Chereads / Nefarious Love / Chapter 13 - Kabanata XII

Chapter 13 - Kabanata XII

Ilang minuto na ang lumipas ngunit ang pintig ng puso ko ay ganon pa rin.He left me after saying those words.

What did he meant by that? Is he serious?

I just sighed, napagdisisyunan nang tumayo at bumalik sa hotel kung saan ako tumutuloy.

Hindi pwede ang gusto nito mangyari. Maybe, if I tell him why I don't want commitment, he will understand.

Napatango ako sa naiisip. Tama! Siguro ganun na nga. Dahil kung hindi pa siya tumigil, I'm sure, I'll be in doomed.

Nang makarating ako sa sariling silid ay mabilis kong sinalubong ang aking kama, ramdam ko rin ang lamig dulot ng nakabukas na glassdoor window sa teresa na nakalimutan ko palang isarado bago ako umalis. Saglit akong tumayo upang isarado iyon bago inilapat muli ang aking likuran sa kama.

"Hello," mabilis kong sagot sa telepono na katabi ko lang.

"Isa, "nanlamig ang buong katawan ko sa nadinig. My heart was hyperventilating at mabilis ang ginawa niyang pag-upo mula sa kalmadong pagkakahiga kani-kanina lamang.

Saglit kong ibinaba upang makita ang caller I. D at ganon na lang kabilis nabago ang tibok ng puso ko.

Ilang araw ko ng iniignora ang tawag niya, kaya halos rumagasa na ang mga buto sa aking dibdib sa bilis ng pagtambol nito.

"T-thomas, "I uttered my husband's name. Convulsing, napatayo ako sa kama.

"Nakakagulat na alam mo pa palang may asawa ka," parang sasabog ang dibdib ko sa mababa ngunit puno ng awtoridad na boses ng asawa.

Ramdam na ramdam ko ang galit nito na lalong nagpapalakas ng kabog ng dibdib. 'Di pa makatulong na nasa isip ko ang nangangalaiti ngunit malamig nitong mga mata na nakatingin lang ng direkta sa akin.

"I would let you take a vacation from stress. Siguro napagod ka na walang ginagawa," I walked back and forth while biting my fingernails habang ang isang kamay ko ay naginginig na nakahawak sa telepono. "But let me remind you..."I bit my lower lip, waiting for his next words.

Nakatuon lamang ang mga mata ko sa isdang painting na nasa taas lamang ng television set ng kwartong inaakupa. "Sa oras na iputan mo ko sa ulo, sasabog ang dugo ng pinakakamahal mo at sisiguraduhin kong babagsak ang pamilya mo."

My mind robotically gave my flashbacks. Bumalik lahat ng ala-ala simula ng makarating ako, sa isla at ang pagsibol ng bawal na nararamdam ko.

I need to get a grip. I need to leave as soon as possible.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko at hindi ko na rin maaninag masyado ang mga letra sa aking telepono. Ang aking mga kamay na parehas nakahawak sa cellphone ay nanginginig na rin habnag pabalik-balik ang bawat paghakbang ko sa inaakupa kong silid.

Mahigit dalawang oras na ang nakakalipas ng madinig ko muli ang boses niya, ngunit ganoon pa rin ang pintig ng dibdib ko, walang pagbabago. Halos isang oras ko na ring pilit na tinatawagan si Emily ngunit wala pa rin akong makuhang kasagutan.

I needed to have information by her. Kailangan ko malaman kung ayos lang ba ang pamilya ko. O kailangan ko ng umuwi para 'di na mangamba sa kung anong maaaring gawin ni Thomas. My family would be in hell once he started to move his pawns.

I know him...

To the point that my heart is hyperventilating.

Hindi nag-iisip ay mabilis kong tinungo ang maleta na nasa baba lang ng cabinet na para sa 'kin. Mabilis kong winasiwas ang aking braso sa center table para makuha lahat ang aking mga abubot habang may isang bag na nasa ibaba, naghihintay na malagyan ng laman.

Walang pag-iingat kong initsa ang laptop ko na katabi lang ng kama sa aking maleta.

Nagtipa na rin ako ng mensahe kay Emily, nag-iintay na lang din ako ng sagot niya. Kailangan ko na si Mang Castor para makabalik na ako sa Manila sa lalong madaling panahon dahil kung wala siya ay magpapabook na ako ng flight para lang makauwi.

Nang sandaling binuksan ko ang pinto ng aking silid ay nawalan ng kulay ang aking mukha nang makita ko ang matangkad na lalaki na may palumpon ng pulang rosas ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay may hawak ng isang kahon na chocalate.

Nasaksihan ko ang pagkawala ng matatamis niyang ngiti at napalitan iyon ng isang seryosong tingin. He traveled his sight from me then to my things. Abot-abot ang aking kaba nang bumaling muli ang kanyang mga mata sa akin.

"Where are you going? "he asked. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga rosas. Kita ko rin ang pag-igting ng kanyang panga habang diretso ang tingin sa akin.

"I'm leaving, "kinakabahan kong sagot.

Ibinaling ko ang aking paningin sa telepono ko na tumunog. Kunot-noo rin siyang napalingon doon.

Emily

It's under control. No need to worry. I can handle this.

I bit my lower lip and tried to type a reply but the man in front of me harshly snatched it from my hand and throw it on the floor.

Nanlalaki naman ang mata ko habang nakatingin sa telepono ko na naghiwa-hiwalay na ang mga pyesa.

Kunot-noo kong sinalubong ang kanyang paningin."What's your problem? "

"Ang ayoko sa lahat." His heavy hands pinned me to the wall behind me. Ramdam ko ang lamig nito habang nakatitig ako sa malamig ngunit delikado niyang mga mata. "Ay makita kang hindi nakatingin sa akin habang ang mga mata ko ay nasa iyo. "

My heart beats widely as my eyes were directly looking at him.

"Shy," I tried to call him but his intense stare made me forget about my plans.

"Now, where are you going? "he hardly asked.

I gulped as I tried to loosen his grip. "N-nasasaktan ako. "

Dahan-dahan namang lumuwag ang pagkakahawak niya saka tumingin sa akin. But his next moved made me still. Hindi ako makagalaw ng itinukod niya ang kanyang noo sa aking balikat habang ang aking mga kamay ay nakadikit pa rin sa dingding, hindi ko maalis dahil sa pagkabigla. "Shy? "

"I-I d-don't know what you d-did to me... " he whispered whilst his forehead was still on my shoulder."B-basta ang alam ko lang ayaw kong m-m-mawala ka,"

I took a deep breath. Inihanda ko ang sarili kong lakas para maiangat ang noo niya sa akin. I made him look at me. "Shy, stop playing around, "

"Fuck this! I'm not playing around! " he desperately said. "Hindi ko pa kahit kailan ginawa 'to! "

I held his arms and fiercely pulled him inside my room. Naistatwa siyang sumunod sa akin. Pinaupo ko siya sa kama saka ako umupo sa tabi niya.

"Shymone, we can't be together. "My eyes were now heading to become a waterfalls. Ramdam ko ang panlalabo ng aking mata dahil sa luha na pinipigilan ko. "We just can't. "

"Why? "he asked desperately. He even held my hands tightly as if I can run away from him. "Tell me, why? Kasi Isa, I am becoming crazy..."

***

To be continued...