Jennie's Point of View
Dala na rin ng pagod sa paglilinis ay agad akong nakatulog, naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Kumunot ang noo ko nang makita sa Jisoo na galing sa labas at pawis na pawis.
"Saan ka galing?" Inaantok na tanong ko. Natigilan ito at medjo nagulat.
Sumulyap ako sa orasan at 4:30am pa lang and definitely ay bloody night pa rin. Teka, anong ginawa nya sa labas?
"W-Wala. Nagpahangin lang." Aniya at sinilip ang kabilang kwarto kung saan natutulog pa sina Kai at Jungkook.
"Nagpahangin? Bloody Night ah. It's not safe to go outside."
"Nagpaantok lang ako, sige matulog na ako." Aniya sabay pasok sa kwarto namin.
Nagpahangin pero pawis na pawis? Nagpaantok pero hinihingal? Ang labi naman nya. Naramdaman kong muli ang antok kaya sandali akong nakabalilk sa tulog.
Mabilis na napatayo ako sa kama nang marinig ko ang nakakabinging tinig ni Rosé.
"Anak ng putakte late na tayo!"
Napabalikwas na rin sina Nayeon at Jisoo at sumulyap sa wallclock. "8:30 na." Inaantok na sambit ko.
Magkakaklase kami sa first subject which is math at kay Sir Seo-joon 'yon.
"Teka, ang OA nyo naman! Pwede namantayong hindi pumasok ah." Inaantok na suhestyon ko.
Wala naman kasi kaming magagawa since 30 minutes na lang at tapos na ang first subject namin. Kahit bilisan namin ay hindi na kami aabot.
"Periodical test ngayon, Jen! Wala ka bang alam?!"
Halos himatayin na si Rosé. "Ngayon? Hmm, di ako na-inform." Bale walang sambit ko.
Kaya naman pala puro libro ang hawak nila this week ay periodical na at definitely, hindi kami nakapag exam kay Sir Seo-joon.
Lumabas kami at binuksan ang pinto ng boys na tulog na tulog pa rin. Natawa na lang ako nang paghahampasin sila nina Nayeon at Rosé ng unan.
"Teka! Bakit ba kayo nang hahampas?!"
"Ano ba ang sakit ah!"
Nag inat-inat pa sila at hindi alam na late na late na kami. "Wala na! Late na tayo sa Math!" Nanghihinayang na sambit ni Nayeon.
"Teka! Bakit hindi nyo kami ginising?!" Gulat na tanong ni Jungkook.
"Oo nga!" Sang-ayon ni Kai.
"Late rin kaming nagising! UGH! 60 percent ang periodical test! We will fail! God! Paano na ang inaaasam nating Highest 10!" Naghi-hysterical na talaga si Nayeon.
Hindi ko alam pero unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi matapos marinig ang 'highest 10'. Pumunta na lang ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush.
Masama ba akong kaibigan kung magiging masaya akong hindi sila nakapagperiodical? Inaamin ko, sumaya nga ako kasi for sure na babagsak sila sa Math at hindi na sila mapapasama sa H10, 'di na rin sila makakalabas ng YGU.
Pagkalabas ko ng CR ay dinig ko pa rin sina Rosé at Nayeon na naghi-hysterical. Ang OA talaga nila haha.
"Good morning..." Nakangiting bati sa akin ni Kai.
Napangiti na lang din ako. Nakakahawa talaga ang ngiti nya.
"What's good in the morning? Hindi nga kayo nakapag exam eh." Natatawang asar ko.
Nagkibit balikat lang si Kai bago nagbukas ng refrigerator para magluto. Sa aming magbabarkada, si Kai lang ang marunong magluto. Dinaig pa kaming mga babae haha.
"Anong lulutuin mo?" Tanong ko.
"Ano bang gusto mo?" Tanong nya pabalik.
"Sinigang!" Masayang suhestyon ko na ikinatawa nya. "My favorite." Dugtong ko.
"Aye aye captain!" Sumaludo pa siya sa akin bago naghiwa ng mga ingredients.
Umupo na lang ako at pinagmasdan si Kai. Ideal man talaga siya, mabait na gwapo, gentleman, at magaling pang magluto.
Sigh!
"Woah! Nagsosolo kayo ah!" Hyper na puna ni Jisoo.
"Kayo ah, I smell something fishy." Gatong ni Jungkook.
I just roller my eyes para hindi mapaghalataang kinikilig ako pero alam ko naman na alam na nilang dalawa ang pagtingin ko kay Kai.
Kumain kami nang sama-sama habang nakasimangot sina Rosé at Nayeon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nasayang daw ang effort nila sa pag-aaral.
Lumabas na ako ng dorm namin suot ang aking uniform dahil may klase pa akong pupuntahan. Arts and Music, periodical din ngayon pero hindi man ako nag review. Para saan pa?
"Miss Kim!"
Natigilan ako sa paghakbang nang harangin ako ni Sir Seo-joon na nakakunot ang noo. "Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong nito agad.
"Ah nalate po kasi kami ng gising eh." Nahihiyang sambit ko.
"Ganon ba? Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Tanong nya.
Alam ko na ang pag-uusapan namin kaya pumayag na ako, maaga parin naman para sa next subject ko. Pumunta kami sa office nya, may kanya-kanya kasing office ang mga teachers dito eh.
"So? How's being the secretary?" Pag-uumpisa niya.
"Hell." Maikli kong sagot na ikinatawa nya.
Well, being the secretary is not really that hard, pero kung napapaligiran karin naman ng mga halimaw, masasabi kong hell talaga. Hindi nga ako makasabay sa pinag-uusapan nila minsan dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy nila.
"Don't worry about the exam, I'll give you a high grade, together with your friends."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ipapasa nya kami? Hindi naman nga kami nakapag take ng exam pero ipapasa nya kami.
"Never worry about your grades. Ako na ang bahala sa mga 'yon basta gawin mo lang ang hinihingi kong tulong."
"Salamat pero wala pa rin akong ideya kung saan ba ang hidden laboratory nila. Ni hindi nga sila nababanggit ito eh."
Wala naman kasi akong narinig sa kanila tungkol dito.
"Right. Hindi nila talaga ito sasabihin, basta, do your job as the secretary. Manmanan mo rin ang kanilang kilos, especially Ji-eun Lee."
"P-Paano kung mahuli ako?" Biglang sumagi sa isip ko.
Anong mangyayari sa akin? Hindi pa ako handang mamatay hanggat hindi ko nailalabas ang mga kaibigan ko sa impyernong ito. Kailangan ko muna silang iligtas.
"Kaya nga mas mabuting mag-ingat ka, Jen. Sa kamay mo nakasalalay ang kaligtasan ng lahat."
Lumabas ako ng office ni Sir Seo-joon na lutang. Kapag pumalpak ako, maaring lahat ng plano namin ay masira. Manganganib ang lahat. Kailangan kong maging maingat.
"Lumayo ka sa kanya." Ngayon ko lang napansin na nakasandal pala sa gilid ng pinto si Jeongyeon na nakatingin sa malayo.
She is in her usual intimidating pressence. Teka, ano bang sinasabi nyang layuan ko?
"Huwag na huwag mong kakalabanin ang YGU Admins at YGU SSG Officers. Hindi mo sila kilala, hindi mo pa sila lubusang kilala."
Natiligal ako sa sinabi nya. Tama siya, sa ginagawa kong ito ay kinakalaban ko na rin ang mga tao sa likod ng YGU.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
Napakamisteryoso talaga ng babaeng ito. Paano nya nalaman ang pakikipagsabwatan ko kay Sir Seo-joon?
"You are easy to read. This is a warning Jennie Kim, huwag mong ituloy ang binabalak mo. Parating na ang delubyo, mas mabuting manahimik ka nalang kung ayaw mong masali."
Tumingin na siya ngayon sa akin. Hindi. Hindi ako mananahimik, kailangan ko lang mas maging maingat. Tatapusin ko ang pinasok ko, tatapusin ko at sisiguraduhin kong magtatapos ito sa aking paraan.
"I will do it not for myself, but for my friends."
"Acting like a hero huh?" Natatawa nyang sambit. "Walang lugar dito ang pagpapaka bayani. Hindi ka na rin naman aabutin ng ilang araw pa, nalalapit na ang kamatayan mo." Tumalikod na siya sa akin.
"I will fight no matter what." Wala sa sariling wika ko.
"Isa lang ang paraan para matalo mo sila." Muli siyang humarap sa akin na nakangisi.
Kinikilabutan talaga ako sa tuwing may ngumingisi sa akin. Lumapit pa siya sa akin at parang napako naman ako sa kinatatayuan ko.
Nanayo ang balahibo ko nang marinig ko ang ibinulong nya sa akin. Parang tumigil din ang pintig ng puso ko.
"Be a monster Jen. Kung halimaw sila, maging demonyo ka. Palabasin mo ang nakakakilabot ni katauhan na matagal ng nakakubli sa loob mo. 'Yon lang ang tanging paraan para matalo mo sila, kaya mo ba?"
Hindi na ako nakapasok sa next subject ko at pumunta nalang ako sa dorm at nagkulong sa kwarto.
Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Totoo kaya?
Totoo kayang isa rin akong halimaw? Demonyo?