Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 24 - Chapter 24: Control

Chapter 24 - Chapter 24: Control

Jennie's Point of View

Sa lahat ng napagdaanan ko, naming magkakaibigan, ito ang pinakakakaiba, at buwis-buhay sa lahat. Sanay na kaming laging nalalagat sa alanganin ang buhay namin, we love playing with death. We love dangerous adventures, we are the badass group you will see walking on the street with a smirk on our faces.

YG University. This is where we are right now. We are stuck in this place. We don't even know how to get out. We almost lost hope, almost. Nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas kami sa lugar na ito but whenever I see my friends, nagkakaroon ako ng lakas ng loob, nabubuhayan ako ng loob. My friends are my source of strength and definitely, my weakness. I promised myself I will fight as long as they are on my side. I will protect them, as long as I can.

"Hey! Tulala ka na naman..."

Kinuha ko ang inalok sa aking juice ni Rosé na tumabi sa akin. We are at the wide space. Ang malawak na open-space na ito na nagsisilbing tambayan ng lahat. Nakatirik ang araw pero may silong ang lahat ng bech dahil sa nagtataasang puno sa paligid.

"Asan sila?" Tanong ko.

Nginuso nya ang paparating na apat na nagtatawanan. Kumaway sa akin sina Nayeon at Jisoo habang isang ngiti lang ang isinalubong nina Jungkook at Kai. Magsimula kanina na nag-umpisa ang bloody week ay hindi na namin iniwan ang isa't-isa but I know may mga gawain rin kami sa hindi namin magagawa ng sama-sama. Halimbawa na lang ang tungkulin ko sa school.

"I need to go..." Paalam ko.

"Akala ko ba walang iwanan?" Nakangusong tanong ni Rosé.

"Wala naman talaga. Sino bang nagsabing iiwan ko kayo? Magkikita pa tayo mamaya, may kailangan lang akong gawin. You know... sexytary." I tried to be funny to divert the topic.

Tumango nalang ako bago naglakad palayo. Leaving them even for just a couple of hours is really hard for me. I may be strong to them, but I am weak inside. Natatakot din akong minsan na iwan sila at hindi na muling makita ang isa sa kanila.

Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Anu-ano ang iniisip ko.

Pagkarating ko sa SSG Office ay si Supremo lang ang dinatnan ko at masamang titig agad ang isinalubong nya sa akin.

Problema nito?

"Always late. Get that papers and follow me." 

Bossy. Kinuha ko ang mga papel na itinuro niya kabilang ang log book kung saan nakasulat lahat ng pangalan ng mga estudyante kasama ng mga kasalanan nila. Seriously, Lisa? Manually?

Naglakad lang kami nang dahan-dahan pero lahat ng taong madadaanan namin ay agad na umiiwas. We won't eat you people.

"Where are we going?"

"Somewhere."

Nice. Very well answered, Lisa. You enlightened me, you answered my question direct to the point. Somewhere? Where? Everywhere? The heck?!

Natigilan ako nang makita ang isang bangkay ng lalaki na hila-hila ng guard. Bumubula ang bibig nito. Mukhang nilason ito ng kung sino. Lumapit kami ni LIsa sa guard kaya tumigil ito.

"Youngjae Choi, supremo." Biglang sambit ng guard.

"Find it, Miss Kim and mark it with an 'x'."

Natigilan ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ako kumilos. Pinagmasdan ko lang ulit ang lalaking nanginginig at bumubula ang bibig.

"Do it." Medyo nairita na si Lisa.

"He is still alive for pete's sake."

Maari pang mailigtas ang lalaking ito sa kamatayan. Buhay pa siya pero kung tutunganga lang kami rito ay malamang na matuluyan na ito. Tumingin ako kay Lisa na poker face lang na nakatingin sa akin. Itinaas niya ang isang kilay nya na naghihintay na gawin ko nalang ang ipinag-utos niya.

"We are wasting so damn much time here, Miss Kim." Inip na sambit nito.

Kahit na ayoko ay hinanap ko agad sa list ang pangalan ng lalaking naghihinalo na. Nanginginig na nilagyan ko ng 'x' ang buong pangalan nito. Tumango si Lisa sa guard kaya nagpatuloy na ito sa pagbitbit sa lalaking wala ng buhay ngayon.

Hindi parin ako makapaniwala. Napakahalaga ng buhay ng isang tao, hindi ito nabibili ng salapi o napapalitan. Pero sa loob ng impyernong ito, walang kwenta ang buhay ng isang tao. Malaki ang chance ng lalaking iyon na makasurvive, pero... Wala.

"If you were me, what would you do?" Tanong sa akin ni Lisa na animo'y curious sa kung ano man ang iniisip ko.

"I would help him! He is still alive!"

Napailing si Lisa na parang mali ang suhestyon ko. "Who do you think poisoned him? What do you think is the purpose of that person?" Tanong ni Lisa.

That hits me! I know her point. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"What if we help him? Yes, he'll survive. What do you think will happen next? Mauulit lang ang nagyari. Likas sa tao ang hindi makuntento, sa tingin mo, hahayaan kaya siyang makaligtas ng kung sino mang gustong pumatay sa kanya? Definitely not. Then, Miss Kim, why would I waste my time in saving someone that should have died in the first place? You can't save everybody, even if you are immortal. Everything has a limit, at hanggang dito lang ang kaya natin."

Naging tikom ang aking bibig. Hindi maipagkakaila na nasa kanya ang malaking point. She thinks logically. She is one hell of a kind leader. Every second is important to her. Malawak ang isip niya, hindi ko kayang makasabay.

Hindi ko napansin na nakahinto na pala ako sa paglalakad. Hininap ko si Lisa na nakikipag-usap na pala kay Sir Seo-joon.

"You are ten minutes late for your next subject, Mr. Seo-joon." Walang buhay na dinig kong sambit ni Lisa.

Hindi naman nagpatinag si Sir Seo-joon na nakatingin sa akin. "May ginawa lang ako, Supremo." Sagot nito habang nakatingin parin sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin ng tingin niya kaya nahihiyang napayuko nalang ako. Wala pa akong naitutulong sa kanya at alam kong hinihintay niya lang ako. Masyadong tahimik si Lisa, maging sina Miss IU, wala akong mahanap o makitang kakaibang pinupuntahan nila.

"Unprofessional." Dinig kong sambit ni Lisa kaya napatingin ako sa kanila.

Naikuyom ni Sir Seo-joon ang kanyang kamao bago nilagpasan kami. Ang sakit naman kasing magsalita ni Lisa, below the belt. Words are much more powerful than anything, it can ruin something in just a snap.

"What's your connection with him?"

Napatingin ako kay Lisa at sandaling napakurap. Ako ba ang kinakausap niya? Sino? Si Sir Seo-joon? "Teacher?" Patanong na sagot ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Sinenyasan akong huminto ni Lisa kaya huminto ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinaningkitan ko ng mata kung sino ang kinausap niya.

Isang babae na matangkad ng konti sa akin. Maputi, makinis, at maamo ang mukha. Napairap nalang ako sa hangin.

Seriously? Anong importanteng pag-uusapan nila at ayaw pa niyang marinig ko? Really, Lisa? Malandi ka rin pala.

Mas naningkit ang aking mata nang makita kong itinuro ako ng babaeng 'yon. What?! Gusto mong maputulan ng daliri?!

Gosh!

"Makakaalis kana." Halos mapanganga ako nang biglang kinuha sa akin ni Lisa ang logbook at ibang mga papel. Saglit kong sinulyapan ang babeng nakatayo parin malayo sa amin na hinihintay si Lisa.

"But I am not yet done with my duty!" I almost rolled my eyes.

The fuck?! I should be glad! Tapos na ang pagtatrabaho ko ngayon sa kanya at makakasama ko na ulit ang aking mga kaibigan, but the fact na kasama niya ang babaeng 'yon ay hindi ko matatanggap.

"Kami nalang ni Krystal ang tatapos nito." Iritang sambit niya nang ayoko pang bitawan ang isang papel na halos malukot na.

Really, Krystal? Tinawag niya ito sa first name! While me? Tinawag niya lang ako sa aking pangalan once! Miss Kim! What is really happening to me?1

"Edi 'yan! Isaksak mo sa baga mo! Malandi..." Halos pabulong ko nalang sinabi ang huling kataga pero alam kong narinig niya.

Ano bang paki ko kung narinig niya? Totoo naman eh! Damn flirt, Lisa! Akala mo sinong nerd! Nasa loob lang pala ang kulo!

"Go to your Kai now..."

"Talaga!"

Napairap nalang ako bago pinitik ang aking buhok. Tumalikod nalang ako pero lumingon akong muli sa likod para irapan si Lisa na nakakunot ang noo.

Natigilan ako sa paglalakad nang maalala na may klase ang mga kaibigan ko ngayon. Wala akong choice kung hindi hintayin na matapos ang oras at makasama na ulit sila.

Pumunta nalang ako sa cafeteria para kumain. Nasa gitna ako ng pagkain nang makita kung sino ang parating. She is in her usual poker face while the angelic girl is smiling. The Devil and Angel. They really suit each other.

Mabilis na tumalikod nalang ako at nilisan ang lugar na 'yon. Hindi ko parin matanggap ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Lisa para sa babaeng 'yon. Don't get me wrong, ako kaya ang secretary niya!

Hindi pa man ako tutuluyang nakakalabas ng cafeteria nang may humila sa aking braso at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Halos nanlaming ako at ramdam ko ang malakas na kalabog sa aking dibdib.

Nagsigawan ang mga tao na ngayon ay nakapalibot na sa amin. Nababaliw na ang lalaking 'to!

"Huwag kayong lalapit! Mamamatay ang babaeng 'to!" Sigaw niya at mas diniinan ang kutsilyo sa leeg ko. "Ilabas niya ako sa impyernong 'to!"

Hindi ako makagalaw at ramdam ko na ang lamig ng patalim na nakatutok sa leeg ko. Isang maling galaw ko lang ay alam kong ikamamatay ko na.

Hinanap ko sa crowd ang taong gusto kong makita pero wala siya. SIya lang ang makakatulong sa akin. Kailangan ko siya, pero wala siya. Malamang na kasama niya parin ang babaeng 'yon.

Pigil ang hininga na ginagawa ko pero nabuhayan ako ng loob ng makita ko na siya, pero nilagpasan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ang inaasahan kong taong tutulong sa akin ay hindi ako pinansin.

Napatingi ako ng mapait. Wala nga palang kwenta sa kanila ang buhay ng kahit na sino, maging ako. Hindi ko alam pero parang unti-unting namumuong muli ang galit sa loob ko na matagal ng natutulog.

Oo nga pala. Bakit niya ako tutulungan? We are not even friends. I am just her secretary. Gaya rin ako ng iba, wala lang ako sa kanya.

"Pakawalan mo ako."

Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang napakalamig na boses na 'yon. Akala ko, iba siya pero katulad din pala siya ng iba. Halimaw.

Hindi ko sana hinayaan na mapalapit sa kanya. Kaibigan na ang turing ko kay Lisa kahit na hindi ganon ang turing niya sa akin. That was my biggest mistake! WAla akong magiging kaibigan sa loob nito kundi ang mga kaibigan ko na bago pa man kami mapadpad dito.

"Manahimik ka!"

Ramdam ko ang pagbaon ng kutsilyo sa aking leeg ngunit imbes na matakot ako, napangisi ako. Nagbabalik na naman ang dating Jennie Kim, the girl who is not afraid of death.

I promised myself. Walang sino ang makakalapit sa akin sa loob ng campus na ito. Walang sino man ang mapapalapit sa akin.

Siniko ko sa tyan ang lalaking nakahawak sa akin kasabay nang pagharap ko at pagsipa sa sikmura niya. Nangangalaiti ako sa galit. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili.

Halos mamaluktot ito sa sakit ngunit hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko ang kutsilyong hawak niya at umupo sa kanyang tabi. Itinutok ko ang kutsilyo sa leeg niya.

"You should have killed me while you still have the chance, but you are too slow." Idiniin ko ang kutsilyo sa leeg niya. Ramdam ko ang takot sa kanya, ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Halos manginig ito ng ibinaon ko ang kutsilyo sa leeg niya. Umagos ang dugo mula rito and I can't help but to smirk.

I could feel the eagerness to kill him now.

"Shit!"

Naramdaman ko nalang na may humila sa akin palayo sa lalaking humihinga pa. Sinamaan ko ng tingin si Jungkook. Andito na pala sila, hindi ko namalayan.

"Anong nangyayari sa'yo, Jen?" Tanong ni Nayeon.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Kai sa leeg ko kung saan may dugo rin na gawa ng lalaking nagtatatakbo sa takot.

"You almost killed him!" Halos pasigaw na sambit ni Rosé.

"Almost, he is still alive."

Tumalikod na ako para maglakad palayo nang bigla akong hinigit ni Kai palapit sa kanya. He is in his not usual serious expression.

"You are bleeding, can't you feel it?" He asked.

Napahawak ako sa batok ko. Nakaramdam nga ako ng konting hapdi gawa ng pagdiin ng lalaking 'yon ng patalim sa leeg ko.

"I can, but it is just blood. Hindi ako mamamatay." Halos matawa ako sa sagot ko pero nanatiling nakakunot ang kanyang noo.

Hinila niya ako kaya hindi na ako nagpumiglas. Nakasunod sa akin ang iba ko pang kaibigan. Yes, sila lang dapat ang itrato kong kaibigan. They are the one who cares for me after all. Only them.

Pumunta kami sa clinic. Sinalubong kami ni Nurse Joy ng nakangiti ngunit hindi namin siya pinansin.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong nito.

"Stop asking as if you care. Give me your first aid kit."

Naitikom ni Nurse Joy ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa. Tahimik na ibinigay niya kay Kai ang first aid kit.

Sinulyapan ko si Nayeon na naiiling lang habang si Rosé at nakatingin kay Nurse Joy na pinapanood ang ginawa ni Kai. Dahil sa mahinhin na pag gamot ni Kai sa sugat ko sa leeg kaya hindi ko namalayan na tapos na pala.

"T-Thank you." Nahihiya kong sambit.

"You may rest her-"

"Will you please, leave us alone, Nurse Joy?" Putol ni Rosé kay Nurse Joy na walang nagawa kundi ang lumabas. 

Halos mamaluktot ako para lang maiwasan ang mga mata nilang masama ang titig sa akin. Parang nasa isa akong paglilintis at nakagawa ng isang karumad-dumal na krimen. Hindi nga ba?

"What was that for?" Tanong ni Jisoo na halos hindi parin makapaniwala.

Hindi ko rin naman alam kung paano ko nagawa ang kanina. Nagising lang naman ako sa katotohanan. Nagalit lang naman din ako sa lalaking gagamitin pa ako para makalabas sa impyernong ito. Geez! He deserves more than that!

"When I saw you earlier. Nakakatakot ang mata mo, Jen. Halos hindi nga ako agad nakakilos para mahila ka sa lalaking halos patayin mo na." Sambit ni Jungkook na nakakunot parin ang noo.

Hindi ko alam kung nag o-overreact lang siya. Totoo kaya? Kaya ba ganon na rin ang takot ng lalaki kanina habang nakatingin siya sa aking mata?

"You lost your temper. You were furious unconsciously." Sambit ni Rosé.

What it it? Parang alam ko na kung saan patungo ang mga sinasabi nila. Mariin akong napailing.

"You are becoming a monster when you are angry. You lost control of yourself."

"No Kai, mali ang iniisip nyo!"

Shit!

"Natatakot ako para sa'yo, Jen. Natatako akong baka mas malala pa ang magawa mo sa susunod."

Hindi ko na talaga nakayanan lahat ng sinasabi nila kaya lumabas ako. Susundan pa sana ako nila ngunit pinigilan sila ni Kai.

Isinandal ko ang likod ko sa pader sa likod ng clinic.

Totoo kaya ang sinasabi ni Jeongyeon?

Am I becoming a monster? Or worst a demon? Hindi ba ako naiiba sa kanila?

"Looks like the little devil inside you is now showing up..."

I gave Jeongyeon a death glare. She's holding a nail on her right hand. It's not actually just a simple nail, it's a well-designed nail to kill anyone in just a snap. The Hell's Angels symbol.

"But it will never be enough. You have to let the devil in you out completely, now."

"Not so fast." Kumunot ang noo niya kaya hindi ko maiwasang mapangisi. "If I were you, hindi ko gugustuhing makita ang demonyong sinasabi mo." Lumapit ako ng konti sa kanya.

"If I were you, learn to control that devil, it could eat you up, Jennie Kim."

"Yes, I know. It is too dangerous that even I, myself can't control it." I added. "Don't worry. Makikita niyo na ang demonyong hinihintay niyo." Naglakad na ako palayo.

If becoming a monster or worst a demon is the only way for me to protect my friends, even if I have to hold a knife and take lives...

I will...