Jennie's Point of View
Ginala ko ang aking mata sa kabuuan ng Wide Space. Doble ang laki nito kumpara sa foootball field. Madilim na rin at ang mga iba't-ibang kulay ng light effect na bumubuhay sa paligid. Ang party song na bumubuhay ng ingay.
Binigyan ko ng tingin ang akong gown na kahapon ay ipinadala ng Admin Office. I am in my purple gown. Ang aking kulay lila na maskara na bumabalot sa sa kalahati ng mukha ko.
"Woah! Ang cool!" Puri ni Kai sa paligid.
Napakagarbo ng paligid. May mga table rin sa paligid at sa gitna ang malalawak na espasyo na sa tingin ko ay ang magiging dance floor.
Umupo kami sa pang-anim na table. Nakakulay asul ang maskara sina Kai at Jungkook, habang ang kay Rosé ay pink, kay Nayeon ay orange at kay Jisoo naman ay green na terno sa mga damit namin.
"Girls, huwag kayong lalayo sa amin ah?" Paalala ni Kai.
"Kahit na Free Bloody Night ngayon ay hindi pa rin natin masisigurado ang paligid, lalo na at wala ang President." Dugtong ni Jungkook.
Tumango naman kami. Hindi naman kami talaga lalayo at as much as possible ay wala kaming planong sumayaw.
Agad namang may nagserve sa amin ng pagkain. Konti lang ang kinuha ko dahil busog pa ako.
Hindi pa nag-uumpisa ang party. Hindi rin ipinagbabawal ang alak dito kaya maraming umiinom. Hindi naman namin makilala ang mga tao dahil nakamaskara ang lahat.
"They are here." Bulong ni Nayeon. Sinundan namin ang tingin niya.
Humigpit ang hawak ko sa aking gown at ramdam kong pinagpapawisan ang aking palad. Natahimik ang lahat at tanging ang party music na lang nag-iingay.
"Hell's Angels." Bulong ko.
Naka black na formal silang lahat plus their black mask. Kapansin-pansin ang lalaking nangunguna. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang aura niya ay napakalamig.
Naagaw ang pansin ko sa nag-iisang babae sa grupo nila na nakakapit sa braso ni Taehyung. That's Jeongyeon for sure.
"That red hair." Bulong ni Rosé referring doon sa katabi ng leader ata nila. Pula ang buhok nito.
"Siya iyong nakita ko bago nakita ang walang buhay na bangkay ni Daniel Kang." Bulong ulit ni Rosé.
Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib nang tumingin sa table namin ang leader nila na si Taehyung Kim. Alam kong hindi siya sa akin nakatingin.
Sa tantsa ko ay nasa labing dalawa sila. Umupo sila sa table sa kaliwang dulo.
Hindi pa man natatanggal ang kabog sa aking dibdib nang dumating na naman ang mga nakamaskarang pula, naka white formal ang mga ito.
"Devil's Tribe." Bulong ni Kai.
Mas uminit ang paligid. Ang nangunguna sa kanila ay ang pumuwak sa aking tingin. Hindi siya sumulyap sa amin. Gaya ni Taehyung, napakalamig ng aura nito.
"Seulgi Kang." Bulong ko.
Nasa labing dalawa lang din sila at umupo sa dulong bahagi ng Wide Space sa kanan naman sila.
Maya-maya ay humina ng konti ang tugtog at umakyat sa taas ang sa tingin ko ay Emcee. Si Yeji ito, alam ko. This bitch.
"I am Yeji Hwang, and before we start. It's an honor for me to introduce the Admins behind YG University." Pag-uumpisa niya.
Nalaglag ang panga ko ng mag-umpisang magsidatingan ang mga marangyang sasakyan. Mas lalong bumigat ang atmosphere sa paligid. Nakarinig ako ng mga violent reactions sa paligid, maging ang panhanga nila sa nagmamahing tatlong sasakyan na ngayo'y nakaparada sa gilid.
May sasakyan pala sila? Para saan naman? Para pang intense ganon? Napairap na lang ako sa hangin.
"The Vice President of YG University. The one who created the only law of this university which is the Bloody Night. Let's give him a round of applause, Mr. Min-ho Song."
Mahina kaming pumalakpak bago bumaba sa isang sasakyan ang isang lalaking walang maskara. Natigilan kami ng makilala ito.
"It can't be." Bulong ni Rosé.
"I thought he is just a..." Hindi natuloy ni Nayeon ang sasabihin nya dahil sa pagkabigla.
Ang lalaking nakangiting naglalakad sa red carpet patungo sa tatlong upuan sa gitna ay walang iba kundi ang mama na nagpapasok sa amin sa YG University.
"Siya pala ang Vice President ng YGU. Mr. Min-ho Song huh?" Sambit ko sa aking sarili.
Tumigil ang palakpakan nang makaupo na ito sa pangalawang upuan. Ngumisi ito sa lahat.
"The Head of the Supreme Student Government. SSG Adviser, Ms. Ji-eun Lee."
Natigilan kami sa pangalawang pagkakataon nang makita kung sino ang bumababa sa isang magarang kotse.
"Si Miss IU." Bulong ni Jisoo.
Oo, ang physics teacher namin. Ngayon ay alam ko na kung ano ang sinasabi ni Wendy na may mataas itong katungkulan. Psh!
Umupo ito sa tabi ni Mr. Min-ho.
Isa na lang ang natitirang nakasara ang pinto. Alam ko na kung sino ito. Black Lady.
"And last but definitely not the least. The highest among all in this university. Please, bow your heads as I introduce the Headmistress, Madame Sandara Park."
Yumuko rin si Yeji at lahat ng narito. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa ginawa nila. We bowed our heads for the black lady.
Pasimple ko siyang sinulyapan. As usual ay nakaitim ito. Nasa mid 50's ito pero ang ganda pa rin nya.
Iniangat na naman ang ulo namin nanng magsalita na ito. Umupo si Yeji sa isang table.
"Good evening students. Welcome to our Acquaintance Party. Let's start."
Itinodo ata ang mga speakers sa paligid at parang tumatalbog na ang table namin. Naghiyawan ang mga gangs na humila sa mga babaeng nasa ibang table at isinayaw.
Hindi sinasadyang mapadako ang aking tingin kay Seulgi na ngayon ay nakatingin na sa akin. Akala ko ay iiwas siya ng tingin ngunit ngumisi ito sa akin na nagdulot ng pagtayo ng aking mga balahibo.
Umiwas ako ng tingin. Parang hinihigop ang aking lakas. She is a demon, they are all demons.
"Ms. Kim?"
Tanong ng isang lalaking lumapit sa akin. Lumukot ang mukha ko. Hindi ko man siya makilala dahil sa maskara nyang berde ay nakilala ko siya sa kanyang boses.
"What can I do for you SSG Vice President Jimin Park?" Matigas na tanong ko.
Hindi katulad nong una ay nakangiti na ito sa akin ngayon. Psh!
"Congratulations." Bati nito na ikinakunot ng noo ko. "You are the new SSG Secretary." Dugtong niya.
Sa dinamirami ng sinabi niya ay umikot lang ang aking mata.
"Should I be glad?" Tanong ko na ikinawala ng ngisi nya. "Nah. Ibigay mo na lang sa isang uhaw na uhaw sa posisyon na 'yan." Tumingin ako sa babaeng nakikipagtawanan sa iba.
"But this is the President's decision and sad to say, wala ka ng magagawa. Plus, dahil sa posisyon na iyan ay mabilis kang naitaas sa pang siyam na pwesto sa ranggo. Yes, you must be glad, wala pang nakakagawa ng ganoon kabilis, plus the fact na pihikan si Supremo sa pagpili ng kanyang sekretarya. Congrats again."
Laglag ang panga na pinanuod kong mawala sa paningin ko si Jimin.
Seriously?
"T-Top 9?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nayeon. Maging ako ay hindi rin makapaniwala.
I should be glad! I must be happy! But there's something about this is weird. Maaring maging simula ito ng panibagong kalbaryo ng buhay ko.
"Jennie! You are now in the Highest 10! Maari ka ng makalabas ng YGU!" Masayang sambit ni Rosé na malawak ang ngisi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang shot glass na may alak sa table namin para sana sa boys. Napapikit ako sa pagguhit ng pakla nito sa aking lalamunan.
"Huwag mong tanggapin ang alak..." Seryosong sambit ni Kai.
"Why not, Kai?! Makakalaya na si Jennie sa impyerno na ito! Maari siyang humingi ng tulong sa mga kinauukulan!" Ani Jungkook habang si Jisoo ay nagsalin muli ng alak at diretsong nilagok ito.
"Tama si Jungkook, kapag nakalaya na si Jennie, makakahingi siya ng tulong!" Pagsang-ayon ni Rosé.
Hinila ko sa kamay ni Jisoo ang alak saka diretsong nilagok ito. Mabilis naman na kinuha sa akin ni Kai ang alak at inilayo.
Shit! Hindi pwede! Hindi pwede ang binabalak nila!
Sumandal ako sa upuan at inayos ang aking buhok. Ang init sa pakiramdam ng alak.
"Being the SSG Secretary is not easy! Lahat ng bagay ay may kapalit! At mas marami pa ang masamang maidudulot nito kay Jennie!" Giit ni Kai.
Hindi naman kami marinig ng iba dahil sa lakas ng tugtog. Naging mas maingay ang paligid habang lumalalim ang gabi.
"Kalma lang! Pwede?! Let Jennie decide about it!" Suhestyon ni Jisoo.
Tumingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi nila maiintindihan. Hindi pa sa ngayon.
Sa kagustuhan kong makalaya sa mga mata nilang nagtatanong ay tumayo ako at nakisali sa mga tao sa gitna na nagsasayaw.
Mabilis na nakarating ako sa gitna kung saan konting kilos ko lang ay masasagi ko na ang iba. Ipinikit ko ang aking mata nang maramdaman ang pag-ikot ng aking paningin. Damn that alcohol.
"What's bothering you?" Naramdaman ko ang kiliti nang may kung sinong lalaki ang bumulong sa akin.
I tried to open my eyes pero wala akong maayos na makita. Umiikot pa rin ang paningin ko plus na sobrang gulo ng mga taong nagsasayaw.
"I heard about your promotion. And I think, it's a really bad idea."
Shit! Sino ang nagsasalita?! UGH!
"Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko. Napahinto na rin ako sa pag-indak. Pakiramdam ko ay babagsak na ako kahit na anong oras.
"Dapat ay matagal ka ng bangkay, pero prinotektahan ka nya. But sad to say, hindi ka nya habang buhay na mapoprotektahan. I told ya, you will also hold a knife, and I must say, you must hold one now before it's too late."
-**-
Nayeon's Point of View
Pinanunuod naming tumayo si Jennie at makihalo sa mga nagsasayawang tao. Iniiwasan nya ang tanong namin. Pero, bakit?
"Ano bang problema mo Kai?! Ginugulo mo ang isip ni Jennie!" Singhal ko.
Umiling ito bago kinuha ang bote ng alak at tinitigan.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi basta-basta ang posisyon na iyon, at basta-basta na lang nya nakuha. Isn't it weird?" Tanong nito na hindi maipagkakailang may punto.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa nagulat na lang kami ng binasag ni Kai ang bote ng alak.
"Shit!" Sigaw ni Jisoo dahil sa gulat. Pero bago pa man makatayo si Jisoo ay agad na itong natumba sa lupa.
"Jisoo!" Sigaw ni Rosé.
"Shit! Shit!" Sunod-sunod na mura ni Kai. Dumudugo na ang kamay nya habang hawak-hawak ang isang plastic na nasa loob ng alak.
Binasag nya ang bote para makuha iyon.
"W-What's that?" Tanong ko.
"Isang uri ng pinagbabawal na droga." Napatingin kami sa isang babaeng nasa tabi na namin. Nakaitim itong maskara at sa tingin ko ay myembro ng HA.
"D-Droga?" Tanong ko.
Napatayo ako ng hindi oras sa kinatatayuan ko nang ma realize na may naghalo nito sa alak. Si Jisoo, uminom siya ng alak kaya ngayon ay nawalan na siya ang malay.
Mabilis na tumakbo si Kai sa dance floor.
"Damn si Jennie! Uminom siya ng alak!" Sigaw ni Jungkook.