Jennie's Point of View
Muli kong kinuha ang aking bag at sinulyapan si Kai na mahimbing ng natutulog sa kalasingan.
Bumuntong-hininga nalang ako napailing. Hindi naman kasi basta-basta umiinom ng alak si Kai, ewan ko nga ba kung bakit naisipan niyang magpakalunod sa alak.
Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko, ngunit kahit isa sa man sa kanila ay wala akong natanaw.
Asan na ba ang mga 'yon?
Naglakad ako patungo sa wide space kung saan alam kong nakatambay ang lahat. Kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng lahat. Kapag may makakasalunbong sila ay pareho silang nlalayo ng ilang metro na animo'y takot na baka may basta sumaksak na lang sa kanila.
"Hoy!"
Sinamaan ko ng tingin si Jungkook nang gulatin niya ako ngunit tinawanan niya lang ako.
"It's not funny!"
"I know." Nakangiting sagot niya. "Aalis na sana ako rito pero nakita kita." Dugtong pa niya.
"Asan ang iba?"
Nginuso naman niya ang isang bruhang may kasamang lalaki na nakaupo sa isa sa mga benches dito sa wide space.
"Sino ang kasama ni Nayeon?" Tanong ko.
Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko mamukhaan.
"Jinyoung." Tipid na sagot niya.
Kumunot ang aking noo bago napagtanto kung sino ang Jinyoung na 'yon. Siya 'yong lalaking tinukso ko dati kay Nayeon sa cafeteria. 'Yong lalaking pasimpleng sinusulyapan ng mga babae.
Bumalik ang tingin ko kay Jungkook na hindi magawang sulyapan ang dalawa. I can smell something kaya hindi ko nagawang pigilan ang pagngisi. Hindi naman nahalata ni Jungkook ang ngisi ko dahil sa iba siya nakatingin.
"I know what you are thinking." Sambit niya na hindi man lang sumusulyap sa akin.
Pft.
"Samaham mo nalang ako hanapin ang iba." Suhestyon ko. Tumango nalang siya at sabay kaming naglakad.
"S-Sino ang iyo?" Tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang tanong na 'yon at hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko naitatanong.
I really can't control my curiosity.
"Anonymous." Biro niya. Naramdaman niya atang hindi ako natawa sa sinabi niya kaya isang mabigat na hininga ang pinakawalan niya. "May mga bagay na hindi na natin kailangang malaman, bagy na hindi natin dapat pagtuonan ng pansin." Banggit niya.
Natahimik ako. Bakit ba kasi napaka matanong ko? Kahit naman ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko magagawang sagutin ang tanong na 'yon. I must keep it a secret at mahirap isiwalat ang pangalan ng taong dapat mong patayin.
Sigh...
Pero ang sure ako ay may pangalan siyang nakita. Definitely, alam niya kung sino ang dapat niyang puntiryahin para makaligtas sa kapahamakan.
"C-Can you kill that person?"
Shit! Jennie Kim! Hindi mo talaga kayang pigilan ang bibig mo. Sermon ko sa sarili ko.
"Uh... sorry. Okay lang kahit hindi mo sagut-"
"Why not?" Nalagutan ata ako ng hininga matapos marinig ang diretsong sagot niya. "If that's the only way. I must." Dugtong niya.
Nanuyo ang lalamunan ko. Itinikom ko nalang ang aking bibig at hindi na nagtanong pa.
"How about you?"
Mariin akong napapikit dahil inasahan ko na talaga na babalik sa akin ang tanong ko. I should be careful next time, nangangapa ako ngayon ng sagot.
Psh.
"I don't know." Malamig kong tugon.
I really don't know. Baka nga bigla nalang akong bumulagta dito eh.
"That's bad." Tumingin na siya ngayon sa akin at tumigil sa paglalakad. "Alam ba ito ni Kai?" Nakakunot-noong tanong niya.
Isa pa ang lalaking 'yon. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. "He's drunk, hindi nyo alam?" Tanong ko.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. That, I think was his answer. Hindi niya alam. So, si Kai lang talaga ang naglasing.
"Ano namang paki ni Kai?" Ngayon ko lang napagtanto ang nakapaloob sa tanong nya.
"You really don't know huh?" Isang ngisi ang kumawala sa labi niya.
I am not slow pero hindi ko talaga alam ang sinasabi niya at ayoko ng mag-isip pa ng idadagdag sa sasabog kong utak.
Ibinalin ko naman sa iba ang aking paningin at saktong nakita ko si Rosé na tulalang naglalakad. Kakaway na sana ako pero natigilan ako nang makita ang isang babaeng lumapit sa kanya.
Huminto si Rosé sa paglalakad at hinarap ang babae. "Shit!" Bulalas ni Jungkook nang makita ang inilabas na patalim ng babae.
Saglit na huminto ang tibok ng aking puso bago naramdaman ang mga paa kong mabilis na tumatakbo palapit sa kanila.
Parang bumagal ang galaw ng lahat. Gusto kong sumigaw pero ayaw bumuka ang bibig ko.
Rosé! Fuck!
Inambahan siya ng saksak ng babae na agad na naiwasan ni Rosé pero nadaplisan siya sa braso at agad na kumawala ang napakaraming dugo mula rito.
Napahinto ako sa pagtakbo ngunit dumiretso pa rin si Jungkook na halatang sobra na rin ang kaba.
Hinabol ko ang aking hininga nang makita ang pagkuha ni Rosé ng patalim mula sa kanyang bag at mabilis na itinurok ito sa binti ng babae na bumagsak sa sahig.
Sakto naman na nakarating na sa kanila si Jungkook at inilayo si Rosé sa babang nagsisisigaw sa hapdi. Kahit na hinihingal ako ay pumunta na rin ako sa kanila.
"Hey! Look at me! Are you okay?!" Mahinang tinapik ni Jungkook ang pisngi ni Rosé na hanggang ngayon ay tulala parin, hindi alintana ang malalim na sugat sa kanyang braso na gawa ng patalim.
Nabalik naman ako sa realidad at lumapit kina Rosé at Jungkook.
"H-Hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Rosé sa babang masama ang tingin sa kanya.
Pinilit inalis ni Rosé ang pagkakahawak namin ni Jungkook sa kanyang kamay para lapitan ang babae.
"A-Are you okay?" Tanong ni Rosé na nanginginig pa ang bibig.
"I will not be okay until I kill you." Mabilis na tumayo ang babae para ambahan muli ng saksak si Rosé. Naging alerto si Jungkook para ilayo si Rosé pero naunahan na siya.
Mabilis na kumawala ang napakaraming dugo sa dibdib at bibig niya. Ni hindi ko nga gaanong nakita ang lahat dahil napakabilis ng pangyayari, basta ang alam ko lang ay bumagsak na sa sahig ang nakabulagtang babae.
Mabuti nalang at naunahan na siya ni Rosé.
"Ah!" Mabilis na sinalo ni Jungkook at Rosé nang aktong matutumba ito. Ngayon nya lang ata naramdaman ang hapdi ng braso niya na wala paring tigil sa pagdurugo.
Lumapit ako sa kanila. "Dalhin na natin siya sa Clinic." Sambit ko. Nabitawan ni Rosé ang kutsilyo pero hindi na kami nag-abalang pulutin ito baka kung mapano pa si Rosé kung hindi namin siya agad nadala sa clince.
Sinulyapan ko ang babaeng nakabulagta sa sahig at nagkalat ang dugo na malapot.
Rosé killed her. She is now saved.
But knowing Rosé. She will never forget this. It will take time for her to get fully recovered from this incident. It will scar her experience. Basta ang mahalaga, ligtas na siya.
Pagkarating namin sa clinic ay agad na sinalubong kami ni Nurse Joy na nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Kung pwede lang ay sinapak ko na siya sa mukha. "It is a fucking clinic, dammit!" Sigaw ko.
"But the clinic is closed until tomorro-"
"I don't fucking care!" Sinulyapan ko si Rosé na nakatingin lang sa amin at medjo nakangiwi. "Heal her wound, please." Halos lumuhod na ako sa harap niya.
"I am so sor-"
"Pagsisisihan mo habang buhay kapay may nangyaring masama sa kaibigan namin." Babala ni Jungkook na nagpipigil ng galit.
Maging ako ay matinding pagpipigil ang ginagawa ko. Baka kung hindi siya ang unang mapatay ko. Dammit!
"Utos ito ni Headmistress." Sagot pa niya. Kinwelyuhan ko siya ngunit hindi siya nagpatinag. Nanginginig ako sa galit.
Mukhang hindi talaga siya kikilos kaya naisip ko ang isang taong maaring makatulong sa amin. Inalis koang pagkakahawak sa kwelyo at mabilis na lumabas sa clinic.
Fuck them! Isinara nila ang clinic dahil alam nilang maraming mangangailangan ng tulong lalo na't bloody week ngayon.
Halos itulak ko na lahat ng nakaharang sa daan bago nakarating sa SSG Office kung saan nadatnan ko sina Miss IU, Jimin at Lisa na nag uusap-usap.
Naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat. "Here you go, buti naman at dumat-"
"Sumama ka sa akin."
Mahigpit na hinawakan ko ang braso ni Lisa na nakakunot ang noo. Alam kong kawalang respeto ang ginawa ko at baka nakalabag ako ng rules pero wala na akong pakialam.
"What are you doing?!" Galit na sigaw ni Miss IU pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil nakatingin ako kay Lisa na nagsusumamong sumama siya sa akin.
"Please?" I added.
"May pinag uusa-"
"Come with me." Namutla ang lahat ngunit nanatiling kalmado si Lisa, hindi alintana ang nakatutok na patalim sa kanyang leeg.
Hindi siya natakot o nasindak man lang at mukhang wala siyang pakialamn sa kung anong nakatutok sa kanya! Dammit! What am I thinking?! Si Lisa pa talaga ang tinakot ko eh siya nga itong hindi takot kay kamatayan!
"Miss Kim. You are breaking the number 1 rule." Hindi ko alam pero ramdam kong natuwa si Miss IU.
Wala na akong pakialam sa kung ano ang nalabag ko. Even the most prioritized rule as long as I can save my friend.
"You know what will be the punishment?" Tanong niyang muli.
"You seem so desperate, Miss Kim. You badly need me huh?"
"Please, kailangan ko ng tulong mo." Naibagsak ko na ang kutsilyong hawak ko dahil sa nanginginig kong kamay.
Napayuko na lang ako dahil parang kahit na anong segundo ay babagsak na ang luha ko.
"Saan mo nakuha ang kutsilyong 'yan?!" Gulat na tanong ni Miss IU. "That's owned by-"
"I am going with you, but you have to face the consequences of this." Hinawakan niya ang aking kamay at ramdam ko ang higpit ng hawak niya rito.
Inangat ko ang aking tingin bago ngumiti ng mapait. Yumuko siya at pinulot ang kutsilyong ibinigay niya. "Keep it." Nanginginig na ibinalik kong muli sa kahon ang patalim bago ako hinila ni Lisa palabas.
"What do you want?"
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay hinila ko nalang siya. Nanginiginig ang tuhod ko at ramdam ko ang titig niya sa likod ko. Shit! Hindi mawala sa isip ko ang kapalit ng kapangahasan ko.
Pagkarating namin sa clinic ay nakaawang na talaga ang bibig ni Rosé at halatang nahihirapan na. Marami nang nawalang dugo sa kanya.
"Supremo, please save her." Pagsusumamo ko.
Tumitig kami kay Nurse Joy at ramdam kong nataranta na rin siya at hindi makatingin kay Lisa.
"Heal her wounds." Walang emosyon sambit ni Lisa.
Napatingin sa kanya si Nurse Joy at ramdam ko ang pangangatog ng tuhod niya just facing Lisa.
"S-Supremo, mahigpit na ipinagbabawal an-"
"Nurse Joy, hindi mo gugustuhing banggitin ko pang muli ang inutos ko." Ramdam ko na ngayon ang awtoridad at pagbabanta sa napakalamig na tinig ni Lisa. "I will count."
"No need! Gagawin ko na, Supremo."
Napahinga naman ako ng maluwag nang tumalikod na si Nurse Joy para kumuha ng mga gamit. Lumapit naman ako kay Rosé at mahinang tinapik ang pisngi niya.
"Gagaling ka na. Just don't sleep, okay?" Mahinhin kong sambit na ikinatango niya. Ngumiti siya sa akin at inilabi ko ang katagang samalat.
"How come?" Hindi makapaniwalang sambit ni Jungkook habang nakatingin kay Lisa na nakatayo sa pinto ng clinic. Bumalik ang tingin niya sa akin na nakakunot na ang noo.
Nagkibit-balikat na lang ako. Tumabi kami nangn dumating na si Nurse Joy at sinimulang gamutin ang patuloy na dumudugong braso ni Rosé. Napapikit si Rosé sa hapdi kaya iniwas ko ang aking tingin dahil parang ako rin ang nasasaktan.
Nilingon ko si Lisa na seryoso lang na nakatingin sa akin. Nagkasalubong ang tingin namin at isang iling lang ang natanggap ko na parang binabalaan na ako sa kapalit ng paghila ko sa kanya at worst, ang pagtutok ko ng kutsilyo sa Supreme Student Government President.
Anong klaseng parusa ang haharapin ko?
Biglang may pumasok na babaeng hingal na hingal. Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Dumapo ang mata niya sa babaeng ginagamot ng nurse.
"Fuck!" She cursed. Nilapitan niya si Rosé kaya medjo umatras si Jungkook para makalapit si Jisoo. "Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
Isang tango lang ang nakuha niyang sagot kay Rosé dahil halata parin ang panghihina sa kanya bunga ng maraming dugo na nawala sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako bago humarap kay Lisa.
"Parusahan nyo na ako." Mapaklang sambit ko. Hindi siya nagsalita at nanatiling seryoso ang kantang tingin sa akin.
Halos pabulong lang ang pagsambit ko no'n dahil ayokong marinig ng mga kaibigan ko 'yon, especially Rosé. Baka sisihin niya ang kanyang sarili.
"Why are you always like this?" Tanong ni Lisa. "Careless." Dugtong niya na medjo napapailing.
Hinila ko siya palabas para makapag-usap kami ng masinsinan. Dinala ko siya sa likod ng clinic kung saan walang makakadinig sa amin kahit na magsigawan kami.
"Dragging me as always, ikaw lang ang nakagawa ng ganito sa akin." Naiiling na sambit niya.
Hindi ko alam kung pagbabanta ang sinabi niya o pagkakamangha.
"Anong parusa? Lilinisin ko cafeteria nang 2 months? Lilinisin ko ang buong YGU nang isang linggo?" Tanong ko.
"No. Wala roon ang parusang nakalaan sa'yo." Sumeryosong muli ang titig niya. "Kamatayan." Dugtong niya.
Napasandal ako sa pader bago unti-unting dumausdos pababa. Napasapo ako sa aking noo at parang sirang plakang paulit-ulit na nag fa-flashback sa isipan ko ang sinabi ni Lisa.
'KAMATAYAN.'
Unti-unting umunat ang aking labi hanggang sa namalayan ko na lang na tumatawa na ako hanggang sa humalakhak na ako.
Nakatingin lang sa akin si Lisa na seryoso lang. Parang nakatingin siya sa isang babaeng nawala na sa katinuan. Isang babaeng, bilang na ang araw.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko pero patuloy pa rin ako sa paghalakhak hanggang sa unti-unting naging hikbi na ito.
"Don't worry, I'll give you until Saturday to live, magkita tayo sa sabado ng gabi, dito." Aniya.
Mariin kong pinunasan ang aking mata bago tumayo. Lumapit ako kay Lisa. "Don't tell anyone about this. Ang huling hiling ko." Sambit ko bago nilisan ang lugar na 'yon.
Mamamatay ako nang walang nakakaalam. I guess, this is really my end at least, I saved my friend.