Tapos siya parang wala lang na magkaundagaga na ako sa pagpapaliwanag sa side ko! UGH!

"Y-Yong sinabi ko kanina..." Sambit niya na medjo nag-iwas ng tingin. "Huwag mo ng uulitin 'yon." Dugtong niya.

"Ano ba talaga ang huwag ko ng uulitin na tinutukoy mo?!"

"H-Huwag mo na ulit gagawin ang hindi pagkausap sa akin kanina." Seryoso niyang sabi. "This is an order from the highest Supreme Student Government and you can't do anything about it. When I talk to you, you should respond quickly. Are we clear?"

It took a second for me before I understood what she meant. Kaya ko lang siya hindi kinakausap kanina ay dahil pagod ako at gusto ko ng matapos agad na hindi ko magagawa kung kakausapin ko pa siya.

Why is it a big deal to you, Lisa?

Nabalik ako sa realidad nang pitikin niya ang aking noo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I am asking you, are we clear? Answer!"

"Yes!"

Hindi ko alam pero napasagot ako ng malakas na ikinangiti niya. Natigilan ako.

Ngumiti siya. Si President? Si President? Si Lisa Manoban!

Ngumiti...

"Sleep well, marami akong ipapagawa sa'yo bukas Jennie."