Jennie's Point of View
I've never thought about this. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na maaring mangyari ito kahit na sandali. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking hinahangaan ko, ang lalaking pinagkakatiwalaan ko sa lahat, ang lalaking sa akin ay nagpapangiti, kasapi ng isang gang.
Ayokong isipin. Ayokong tanggapin. Ayokong sambitin. Hindi ito si Jongin, this is not him. Hindi nya ito magagawa, hindi niya magagawang sumapi sa ksamaan. Damn! This is not Kai.
Napaatras ako kaya may nasagi ako sa aking likod. Sinulyapan ko ito. Nakangisi ang lalaking pula ang buhok sa akin. Hindi ko alam pero nakakakilabot ang ngiti niya.
"May problema ba?" Nakangising tanong niya.
Hindi ko maiswasang kabahan. Pinagsususpetsahan na ba niya ako? "W-Wala." Hindi ko maiwasang mautal.
Ibinalin ko nalang muli sa harap ang aking tingin. Namutla ako nang makita ang ngayon ay hawak na ni Taehyung.
Shit! No, Kai! Don't do this!
Hawak ni Taehyung ang isang mainit na bakal. Sa dulo nito ay nakaukit ang pako na may ahas. That is the symbol of Hell's Angels.
Jongin Kim!
Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong hilain siya ngunit parang naistatwa na ako sa aking kinatatayuan. It seems that I am having a nightmare and I badly wanna wake up. Someone must slap me.
"Are you ready?" Nakangising tanong ni Taehyung sa kanya na halatang natutuwa sa pag-anib ni Kai sa kanila.
Fuck!
"I am."
Itinaas ni Kai ang manggas ng kanyang damit at inihanda na ang kanyang braso. Tinanggal ni Jeongyeon ang maskara ni Jongin na ikinabigla ng lahat.
Sinamaan siya ng tingin ni Kai pero nanatili siyang kalmado. Pasimple niya akong nginisian.
She did it para makita ko talaga na ang lalaki sa likod ng maskarang iyon ay ang aking kaibigan. You are really a bitch, Jeongyeon.
Mas humirap ang paghinga ko. I can clearly see now the emotionless Jongin. Parang hindi na siya si Kai. Parang hindi na siya ang lalaking matagal kong nakasama. It seems like everything about him changed and I will never accept it.
"Ahh!"
Mariin akong napapikit nang marinig ang nahihirapang ungol ni Kai. Hindi ko kaya. Parang babagsak ang luha ko kahit na anong segundo. Ayokong maring ang pighating atungal niya.
Alam kong masakit 'yon. It fucking hurts. At ang bakal na mainit na 'yon, ay magiging peklat sa braso ni Kai, magpakailanman kasama ng marka ng HA.
Bakit ba humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangang gawin ito ni Kai? Kahit na anong isipin kong dahilan, wala akong makita. Wala akong makitang dahilan ni Kai para umanib sa mga halimaw.
Iniisip ko ngayon.
Ano pa nga ba ang pinagkaiba ni Kai sa kanila?
Naramdaman ko nalang na gumalaw na ang aking paa palayo. Sa un ay dahan-dahan, hanggang sa bumilis. Namalayan ko nalang na tumatakbo na ako. Hindi ko alam kung saan na ba ako dapat pumunta. Kung saan ba dapat ilagur ang aking sarili.
Ayokong paniwalaan pero nakita mismo ng dalawa kong mata. Kitang-kita ko ang nangyari. Si Kai ay myembro na nang Hell's Angels, hindi lang siya basta myember. Isa pa siyang pangalawang pinuno. Nice.
Namalayan ko nalang na nasa likod na ako ng YGU. Mga nagtataasang puno ang narito. Nakakatakot? Oo, pero sa tingin ko ay wala ng mas nakakatakot pa kesa sa nasaksihan ko kanina.
Nagsisisi pa tuloy ako ngayon kung bakit ako lumabas.
"Ahh!" Napasigaw ako sa pagkadismaya.
I want to cry but it seems that my tears were frozen. "Bakit?! Bakit nangyayari ito?!" Muli kong sigaw.
Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon. Wala na akong pakialam. Parang may parte sa akin na nawawala na tanging si Kai lang ang makapupuna.
It fucking hurts! Hindi ko maiwasang kamuhian ang aking sarili. Hindi rin maiwasang sumagi sa isip ko si Kai.
"Bakit?! Bakit mo kailangang gawin 'to?! I hate you!"
Kahit na anong sigaw ko ay parang hindi na kailanman mawawala ang sakit na ito. "You are better than this." Wala sa sariling sambit ko.
"You are too noisy."
"Wala kang pakia-"
Natigilan ako at sandaling pinagmasdan ang babaeng ngayon ay nakaharap sa akin. Her dark eyes with one is red. The black aura. The chill she is giving me. Hindi ako maaring magkamali, ang babaeng ngayon na nakatayo sa harap ko ay walang iba kundi si-.
"Seulgi."
Sandali itong ngumisi bago tumingin sa paligid. "Alam mo bang hindi maganda sa isang binibini ang narito sa gitna ng gabi?" Tanong nito.
Wala akong makalap na sagot. Parang nawala lahat ng lakas ko. She is really a monster. Masasabi kong, siya na ang pinakanakakatakot na nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. That red mask.
Devil's Tribe's leader is now standing in front of me. I could clearly smell danger. Having him around is giving anyone uneasiness and chills.
Tumingin siya sa akin kaya napalunok ako. "The way you look at me. Natatakot ka ba sa akin?" Medjo natawa siya sa tanong niya.
Damn! Who wouldn't be?! You are one of a hell scary. Laging katabi mo si Kamatayan na handang sumundo sa kung sino man ang nais mo. Ngayon, hindi ka ba dapat katakutan?
"You should not be scared at me. He is scarier than me." Who is he? Wala ng mas nakakatakot sayo. "He is the man you wouldn't want to go against with." Dugtong niya.
"What are you talking about?"
"I know what's bothering you." Ngumisi ito. "They thought that some NEWBIE could kill me?" Mahina itong natawa.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng galit. "Don't you dare." Pagbabanta ko like as if I can do something about this.
Sumeryoso ang mukha nito kaya nanlambot ang aking tuhod. Kai is in danger. Fuck!
"Give me a reason why I shouldn't kill him."
Reason? I have so many reasons but I know he doesn't care about that reason. Now, what reason should I say?
"If you can't give me a reason the-"
"Because of me." Putol ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot kong 'yon.
Hindi niya maaring patayin si Kai dahil sa akin? Woah! What a reason, Jen.
"Because of you?" Tanong niya pabalik na may halong pagkamangha.
"Y-Yes. Please?"
I almost beg- Nagmamakaawa na pala ako. Nagmamakaawa ako para sa kaligtasan ni Kai.
"Okay. You are an enough reason. You know why?"
I remained silent at the same time nervous.
"You are the only reason behind all the reasons. And I have the reason why I should protect you. Maybe a reason of wreck. You are a hinder. But a reason that will make you still alive. A reason that no one will not have any guts to go against with."
She left me hanging. Kahit na ano sa mga sinabi niya ay wala akong nakuha. Ang tanging naintindihan ko lang ay ako ang dahilan. Pero bakit?
"Let's go?"
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na ngayon. Isang babaeng isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nasa labas.
I want to ask her but it seems that I was too weak to even open my mouth. Basta ang alam ko lang ay nakaalalay sa akin si Jisoo.
Alam kaya niya? Sigurado pero ano na ba ang nalalaman niya? Ano rin ba ang rason nya kung bakit nasa labas siya ng ganitong oras?
"She is really as scary as hell. Ni hindi na nga ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kanina at hinintay ko pang makaalis siya bago ka makuha eh." Dinig kong sambit niya.
So, narinig niya rin ang lahat?
Sigh...
This information is too much to handle. Hindi ko alam na magkakaganito ang lahat. Ang plano ko lang ay alamin ang ginagawa nila sa labas bawat gabi- Oo nga pala, ano ba ang gagawin nila tuwing ganitong oras? Dapat ay nagduda na ako pero kasi hindi ko sila magawang pagdudahan.
Pagkarating namin sa dorm ay ganon parin ang dinatnan namin, tulog parin ang dalawa.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras." Dinig kong pangaral sa akin ni Jisoo.
Muntik ko ng ibuga sa mukha niya ang tubig.
"I should be the one saying that!" Pigil ang inis na ginagawa ko baka magising pa ang dalawa. "What are friends for? For lying? For pretending? For keeping a secret? Well that's not friendship. That is bullshit!" I almost cursed in disappointment.
"You don't know anything."
"Because you didn't say this things."
Pabagsak na ibinaba ko ang baso at nilagpasan siya. Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking likod.
"Hindi namin sinabi kasi ayaw namin kayong madamay."
"It will never be a reason. There is no reason to keep this shit. Tell me, anong ginagawa mo sa labas?"
Iniwas niya ang kanyang tingin kaya mas naningkit ang aking mata. "Hindi mo sasabihin?" Tanong ko.
"I shouldn't be the one to t-"
"Fine!"
Bumuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili. Isa pa 'yong si Jungkook. Where the hell is he?
"Keep this a secret." Mainahon kong pakiusap. "Wala kang sasabihin sa kanila sa nangyari ngayon. Matutulog na ako." Dumiretso na lang ako sa kwarto namin at dahan-dahang humiga sa kama.
Tumihaya ako at tumitig sa kisame.
Jongin, bakit?
Kinabukasan ay halatang pagod ako at hindi makatulog nang maayos. I tried to sleep but the heck, I can't. Lot of things are bothering me. I want to forget everything and act as if nothing happened but it's so hard.
Napabuntong-hininga na lang ako. Itinago ko ang aking sarili sa secret garden kung tawagin ko. Bihira lang kasi ang narito at ngayon ay ako lang mag-isa. Payapa ang paligid, dinig na dinig ko ang pagpagaspas ng mga puno at huni ng mga ibon na nagpapagaan ng pakiramdam ko.
I tried to act normal infront of them, especially to Kai. Pero mahirap talaga, mahirap magpanggap na wala akong alam. Mahirap magtago ng saloobin at pakiramdaman ko ay sasabog na ako kahit na anong oras.
"Meow."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumalon sa tabi ko ang itim na pusa. For the nth time! Ginulat na naman niya ako!
Naningkit ang mata ko. Bakit parang sinusundan niya ako? Coincidence lang naman siguro. Hindi naman pwedeng sundan ako ng pusang ito dahil hindi naman niya ako amo.
"Halika nga." Kinuha ko ito at ipinatong sa aking hita. Hinaplos ko ang balahibo nito.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. "Bakit kailangan mo pang manggulat?" Muli kong tanong.
Napahalakhak ako ng dilaan niya ang kamay ko. Nakikiliti ako kaya hindi ko maiwasang mabatukan siya.
"Haha. Ang kulit mo!" Muli ko siyang binatukan.
"Meow."
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
Kung may nakakadinig lang siguro sa akin ngayon ay malamang na iisipan nilang nababaliw na ako para kausapin ang isang pusa.
"Alam ko na!" Lumawak ang ngisi ko nang makaisip nang maaring ipangalan sa kanya. "Hoy!" Gulat ko sa kanya na bahagya niyang ikinaatras.
Mahina akong natawa sa ginawa ko. "Ngayon alam mo na ang feeling na ginugulat?" Natatawang tanong ko.
Nababaliaw na ako.
"Magmula ngayon Hoy na ang pangalan mo. Doon ka naman magaling 'di ba?"
"Meow."
Muli kong hinaplos ang kanyang balahibo. Pinagmasdan ko lang ang pag-ikot niya sa aking hita. Aampunin ko nalang siya habang wala pa ang amo niya.
"I will adopt you temporarily. Huwag ka lang sanang multi. Naku lang."
Naalala ko kasi ang kwento sa akin ni Ate Irene tungkol sa multo na nagpapanggap na pusa.
"Are you done talking to your cat?"
Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Lisa sa aking harap. Naningkit ang mata ko nang makita ang ayos niya.
"Nagsuklay ka ba?" Kunot-noong tanong ko.
Namula ito at bahagyang nag-iwas ng tingin. "H-Huh? Bakit mo naman natanong?" Tanong niya.
Hindi ko maaring magkamali. Alam na alam ko ang ayos ng buhok ni Lisa na hindi nagsusuklay.
"Nagsuklay ka e- Teka? Woah! Ano 'yonh naamoy ko?" Tanong ko. Lumapit pa ako nang bahagya sa kanya para makumpirma ang hinala ko. "Aha! Nagpabango ka!" Parang timang na sambit ko.
Halos hindi na siya makatingin sa akin at sobrang pula ng mukha niya.
"A-Ano naman ngayon?!"
"Ang ganda." Napatakip nalang ako sa aking bibig matapos kong masabi 'yon.
"R-Really?"
Nahihiyang napatango nalang ako.
"Let's go!"
Biglang bumalik sa pagka cold ng kanyang tingin at aura. She somehow reminds me of Seulgi.
"Isasama mo 'yang pusa?" Turo niya kay Hoy na bitbit ko.
"Masama ba? Saka, may pangalan siya. Hoy!"
"Insane." Mahinang banggit niya ngunit malinaw na narinig ko. "Tara na." Muli niya akong hinila.
Agad na naagaw ng isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa amin ang aking atensyon. Kung dati ay ngingitian at kakawayan ko siya ngunit ang ginawa ko ngayon ay nilagpasan lang siya ng tingin.
I ignored, Kai.
Ang sikip sa dibdib.