Chereads / Nefarious Love / Chapter 4 - Kabanata III

Chapter 4 - Kabanata III

Madidinig ang pagaspas ng alon sa dalampasigan at maamoy rin ang natural na tubig alat sa aking kinauupuan.

I am here at Emily's beach house. Tatlong araw na rin akong naririto at nasubukan ko na rin ang mga sports at activities na maaaring gawin.

It was relaxing.

Habang nakadapa sa aking nilatag na tuwalya ay tinatanawan ang kulay asul na karagatan na ngayon ay naghahalo na ang kulay sa madila-dilaw na araw. Senyales na anumang oras ay maaari na itong lumubog.

In my peripheral view, I also saw some people who were busy walking back to their villa. Ngunit ako, ay nanatiling nakadapa sa dalampasigan.Mimistula itong paraiso para sa akin.

"Are you alone? " Mabilis akong napaupo at pasimpleng inayos ang aking tayo nang may madinig na tinig ng lalaki.

I just smiled akwardly at the guy. I think he has a foreign blood based on how he looks. Tan skin that compliments his dark blue eyes. Plus his thin lips and long eyelashes. Nadedepina rin ang kanyang panga dahil sa may kahabaan niyang leeg.

"Yeah. For vacation..." I beamed. "I guess. " Mabilis akong tumayo sa tuwalya na nakalatag at tiniklop rin ito ng maayos.

Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Kahit palubog na ang araw ay nakita ko pa rin ang pagsasalubong ng makapal niyang mga kilay. "Are you in a hurry? "

Hangga't maaari kasi ay hindi ako nakikipag-usap sa ibang lalaki. That's his rule.

"Yeah." I swallowed hard and waved at him. "I forgot that I have errands to do." I run as fast as I could.

"Okay, nice chatting with you. See you, again!" I heard him shouted but I just rolled my eyes in irritation.

See you, again! My ass!

Naging mabilis ang aking pagkilos, sinara ko agad ang pintuan ng aking tinutuluyan at saka sumandal doon habang binabawi ang aking hininga.

I composed myself and walked towards the kitchen to find something to eat.

Nakakita ako ng cup noodles sa cupboard kaya mabilis ko itong kinuha at binuksan. Nagpainit na rin ako ng konting tubig para ilagay roon.

Ginala ko pa ang sarili sa kusina. I scanned the refrigerator. Mabilis naman ang aking naging paglalaway nang madako ang aking mata sa isang galon ng cookies and cream ice cream.

Nakalimutan ko na ang ice cream na binili ko nang mag-grocery ako dahil na rin sa pagsulit ko sa mga activities dito.

Mabilis ko itong inilabas sa ref at kumuha agad ako ng kutsara saka umupo sa bangko. I started to eat the ice cream while waiting for the water to boil.

After a few minutes, I am now putting hot water to my cup. I even put the condiments on it. Mabilis ko rin itong tinakpan upang maluto ang noodles.

Nakataas pa ang aking dalawang paa habang kinakain ang ice cream na nangangalahati na, nang biglang tumunog ang aking telepono na nasa ibabaw ng lamesa.

Sumandok pa ako sa hawak kong lalagyan ng isang kutsarang ice cream. "Hello."

"Isa!" pasigaw na ani ng aking pangalan sa kabilang linya.

Nangunot ang aking noo habang sinasaid ang lalagyan ng ice cream na kaunti na lang ang laman."What's the sudden call, Emily? Is there a problem? "

"M'eron!" ramdam ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Binaba ko sa lamesa sa aking harapan ang lalagyan na walang laman. "Napakalaking problema ."

I bit my lower lip to control my nervousness. "What's the matter? "

"Isa, you listen! " hinihingal na pahayag nito kaya tinuon ko na ng maigi ang atensyon ko sa kung ano ang sasabihin niya.

Napansin ko na lang rin na malamig na ang noodles na nilagyan ko ng mainit na tubig kani-kanina lang ngunit hindi ko na iyon ininda.

"Oo, nakikinig ako," ramdam ko pa rin ang 'di maipaliwanag na kaba. Pati ang mga pawis ko sa noo ay namumuo na kahit na ramdam ko ang hangin na nagmumula sa labas.

"Darating diyan si Mang Castor, aalis ka riyan sa isla," may kutob na ako kung bakit biglaan ang pagpunta ni Mang Castor dito, ngunit kailangan ko pa ring huminahon at mag-isip ng tama.

Mabilis akong tumayo sa upuan atsaka tumakbo sa kwarto kung nasaan ang aking mga gamit.

Mabuti na lang na hindi ko naisipan na ayusin sa kabinet ang mga damit dahil mas mahihirapan lamang ako sa pag -iimpake ngayon.

Dali-dali kong inilabas ang bag ko sa teresa ng bahay atsaka kinuha rito ang susi habang nakatuon sa aking kanang balikat ang telepono.

"Thomas probably investigate about my assets. Alam na niya na kasama ang isla na yan sa mga properties ko!" Tama nga ako. He knows already. And I know that he will do whatever it takes to get me.

Mabilis kong tinahak ang pampang ng may maaninag akong bangka na papaalis na, lulan ang tatlong babae na pawang mga menor de edad.

"As expected," sagot ko na lamang at sinenyasan ang bangkero na lumapit sa akin. "Kuya saan po ang tungo ninyo?"

"Sa Casa hermosa po, maam," magalang na pahayag ng bangkero habang inaayos ang bangka para sa paglalayag.

Casa Hermosa? I'm sure I heard that beach somewhere.

"Saan po iyon, manong? " nakangiting humarap sa akin ang bangkero at napakamot ng ulo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Sa kabilang isla po iyon. Napakaganda roon, maam. Isa iyon sa dinadayo ng mga turista na pumupunta rito," magalang na pahayag nito habang iniiwasan pa rin akong tignan.

"Manong may problema po ba?" nahihiya kong tanong.

"Wala po, ma'am," labas ang ngiping saad niya.  Bumaling ako sa mga dalagita na ngayon ay abala na sa pagkuha g kani-kanilang litrato gamit ang mga camera na dala-dala.

"Who are you talking with? " nadinig kong tanong ni Emily sa kabilang linya.

Tinanong ko si Manong kung maaari pa ba ang isang pasahero at mabilis naman siyang tumango bilang tugon kaya dali-dali rin akong sumakay katabi ng isang babae na nakangiti sa akin ngayon kaya binalikan ko siya ng ngiti."Tawagan mo si Mang Castor, sabihin mo mauuna na ako. Mas mabuti ang ganon na wala siyang alam kung saan ako pupunta. "

"What? Saan ka pupunta?" ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang tinig na nakapagpangiti sa akin. Ipinatong ko ang aking dalang bag sa hita saka tinutok ang atensyon sa kausap.

"Basta. I'll call you as soon as I've arrived." Pinatay ko na ang tawag ng maramdaman ko na ang paggalaw ng bangka hudyat na magsisimula na ito sa paglalayag.

Casa Hermosa, the place where you will fall in love for it's beauty and simplicity.

***

to be continued...