I took a sip on my morning coffee as I felt the cold breeze of the sea. Napili kong magkape sa labas ng resto para maaninag at makita ng maigi ang pagsikat ng araw. Awtomatiko ang naging pagpulupot ng aking braso sa sarili nang daglian ang pag-ihip ng malakas na hangin.
Mabilis na dumapo ang aking mga mata sa makapal na jacket na biglang lumapat sa aking balikat.
"Ang lamig-lamig tapos ganyan lang ang suot mo." Napangisi ako habang natuon ang mga mata sa lalaki na nakakunot na ang noo. Umupo ito sa aking tabi, ako naman ay hinawakan gamit ang dalawang kamay ang tasa ng kape tsaka ininuman.
"Thank you." Iniyakap ko pa ng mas maigi sa aking sarili ang jacket saka ngumiti sa kanya na nakakunot pa rin ang noo.
"Tss. Huwag mo kong ngitian diyan!" asar na pahayag niya. I cackled and pinch his cheeks that made him pout.
"Bakit? Bawal bang ngitian ka?" I asked. Hindi siya sumagot kaya bumaling na lang ulit ang aking mga mata sa langit na hinahaluan na ng kulay dilaw na natural na kulay ng haring araw.
"Masama ang gising? Nabitin kagabi?" I teased. Kunot-noo itong tumingin ulit sa akin habang ang mga panga ay nadedepina na dahil sa pag-tiim.
"Huwag mo kong simulan, Isa," malamig na saad niya. Umiling-iling na lamang ako saka muling dinama ang malamig na hangin na pumapagaspas kasabay ng mga alon sa dagat.
"What's the problem? " she asked. Wala talaga siyang alam sa kinaiinit ng ulo nito.
Kunot-noo at napaplastikuhan na tumingin ang binata sa kanya. "Wala ka talagang ideya? "
She shrugged her shoulders."Wala, "
Tinignan siya ng lalaki na parang sinusuri. Bumaba ang mga mata nito sa dibdib niya na bahagyang nakikita dahil sa istilo ng suot niyang bestida. Bumaba pa ang mata nito sa mga binti na nakatambad at nakasalampak sa buhangin. "That dress is my problem. "
"Anong problema sa damit ko? Hindi ba bagay? " parang binabalot ng kirot ang puso niya nang malaman na hindi nito gusto ang suot nitong damit.
"That dress exposes you!" naiinis na pahayag ng lalaki. "Hindi mo dapat sinusuot yan! "
Napipi ako sa narinig na sagot niya. Mabilis na nag-init ang mukha kaya nag-iwas na lang ng tingin.
Isa! Get rid of yourself! Ano ba! Ang tanda mo na para kiligin?
Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Tanging ang dagat lang ang nagbibigay ingay sa pagitan naming dalawa.
"Hey." My eyes darted on a petite woman who shamelessly kissed Shymone on the lips. Napaawang ang aking mga labi sa nasaksihan at nag-iwas ng tingin.
"Ana." Shymone's arms automatically envelope her small waist. Nakangisi pa itong nakatingin sa babae saka saglitang bumaling ang mga mata sa akin.
I sense the heaviness of my chest. My throat suddenly felt a lump which is building up.
Tumikhim ako na nakapagpabaling ng atensyon nila sa 'kin. I smiled. "I gotta go. I got a call from Manila,"
Nakataas pa ang kilay ng babae nang tumango, bumaling naman ito agad kay Shymone na nasa akin ang buong atensyon.
Dahan-dahang kong tinayo ang aking sarili sa pang-isahang upuan na inuupuan, kunwaring naging abala sa telepono habang naglalakad paalis.
I swallowed a big chunk on my throat. Naglakad-lakad na lamang ako sa dalampasigan atsaka umupo sa 'di mataong parte nito.
"Hello?" I answered. Totoong may usapan din kami ni Emily na tatawag siya ngayon.
"Bakit ganyan boses mo? May nangyari ba? "as usual, worriedness filled the line.
I bit my lowerlip and took my eye on the wild waves. "Nothing serious."
"Ano nga? " she sighed. Hindi niya talaga ito maloloko at wala siyang maitatago rito.
Napangiti siya habang minamasdan ang paghalo ng liwanag ng araw sa karagatan, "I felt numb, "
"What happened?" she is eager to know the story, alam niya iyon.
"I just felt numb as I saw him with another girl," she start talking. Habang iniisip ang nangyari kanina ay parang unti-unti na ang nagiging pagbigat ng dibdib niya, na hindi maaari. "And I know it's wrong to felt that way. "
Dahil alam niya ang ibig sabihin nito.
Alam na alam.
Natahimik ang kabilang linya, ang madidinig lang dito ay ang malalim na buntong-hininga ng kausap. "Isa, anong mali?" Emily asked. "Walang mali sa nararamdaman mo. "
"Emily, are you kidding me? "napasigaw na siya. Agad naman siyang napabaling sa paligid dahil baka nakaagaw siya ng atensyon ng iba. "May asawa ako! "
"So what? He is cheating and cheating. He keeps on cheating on you! "Unti-unti ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Malabo na ang pagka-asul ng karagatan dahil sa mga luha na nagkakampo sa mga mata niya.
Ang sakit na madinig ang katotohanan. Wala mang pag-ibig na namamagitan sa kanila ay masakit pa rin na malaman na nambababae ito, senyales ng kawalan ng respeto.
"But he is still my husband, "she murmured. Isinulat niya ang buong pangalan niya sa buhangin gamit ang libreng kamay habang iniintay ang kausap na magsalita. "And as I what I said yesterday, I'm not here to get a lover,"
"Really Isa? "Emily's sarcastic voice filled the line.
She sighed as she erase her full name that she write. "Yes, babalik din ako sa buhay ko noon."
"Babalik ka sa buhay na hindi mo hinangad mula umpisa? " Natigilan siya sa muling pagsusulat ng panibagong mga letra nang madinig ang tanong.
"Oo," matigas na pahayag niya.
"Why coming back?" Emily asked. "Sabi mo you felt numb as you saw him with another woman? Maybe, you can't leave without him!" pagpupumilit nito.
"Emily, kaya kong mabuhay ng wala siya." She rolled her eyes as what she said.
She heard a gulping sound. "Really? Kaya mong mabuhay ng wala ang taong mahal mo? "
"I'm not inlove with him," she declared.
"You just admitted a while ago that you were in pain! " pangungulit nito sa kabilang linya.
"But that doesn't mean I'm inlove with him!" she yelled. Hindi na siya nag-aalala na may makarinig dahil siya lang ang naroon sa bahaging ito ng resort.
Hindi pwede. Hindi siya pwedeng magmahal dahil isa 'yong kapangasahan. Mapapatay siya ng asawa niya.
***
To be continued...