Jennie's Point of View
Sinamaan ko ng tingin si Rosé nang makita ko ang pasimpleng pagkuha nya sa aking ice cream.
Natigilan ako sa pagsubo nang makita si Yeji na pakembot-kembot. Dumiretso ito sa amin na malawak ang ngisi.
"Pinapatawag ka ni Supremo." Nakangiting sambit nito.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Aba malay ko! Basta hinihintay ka nya sa wide spcae."
Inirapan nya ako bago kumembot muling paalis at nakisalo sa mga kaibigan nya atang puro lalaki.
"Flirt." Dinig kong sambit ni Nayeon.
"Ah guys, pasensya na ah? Pinapatawag na ako eh." Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya.
"Ano ka ba! Okay lang! May responsibilidad ka sa YGU!" Suporta ni Jungkook.
"Ihatid na kita." Prisinta ni Kai.
Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad. Malayo-layo rin ang wide space ng YGU dahil medjo sa dulo ito.
"Napapalapit na ata kayo ni Supremo."
Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Gusto kong tumawa dahil alam kong kahit kailanman ay hindi kami magiging malapit ni Lisa, ni wala nga syang kaibigan eh.
"Pinalitan mo na ako."
Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa dahil sa ka cornyhan nya na inaamin kong nakakakilig. Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos sya but knowing this guy, alam kong nag bibiro lang siya.
Sigh...
"Magiging malapit kaming lahat sa SSG but not her, she isolated herself, kinakausap lang nya kami kapag may kailangan siya."
"Bakit parang mukha kang disappointed?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya na ikinatawa nya. Inakbayan nya pa ako.
"Biro lang, alam ko naman na ako lang ang nasa puso mo eh."
"Ang corny mo!"
Ramdam ko ang pagmumula sa pisngi ko. Sa lahat ng biro, ang joke ni Kai ang pinaka nakakakilig. Psh!
"Haha anong corny don? Nagsasabi lang ako ng totoo, alam kong may crush ka sa akin eh!"
Natigilan na talaga ako at ang init ng mukha ko. Alam nya? Sinong nagsabi? Masyado ba akong obvious?! Nakakahiya!
"Hahaha! Joke lang! Ito naman!"
Eh? Buti na lang! Akala ko talaga alam nya. Naku lang! Lagot talaga sa akin kung sino ang nagsabi sa kanya! Baka mailang siya sa akin, baka iwasan nya ako. Mababasag ang puso ko 'pag ganon.
"Bakit ka ba kasi pinapatawag ng mokong na 'yon? Ngayon na nga lang tayo nagkaroon ng time tapos sisingit pa siya!"
Ramdam ko na talaga ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nya. Walang halong biro.
"Bakit? May lakas ka na ba ng loob para kalabanin si Supremo?" Biro ko.
"Wala. Pero kung ikaw ang dahilan, magkakaroon talaga ako ng lakas ng loob."
Seryoso siya? Kakalabanin nya si Lisa para sa akin? Eh? Nagbibiro lang siya hindi ba? Naman Kai! Masyado kang paasa! Sana nga totoo. Sana...
"Dito na lang." Huminto kami at natanaw ko na si Supremo na nakaupo sa isang bench sa kabilang bahagi ng wide space. "Salamat." Sambit ko.
Unti-unti na nyang tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Wala nga talagang forever. Hay.
"Wala 'yon, kahit ano para sa bestfriend ko." Aniya na ikinangiti ko.
Bestfriend. K.
"Mauna na ako." Sambit ko. Hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana. Bakit naman? Kanina lang ang saya ko ah? Bipolar ba ako?
"Teka!" Hinigit nya ako kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian nya lang ako ng isang ngiti.
Shit! Ang gwapo!
"Ano?" Tanong ko.
"May itatanong ako sa'yo." Seryoso nyang sambit.
Ano na naman ito Kai? Paasa ka naman eh! Huwag ka ng magtanong kung pwede ka bang manligaw! Pwede naman talaga.
"Sinong mas gwapo sa amin ni Supremo?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong nya. Ni hindi agad ako nakasagot dahil sobrang hirap ng tanong nya, dinaig pa ang math.
"Eh? Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Sagutin mo na lang."
Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong hindi nya ako titigilan hanggat hindi ko siya sinasagot. Naku lang.
"Syempre ikaw Jongin! Sino pa ba?"
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at tumingin sa aking likod. Nanlaki ang mata ko ng makita si Lisa na poker face.
"Alis na ako! Bye!"
Nagmadali itong umalis na sumisigaw pa at nagtatatalon, habang ako ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Supremo. Narinig kaya niya?
Malamang!
"You are 30 minutes late."
Hindi ako nakapagsalita. Monitor nya pala ang oras? Sabagay, kailangan nya ng time management dahil marami siyang ginagawa.
Hindi ko naman kasi namalayan na masyado palang natagalan ang pag-uusap namin ni Kai.
"At mukhang alam ko na kung bakit. Remember our agreement Ms. Kim, once na pinatawag kita, ASAP. Baka gusto mong pagbawalan na kita sa pakikipag-usao sa kanila?" Pananakot niya.
Fuck you, Supremo.
"Sorry."
"Anyway, kaya kita pinatawag ay dahil sa nabalitaan ko." Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa rin siya. Inayos nya ang eye glass nya. "Nalaman ko ang ginawa mo kay Queen Nancy." Pagpapatuloy niya.
I almost rolled my eyes, buti na lang at napigilan ko.
"Yes, I slapped her 180 degrees." Pag-amin ko.
"Nancy is the Queen of YGU for pete's sake! Wala kang karapatang saktan siya, you are just nothing but a powerless secretary!"
"Hell yes and I don't fucking care!"
Fuck you 100 times Supremo!
Ang sakit mong magsalita. Sila naman ang nauna eh, kung hindi nila ako ginambala ta sinaktan, hindi sana siya nasampal ng 180 degrees. It's no longer my fault! Stupid!
Inayos nyang muli ang kanyang salamin bago nagsalitang muli.
"Anong napala mo? Nasaktan ka ni Seulgi." Ngumisi siya sa akin na animo'y tuwang-tuwa na nasaktan ako.
"Yes, and so what?"
Hindi ko napigilang magsungit. Panira ng araw! Pinatawag nya lang pala ako para sermonan.
"You should be punished." Sambit nya na ikinakunot ng aking noo.
"K."
"Your punishment is to clean the cafeteria for a week."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sa dinami-rami ng naiisip kong parusa, hindi sumagi sa isip ko na paglilinis ang parusa ko.
"For a week? For real?"
Wala na akong nagawa. Once he said it, he mean it, no more questions.
Pumunta muna ako sa library para magpalamig. As usual ay tahimik at ang librarian ay busy sa binabasa nya.
Pumunta ako sa dulong table at isinubsob ang mukha ko sa braso ko.
Maglilinis ako ng cafeteri tuwing hapon, inutusan na ni Supremo na huwag linisin ang cafeteria dahil ako ang gagawa non. Heartless.
Naramdaman ko na may umupo sa harap ko. Iniangat ko ang aking paningin at tumambad sa akin si Wendy na nakangisi.
Creepy shit.
"Kumusta ka Jen? Malakas nga talaga ang kapit mo kay Kamatayan."
"Anong kailangan mo?"
This girl is really creepy. Ang mga nalalaman nya ay hindi basta-basta.
"Wala naman. May nalaman lang ako na siguradong ikagugunaw ng mundo mo." Aniya.
Ano na naman ang nalaman nya at bakit maaapektuhan ako? Ayoko, ayokong malaman ang nalalaman nya. Masyado na akong maraming iniisip, ayoko ng dagdagan.
"Traydor, may traydor na nakapaligid sa iyo." Aniya.
Hindi ko alam pero napatayo ako sa kinauupuan ko. Ayokong marinig kung ano man ang sasabihin nya. Ayokong malaman ang nalaman nya. Ayoko.
"Mag-iingat ka Jen, kapag nalaman nya kung ano ang sikretong formula, manganganib ka. Parating pa lang ang delubyo, bilisan mo Jen, unahan mo na sila."
Lumabas na ako ng library ng hindi man lang nakakapagpahinga. That Wendy is really hella weird. Wala na ata siya sa katinuan.
Sino sila?
Hapon na at ito talaga ang araw na kasumpa-sumpa sa akin. Bitbit ang walis-tambo at basahan ay tumambad sa akin ang disaster na cafeteria.
Hindi ko alam kung sinadya talaga nilang magkalat ngayon, hindi naman ganito ka grabe ang kalat dati ah pero ngayon parang dumaan ang isang bagyo.
"I'm gonna watch you and monitor your performance." Ani Lisa na babantayan daw ako.
Mukha ba akong tatakas?!
Nag-umpisa akong magwalis sa marmol na sahig at pinulot ang mga plastic, at iba pang baso na pinaglagyan ng juice.
"Faster, maaabutan ka ng bloody night if you won't work faster than this." Inip na suhestyon nya.
Hindi ako nag-abalang sumagot. Hindi ko pa nga siya kinakausap magsimula kanina eh, nagtatampo ako. Hmp!
Napangiwi ako nang mahawakan ang malagkit na kape sa sahig. Inis na pinahid ko ito sa aking blouse.
"Dugyot." Dinig kong sambit niya.
Inis na napairap ako sa kawalan bago kumuha ng basahan at pinunasan ito. Isang linggo akong ganito?! Damn.
Pagkatapos ko sa sahig ay mga table naman ang pinunasan ko. Pawis na pawis na ako at ang bwisit na Lisa na ito ay walang ginawa kundi ang magkomento na puno ng panlalait. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko na totoo naman.
"You took 2 hours and 5 minutes. Psh. Iligpint mo na ang mga gamit mo." Lumabas na siya ng cafeteria at ako naman ay napadabog na sa inis.
Iniwan nya ako! Fuck you talaga Supremo!
Hinugasan ko ang basahan saka nilagay ito sa kusina ng cafeteria at humarap sa salamin. Nanuyo na ang kape sa blouse ko at gulo-gulo na rin ang aking buhok. Nakakunot ang akong noo at nakanguso ang aking labi.
Haggard!
Napatingin ako sa wall clock. 30 minutes na lang pala at bloody night na.
Nagmadali na akong lumabas at halos mapatili ako nang tumambad sa akin si Lisa na naghihintay pala.
"You took 10 minutes again." Naiiling na sambit niya. "Ihahatid na kita sa dorm nyo." Prisinta niya.
Huh! Buti na lang at naawa pa siya sa akin. I hate you Lisa! I also hate you Nancy! Magsama kayong dalawa!
"Bukas ulit, Jennie." Aniya.
Hindi ko alam pero natigilan ako. This is the first time na tinawag nya ako sa pangalan ko. Laging tawag nya sa akin ay Ms. Kim.
What's the big deal, Jen?
Pagkapasok ko ay si Jisoo na lang ang naabutan ko at natutulog na ata ang iba.
"Oh? Ba't ganyan ang itsura mo?" Natatawang tanong nya.
"Oh please, Jisoo. Huwag kang mang-asar, bad trip ako ngayon!"
Nagmartsa ako papunta sa cr at mabilis na hinubad ang akong blouse.
Hell Day. Hell Punishment. Hell yes, 6 more days pa.
I hate this! I hate you, Supremo!