Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Nefarious Love

πŸ‡΅πŸ‡­Ellecueto
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.6k
Views
Synopsis
Leonisa Hermosa, a divorced and brokenhearted woman, lost herself. In the middle of her soul-searching, she found a very beautiful island who happened to be owned by James Shymone Dela Cuesta: a billionaire bachelor type of man who loves the thrill in bed.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Mariin niyang pinikit kanyang mga mata habang pilit na tinatanggal ang malalaking kamay ng asawa sa kanyang buhok at kinakaladkad siya papasok sa mansion na pag-aari nito.

"Hindi ba sinabi ko na akin ka lang! Akin at akin lang!" mababakas ang galit sa tono ng lalaki habang binabagtas ang malaking sala.

"Anong meron, Pa? " agad siyang nawala sa katinuan nang madinig ang pamilyar na boses ng lalaking prenteng nakaupo sa mahabang sofa.

Napabaling naman ang matandang lalaki sa taong nakaupo at agad binitawan ang buhok niya. Mabilis ngunit dahan-dahan niyang inaayos ang kanyang buhok na nagulo dahil sa kamay ng asawa.

"Shymone?" Nakakunot ang noong pahayag ng lalaki. Agad lumapit ang ginoo sa binata at mabilis na niyakap ito.

"Pa." Nakangiting pahayag ng binata saka nalipat sa kanya ang mga mata nito.

"Is she my stepmom?" nakangising tanong nito sa ama habang matalim ang tingin sa kanya.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at pasimpleng lumunok ng ilang beses.

"Yes." Agad siya nitong hinila palapit sa tabi nito at inakbayan siya. "Meet your Tita Leonisa, my wife." Nakangiting pagpapakilala nito habang nakatingin sa anak na nakatingin na sa kanya. "Wife, meet my son, James Shymone Dela Cuesta. "She smiled politely at him. Hindi pinapahalata ang kabog ng kanyang dibdib habang magkahinang ang mga mata nila ng lalaking minamahal.

"No need for formalities, Pa. Na-meet ko na si Tita Leonisa sa Casa Hermosa." Agad tumalim ang mga mata ng asawa ng bumaling sa kanya. "She said, she was there for soul-searching. "

"May kasama bang lalaki ang tita mo? " Nakangiting tanong nito sa anak habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kanya.

"She was alone when she visited the island, Pa." Nakangiti pa ring sagot nito sa ama. "But... " Nakangisi na ang kanyang nga labi na minsanan na ring bumaliw sa kanya. "She is always with a very handsome guy. "

"Kilala mo ba kung sino yun? Nakalagay ba sa list of tourists sa casa?" Mababakas ang galit sa mata ng ginoo at unti-unti na ring bumibigat ang mga kamay nito na nakaakbay sa kanya.

Gustuhin man niyang indahin ang mabigat na kamay ng asawa ay pinilit niyang hindi na lang pansinin.

"No need," hindi interesadong pahayag ng anak. Hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin habang siya ay hindi na nakayanan at hinawakan na ang kamay ng asawa na nasa kanyang balikat.

She saw a ghost smile on Shymone's lips as he stared at her hands holding Thomas'.

"What? Why? " Napabitaw ito sa pagkakaakbay sa kanya at agad na sinugod ang anak saka hinawakan ang kwelyo ng suot nitong polo.

Nakangisi namang nakatingin lamang ang anak sa ama."Kasi yung kasama niya ang may-ari. Ako ang kasama niya, Pa. " Sinukat nito ng tingin ang ama at sumulyap muli rito. "At simula nang umapak ang mga paa niya sa Casa, akin na siya. " Mabilis nitong tinanggal ang pagkakahawak nito sa polo at saka hinila siya sa kanyang tabi at tumalim ang mata na tinignan ang ama.

"She is mine, and no one can take her away from me. "

***

To be continued...