Chereads / YG University | JenLisa (Book 1) / Chapter 6 - Chapter 6: Secretary

Chapter 6 - Chapter 6: Secretary

Jennie's Point of View

Muli kaming nagtagpo-tagpong magkakaibigan sa dormitoryo namin. Halata na pagod na pagod sila.

"May nakalap kayo?" Tanong ni Jungkook na umiinom ng tubig.

"W-Wala, Natakot kami..." Sambit ni Rosé na halatang takot na takot. Kumunot ang noo namin sa kanilang dalawa ni Nayeon.

"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko.

"Si Miss Hae-sun, iyong librarian. Sinindak nya kami..." Ani Nayeon.

"Paano?" Tanong ni Kai. Nakapalibot na kami ngayon sa dalawa dahil halata sa kanila ang takot.

"Tinanong nya kami. Ang impormasyon na makukuha namin kabayaran ng permanente naming pagkakulong sa YGU." Sagot ni Rosé.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ako, permanente na ako sa YGU. Nalaman ko na ang nag-iisang lihim na iniingat-ingatan nila. Shit!

"Ganoon din ang sinasabi sa amin ng mga estudyanteng nilapitan namin." Sambit ni Jisoo.

"Wala kayong nakuhang sagot?" Tanong ko.

Umiling silang lahat na ikinamutla ko. Ako lang. Ako lang ang nag-iisang nakakaalam ng sikreto sa aming magkakaibigan, kung sakali man, ako lang maiiwan.

"Ikaw Jen? May nakuha ka bang sagot?" Tanong ni Kai.

Lumunok ako at ramdam ko ang init ng mukha ko. Ayoko, ayoko silang pag-aalahanin. Kaya mabilis na umiling ako.

Mas mabuti ng hindi na lang nila alam.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Jeongyeon. Totoo kaya? Ako na ang target nila? Pero sino ang tinutukoy niya? Nakaramdam ako ng takot. Ayoko pang mamatay. Anong kasalanan ko sa kanila?

"May nalaman ako. May nag-iisang paraan para makalabas tayo ng YGU. Sinabi sa amin ng librarian." Desididong sambit ni Rosé.

Nagseryoso ang lahat pero maliban lang sa akin. Kahit na anong gawin ko, hindi na nila ako hahayaang makalabas. Maaaring... sila na lang ang makalabas kung sakali.

"Ano 'yon? Sinabi ba nya ang daan?" Tanong ni Jisoo.

Umiling silang dalawa ni Nayeon bago sumilay sa labi nila ang isang ngiti.

"Kailangan nating makapasok sa rank ng YGU." Sambit ni Nayeon.

"Rank? You mean, sa classroom natin? Top achievers ganon?" Dire-diretsong tanong ni Jungkook.

"Hindi lang sa classroom ito kundi sa Top 10 rank ng YGU. Buong school na kasalukuyang nangunguna ay si Seulgi Kang." Sambit ni Rosé.

Seulgi Kang. Ang leader ng DT, siya ang pinakamatalino sa buong YGU? Hindi ko pa siya nakikita pero humahanga na ako sa kanya. Ang alam ko kasi sa mga basag ulo ay tinatakwil ang pag-aaral.

"Ito ang list." Ipinakita sa amin ni Nayeon ang isang papel na naglalaman ng kumpletong listahan ng top 10 rank o mas kilala bilang Highest 10.

Pumapangalawa si Lisa Manoban, ang President. Pangatlo ang nag ngangalang Taehyung Kim at sa huli ang pangalan ni Jeongyeon. Kasama pala siya.

"Taehyung Kim. Siya ata ang leader ng Hell's Angels." Sambit ni Jisoo.

Taehyung and Seulgi, the leaders of both gangs. How dangerous are they? Napapansin ko na tumahimik ngayon ang magkabilang kampo. Tahimik ngunit mapanganib.

"Guys, ligtas tayo hanggang wala tayong nalalaman. Kaya ang pagsikapan nalang natin ay ang masali sa Highest 10." Suhestyon ni Nayeon na sinang-ayunan ng lahat.

Nanatiling tikom ang bibig ko. Nakakalungkot lang isipin na kahit mapasali pa ako rito ay hindi rin ako makakalabas.

Napagdesisyonan kong solohin ang nalalaman ko, ayokong magpakamakasarili at isali sila sa akin. Ayokong magdusa rin sila. Ako na lang.

Lumipas ang mga araw at naging abala na ang lahat sa paghahanda para sa Acquaintance Party na kung saan masquerade ang theme.

Bakit kailangan pa naming magmaskara? Paano namin makikilala ang isa't isa? O baka naman, may itatagi sila sa likod ng mga ito.

Andito kami ngayon sa gymnasium kung saan magkakaroon ng general meeting para sa gaganapin na party this coming friday na two days na lang.

"Good afternoon ladies and gentlemen." Umpisa ni Madame Dara na as usual ay nakaitim.

Mukhang laging nagluluksa.

Agad na nahagip ng aking paningin si Lisa na kinakausap ang isang lalaki na halatang nangangatog ang tuhod.

"Shit, Pangatlong warning na nya 'yan." Bulong ng sa harap namin habang nakatingin kina Lisa at sa lalaking sinasabi nila.

"That's the last warning. Maaring, dalhin na siya sa Dark Hell Jail." Dugtong ng isa.

Kumunot ang noo ko. Ano namang klaseng parusa ang naghihintay sa lalaking ito sa sinasabi nilang Dark Hell Jail? Maaring kamatayan pero anong klaseng kamatayan?

"Alam kong alam nyo na, sa byernes na ang Acquaintance Party nyo. And it's a masquerade and all of you are required to wear one. Except red and black color." Sambit ni Madame Dara.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi maaring gamitin ang kulay na iyon? Anong meron?

"It's because that color is exclusively for the gangs. Black for the Hell's Angels members and Red for the Devil's Tribe."

Nakarinig ako ng mga violent reactions sa mga estudyante pero walang nag-abalang sumalungat. Alam kong kahit na anong gawin nila ay wala silang laban, lahat kami rito ay mga puppet lamang nila.

"Ipapadala namin sa inyong mga dorm ang susuotin nyo."

"At ang byernes na iyon ay matatawag ding Free Bloody Night na kung saan, pinagbabawalan ang pagpatay. Ang sino mang lumabag ay mapaparusahan ng kamatayan." Naging mas ma-awtoridad na ngayon ang kanyang tono na nagbabanta.

I guess, wala ng lalabag. It's the headmistress who is talking in front. Ang kasalukuyang pinakamataas sa buong YGU.

"I would like to call Miss President Lisa Manoban here in the stage."

Mabilis na umakyat si Lisa sa stage at kinuha ang mic kay Madame.

"Hindi nyo ako makikita sa byernes but I am all watching you."

Kumalabog ang puso ko nang tumigil ang titig nya sa akin bago ngumisi. Kinilabutan ako.

"I. Am. All. Watching. You." Ulit nito na may halong diin. Sinambit niya iyon sa aking mga mata.

Napairap na lang ako dahil mukha ba akong papatay? Duh...

-**-

Mag-isa akong naglalakad sa hallway dahil ang mga nagmamatalino kong kaibigan ay nasa library para mag-advance lesson. Hindi ba sila naaawa sa akin na maaring maiwan ako? Sa bagay, hindi pala nila alam.

"They are hiring a new secretary? Anong nangyari kay Yeji?"

Mga nakapulong na estudyante ang bumungad sa akin sa bulletin board at binabasa ang new updates tungkol sa YGU. Nakipagsiksikan ako sa kanila hanggang makarating ako sa harapan.

"Wanted: Supreme Student New Secretary." Basa ko.

Bumaba ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mga requirements. Isa lang naman ito pero ang nakalagay ay,

"Must be brave enough to conquer death." Ang only requirement.

Halos matawa ako sa pagkabasa ko. Seryoso ba sila? Sa tingin nila ay may gustong maging secretary nila?

"Tara na! Andoon na sila sa gym! Try natin!"

"Matapang naman ako kaya pwede ako!"

Nagtakbuhan ang kalahati ng mga babaeng estudyante papunta sa gymnasium kung saan maya-maya lang ay gagawin ang paghahanap ng bagong secretary. Napailing na lang ako, gusto talaga nilang maging secretary? Duh.

"Go away! In the count of three! One..."

Nahati sa dalawa ang mga nagkukumpulang estudyante na lumikha ng daan sa gitna kung saan nasa dulo ang isang babaeng blonde ang buhok, maputi, at masasabi kong sobrang ganda nya.

"Si Yeji." Bulong ng isa.

Ngayon ko lang napansin na nasa gitna pa rin pala ako ng daan kaya napaangat ng kilay si Yeji.

"Aren't you going to step out of my way?" Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.

Hindi siya nakauniform. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Should I?" Parang tangang tanong ko.

Pinitik nito ang buhok niya bago ngumiwi sa akin. Halata ang inis sa mukha nito.

"You must be one of the noobs. I am the secretary here, Ms. IDontCareWhoYouAre." Anito na ikinangisi ko.

Nakakainis na ang pagkamaldita niya at ang tinawag niya sa akin. Malapit na raw akong mamatay, siguro susulitin ko na ang bawat sandali ng oras ko, sa paglaban sa mga demonyo gaya ng nasa harapan ko ngayon.

"Well, can't you read? O baka gusto mong basahin ko sa harapan mo kung ano ang nakasulat dito?" Turo ko sa bulletin board.

Hindi na siya ang secretary. Wala na siyang karapatang tawagin ang sarili nya bilang ito. Wala na.

"That's just a paper. Hindi ko pa binibitawan ang pwesto." Matigas na sambit nito sa akin.

Ngumisi ako bago kinuha ang papel at nilukot sa harapan nya. Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Ayoko sa lahat yong nagrereyna-reynahan.

"What are you doing?!" Tanong nito sa akin nang pinilit kong ipahawak sa kamay niya ang papel na nilukot ko.

"Huwag ko sa akin magreklamo. Tinanggal ka na nila Ms. Yeji IDontCareAboutYourSurname. Maaring, hindi ka qualified."

Nanlisik ang mga mata niya at hinila ang buhok ko. Hindi ako nakapagpigil at hinila ko rin ang buhok niya. Nagsabunutan kami.

"Pigilan nyo sila!" Dinig kong may sumigaw mula sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin pero walang nagtangkang umawat sa amin.

May malakas na pwersang tumulak sa akin palayo kay Yeji, tumama ang noo ko sa matulis na bagay kaya dumugo. Naramdaman ko ang hapdi nito at ang agos ng dugo mula rito.

"Wala kang karapatan saktan ang Supreme Student Secretary!" Sigaw sa akin ng lalaking galit na galit.

Pinagpagan ni Yeji ang kamay niya bago ngumisi sa akin. Sinubukan kong tumayo pero nahihilo ako dahil sa pagkatulak sa akin ng lalaking ito.

Gagu ba siya? Eh iyang demonyitang Yeji ang nag-umpisa ng away eh! UGH!

"I am the Supreme Vice President here!" Sigaw nito pero wala akong pakialam. Gusto ko syang sapakin sa mukha.

"Wall as if I care." Sagot ko.

Ikinuyom nya ang kamao nya. Namutla ako ng inambahan nya ako ng suntok.

"Punch her Mr. Jimin Park and you, together with the former secretary will have the warning number 3 from me."

Nanigas ang lahat matapos marinig ang tinig na iyon. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko si Lisa sa likod nila Yeji at Jimin daw. Nakahalukipkip ito habang nakangisi.

"S-Supremo." Halatang natakot si Vice kay Lisa.

Duwag naman pala ang gago.

"All of you take my command. I want this place to be clear in the count of three! One..."

Nagtakbuhan ang mga estudyante at sa isalng iglap ay kami nalang apat ang natira. Hindi natinag sina Jimin at Yeji.

"S-Supremo, this bitch must be the one to be punis-"

"Two..." Pagpapatuloy ni Lisa sa pagbibilang na ikinangiwi ni Yeji.

Bago tumalikod si Yeji ay tinaliman nya ako ng tingin na para bang sinasabing hindi pa kami tapos.

I am not scared bitch.

Tumitig sa akin si Lisa na madilim ang mata. Namutla ako sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Mukhang galit na galit siya.

"Kill me now." Suhestyon ko.

"Well, not now Ms. Kim. Kailangan mo munang gumaling bago harapin ang parusa mo."

Wala akong nagawa ng buhatin nya ako. Ang sarap sa pakiramdam.

"Kailangan mong magpagaling, you are qualified to be my secretary bitch."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng dugo at itong mokong na ito hindi man lang magawang bilisan ang paglalakad at animo'y nagmomodel lang.

Binalewala ko ang bulungan sa paligid. Ano bang big deal kung binubuhat ako ng President? Responsable naman nya talaga at ang gagong Vice na iyon. I swear, magkasalubong lang ang landas namin, sisirain ko ang mukha nya. UGH!

"Heal her, Nurse Joy." Utos ni Lisa sa school nurse na dalaga pa at sa tingin ko ay mas matanda lang sa amin ng limang taon.

Hiniga ako ni Lisa sa hospital bed at agad na umalis. Well, ano bang inaasahan ko? Babantayan nya ako? Duh.

Pinunasan ni Nurse Joy ng malambot na towel ang sugat ko bago nilapatan ng first aid.

"What happened? Si Supremo ba ang may gawa nito?" Tanong niya.

"Kung siya ang may gawa nito, malamang patay na ako ngayon. Pero buhay pa ako hindi ba? So, ibig sabihin gawa ito ng isang mahinang aso." Pagtataray ko.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Baka magkapeklat ka sa noo nito." Aniya.

"Don't let that happen. Heal it, together with th scar." Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ang tinig ni Lisa.

Sinulyapan ko siya at tama nga. Nakatayo siya at naksandal sa pinto ng clinic habang madilim na nakatingin sa amin.

Narinig kaya nya ang sinabi ko kanina? Well, totoo naman.

"Masusunod Supremo." Sagot ni Nurse Joy.

Napapikit ako sa hapdi at the same time ay sa antok. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Maraming bumabagabag sa akin.

"Can I sleep?" Inaantok na tanong ko. I yawned.

Mahinang natawa si Nurse Joy bago tumango. In that cue, I just found myself sleeping in tiredness.

-**-

Nayeon's Point of View

Nabalitaan namin ang nangyari kay Jennie na ngayon ay kalat na kalat sa buong campus.

"Bakit ginawa ng President iyon?! Gosh!" Halos mahimatay si Rosé sa alala at inis at the same time.

Andito kami ngayon sa clinic at hinihintay na magising si Jennie na humihilik pa. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"May galit ba siya kay Jennie?" Tanong ni Jungkook. Habang si Kai ay wala man lang reaksyon na nakaupo sa sofa ng clinic, katabi si Jungkook.

Kalat kasi sa campus na sinaktan ni Supremo si Jennie. Narinig ko ang usap-usapan na pagkatapos niya itong saktan ay dinala niya sa clinic. Baliw ba siya?

Maya-maya ay naalimpungatan na si Jennie na gutom na gutom daw. Sakto naman na kakarating lang ni Jisoo na may  dala ng mga pagkain at pawis na pawis. Ngek?

Nakangiwing pinanuod ko si Jennie na may benda sa ulo at patay-gutom na kumakain na animo'y isang buwan na hindi kumain. Seryoso? Ibang klaseng babae.

"Nagutom ako doon ah!" Aniya matapos maubos lahat ng binili ni Jisoo.

"How are you?" Tanong ni Kai na ngayon ay mababakas na ang alala.

"I am fine, thank you." Sagot ni Jennie na ngayon ay nakangiti na.

"GHAD Jen! Ano na namang kabulastugan ang ginawa mo?!" Sambit ko.

Sa aming magkakaibigan, siya lagi ang nasasabak sa panganib. Matapang kasi 'yan. Palaban, kahit na sinong umaway sa kanya ay papatulan nya. Kahit pusa.

"Not me. It was that fucking Vice President who did it!" Halata ang inis sa tono ni Jennie.

Kumunot ang noo ko. "Vice President? Akala namin si Supremo ang may gawa nito?" Tanong ko.

Siya naman ngayon ang kumunot ang noo.

"Kalat ngayon iyon sa buong campus." Dugtong ni Rosé.

"Of course not! Siya pa nga ang tumulong sa akin at dinala ako rito. That Yeji and Jimin, sila ang gumawa nito. UGH!"

Nakapasok si Jennie sa ibang klase namin. Parang wala lang talaga sa kanya ang benda sa noo nya.

Kasalukuyan kaming nagkaklase nang pumasok ang isang lalaki na ikinatigil ng lahat.

"Si Vice President Jimin." Bulong ng isa naming kaklase.

Naningkit ang aking mata. Tatayo na sana si Jennie nang pigilan ko siya.

"Where is Jennie Kim?" Tanong nito. Tumigil ang tingin niya kay Jennie na nasa tabi ko lang.

Naglakad ito papunta kay Jennie kaya agad na tumayo sina Kai at Jungkook pero wala lang kay Jisoo na nakaupo parin.

"What?! Gusto mo pa ng away?!" Sigaw ni Jennie.

Nagulat kami ng lumuhod ito sa harap namin.

"I am sorry for what I did. Please, patawarin mo ako. Nabigla lang ako."

Nalaglag rin ang panga ni Jennie sa ginawa nito. Nagsinghapan din ang mga kaklase namin.

"Miss Kim, please patawarin mo na ako. Ayoko pang mamatay." Sambit nito.

Napatingin ako kay Jennie na seryosong nakatingin lang sa Vice President na nakaluhod.

Hindi ko maiwasang mahiwagaan kay Jennie. Anong merson sa kanya? Bakit napaluhod nya ang Supreme Student Vice President?

"Alright then, get lost!"

Nagmadali itong umalis na animo'y takot na takot.

"Who is she?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Bakit lumuhod sa kanya si Vice?" Tanong ng isa.

Bakit nga ba?