Chereads / Nefarious Love / Chapter 2 - Kabanata I

Chapter 2 - Kabanata I

Tahimik lang ako na sumisimsim ng kape habang nakade-cuatrong nakaupo sa mahabang stool sa pinakagilid ng cafe at minsanang tumitingin sa relong pambisig.

I was actually waiting for my friend to come. May usapan kaming alas tres ng hapon ngunit mag aalas-kwatro na ay wala pa rin ito.

Pilit ko na ring nilalabanan ang kaba sa aking dibdib ng sandaling sunud-sunod na ang pagtunog ng telepono na mula sa aking maliit na bag.

Nanlalaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mamasa- masang bagay na tumama sa aking pisngi.

Hahampasin ko na sana ng aking bag ang gumawa noon, ngunit mabilis nitong sinalag at umupo sa katapat kong upuan, "Isa, it's just me. " Naparolyo ako ng mata nang makita ang kaibigan na mag-iisang oras ko ng hinihintay.

"Ano ba gusto mong pag-usapan? I need to go home before the bodyguards find out that I am not around." Umupo ako ng maayos saka tumingin sa kanya. Kabado pa rin habang nakatingin na sa relo na suot.

"Hay naku, bakit ba nagpapakatanga ka sa asawa mo? Malaki ang dagat, marami kang mabibingwit na isda." She smirked at me and drink the coffee in front of me. "Sa ganda mong 'yan! " She even flipped my hair. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri.

"It's because.... " Alam na niya kapag huminto ako. It's because of that.

She rolled her eyes. Bumaling ang mga mata niya sa kuko at agad na inispeksyon iyon na parang may mali."We both know that it's not like that. Hindi ganoon ang nangyari. You were just blinded by that idea of your shithole husband! "

"Asawa ko pa rin siya, Emily." I said calmly. Tama naman ako diba, he is still my husband, after all.

"Asawang sinasaktan ka? " Tinukod nito ang dalawang paa sa sahig at pinalakpak ng isang beses ang kamay saka ngumiti sa akin ng sarkastiko. "Look at yourself Isa! 'Di na ikaw ang kaibigan ko. 'Di na ikaw yung taong may lakas ng loob para lumaban para sa karapatan." Tinuro niya pa ang maliliit na pasa ko na 'di ko pala natakpan ng concealer.

I just sighed heavily and darted my eyes on her. "Maybe yes, I am not that kind of woman anymore. Paano ako lalaban, kung sinisimulan ko pa lang, malalaking kamay na ang bubungad sa akin? How can I? "

"You just need to escape!" she shouted. Not minding the people around us that is now watching. Tumingin ang matatalim nitong mga mata sa akin habang pinagmamasdan ang buong ako.

My eyes were glued at her. "How? Paano? Ang daming bantay sa bahay. Kung wala siya, nandoon ang mga nagbabantay sa akin," inis na ring pagtatanong ko. Matagal ko nang gustong umalis o kahit makapagbakasyon man lang pero hindi ko magawa dahil lahat sila madadamay.

My husband can always pull the strings if he wants to, just to ruined a life of lives.

"I'll help you," matapang na saad nito at may nilabas na maliit na brown envelope sa kanyang bag at tinulak palapit sa akin.

I know what it is kaya agad akong umiling ng sunud-sunod. "No. I can't."

Alam niya ang mga gusto ko kaya alam ko ang nasa loob ng envelope na iyan. Maybe some of her collection of pictures of different resorts in the Philippines.

Bata pa lang kasi ako ay pangarap ko ng malibot ang lahat ng beaches sa Pilipinas at kung papalarin ay maging sa ibang bansa.

"Isa, I just want you to be free and happy for godsake!" nauubos na ang pasensya niya base na rin sa tono na lumalabas sa kanya. Wala akong magawa kung hindi ang tumingin sa mga kamay kong magkahinang na ngayon dahil sa kaba.

"But we both know what Thomas is capable of." I am starting to wipe the tears from my face. Hirap na hirap na ako. Pero wala akong magawa. "He is capable of destroying everything. Lahat ng tumutulong sa akin para mapaalis ako sa poder niya," halos pabulong ko ng ani habang pinaghihinang ang mga daliri sa kamay at napapakagat ng labi.

I was always scared. Scared that might someone who I love will sacrificed for me...

Again

"I am a Loyzaga, Isa. Kaya ko siyang labanan, kung gugustuhin ko," malamig na pahayag niya. Sumandal pa siya sa sofa at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.

She's right. Armando Loyzaga, Emily's father is a freaking senator. Isang tawag lang ang magagawa niya ay paniguradong sa kulungan ang kababagsakan niya.

***

Tahimik lang ako na nakaupo sa backseat ng kotse at ramdam ko rin ang saglitang pagtingin ng driver sa akin, iniisip marahil kung ano ang envelope na hawak ko.

I bit my lowerlip as I held its string and open it. Pagbukas ko pa lang ay makikita na ang iba't ibang printed pictures ng magagandang beaches na gustong-gusto kong puntahan.

Nilabas ko na sa envelope ang mga pictures at nanlalaki na agad ang aking mata nang makita ang magagandang tanawin na nasa larawan.

"Wow!" I exclaimed that made the two bodyguards beside me looked at what I am holding. Kaya mabilis kong tinakluban ng aking bag ang mga litrato.

Nang hindi na sila nakatingin ay sinimulan ko ulit tignan ang mga pictures na ibinigay ni Emily.

Napadako ang mga mata ko sa isang picture na napakasimple lang. Ang mga matatayog na puno ng niyog, ang mala-boracay sa puti na buhangin nila at pinaghalong berde at asul na tubig-dagat. Ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa isla. Dahil ang islang aking nasaksihan sa larawan ay binase sa aking apilyedo.

Casa Hermosa...

****

to be continued...