Chereads / Nefarious Love / Chapter 14 - Kabanata XIII

Chapter 14 - Kabanata XIII

"Why? "" he asked desperately. He even held my hands tight as if I could run away from him. "Tell me,why! Kasi Isa, I'm becoming crazy! "he whispered.

Napakagat ako sa labi ko habang ang aking mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Ramdam ko ang unti-unting paghigpit ng mga hawak niya sa kamay ko. "Because I'm married. "

His eyes popped out, mouth left half- open as he slowly looses his gripped. Ang dilat niyang mga mata ay nasa akin pa rin, naghahanap marahil ng pagbibiro sa aking kaanyuan. "W-what? "

"I'm married." My tears instinctively rolled down from my eyes. I beamed but I know it didn't reach my eyes.

"H-how did that h-happen? "kunot-noo niyang tanong. Padarag siyang tumayo sa aking harap, nailagay niya sa kanyang bewang ang kanyang mga kamay at tumingin sa akin na 'di makapaniwala.

I just shrugged my shoulders. "Kinasal ako, mag-asawa na kami."

Marahas ang naging pagbuga niya ng hangin, he licked his lips and looked at me amusingly. "Why? Bakit mo hinayaan na maging ganto?" He walked back and forth. He stopped in front of me whilst clenching his jaw. "Bakit hinayaan mo kong mabaliw sa'yo?"

I stared at him for a moment, pansin ko ang pamumuo ng luha niya habang nakakunot ang noo."Kaya nga lumalayo ako,'di ba?"

"But it is not enough!"galit na sigaw niya. Parang bomba itong sumabog habang nakatingin sa akin. "Kung sana sinabi mo, hindi na ako nahulog ng gan'to!" Inis niyang hinawi ang buhok na nakakalat sa mata. Kitang-kita na ang intensidad ng mga tingin niya. "Bullshit! "

"I tried... " I murmured. Ramdam ko na ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa nararamdaman kong sakit niya.

"You tried, but you didn't,right?" he laughed devilishly. "Ang galing mong magsabi na mapaglaro ako," umiling-iling pa ito."Pero sa ating dalawa, ako ang napaglaruan mo. "

I compose myself. Unti-unti na ring naninikip ang dibdib ko. Namumuo na ang inis ko para sa kanya habang nakatingin ako sa mapang-asar niyang mga ngisi.

"Hindi ba una pa lang sinabi ko na hanggang kaibigan lang," inis na pahayag ko. Hindi na nakapag-timpi sa paninisi niya. "Alam mo yun. "

His eyes found mine. Unti-unting nawawala ang mga ngisi sa labi niya at napaltan ng isang matigas na ekspresyon. Walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mukha niya. Daig pa ang madilim na karagatan sa pagsapit ng gabi. "Oo nga pala, ako ang hindi nakinig. "

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga, dahan-dahan ang naging pagtayo ko sa kama saka lumapit sa pwesto niya.

"We better off as friends, Shymone, "I said. "Or better yet, forget about me. "

I heard some soft curses from him. I started to walked towards my luggage and carry them.

"May spare keys ka naman siguro ng kwartong 'to dahil ikaw ang may-ari, "pinilit kong palamigin ang boses ko. Nilalabanan ang panginginig nito. "Thank you for the good accomodation, Mister. "

But my eyes just popped out,my heart started to beat hoarsely as I felt his strong arms envelope my small waist. "Bullshit," he whispers.

Ramdam ko na ang pamamasa ng aking balikat,marahil dahil sa luha na tumutulo sa mga mata niya.

Pinilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin ngunit sa pagpupumilit ko ay lalo lang niyang hinihigpitan. "Mister, what are you doing? "

"Baliw na ako! Siguro nga! Wala akong pakielam." Nanatili ang mga braso niya sa aking bewang habang ang labi niya ay nakalapat sa aking tenga habang bumubulong. "Handa akong maging sikreto mo, huwag mo lang akong iwan. "

"Shymone, sinabi ko na sa'yo. "Nagtagumpay ako sa pagtanggal ng mga braso niya sa bewang ko. Seryoso ko siyang hinarap. "Mali 'to, "

Mali 'to,Shymone.

"So what? Anong mali sa pagmamahal? " he asked whilst his deep eyes were on me.

"Kasi kasal na ako, " I answered calmly. "Iyon ang mali. "

"Sinabi ko na sa'yo. Wala akong pakielam! Handa akong maging kahit ano, makasama ka lang," he pleaded. "Kasi mahal kita, "

"You don't know what love is, " I smiled. "You are too young for that. "

"Isa!" Naihilamos na niya ang kanyang kamay sa mukha. He looked at me intently. "Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatunayan yon? "

I stared at him seriously. "Shy, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal na hindi ka sigurado. "

"How can you say that? " inis na tanong niya. Nasa harapan siya ng salamin habang ang mga mata ay sa akin nalatingin. His reflection tells how frustrated he was. "Bakit ba palagi mo na lang akong pinapangunahan? "

"Kasi alam ko!" Napataas na ang boses ko dahil sa sobrang inis.

Bakit hindi niya maintidihan na hindi na pwede!

"Bata ka pa! And this is your first time to have this kind of feeling, "kalmado kong dugtong. Siya naman ay nanatiling nakatingin ang repleksyon sa akin. "Kaya paano mo masisiguro na pagmamahal yan? " I asked monotony. "You are just infatuated and not inlove. "

"Sige," mahina niyang pagtanggap sa pagkatalo sa diskusyo na nagpapabigat ng aking dibdib.

I bit my lower lip and smiled at him. "Good,"

But his stares gave me creep. Malamig pa rin itong nakatingin sa 'kin. "Papayag ako sa sinabi mo," he said. "Pero sagutin mo muna ang mga tanong ko... "seryoso ang kanyang tinig.

Unti-unting kinakain ng malalaki niyang hakbang ang distansya namin. Kanina ko pa rin nabitawan ang bitbit kong maleta ay natuon na lang iyon sa sahig.

Abot-abot ang aking kaba, ang dibdib ko ay parang makakawala na sa hawla dahil sa lakas ng pagpintig. Todo hakbang ako palayo ngunit kasabay ng pag-angat ng kanyang mga labi ay ang pagtama ko sa malamig na pader sa aking likuran.

"A-anong tanong? " ang kaninang inis ko na naramdaman ay nawala bunsod ng kaba na pumalit.

His sly smirk made me gulp. Patuloy pa rin siya sa paghakbang palapit sa 'kin hanggang sa isang hakbang na lang ang inubos niya palapit sa akin.

He bent down as he looked at my eyes. "Bakit simula ng makilala kita, wala na akong pakielam sa iba? Bakit natutulala ako kapag tumatawa ka? I'm not a kind of man that will accept all criticisms but when it comes to you, I found it very pleasing. Bakit sa bawat paghakbang mo palayo, natatakot ako na baka hindi ka na bumalik? "habang dahan-dahan niyang binibigkas ang mga rsnong ay kusang rumaragasa sa aking utak ang mga pinagdaanan namin na magkasama. "Bakit masaya ako na makita kang masaya?"

Why are you doing this.

Hindi na ako makapagsalita, hindi malaman ang isasagot ko. Tanging mga mata niya lang ang nakikita ko dulot ng 'di maipaliwanag na emosyon.

Napuno ng katahimikan ang paligid, tanging ang tunog lang ng aircon ang madidinig sa buong silid habang magkahinang pa rin ang aming mga mata, takot ang bawat isa na baka ito ay huli na.

"Bakit hanggang ngayon, sigurado akong handa akong mangwasak ng pamilya makasama ka lang? "

***

To be continued...