Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Maliit Puhunan Negosyo

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ

Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babaeng nagpaligalig sa puso niya. At gaano man kasimple ang ayos nito, hindi niya maitatangging napakalakas ng dating nito sa kanya. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang sariling isayaw ito nang gabi ng Foundation Ball. Naniniwala siya sa destiny noon pa man. At matapos ang ilang ulit nang pagkukrus ng mga landas nila at tila pagiging maliit ng mundo para sa kanilang dalawa ay noon nabigyan ng justification ang kakaibang damdaming naramdaman niya para sa dalaga habang isinasayaw nila ang The Last Waltz. Naging sobrang mailap si Vinnie at isa iyon sa mga dahilan kung bakit nahirapan siyang mag-isip ng paraan para ligawan ito. Pero gaya nga ng laging nangyayari, pagkakataon rin ang nagbigay sa kanya ng idea kung ano ang dapat gawin. Sa simula palang ay alam na niyang hindi pwedeng makipag-nobyo si Vinnie until makapagtapos ito ng kolehiyo. Pero sa kabila ng lahat ay wala parin siyang maramdamang kulang kahit sabihing patago ang kanilang relasyon. Everything was so perfect at tanging sa piling lang ni Vinnie niya naramdaman iyon. Pero noon naman biglang pumasok sa eksena ang kuya ni Vinnie na may malalim palang galit sa kanya. At ang galit na iyon ang naging dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ng babaing pinakamamahal niya.
JessicaAdamsPhr · 77.5K Views

The Bride Series 1: Beautiful Corruption

Si Serene Sarmiento ay ang prodigal daughter ng kanyang pamilya. Kilala siya bilang Black Flower dahil sa pagiging party girl nito. People see her as the tainted one. She is the rebel woman who ran away from her family. Dahil sa pabor na hiningi ng kanyang kakambal, mapipilitan siyang bumalik sa tinakbuhan niyang pamilya, but the twist in it is that --- no one knew but her sister that she's back. How? Simple, she had to be her twin sister. The perfect and innocent daughter. Si Karlos Rafael Dawson ay isa sa pinaka matagumpay na binata sa larangan ng industriya ng negosyo. Kilala hindi lamang ang kanyang pangalan kundi pati na rin ang angkin nitong kagwapuhan at kakisigan lalo na sa mga kababaihan. He is the bachelor playboy. Untamable. Cold hearted player.He vowed to himself that he will never give his heart again to any woman. But when he meets the perfect daughter of his parent's good friend, he didn't expect that she'll rattle his world and turned it upside down. Now, the woman that is known to be innocent and perfect is not the kind of woman people really think she is. And he, himself, experienced it. When attraction collides, is it possible that the two broken people can mend their broken heart? Secrets to be keep. Passion to relieved And a Love to give. Hanggang kailan ang itatagal ni Serene sa kanyang pagpapanggap? Hanggang saan ang kakayanin ni Karlos Rafael sa pagpipigil ng kanyang nararamdaman sa babaeng gumulo nang tahimik at maayos niyang buhay?
MissAddie · 42.9K Views

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.
johndrewmac · 67K Views

IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV)

Here's a cutesy whirlwind romance between a modern day Goldilocks who ran off to the woods to avoid the wolves who wanted to kill her and her sexy and dangerously handsome mysterious "Papa Bear" who actually lived in the woods together with his cute little twin bears. FULL TEASER: CHI-CHI WOKE UP FROM A VERY STRANGE DREAM. Napadpad daw siya sa isang liblib na lugar dahil tinakasan niya ang mga halimaw na gusto siyang kainin! Halos maubusan siya ng hangin sa kakatakbo. Mabuti nalang at nakakita siya ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan. Pumasok daw siya sa loob. Dahil sa sobrang kagutuman ay kinain niya ang masarap na tinolang manok na nakahain sa mesa. Mabilis niyang naubos ang kanin sa tatlong plato. Dahil mainit, naisipan niyang maligo. Pagkatapos maligo ay naisipan niyang matulog. Pagod na pagod siya. May tatlong kwarto sa loob ng bahay na may tatlong magkakaibang size ng kama! Siyempre pa ay mas pinili niya ang pinakamalaki, mas masarap matulog sa mala-queen sized bed na gaya ng kama niya sa bahay. Napakalambot. Tuwang tuwang niyakap niya ang mga asul na unan. Hanggang sa tuluyan siyang gupuin ng antok. Pamilyar ang kwento huh? Gusto niyang matawa, para siyang si Goldilocks! Kapag may dumating na papa bear, iisipin niyang siya na talaga si Goldilocks. She grinned. Muli niyang niyakap ang asul na unan. A-asul na unan? Naalimpungatan siya. "Who are you?" gulat na napatitig siya sa mala-greek god na lalaking iyon. Oh my papa! Nakakatakam ang pawisang katawan nito na puro abs ang tiyan at may nagtitigasang muscles sa braso! At noon niya naalala ang lahat—na hindi nga siya si Goldilocks! Mas lalong hindi iyon isang panaginip lamang! Dahil kitang kita niya ang nagbabagang mga titig ni Papa Bear sa hubad niyang katawan at ang pagsinghap ng dalawang batang nasa likuran nito! A/N: All rights reserved to My Special Valentine. Published on February 19, 2012.  This story gave birth to Eunice Xyra of MSV. :-D
EX_DE_CALIBRE · 54.1K Views

To Wake Up [TAGALOG]

Paano kung magising ka isang araw hindi ka na mahal ng taong mahal mo, anong gagawin mo? Si Eirine Nicole Chavez o mas kilala bilang Chavez ay isa sa kilalang maganda pero tahimik sa buong school nila. Maraming naiingit sa kaniya dahil sa natural nitong ganda na hindi mahahaling tulad sa ibang babae sa buong university, simple lang ang buhay niya. Ang nanay niya ay isang housewife, samantalang ang papa naman niya ay may naitayong maliit na negosyo sa palengke sa probinsiya nila. Si Arlo Sebastian Aguilar, isa sa pinaka-mayamang lalaki sa buong university nila. Matinik siya sa mga babae at wala siyang pinapalampas kahit na sino sa mga ito, ang sabi niya pa ay luluhod muna ang mga babae sa kaniya bago sila nito mahalin. Isa rin siya sa pinaka-tarantado sa school nila dahilan upang masaktan niya si Eirine, ang magiging ex girlfriend nito. Seryoso si Eirine sa kaniya, pero kahit kailan hindi niya sineryoso ang isang babaeng katulad ni Eirine na walang ibang ginawa kundi ang mapahiya sa buong school. Anteros Cyril Sguerra, pumapangalawa kay Arlo biglang isang sikat at mayamang studyante sa skwelahan nila. Simple lang din siya at tahimik, kahit na mayaman sila ay hindi niya iyon ginamit upang sumikat sa buong school, hindi katulad ni Arlo. Matagal niya nang minamatyagan si Arlo na palaging pinapahiya si Eirine, gusto niyang ipagtanggol ang dalaga pero ayaw niyang madamay sa gulo ng dalawa. Ano nga bang pakealam niya kung binubully ni Arlo ang ex girlfriend nito? Makakalimutan nga ba ni Eirine ang lalaking minsan niyang minahal kahit na ang ibinigay nito sa kaniya ay puro pagpapahiya at pangmamalupit lang? Matututo nga bang mag mahal pa ang pusong minsan nang nasaktan? Hanggang kailan sila masasaktan sa mga taong gusto lang naman nilang mahalin? Eirine loves Arlo for a long time. Arlo is angry and hates Eirine because she is from the barrio and a poor seller of eggs in the market. For a long time, Anteros could not admit his true feelings to Eirine. In the wheel of their story, who will win in love and who will give up? To Wake Up 12/22/22
Jeaneisgracious · 11.7K Views

The Runaway Bride (Womanizer Series #3)

Si Gianna Gail Ferrier ay nag-iisang tagapag-mana ng malalaking kompanya at negosyo ng mga Ferrier dahil siya din ang nag-iisang anak nito. Sa mundo ng mga mayayaman ay hindi na bago ang Fix Marriage o Arrange Marriage. At dahil nagmula sa isa sa pinakamayamang pamilya si Gianna ay ayos lang sa kanya na mapakasal sa lalaking hindi niya kilala at mahal. Dumating ang araw na kailangan nang mag-merge ng kompanya ng pamilya ni Gianna at isang pamilyang galing din sa mayamang angkan. Walang kaso ito sa kanya. Ngunit habang naglalakad siya aisle ay doon niya naramdaman na hindi niya kayang magpakasal sa taong hindi niya mahal. Ang isang napakalaking desisyon na ginawa niya ay ang babago sa buhay niya. At dahil din sa desisyon na yun ay makikilala niya si NICHOLAS VARGAZ, isang lalaking womanizer. Si Nicholas ay isang lalaki na matured mag-isip at nagpapahalaga sa trabaho na meron siya. Mayaman, gwapo, hot at madami din siyang babae na nakapaligid sa kanya pero alam niya ang limitasyon nito, alam niya kung hanggang saan lang ito. Dahil siya ang taong hindi naniniwala sa pag-ibig, hindi niya gusto ang pagpapakasal. Kung may isang bagay man na mahal ni Nicholas ay yun ang trabaho niya, ang kompanya at mga negosyo niya. Yun lang at wala ng iba. Pero nang makilala niya si Gianna ay nag-iba ang takbo ng buhay niya. Kailangan ni Gianna na magpanggap bilang isang katulong upang hindi siya mahanap ng pamilya niya. At ang maging isang maid ni Nicholas ang magu-udyok upang sila ay magkalapit. Pero hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya. Paano kung malaman ni Nicholas na ang babaeng katulong niya ay ang prinsesang nawawala ng mga Ferrier? Kaya ba nilang magmahalan ulit kahit na hindi maganda ang pagtatagpo ng una nilang pagkikita? Their love that changes their lives. Thank you @Pananabels for the cover photo
BloodyCole_CT · 33.7K Views

First love at that age

Excerpt: Kagagaling lang niya sa kaniyang maliit na groserya. Nadatnan niyang nakayakap sa sariling tuhod si Rebecca. Napahugot na lang siya ng hininga, nakikita na niya kung bakit narito ito at ganoon ang itsura. Nag-angat ito ng tingin Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Namumula ang mata nito. "What happen?" tanong niya. "Pasensya ka na Liberty. Ginamit ko ang duplicate key ng bahay mo. Its just that.... W-Wala akong mapuntahang i-iba.." Napahagulhol na ito. Umupo siya sa sofang katabi nito at tinapik ang balikat. "Its okay.. Anong nangyari?.." Malumanay na tanong niya. Muli na naman itong napahagulhol. "M-Maliit lang na p-problema pero..pero naging dahilan ng away namin at marahil nasaktan ko ang damdamin ni Jose kaya hindi na umuwi ng dalawang araw. Kanina nang bisitahin ko sa opisina ay sinabing hindi ito pumasok ng tatlong araw... Maaaring magkasama sila ng babaeng iyon!" Tumalim ang mata nito sa huling turan.. Nalilitong nakatingin siya sa kaibigan. Sa totoo lang hindi maintindihan ang paliwanag nito bagkus na magtanong muli ay nanahimik na lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "Ano ng balak mo ngayon?" "Maaari ba akong dumito ng ilang araw?" Nananantyang tanong nito. Kumunot naman ang noo niya. "Oo naman. Pero baka kapag umuwi na ang mister mo at hindi ka maabutan ay siguradong mag-aalala 'yon..." Hindi ito sumagot. Napasandal na lang siya sa upuan. Limang buwan lang na kasal ang kaibigan niya at heto hindi iilang beses na tumatakbo ang kaibigan sa bahay niya at doon umiiyak.. Makaraan lang ng isang araw o dalawa ay sinusundo na ng asawa at magkakabati agad. Pagkatapos ang saya-saya na naman ng kaibigan. Makaraan na naman ng mga araw ay umiiyak na naman itong uuwi sa bahay niya at mauulit na naman ang pangyayari.. Napabuntong hininga na lang siya. Sigurado naman siyang mahal ni Rebecca ang asawa at ganun din naman si Jose rito pero hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit palaging away-bati. Kung siya lang ang magmahal ay ayaw niya ng away nais niyang perpekto ang kanilang samahan sa asawa kung mayroon man ganoon, hindi na siya aasa na may lalaking hindi aawayin ang babae. "Matutulog na ako.." Paalam ni Rebecca. Tumango na lamang siya. Ang kanyang apartment ay may dalawa lang silid at may iisang banyong napapagitnaan niyon at may maliit na kusina sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan katabi lang ng kwartong inuukopa ngayon ni Rebecca at ang maliit na sala ay katabi naman sa kanya. Mula sa kanyang silid ay may pintuan ang banyo ganoon rin sa kabila kaya kung maligo siya ay ila-lock ang pintuan mula sa kabila kahit noon wala nang tumatao roon. Dati ay bahay nila iyong dalawa. Hati sila ng bayad ng mabili iyon. Pero ng mag-asawa si Rebecca mahigit limang buwan na ay ibinenta na sa kanya ang share sa bahay na iyon. Makaraan ng dalawang araw ay naroon na si Jose at sinusundo ang asawa. Sa una ay galit si Rebecca pero 'di kalaunan pagkatapos magpaliwag ng asawa ay nagkabati na sila. Umuwi daw ang asawa sa bahay ng mga magulang dahil sa hindi pagtitiwala ni Rebecca dito, nagselos lang daw ito sa wala kahit naman walang nakitang babae ang asawa. "Eh bakit tatlong araw kang hindi pumasok?!" Naghihimutok pa rin na usal ni Rebecca. "Kasi naman ang unang araw ng absence ko sa opisina ay naghanda ako ng surprise sayo pero hindi mo na nakita dahil sa nangyari. Monthly celebration dapat natin noong isang araw-" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang asawa ay tumalon na ito at niyakap ng mahigpit ni Rebecca.. Napailing na lang siya sa nasaksihan niya parang ganoon rin lang noong nakaraang nag-away ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sa loob ng bahay nangyari ng huli hindi tulad ngayon na sa labas at kasalukuyan niyang isinasara ang bahay niya. Papasok pa siya sa bangko. Isa siyang public accountant.
LikeNobody · 10.8K Views
Related Topics
More