Jennie's Point of View
Hindi ko parin mabura sa aking isipan ang mukha ni Kai nang nilagpasan ko lang siya ng tingin. He seems confused at the same time hurt.
Muling sumikip ang aking dibdib habang nakikitang umiiyak ang iba. Nakatulala ang iba na animo'y wala na sa katinuan.
"Last day." Wala sa sariling sambit ko.
Sumagi sa isipan ko ang taong papatay sa akin. Bakit ang tahimik niya? Dapat ay dumawa na siya ng paraan para mailigtas ang sarili niya. Pero, bakit ang tahimik?
Hindi ko alam pero mas kinikilabutan ako sa katahimikan.
"You are still not safe." Banggit ni Lisa.
"I will never be safe in this hell."
"There is a place where you will be safe." Muli niyang sambit na ikinakunot ng noo ko.
Nasa likod nya ako kaya hindi ko makita ang expression niya. There is no safe place in this hell. Matagal ko ng tinanggap 'yon pero ano ba ang sinasabi ni Lisa? May alam ba siyang lugar sa impyernong ito na ligtas?
"Supremo!"
Napahinto kami sa paglalakad nang lumuhod sa harap ni Lisa si Chaeyoung na humahagulgol. Anong iniiyak niya? May nangyari ba? Bakit kay Lisa siya lumapit?
"T-Tulungan mo ako, nagmamakaawa ako sa iyo, Supremo. Iligtas mo si Mama."
Seeing this innocent girl seeking for help and sympathy is wrecking my heart and I can literally feel the pain she is feeling.
Nanatiling kalmado at seryoso si Lisa na nakatitig lang sa kanya. Naghintay ako na sumagot si Lisa kahit na malabong tulungan niya ang nakakaawang babaeng 'to na nagmamakaawang iligtas ang kanyang ina.
Mama?
"Chaeyoung!"
Bumalin ako sa matandang babaeng humahagos papunta sa aming direksyon. Habang palapit ito ng palapit sa amin ay mas nauunawaan ko ang lahat. Lahat ng nangyari sa classroom kahapon, tama ang hinala ko.
"T-Tumayo ka dyan." Pilit na itinayo ni Miss Ye-jin si Chaeyoung na humahagulgol pa rin.
I knew it! May relasyon ang dalawang ito. Ang sikip lang sa dibdib na mag-ina pala sila.
"Ma! Hindi ko kaya!"
Yumakap ito sa kanyang ina na unti-unting bumuhos ang luha sa kanyang mata. Parang pinipiga ang puso ko sa eksenang nakikita ko. Nanlalambot ang tuhod ko at parang naramdaman 'yon ni Lisa kaya hinawakan niya ang braso ko.
Umiling siya sa akin na parang sinasabi niyang wala siyang magagawa sa sitwasyong ito. "S-Supremo. I-Ilayo mo na ako rito." Pagmamakaawa ko kay Lisa dahil pakiramdam ko ay bibigay na talaga ang tuhod ko kung mananatili ako sa harap ng mag-ina.
"Kill me now." Sambit ni Miss Ye-jin kay Chaeyoung na ikinatigil ng pagtibok ng puso ko.
Parang nabingi ako. Parang-Shit! Ayoko ng ganito. Ayokong masaksihan ang ganito. Mahina ako sa ganito. "Are you alright?" Dinig kong tanong sa akin ni Lisa na halatang nag-aalala.
Hindi ko nagawang sumagot o lumingon man lang sa kanya. Nanatili ang aking mainit na mata sa mag-inang nagsisigawan.
"Hindi ko kaya Ma! Mamamatay ako kung mawawala ka!"
"Please, anak. Nagmamakaawa si Mama sa'yo. Patayin mo na ako, iligtas mo ang sarili mo. Nauubusan na tayo ng panahon."
"Ayoko! Ma naman eh! Ikaw na lang ang natitira sa akin. Kung mawawala ka, ano pa ba ang maititira sa akin? Ma, huwag namang ganito."
Niyakap ako ni Lisa nang tumulo na talaga ang luha ko. Ayokong masaksihan ang ganito. Gusto kong iligtas sila.
Isang mahinang hikbi ang kumawala sa labi ko nang makitang may inilabas na patalim si Miss Ye-jin at pilit na ibinigay ito kay Chaeyoung.
Fuck! Mamamatay ako sa sakit!
"S-Supremo, do something to save the both of them." Halos wala ng lumabas na boses sa aking bibig. "Just this time, please?" Pagsusumamo ko.
"J-Jen."
Mariin akong napapikit nang nakahawak na sa patalim si Chaeyoung na nanginginig ang kamay at kahit na anong segundo ay bigla na lang babagsak sa lupa.
"J-Just this one." Muli kong sambit.
Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Lisa at hinawakan ang aking mukha. Gamit ang thumb niya ay pinunasan niya ang luha sa aking mata.
"Your wish is my command." She whispered.
Lumapit siya kina Chaeyoung at Miss Ye-jin. Kinuha ni Lisa ang patalim sa kamay ni Chaeyoung at itinapon ito sa malayo. May sinabi sa kanila si Lisa dahilan ng mas paglakas ng hagulgol nila. Napangiti ako nang magyakapan ang mag-ina.
Salamat, Lisa.
"L-Ligtas na ba sila?" Tanong ko. Pinunasan ko ang aking mata at medjo tumahan na rin ako.
"Not yet unless sasamahan mo ako kay Headmistress."
"I will." Mabilis kong sagot.
Tumango lang siya at naglakad nang muli. Sandali kong sinulyapan ang mag-inang nakayakap pa rin sa isa't-isa bago sumunod kay Lisa.
"This will be the last time. I just don't wanna see you trembling and almost freak out seeing them in that state. You must not act the same way again. You are being vulnerable."
Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Naalala ko ang yakap kanina, ang pagmamakaawa ko kay Lisa. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Tama siya, this is not me. What is happening to me?
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga huling katagang binitawan sa akin ni Wendy. Nakaramdam ako ng pangamba at takot. Mas nananaig na sa akin ang kahinaan. Nagiging mahina na ako.
"Remember that weak people have no place in this hell. You will be just trash in this place."
That hits me. "Why are you saying this?" I asked out of nowhere.
"I just wanna see Jennie Kim. That badass girl."
"I am Jennie Kim."
"Not a while ago. Hindi si Jennie ang nakita ko kanina. You ignored him. Nilagpasan mo lang siya ng tingin. That was not Jennie. That was not my secretary." Mainahon ngunit seryoso niyang sambit. "Nakilala ko si Jennie dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga kaibigan. At... 'yon ang labis kong hinangaan sa kanya." Dugtong niya.
Natahimik ako. Ano nga ba ang nangyayari sa akin?
Pagkarating namin sa Office ng Headmistress ay naabutan naming nag-uusap sila ni Min-ho.
"What brought you here, President?" Nakangising tanong ni Madame na nagpapalipat-lipat sa aming dalawa ni Lisa ang kanyang tingin.
Sumandal si Min-ho sa swivel chair at nginisian kami. May ipinapahiwatig ang ngisi niya na hindi ko matukoy kung ano. Parang nasisiyahan silang makita kaming magkasama ni Lisa?
Sinabi ni Lisa ang sadya namin na iligtas ang mag-ina kanina na mas ikinalawak ng ngisi ng dalawa. Creepy.
Tinaasan ko ng kilay si Min-ho nang dumapo ang tingin niya kay Hoy. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pusa na dala ko dahil pakiramdam ko ay gusto siyang kainin ng halimaw na 'to.
"Alam kong alam mo ang kapalit ng gusto mong pagligtas sa dalawa, Supremo. You must not forget the only rule of your position." Nakangising sambit ni Madame.
What requirement are they talking about?
"You must not be involved with anyone. You are not allowed to have friends. Never let your emotions hinder your way. Baka dahil sa ginagawa mo, ikabagsak mo ito." Babala ni Min-ho.
Hindi maalis ang kunot sa aking noo. May dapat pa ba akong malaman tungkol kay Lisa? Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat na 'to?
"I am aware of that." Maikling sagot ni Lisa. Base sa tono ng pananalita niya ay wala siyang pakialam sa pagbabanta ng dalawa.
Hindi ko alam pero ako ang natatakot.
"Good. Okay, we will make an exception for them. They are safe." Tumingin sa akin si Madame Dara na nakakunot ang noo. "You were also saved? How come?" Naguguluhang tanong sa akin ni Madame Dara.
Maging ako ay naguluhan sa sinabi niya. How come ligtas ako? Hindi ko pa nga nahahanap ang taong papatay sa akin eh.
"Maybe someone helped you that's why you were saved." Dugtong ni Min-ho. "Do you know who that person is?" Tanong nito.
Dumapo ang mata ni Madame sa hawak kong pusa. Nagkatitigan silang dalawa ni Min-ho bago ibinalik sa akin ang kanilang tingin.
"Saan mo nakuha ang pusang 'yan?" Naguguluhang tanong sa akin ni Madame.
Hinawakan ni Lisa ang braso ko. "Let's go." Bulong niya sa akin.
"Answer me!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Madame kaya mabilis na hinila ako ni Lisa palayo sa lugar na 'yon.
Naguguluhan ako. Bakit ganon ang naging reaksyon nila matapos makita ang pusang hawak ko? Napasigaw pa si Madame na parang gulat na gulat. That was weird.
"Don't mind them." Sambit ni Lisa nang mapansin na wala ako sa huwisyo.
"Meow."
Nagulat ako nang tumalon ito at pumunta sa paa ni Lisa na animo'y batang nagpapabuhat sa kanyang ina. Hindi ko maipinta ang mukha ni Lisa na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Mommy Lisa, nagpapabuhat si Baby Hoy o." Biro ko na ikinakunot ng noo ni Lisa.
Kinunutan niya ako ng noo na animo'y nagtatanong. "Biro lang! Eto naman." Pagbawi ko.
Ang arte! Hmp!
"L-Leave me alone." Nauutal na sambit ni Lisa kay Hoy na ikinakunot ng aking noo.
Namutla si Lisa nang nginatngat ni Hoy ang pantalon niya. "Fuck! Ms. Kim, get this shit out of me!" Hysterical na sambit niya.
"Are you afraid of cats?" Kunot noong tanong ko.
She glared at me. Confirmed!
Si Supremo, si Lisa Manoban. Ang SSG President. Ang pangalawa sa pinakataas sa YGU. Ang taong hindi takot mamatay. Ang taong hindi mo gugustuhing banggain. "Ay takot sa pusa." Napatakip nalang ako sa aking bibig nang mabigkas ko ang huling kataga.
"I am not afraid! It's just... I hate cats."
"Because you are afraid of them."
"Ms. Kim! Get Hoy out of me!"
"Just admit it first that you are afraid of him."
She glared at me. That innocent evil eyes. She is showing the devil inside of her and I don't know but I am no longer afraid.
"Meow."
Napapikit si Lisa sa inis nang mapunit na ang laylayan ng kanyang pantalon. Seeing her closing her eyes in anger makes her cool ang it is giving me a hint to do more.
Hanggang saan ka tatagal, Lisa?
"Okay, I get it. You are not afraid of cats, right?" I asked and she nodded innocently. I can't hide the smirk forming inside of me.
"I am Lisa! I am not afraid of a-anything. Even a c-cat."
Tumango-tango ako bago lumapit sa kanya. Kinunutan niya ako ng noo ngunit nanatili siyang nakaistatwa na animo'y takot na gumalaw.
"W-What will y- Ouch!"
"Ouch?" Pang-aasar ko sabay kurot muli sa kanyang pisngi.
I am enjoying this.
"Stop pinching- Damn Jennie! It hurts!" She hissed.
Mahina akong napahalakhak nang sobrang pula na ng pisngi niya. Dumapo sa buhok niya ang aking tingin bago ngumisi.
"What the fuck?!"
Ginulo ko ang buhok niya na sinuklay niya. Naliligo naman pala siya dahil malambot ang buhok niya, hindi niya nga lang siguro type ang magsuklay pero nagsuklay na siya.
Hinawakan ko ang baba ko at pinagmasdan ang mukha ni Lisa na sobrang pula, gulo-gulo ang buhok at nakalobo ang pisngi niya at halatang nagpipigil ng inis. "Konti pa ah?" Pagpapaalam ko bago ginulo pa ng konti ang buhok niya.
"Alam mo, Supremo?" Inayos ko ang damit niya na nalukot. "Hindi masamang ngumiti." Dugtong ko.
Mas lalong humaba ang ngusi niya sa sinabi ko at halatang inaasar ako dahil hindi siya ngumingiti. Ngumiwi ako.
"You are not worth smiling for."
"Because I am not worth more than you could imagine." I answered back.
Sinulyapan ko si Hoy na nag-eenjoy sa pagngatngat ng pantalon ni Lisa.
"Smile!" Pananakot ko sa kanya.
"Ayaw!"
"Ayaw mo?"
"Hindi mo ba ako nari-" Natigilan siya nang kinurot ko ang pisngi niya at inunat para kunwari ay nakangiti siya.
Natawa na talaga ako dahil sa hitsura niya. Napakalaking pasalamat ko talaga kay Hoy at dumating siya sa buhay ko. Dahil sa kanya, napagtripan ko si Lisa.
Ang saya!
Tumigil na ako nang makuntento ako. Lumayo ako ng konti sa kanya at pinagmasdan ang buong katawan at mukha niya.
Mula sa ngatngat na pantalon siya, ang pisngi niyang sobrang pula, ang labi niyang nakanguso, ang buhok na gulo-gulo.
"Kontento ka na?" Inis na tanong niya sa akin.
Tumango ako bago sinulyapan si Hoy na tumakbo na palayo. Napanganga ako at narandaman ko ang kabog ng dibdib ko.
Unti-unting umangat ang aking tingin kay Lisa. Ang kaninang nakangusong labi niya ay napalitan ng malawak na ngisi.
Patay.
"I will count."
Napaatras ng isang hakbang ang aking paa sa kaba.
"1..."
"Sorry na!"
"2..."
"Nagbibiro lang naman a-"
"3..."
"Ahhh!"