Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 22 - Chapter 22: Preparation

Chapter 22 - Chapter 22: Preparation

Jennie's Point of View

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi dahil sa ngiti ni Lisa. I mean, once in a blue moon lang 'yon, ngayon ko lang nakita pero ganon ang epekto sa akin.

Mariin kong ipinilg ang aking ulo. Tumayo na ako nang magring ang bell, hudyat na lunch break na.

"Saan ka pupunta? Hindi ka sasabay sa amin?" Takang tanong ni Rosé na nagliligpit na rin ng gamit.

"Hindi eh. May gagawin kasi kami ngayon ni Supremo."

"Gagawin?" Kunot-noong tanong ni Kai. "Anong gagawin nyo?" Emphasizing 'nyo?'.

"Gagawin, as in as secretary. Gosh, Kai. Kailan pa naging marumi ang isip mo?" Naiiling na tanong ko.

Hindi ako slow kaya alm ko kung ano ang ibig sabihin niya. Hindi ako inosente, hindi rin ako green-minded. Open-minded kaya ako.

"Kayo ah! Jennie, baka naman..." Pinanliitan ako ng mata ni Nayeon. "May gusto ka ba kay Supremo?" Nakangising tanong niya.

Napangiwi ako sa tanong nya bago umikot ang akong mata. "Matakot ka nga sa pinagsasabi mo Nayeon. Hindi nga kami friends, lovers pa? Ewan ko sa'yo!" Kunwawring naiinis na sagot ko.

Pero, totoo naman kasi eh. Paano naman ako magkakagusto kay Lisa eh dinaig pa ang may period non. Well, except kagabi na sinapian siya ng kung sinong good spirit pero over all? She is still a complete monster. And I guess, that's an enough reason for me to hate her.

"Tss..."

Bigla nalang umalis si Kai na ginugulo ang kanyang buhok. Ginagawa niya lang 'yon kapag naiinis siya o galit.

Nagkatinginan sina Jisoo at Jungkook bago natawa. What's with them?

"Nag walk out na si Boss! Alam mo kung bakit?" Tanong sa akin ni Jisoo na natatawa.

"Nagugutom?" Wala sa sariling sagot ko.

Wala naman kasi akong nakikitang rason para mag walk out siya. Maliban na lang kung nagugutom na talaga siya at hindi na makapagpigil.

"Or maybe, tawag ng kalikasan?" Sunod na sagot ko. "UGH! Nevermind, I have to go! Baka masermonan na naman ako." Paalam ko sabay sakbit ng bag ko.

"Ingat ka. May magmamahal pa sa'yo!" Sigaw ni Jungkook na hindi ko nalang binigyan pansin.

Baliw talaga ang mga 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang parating. Si Nancy at si Miss Poser, I mean si Seulgi 'kuno'.

Tinaasan ako ng kilay ni Nancy bago inilingkis ang kanyang braso sa braso ni Seulgi at idinikit ang kanyang dibdib dito. Bitch.

Pinagmamalaki nya ba sa akin ang girlfriend nya? Leader ng DT? Queen of YGU?

Napailing nalang ako. Kung alam niya lang.

"Hi Ms. Kim." Maarteng bati nya sa akin.

Sinulyapan ko si Seulgi na nag-iwas ng tingin. Pft. Guilty. Akala ko ba nakakatakot si Seulgi? Akala ko ba nakakakilabot siya? Bakit parang natatakot siya sa akin? HAHA.

"Kilala mo naman siguro kung sino ang kasama ko, right?" Maarteng tanong niya sabay tingin kay Seulgi na ngayon ay nakatitig na sa akin. "Natikman mo na ang bagsik niya, tama?" Tumawa ito ng malakas.

"Yeah. And I must say, it taste like hell." Nakangising sagot ko. "I was so scared that time." Dugtong ko.

Tumawa si Nancy ng malakas. "Sa susunod kasi, huwag na huwag mo na akong babanggain. Kung ayaw mong mabilis na mawala sa mundong ito. Let's go babe." Nilagpasan nila ako.

Hindi ko napigilan ang matawa. Kawawa ka naman Queen Nancy. Pathetic powerless queen. May alam akong hindi mo alam, isang sikreto na ikagugunaw ng mundo mo kapag nalaman mo.

Pagkarating ko sa SSG Office ay agad na bumungad sa akin ang isang bundok na papeles na nakapatong sa aking lamesa.

"Para saan 'to?" Tanong ko kay Jimin na busy rin sa ginagawa niya.

"Pakilagay raw sa stock room sabi ni Supremo." Sagot nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. He must be too busy huh?

Dumapo ang aking tingin sa table ni Lisa na bakante. "Asan siya?" Tanong ko.

"Nagchecheck ng mga students at ng mga lumalabag sa rules." Natatawang sagot nito.

Walang ganang binitbit ko ang mga papeles na nasa lamesa ko. Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Yeji na nakanguso.

"Hintayin mo ako!" Sambit niya sa akin bago kumuha ng mga papeles sa lamesa at nag bitbit din. "Hindi na nya ako secretary pero kung makapag-utos! Hmp!" Inis na bulong niya.

Natawa ako kaya sinamaan nya ako ng tingin. Inutusan din siya ni Lisa. Buti na lang dahil hindi ko alam kung makakailang balik ako bago matapos ang mga ito.

Sabay kaming naglakad at ang kasama ko ay bulong paring ng bulong.

"Ano? Masarap ba maging secretary ni Supremo?" Pang-aasar sa akin ni Yeji na nang-iinis.

"Okay lang."

"Okay lang? Hindi ka nya pinagbibitbit ng mga papeles araw-araw? Pinabibili ng kung anu-ano? Sinesermonan? Hindi ka ba nakatikim ng mga masasakit na salita sa kanya?" Tanong nito sa akin.

"Tama ka. Well, ganon naman talaga siya. Anong magagawa ko?" Maikling sagot ko sa mahabang tanong niya.

Ganon naman talaga si Lisa eh. Pero may kabaitan naman siya, kapag sinapian ng good spirit, pero all the time ay evil spirit ang nakasanib sa kanya.

Bigla kong naalala ang ngiti niya kagabi. Mauulit pa kaya 'yon?

"Bakit kasi hindi nalang siya ang nag bitbit ng mga ito?" Ngayon ay reklamo ko dahil malayo pa ang stock room.

"What? Si Supremo? Pagbibitbitin mo ng mga ganitong papeles? In your dreams! Hindi pa nga ata nagpunas ng sarili niyang lamesa 'yon eh! Lagi niyang inuutos sa akin!" Reklamo niya.

Bigla ko naman naalala nong tinulungan niya akong magpunas ng mga table sa cafeteria. "Hindi naman." Sagot ko.

"Anong hindi?! Hay naku! Ewan ko sa'yo!"

Pagkarating namin sa stock room ay agad naming ibinagsak ang mga papeles at umalis roon dahil ang sakit sa ilong nang alikabok. Ilang dekada na kayang hindi nalilinis 'yon?

"Nakakapagod!" Sambit ni Yeji na nag iinat-inat pa. "Kuha muna tayo ng juice sa cafeteria." Sambit niya na hindi man lang hinintay kung sasang-ayon ako o hindi.

Ibang klaseng babae. Naiiling na sinundan ko nalang siya. Nauuhaw na rin naman ako. Nakakapagod ang mag lakad ng malayo bitbit ang mga papeles na basura na 'yon.

Marami kumakain dahil lunch break pero hindi ko nakita ang mga kaibigan ko. Malamang nasa dorm ang mga 'yon, mas gusto pa raw nila ang luto ni Kai kesa sa chef rito eh.

Napangiwi ako ng biglang sumingit sa mahabang pila si Yeji. "Ano ba?! Gorgeous first!" Sigaw niya kaya walang nagawa ang iba na umatras para mabigyan siya ng space.

Pumunta nalang ako sa likod ng pila dahil hindi naman ako katulad ni Yeji na overtaker sa pila.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya sa akin.

"Nakapila. Obvious ba?" Pagtataray ko dahil nakataas rin ang kanyang kilay.

"May policy dito! Gorgeous first! Kaya dito ka sa akong likod!" Aniya.

Nakayukong pumunta nalang ako sa likod nya dahil ayoko nang marinig ang nakakabinging sigaw niya na abot hanggang sa labas ng cafeteria.

Saan naman nya nakuha ang policy nyang 'gorgeous first'?! Ito talagang babaeng 'to, inventor maka singit lang. Nauuhaw narin naman ako.

"Asan na yung order kong guava juice?! Masamang pinaghihintay ang dyosa, baka makatikim kayo ng pasa." Inip na sambit niya.

"Wait lang po miss..." Sambit ng babae na nagbubuhos ng juice sa baso.

"5 seconds!"

Natawa nalang ako sa kaartehan at kamalditahan ng babaeng 'to. Inabot naman agad sa kanya ang baso na may juice.

It's my turn.

"Ano po sa'yo, Miss?" Tanong sa akin ng babae.

"Orange ju-"

"Give her guava juice." Nanliit ang mata ko nang biglang nagsalita si Yeji.

Wala narin bang freedom to choose?

Tiningnan ako ng babae na nag-alinlanagan. Tumango nalang ako dahil alam kong hindi papatalo si Yeji at hindi naman masama ang guava juice.

"Ayan! Partner tayo!" Masayang sambit ni Yeji at pinagdikit pa ang baso namin.

Hindi naman masama ang lasa pero mas bet ko parin ang orange juice.

Hapon na nang matapos kami ni Yeji sa paglipat ng mga papeles. Dumagdag pa kasi ang kaartehan nya na nagretouch pa, tapos nagpahinga pa sa bench, tapos nagtaray sa mga nakakasalubong namin kaya umabot kami ng hapon.

Paalis na sana ako sa SSG Office nang dumating si Lisa na halatang pagod rin.

"Done?" Tanong nya. Tumango nalang ako.

Gulo-gulo pa ang buhok nito at tabingi ang salamin na animo'y ginahasa. Natawa ako sa iniisip ko.

"What's so funny?" Kunot-noong tanong niya sa akin na ikinatigil ko.

"W-Wala." Sagot ko.

Masungit na naman siya. Sabi ko na nga ba sinapian lang siya kagabi. Psh!

"Are you ready?" Tanong niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Ready for what?" Tanong ko.

Umiling ito at nangalkal sa kanyang drawer. Aalis na sana ako nang magsalita pa siya.

"Wait." Inabot niya sa akin ang isang kahon na parihaba.

"Ano 'to?" Tanong ko. Regalo ba 'to? Bakit hindi naka gift wrap? Hindi ko naman birthday.

Itinago ko nalang ito sa akong bag at naglakad na pauwi. Bigla kong naalala na bukas na mag-uumpisa ang bloody week.

Pagkarating ko sa dorm ay napatakip ako sa aking bibig. Marami kasing patalim ang nasa lamesa na pinagkakaguluhan nila Kai, Jisoo at Nayeon.

"Para saan 'yan?!" Bulalas ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

Lumapit ako sa kanila at pinagmasdan ang mga patalim. Sobrang talim ng mga ito na parang masusugatan ka agad kapag hinawakan mo.

"We need to prepare." Sambit ni Jungkook.

"Ayoko! Kahit na anong mangyari, hindi ako hahawak nyan!" Sambit ni Nayeon na malayo sa amin.

Preparation for the bloody week? Gosh! Kahit ako ay hindi ko kakayaning humawak ng ganyan. Nakakatakot.

"This is just for emergency purposes only. We'll just keep it in our bags." Sambit ni Jisoo.

Tumingin ako kay Kai na halatang tutol rin dito.

"That's a bad idea." Sambit ko.

"Starting tomorrow, nasa tabi na natin si Kamatayan, kaya kung ayaw nyong sumama sa kanya, kukuha kayo ng isa sa mga 'yan at itatago sa inyong bag." Sambit ni Jisoo na halatang siya ang nagplano nito.

Nanliit ang akong mata nang makita kong kumuha si Rosé. "Hindi ko ito gagamitin unless kailangan talaga." Anito.

Tumango naman sa kanya si Jisoo bago tumingin kay Nayeon na umiiling.

"Not me." Sambit nito bago naglakad papasok sa kwarto.

Napabuntong-hininga nalang si Jungkook na kumuha ng dalawa. Para siguro kay Nayeon.

Ngayon ay sa aming dalawa nalang ni Kai sila nakatingin.

"Ayoko..." Sambit ko.

Tumingin sa akin si Kai na halatang nag-aalala. "I'll get two, just incase na magbago ang isip mo." Sambit ni Kai.

"My mind won't change. Hindi ako gagamit ng mga patalim na 'yan. No matter what." Desididong sambit ko.

"We are in danger, Jen. Kung hindi natin tutulungan ang ating sarili, sinong tutulong sa atin? Wala." Sambit ni Jungkook.

Umiling ako. "Basta ayoko." Paulit-ulit na tugon ko.

Wala na silang nagawa kaya niligpit narin nila ang mga patalim na 'yon. Humiga ako sa tabi ni Nayeon na malalim ang iniisip.

"Do you think we can survive this?" Wala sa sariling tanong nya.

Umupo ako at pinilit siyang paupuin din. Iniharap ko siya sa akin, pinanghihinaan na siya ng loob, kailangan ko siyang palakasin.

"No one will die among us. Remember that." Sambit ko.

"How can you be so sure? Hindi na natin hawak ang ating buhay!"

Lumukot ang mukha nito at tumingin sa labas ng bintana.

"Nasa tabi mo lang kami, hindi natin iiwan ang isa't-isa magsimula bukas. We'll protect each other."

Tumingin siyang mula sa akin sabay ngumiti. Hindi ko narin maiwasang mapangiti.

"Sana Jen, sana talaga..." Sambit niya

Hindi ako agad nakatulog at pinagmamasdan ko lang sina Rosé, Jisoo at Nayeon na natutulog na.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo." Sambit ko sa kawalan.

Napadako ang aking tingin sa bag ko at naalala ang box na ibinigay sa akin ni Lisa kanina. Lumapit ako rito at binuksan ang bag ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang box na kahoy. Ano naman kayang laman nito? Bakit bigla na lang siya nagbigay nito?

Dahan-dahan ko itong binuksan. Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang kahin. Napatakip ako sa aking bibg at ramdam ko ang mabilis na tibog ng aking puso.

Shit!

Ano 'to?