Chereads / Nefarious Love / Chapter 12 - Kabanata XI

Chapter 12 - Kabanata XI

"Bakit ka umalis?" Nabitawan ko ang hawak na maliit na stick nang madinig ang boses ni Shymone sa aking likuran. Ang kaninang baba ko na nakatukod sa dalawa kong binti ay bigla kong napaayos.

Mabilis din ang nagawa kong paglingon dito at pasimpleng tinignan ang likuran kung may kasama ngunit wala naman akong nakita.

"I told you, I had a call from Manila," I explained. Pinakita ko pa ang phone na kanina ko pa tapos gamitin.

"Really? Bakit hindi ka na bumalik?" Shymone asked again. Hinuhuli yata ako.

Nag-iwas ako ng tingin bago ngumisi tsaka humarap muli sa kanya."Why?  You want me there? "I asked. "Hindi ba parang third wheel o chaperone mo ako?" she chuckled to reduce the tension between them.

Kinain ng malalaki niyang hakbang ang aming distansya.  Umupo ito sa aking tabi, walang pakialam kung malagyan ng buhangin ang cargo shorts na suot niya. "Sino bang may sabi na magiging third wheel ka? "

Napailing-iling na lang ako saka binalik ulit ang atensyon sa pagsusulat ng buong pangalan ng kasama ko kasama nang sa kanya."E'di chaperone," she said. "Alam mo na marami naman na gano'n, yung mga nanay na over protective sa anak. "

"Ang ganda namang chaperone. Tsaka hindi tayo magkamukha kaya walang maniniwala," mabilis ang naging repleksyon ng nadinig sa aking mukha. Ramdam ko ang mabilisang pag-iinit ng pisngi. "Ang ganda ng penmanship mo," he commented after he peeked on what I'd wrote.

"I love calligraphy. Maarte kasi ako nung kapanahunan ko," I cackled. Kapwa kami nakatingin sa mga pangalan namin na kakatapos ko lang isulat sa buhangin.

"Seriously," biglang saad nito.  Hinawakan nito ng marahan ang aking baba para bumaling ang aking paningin sa kanya. "Why did you leave? "

My heart beats than it's usual. Mabilis at maingay ang bawat pagtibok nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng binata. "Ayoko ngang maging thirdwheel, "I kid.

"Ikaw ang kasama at kausap ko nang oras na iyon,"pagpupunto nito. Really? Kaya pala halos maghalikan na kayo kanina.  "So technically, kung may third wheel man,  hindi ikaw, siya yon. "

I laughed and took a peeked on him for a second. "Huwag ka na mag-deny. I know you want to have time with her, "I smirked.  Trying to compose myself for having a little lump on my throat. "I just gave you a little favor. "

"Sino ka ba para sabihin sa akin kung sino ang gusto ko kasama? "he frustratedly asked.

Kunot-noo kong kinuha ang maliit na bato na naligaw sa dalampasigan saka ko ito hinagis sa dagat.

"You hold her like no tomorrow," I narrated. Umiwas pa ng tingin sa kanya kaya nilunod ng kulay asul na dagat ang aking mga mata. "So, I technically concluded that maybe, I would blocked your moves."

"Isa!" his massive and strong voice made me look at him. Kita ko ang iritasyon sa nakakunot niyang noo habang ang mga nag-aalab na mata ay nasa akin ang atensyon.

I uplifted my lips, side-to-side, trying to hide the bitterness that I'm feeling. "Its fine, really, Shy."

"I tried... " he murmured. "I tried to make you jealous but I am the one whose upset as I saw you walk away. " I heard another soft curses as my heart robotically beats wild.

"Shy I didn't walked away. " I calmly murmured.

Napakamot siya ng ulo, kapwa kamj nakatingin na sa dagat. "Eh ano iyong ginawa mo? "

"I told you I had a call from Manila,"normal naman ang tinig at tono ko pero ramdam ko na ang unti-unting pagtaas ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"No, Isa! I know the truth," malamig na pahayag niya.

I sincerely directed my eyes on him. "Shymone, stop this already," puno ng pakikiusap na saad ko.

Mabagal at malalim siyang bumuga ng hangin. "No, Isa. Let's talk about this!"

"Talk about what? "maang kong tanong.

"Talk about what you feel. Talk about what I feel. Talk about us. " He narrowed the spaces between us. His eyes never leave my physique.

"W-we talked about this, right?" pag-iwas ko. I even bit my lowerlip as I looked away, hindi kayang makipagsabayan sa lalim ng mga mata niya.

Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pagtango niya. "Oo, tama ka. Napag-usapan na natin ito. Pero labas sa usapan natin na kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. "

Ano na naman bang laro ang gusto mo, Shymone?

Marahas akong bumaling sa kanya, ramdam ko ang init ng araw sa aking balat ngunit wala na sa akin yon. Kita ko rin ang pagkalat ng sinag ng araw sa kanyang katawan. "Stop playing games, Shymone! "

Dahil kung hindi, baka makagawa ako ng bagay na alam kong mali. 

Mahulog ako nang tuluyan...

"I am not playing games!" I heard how he tried not to shout.  Namumuo na ang tensyon sa aming dalawa.Ilang minuto akong nakatitig sa asul niyang mga mata at hindi ko rin kinaya kaya ako rin ang unang nag-iwas ng tingin.

"Then what are you doing, now? " I asked. Kunot-noo akong nakatingin sa karagatan na parang iyon ang dahilan ng pagwawala ng dibdib ko.

"Confessing my feeling, I guess? " he sarcastically answered. Mainit na ngunit nararamdaman ko ang nginig sa seryoso niyang boses. Walang halong pagbibiro ang binitawan niyang kataga.

"Isa, come on! You're too old to feel like that. 'Di ka na teenager para kiligin! "

" As what I'd said that day, we can be friends!" I summarized what I said for the past days. "We better off as friends! "

"Oo nga. Friends. Kaibigan!" he is frustrated. "Kung yan lang ang kaya mong ibigay sa ngayon, fuck! I'll take that," I heard some soft curses. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong maliit na stick.

Mabilis kong binura ang pangalan naming dalawa na aking sinulat. "Iyan lang talaga ang kaya kong ibigay, Shymone. Hindi mo maiintindihan yon," I whispered.

"Then give knowledge to me! "Ramdam ko kung gaano ka intensidad ang mga mata niya na hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin—takot na may makaligtaan sa aking mga emosyon. "Ipaintindi mo! Ipaintindi mo kung bakit pagkakaibigan lang gayong alam nating pareho kung anong laman n'yan!" He pointed my heart like it is his enemy.

Umiling-iling ako, 'di makapaniwala sa nangyayari. "I know your type, itatapon mo lang ako katulad ng naging mga babae mo."

I know you more now, Shymone. But I can't tell you why we shouldn't be together.

"Iyan pa rin ang tingin mo? You still believed that I'll  dump you just like that?" ramdam ko ang bigat sa dibdib. Sa aking tabi, nakikita ko rin ang malalalim na paghugot ng hininga ng katabi na ang ang mga mata ay nakatuon lang sa akin.

Unti-unti ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, pilit ko naman na nilalabanan ang pagtulo nito. "Y-yes. "

He nodded, he licked his lowerlip frustratedly."Then let me prove you wrong!" My swollen eyes narrowed to him. Hinawakan niya ang kamay ko at para mapalapit ako sa kanya. Ramdam ko ang mainit na hangin sa aking tenga, madidinig din ang mabibigat nitong paghinga habang ang bibig niya ay naroon pa. "Give me my chances, "

***

To be continued...