Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 15 - Chapter 15: Devil Inside

Chapter 15 - Chapter 15: Devil Inside

Jennie's Point of View

I knew it! Konsensya nya ang mismong papatay sa kanya. Damn that red headed guy. Alam nya talagang walang matitira sa tatlo.

Biglang pumasok naman si Supremo na mukhang badtrip. Ngayo ko lang siyang nakita na nakasimangot, lagi na kasi siyang fierce.

"Damn!" Hinampas nya ang lamesa nya at sinubsob ang mukha roon.

Tumingin ako kay Jimin na nagkibit-balikat lang. Hindi ko nalang din pinansin si Lisa at ibinalik sa ginagawa ko ang aking tingin.

"Prepare SSG Officers."

Natigilan kaming lahat nong magsalita si Supremo. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba ang iniisip nya?

"What do you mean?" Tanong ni Miss IU na nakatayo na ngayon sa harap namin.

"S-Supremo..." Kinakabahang sambit ni Yeji.

"Kimakalaban talaga tayo ng HA, pumapatay sila even though hindi bloddy night..." Pag-uumpisa nya. "Makikita nila ano ang hinahanap nila." Sambit muli nito.

Sumilay muli sa labi ni Lisa ang isang ngisi. Isang nakapangingilabot na ngisi. Anong gagawin nya?

Ito na ba? Ito ba ang delubyong sinasabi ni Miss IU? Ito ba talaga o umpisa pa lang ito? Danger, nararamdaman ko na ang panganib. Mas lalong sumisikip ang YGU, kinakalaban ng gang ang SSG President. Sino ang matibay? Sino ang mananaig?

"Well... well... well..."

Napahinto ako sa paglalakad dala ang mga papeles na kailangan ni Madame Dara nang harangan ako ni Nancy kasama ang mga alipores nya. Sinulyapan ko ang binti nyang may band aid. Masakit ba talaga? Ang arte nito.

"What do you want?"

"Woah! You are just a newbie, pero nagmamatapang ka. Porque nasa ganyan kana ng posisyon?"

I almost rolled my eyes. Bakit lagi na  lang kasama ang postion ko sa mga ganito?

"So what?" Pagmamaldita ko.

I don't care if she is the Queen here! I also have the position and plus, I am in the 9th place in the Highest 10. I think may karapatan din akong maging bitch.

Ngumiwi ito sa akin at naramdaman ko na lang na hinawakan na ng dalawa nyang kasama ang dalawa kong braso kaya nabitawan ko ang mga papel na hawak ko na ngayon ay nakakalat na sa lupa. Nag-init ang ulo ko sa ginawa nila but I remained silent.

"Wala kang karapatan barahin ako. I am the Queen."

Naramdaman ko ang marahan nyang paghila sa buhok ko. Hindi gaanong masakit pero habang patagal nang patagal ay masakit ni. Nanunuod lang sa amin ang mga estudyante na animo'y walang lakas ng loob na awatin kami. Pathetic.

"Jennie, right? Marami akong naririning tungkol sa'yo. Nagpapasikat ka." Ngayon ay ramdam ko na ang inis sa tono nya.

Napangisi ako sa narinig ko. Lumabas din ang tunay na pakay nya. Ayaw nyang nalalamangan at nakakasira sa image nya. Pathetic bitch.

"Pathetic." Bulong ko.

Napamura ako nang sampalin nya ako ng malakas. Malakas na dodoblehin ko kapag nakawala ako sa pagkakahawak ng bwisit na alipores nya.

"How dare you?! Ginagalit mo talaga ako?!"

"You are still a pathetic bitch. You are the Queen? Powerless."

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko and I really don't care. Masakit ang sampal nya. 50 degrees, I guess. Kapag talagang nakawala ako rito, papatikimin ko siya ng 180 degrees.

Nanlaki ang mata ko ng punitin nya ang blouse ko. Napamura ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

Nakarinig ako ng tawanan sa crowd. Nagsisipulan ang mga lalaki. They are out of their minds, especially this bitch.

"One more Queen Nancy, and I'll show you how this game should be done." Sambit ko sa isang matigas na tono.

Tinawanan nya lang ako. Napapikit ako ng tuluyan na nyang makalas ang ilang butones ng blouse ko.

Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ko. Masyadong mainit. Parang nawawala ako sa aking sarili. Parang kahit na anong oras ay may lalabas sa akin.

Nakapikit ako at ramdam ko ang titig sa akin ng lahat. Nagtatawanan, nagbubulungan, nagsisipulan. Enough. Hindi ko na mapigilan.

Naramdaman ko ang muling pagsampal sa akin ni Nancy.

Ang mga sumunod na eksena ay hindi ko na namalayan. Basta ang alam ko nalang ay wala na ang alipores nya na nakahawak sa dalawa kong braso, bagsakna ang dalawang ito na ngayon ay lupasay na sa lupa.

Ngumisi ako nang makita ang takot sa mata ni Nancy. Lumapit ako sa kanya na ikinaatras nya. Scared bitch.

"A-Anong gagawin mo?"

"I'll show you how it should be done."

Sinampal ko siya ng malakas na ikinabagsak nya sa lupa. Napayuko siya at mukhang namanhid ang kanyang panga. Shit! Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"180 degrees." I smirked.

Nakarinig ako ng violent reactions mula sa mga estudyante sa paligid ngunit hindi ko ito binigyran ng pansin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, basta ang alam ko lang ay kailangan mag bayad si Nancy sa ginawa nya sa akin.

"Damn you, pagsisisihan mo ang ginawa mong ito. Makakarating ito kay Seulgi." Sumilay sa may dugong labi nito ang ngisi.

Seulgi. Do I really need to be afraid of her? What kind of monster is she? The queen demon? Well, I don't care. Alam kong sa huli ay mamamatay din ako, pero dahil sa ginawa ko ay mas napapadali ang lahat. Baka nga hindi na ako abutan ng ilang buwan pa eh.

Pinulot ko ang mga papeles na natapon sa lupa at pinagpagan ang mga ito. Sinamaan ko ng tingin si Nancy na hanggang ngayon ay nakangisi parin.

"Magsumbong ka, dyan ka naman magaling. Duwag."

Inirapan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ko nagawa ang mga ginawa ko kanina, kung paano ko napabagsak ang tatlo. Basta nilamon na lang ako ng galit, that's it.

Pumunta muna ako sa locker para magpalit ng blouse. Kinuha ko ang extra kong blouse at pumunta sa cr.

Saglit akong napangiwi nang makita ang blouse kong lukot-lukot at tanggal ang mga butones.

"Bitch." Bulong ko.

Saglit akong nagpalit at agad na dumiretso sa Admin Office.

Kumatok ako bago pumasok sa office ng Headmistress. Naabutan ko siyang may hawak na isang gold na maskara na mabilis niyang itinago sa drawer nya.

"What do you want?" Nakangiting tanong nito.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay inilapag ko lang sa lamesa nya ang mga papeles na ipinapabigay ni Supremo. Hindi nya ito sinulyapan at nanatili ang kantang mata sa akin.

"One of a kind." Bulong niya.

"Aalis na po ako." Pagpapaalam ko.

Ayokong magtagal sa office nya. Hindi ko kayang huminga sa kwarto ng hinihingahan ng leader ng kademonyohan.

"Your traits remind me of her."

Lumabas na ako ng kwarto na iyon dahil hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nya. Kung sino ang tinutukoy nyang naaalala nya sa akin. Psh!

"Jennie!"

Napalingon ako kay Nayeon na nag-aabang pala sa labas ng office.

"Uhm?"

"I-Ikaw ang gumawa no'n kay Nancy?" Tanong nya na halatang kinakabahan.

Napakabilis talagang kumalat ng balita, parang virus lang. Oo nga pala, sinaktan ko ang reyna nila. Haha.

"Oo." Maikli kong tugon.

Lumukot ang mukha nya. Bakas ang alala sa mata nya.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon, sya ang reyna rito at ang girlfriend nya ang leader ng Devil's Tribe! Nanganganib ka."

Sandali akong natigilan. Devil's Tribe, bakit hindi ako nakakatanggap ng balita sa kanila? Bakit ang tahimik nila? Anong pinaplano nila?

"Death is near, Nayeon. Duon din ang bagsak ko." Walang buhay na sambit ko bago naglakad palayo.

Naramdaman ko na sinundan nya ako at hinigit ang braso ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero agad ding naglaho ang masamang tingin ko nang makita ang luha sa kanyang mata.

"Why so selfish, Jen? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag nawala ka? Napakamakasarili mo!"

Tumakbo ito palayo at parang napako ako sa aking kinatatayuan dahil ayaw gumalaw ng aking mga paa para sana sundan siya.

Natamaan ako sa sinabi nya. Hindi ako takot mamatay, pero sila, takot akong mawala. Hindi ko iniisip ang sarili ko habang sila ay nag-aalala sa akin. Naging makasarili nga ako.

Magsimula nang mahawakan ko ang position na ito ay nawalan na ako ng oras sa kanila. Kailangan kong bumawi, kailangan kong humingi ng paumanhin.

Nataranta ako nang may magposas sa akin. Dalawang lalaki na nakamaskarang pula. Binalot ako ng takot, ni hindi ko nagawang magpumiglas.

"A-Anong gagawin nyo sa akin?"

Wala akong nagawa nang idaan nila ako sa likod kung saan walang makakita sa amin. Sinulyapan ko si Madame Dara na nakatingin lang sa akin.

"Utos ito ni Boss, handa ka na bang mamatay?"