Hinayaan kong sumabay sa alon ang aking mahaba at itim na buhok na tinatangay ng malalakas na hangin. Maririnig din ang malalakas na paghampas ng alon sa sinasakyan kong bangka na nakakapagpagaan din ng aking pakiramdam.
"Ma'am nandito na po tayo," saad ng bangkero. Agad ko namang kinuha ang sarili kong mga gamit at dumagundong sa kaba ang aking dibdib ng may biglang nalahad ng kamay sa aking harapan, para ako ay alalayan.
Tinignan kong mabuti ang lalaki at hindi maipagkakailang may katangian itong pambihira.
With his thick eyebrows, thick but pinkish lips,round eyes, thin and pointed nose, and fair skin with his broad shoulders that would fit every clothes he will wear, halatang galing ito sa isang marangyang pamilya.
Kinuha ko naman ang kamay nito at agad naman nitong inalalayang bumaba sa bangka at sinalubong ako ng isang ngiti.
"Welcome to Casa Hermosa, Miss. I am James Shymone at your service!" nawala saglit ako sa sarili nang mapansin ang lalaki.
Magalang na lamang akong ngumiti at marahang tumango saka mabilis na tinanggal ang pagkakahinang ng aming mga kamay.
Mabilis ako na naglakad sa isang gusali na malapit lang sa pampang.
May malaki at kulay asul itong mga letra sa itaas. Sumasang-ayon sa kulay asul na karagatan na nakapinta sa buong gusali.
Sinalubong naman agad ako ng magalang na ngiti ng hotel clerk.
"Good day, Maam! Welcome to Hermosa Hotel! " puno ng siglang pagbati ng babaeng hotel clerk.
She is beautiful. Naka-bun ng maayos ang kanyang buhok, may makapal na kilay na nagbigay pa lalo ng tingkad sa kanyang matangos na ilong. Isama na ang maputi at mapula-pula nitong pisngi na halata ang pagka-natural.
I smiled widely. Sinuri muna ang kapaligiran at naaliw sa mala-karagatan na kulay ng bahay-panuluyan. Buhay na buhay ang mga korales kasama na ang mga lamang dagat na nakapinta sa buong kapaligiran.
Nang matapos ilibot ang mga mata sa hotel ay nakangiti siya ulit na bumaling sa clerk. "Mag-aavail sana ako ng room. "
"What kind po ba, maam?" tanong nito habang nakatingin na sa computer sa kanyang harapan. Siguro upang makita kung ano ang available room number sa kwarto na pipiliin ko.
"Deluxe room," mabilisan kong pagpili sa pinakamurang kwarto nila.
She smiled and looked at me,
"Deluxe room, one bedroom, one bed. "
I nodded as my response.
"Wait lang maam, may mag-aassist na po sa inyong hotel clerk para sa kwarto ninyo." Binigay na sa akin ang isang kumpol na susi na agaran kong tinanggap.
"Thank you." Napansin ko ang isang lalaki na nakangiti na sa kanya at hawak na ang bagahe niyang dala at tila inaantay na lamang siya.
Agad akong nagtungo sa direksyon ng elevator kung saan ako tinuro ng clerk.
***
I smiled as the cold breeze welcomes my body. Itinali ko sa isahang bun ang aking buhok at nagpalit na lamang na simpleng summer dress na hanggang tuhod. Marami akong dalang summer dress dahil na rin aa puro beaches naman ang pupuntahan ko.
Itinuon ko na lamang ang aking mga braso sa teresa ng kwarto habang nakangiting pinagmamasdan ang asul at madilim na karagatan.
Ngunit napakunot ang aking noo,pilit na inaaninag ang isang lalaki na may kasamang babae sa madilim na parte ng beach.
Kahit madilim sa aking pwesto ay kitang-kita ko pa rin kung paano pinagapang ng lalaki ang kamay niya sa likuran ng babae habang nakaupo sila sa isang puno na natumba.
Napataas ang kilay ko sa nasaksihan.
Hindi na yata makapag-intay na masolo ang girlfriend niya kaya kahit hindi nila solo ang lugar ay doon na gagawin. What a jerk!
I smirked at my sudden thought.
Tahimik ko lamang pinagmamasdan kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanyang nobya habang nakahilig pa rin sa teresa. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko ng madako ang mga mata nito sa aking kinatatayuan.
Sa kabila ng madilim na kapaligiran ay kitang-kita ko ang kulay bughaw niyang mga mata habang magkahinang ang kanilang mga labi ng kanyang nobya.
Mabilis akong tumalikod at pumasok sa sariling kwarto. Ramdam ko pa rin ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha at mabilis na pintig ng dibdib ko dahil sa kahihiyan.
Ano ka ba naman Isa, hindi ka na nahiya! That's their privacy tapos pinanood mo pa! And worst nakita ka niya!
But it is their mistake! Mga kabataan talaga.
Inis akong napapikit ng mariin habang kinakagat ang aking kuko. Hindi maipaliwanag kung saan babaling ang aking ulo dahil sa bagay na nasaksihan. Ngayon ko lamang napag-alaman at napagtanto na masyadong mainit ang tagpong iyon.
Padabog ko na lamang na kinuha ang aking tuwalya saka pumasok sa banyo.
Inisa-isa kong tinanggal ang aking mga damit nang makapasok na ako ng tuluyan sa palikuran ngunit hindi pa ako nakakababad sa bath tub ay may nadinig na akong katok na mula sa labas.
Inis kong kinuha ang bathrobe na nakasabit saka mabilisang sinuot iyon saka ko pa lamang tuluyang nilisan ang palikuran at dumerecho sa pintuan ng kwartong inaakupa ko.
Padarag kong binuksan ang pinto ngunit ang inis na kaninang nakakunot na noo dahil sa inis ay napalitan ng namumulang mukha dahil sa kahihiyan.
I composed myself and cleared my throat as his eyes were travelling to my covered body.
"Mister? Staring is rude," pukaw ko sa kanyang atensyon. Agad naman bumalik sa aking mukha ang kanyang mga mata ngunit hindi na nawala ang mga ngisi sa kanyang mapupulang mga labi.
"Nagreklamo ba ako nung ikaw ang tumititig kanina?" nakangising pahayag niya at sumandal pa sa dingding saka nakapamulaang nakatingin sa akin.
"Hindi ako tumitig, okay? " Umiwas ako ng tingin dahil sa hindi ko na maitagong hiya.
I heard him laugh that made me looked at him. "Oh I forgot. Magkaiba ang titig sa nood, hindi ba? "
"Napatingin lang ako, 'wag kang assuming. Kasalanan ninyo rin kasi," pagdedepensa ko pa sa sarili. Tama naman, diba?
"Paano naman namin naging kasalanan yon? Walang tao," nakangisi pang tanong nito habang nakakunot ang noo at nakalagay ang hintuturo sa kanyang baba na waring nag-iisip.
"Unang-una, sa pribadong lugar ginagawa ang bagay na yon. Kung ayaw mong may makakita, ilugar mo!"
"Oh! Private?" Mabilis niyang iginala ang mata sa buong floor na kinatatayuan namin. "This is a private room, right? So pwede na rito?" He even glanced at my body with his famous smirk and lipbite.
***
To be continued...