Chereads / Nefarious Love / Chapter 10 - Kabanata IX

Chapter 10 - Kabanata IX

I hummed as I walk towards my room whilst my cheeks were perfectly lifted both sides.

Napahinto naman ako sa paglalakad at mabilis na inilabas ang aking telepono sa bulsa ng aking summer dress nang bigla itong mag-ingay.

"Hey," I answered whilst trying to get my room's key inside my pouch.

"Ano na, Isa!?" Napapikit pa 'ko ng mariin nang madinig ang ingay sa kabilang linya.

"I'm sorry." Nakalimutan ko na siyang tawagan matapos makarating sa islang 'to.

Nadinig ko pa ang masayang tawanan sa kabilang linya na unti-unti ring nawawala. Ilang saglit pa ay biglang tumahimik.

"Bar?" I asked. Nabuksan ko na ang pinto ng aking kwarto at mabilis na dumiretso sa sariling kama at humiga roon.

"Yep," she answered. "So ano na? Kung hindi pa ako tumawag, 'di pa kita makakausap."

"Nakalimutan ko." Napapikit ako ng madinig ang malakas na tili galing sa kabilang linya.

Sumunod pa ang maingay na pagbagsak ng kung ano. "Really? Leonisa Hermosa? Nakalimot?"

I sighed in defeat as my eyes rolled in annoyance. "There was a man here that never leave my side. "

"Type ka siguro," natatawang komento niya. Daglian ang pagmulat ng aking mga mata saka mabilis na ginawa ang pagbangon sa aking pagkakahiga.

" Type akong ikama, ang sabihin mo," inis na pagbasag ko. Bumalik sa ala-ala ko ang una naming pagkikita. Mabilis na nag-init ang aking pisngi dahil sa pagdagsa nito ngayon sa utak.

"Hindi ko alam na dakilang asyumera ka na rin, Isa." Nagpapadyak pa ang aking mga paa habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame na nasa aking taas lamang.

" I know his type," I mumbled. " Tsaka ang tanda ko na para roon,"

"Bakit? Ilang taon na ba?" madidinig ang kuryosidad sa tono ng kanyang pagtatanong. "Pwede ka na bang kasuhan ng pedophile kung papatulan mo?"

"Sira!" asar na pahayag ko. "He's in his late twenties,"

"Five years is not bad. Bilis-bilisan na lang para makarami," I heard her noisy laughs. I only rolled my eyes upwards at what she had said.

"'Di yun marunong magseryoso," I said in monotonous way. Biglang bumigat ang pakiramdam sa 'di malamang dahilan. "Tsaka I'm not here for new love."

She heard a loud laugh on the line. "Hindi ka naman naghanap. Kusang dumating,"Emily teased.  Ramdam niya ang pamumuo ng dugo sa mukha niya na naging dahilan ng pag-iinit nito ngayon. "That's different. "

"Kahit na, " she mumbled.

I heard a car engine starting on the other line,probably she is getting her way home. "What happened? Paano mo nasabi na gusto ka niya ikama? "

Wala na akong magagawa kung 'di ang magkwento. Mabilis akong dumapa sa aking kama saka iniyakap ang aking braso sa puting unan na naroon.

"On my first day here, I saw him kissing some brunette girl on the beach. He went to my room and he started to annoy me." I started.

Pinangunahan na ako ng matinis niyang boses kay naparolyo ang aking mata dahil sa ingay niya." Then?" she asked excitedly.

" That's it,"walang kabuhay-buhay kong sagot.

"Anong that's it?" she exclaimed. "Asyumera ka talaga! Paano mo nasabi na gusto kang ikama? My gosh, Isa!" she laughed like a crazy mad woman.

Napadilat agad ako ng mata sa nadinig. I tsked that made her cackle more, kung katabi ko lang ang babaeng 'to baka nahampas ko ma siya ng kung ano."What? Ako? Assuming?"

"Yeah girl! I thought you are like our late president Corazon Aquino who will fought for our rights but nevermind!" I chuckled at what she'd said.

" Anong karapatan naman ang ipaglalaban ko?" natatawang tanong ko.

"Ang sabi mo nga kanina na nakita mo siya na may kahalikan sa public place, nakakagulat lang na hindi mo siya nilapagan ng karapatan ng babae na nilabag n'ya. "

" Karapatan ko nga 'di ko maipaglaban," I joked.

I heard her gasping for air. Maybe, trying to calm down. "Alam mo bang kaya mo, kung gugustuhin mo?"

"I can't," she knows it. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang may kilala at kaalaman sa kung ano ang kayang gawin ni Thomas.

"Isa, come on." Nang maramdaman ang unti-unting pagkabasa ng aking mata ay mabilis akong yumuko para matuyo ito gamit ang unan.

" It's my fault," mahina kong pahayag. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata,pinipilit kalimutan ang eksenang nagpabago ng buhay ko.

"That accident is a fucking accident." Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga nang madinig ang ingay sa kabilang linya.

"Please,calm down." Hinilot ko pa ang tungki ng ilong ko habang nakapikit, pinipilit na ikalma ang sarili dahil sa kabog ng dibdib.

"Isa---" mabilis ko siyang pinutol.

"Nagmamaneho ka!" I exclaimed. Tumayo pa ako sa aking pagkakadapa at napatingin sa salamin na nasa harapan lang ng aking kama.

"Oo na boss," unti-unti na akong kumalma nang madinig ang maayos at kalmado niyang boses. Tumawa pa ito na akala mo ay may nakakatawa sa mga pangayari.

I calm myself as I took heavy breaths. "Please, ingatan mo sarili mo,"

"Isa, relax,"pilit akong pinapakalma.

" How can I?" I frustratedly asked."Ayoko na mangyari ulit yun," my eyes were now clouded by tears. Kitang-kita ko ang mga ito sa sarili kong repleksyon. "Ayoko na."

"I'll be safe, Isa," she assured me.

I just sighed and nodded as if she was here.

"Mamaya na lang ako tatawag ulit." Mabilis kong pinutol ang tawag. Padarag akong humiga sa kama saka nakipagtitigan sa kisame ng ilang segundo. My tears were rolling from my eyes but I didn't care.

"Hey!" I smiled as I saw a woman who smiling brightly. Naka-ripped jeans ito na tinernuhan niya ng crop top blouse na bumagay naman sa payat niyang pangangatawan.

I beamed at her and wave. "Hi,"

Mabilis siyang umupo at tinignan ang pagkain na nasa harapan ko. "Masarap ba yan?" she asked.

Tinignan ko ang kulay berde na lata ng sardinas saka ang tupperware na pinaglagyan ko ng kanin. Mas tipid kasi kung ganito na lang ang aking kainin kaysa bibili pa ako sa cafeteria ng school.

Nahihiya akong niligpit ang aking pagkain saka ngumiti sa kanya."Sorry, kakain ka ba?" Tumayo ako para iligpit na ang aking mga libro na nakakalat sa lamesa. "Una na ako,"

But I stopped as she held my arms. Tumingin ako sa kanya at nakita ang pagnguso niya na parang bata."Ayaw mo ba ako makasama?"

Mabilis akong umiling-iling."A-ah hindi. N-nakakahiya lang."

"We're friends na from now on!" she beamed and lend her hands. "I'm Lucille,you are?"

"Leonisa." Kahit na nahihiya pa rin ay tinanggap ko ang kanyang kamay atsaka sinagot ang ngiti sa kanyang mukha.

***

Itutuloy...