Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 2 - Kabanata I

Chapter 2 - Kabanata I

"Kung pagbibigyan man ako ni Abba, susungkitin ko ang mga tala para isabit sa iyong mapalad na leeg. Sapagakat, nabihag mo ako sa iyong mga ngiti at sa maamo mong mga mata. Aking bulaklak"

Dahan-dahan naming pinagmamasdan ang mga mala-cotton-candy na ulap sa langit. Habang naka-higa sa madamong bahagi ng bukid. Mahinang nang haharana ang mga ibon sa gubat at mabilis na nagliliparan ang mga tutubi sa pagitan ng aming hita. Kung papapiliin man ako ni Abba kung saan ko gustong mapunta ngayon ay agad ko siyang tatangihan dahil kontento na ako sa kung anong meron man ako ngayon.

"Hindi nga" Hagikhik ko sa aking kasama. Sampung taon na kaming magkaibigan ni Manuel o maskilala sa kanyang totoong pangalan na Isog. At sa haba ng mga taon na iyon ay mga nitong lingo lang siya nagtapat ng kanyang nararamdaman. Tandang-tanda ko pa nga kung pano manginig ang kanyang mga tuhod habang umaamin, akala ko non hihimatayin siya pero sa kapangyarihan ni Abba ay binigyan siya ng lakas upang bigkasin ang mga salitang paulit-ulit nang naglalaro sa aking isipan

'Gusto mo bang magka-anak?' Hangang ngayon eh natatawa pa din ako sa sinabi niya. Kung kanino niya man natutunan yan ay sana hindi siya magkaroon ng jowa.

"Bakit, totoo naman ang sinasabi ko"

"May sinabi ba akong wala hahaha" Tawa ko.

"Ang gulo niyo talagang mga babae" Pagkamot niya ng ulo.

"Eh ang hina niyo din kasing mga lalaki" Pang-aasar ko. Pinagpag ko muna ang aking suot-suot na jeans siyaka tumayo at uminat. Napakaganda talaga ng tanawin dito sa amin. Mula rito hangang sa dulo ay matatanaw mo ang malawak na bukirin at ang mga palayan ng aming tribu.

Si Amang ang datu sa aming munting barangay. Kahit kakaunti lang ang mga nakatira dito, sa numerong tatlumpu't dalawa ay sagana naman kami sa buhay. Mahirap nga kami, pero wala ni-isa ang nagugutom. Salamat nalang talaga sa aming mga anitu at hindi kami pinabayaan. Isang milya ang layo ng aming barangay sa malapit na bayan, nilalakad lang namin ito. Pero kung andito naman si Amang o kaya si Julio (kumpare ni Amang na kasalukuyang naninirahan sa bayan). Ay mabilis lang ang pagpunta namin doon dahil meron silang motorsiklo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Kung saan wala ka" Pagbibiro ko.

"Mag dadapit-hapon na Goma, gusto mo bang samahan kita?" Pag-aalok niya sa akin. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Matipuno ito, at lalaking-lalaki ang hulma. Napupuno siya ng bahid ng pagsisikap at ang kanyang mga palad ay sing gaspang ng papel de liha. At lahat ng yon ang rason kung bakit gustong-gusto ko siya. Hindi lang kasi siya responsable, matapat din siya, at maalahanin. Walang araw na hindi ko siya hinahangaan. Sa katanuyaan nga eh, ipag-iisang dibdib na kami sa makalawa. Alinsunod rin sa kagustuhan ni Amang.

"Hinahanap ka na siguro ng nanang mo dun. Siyaka mabilis lang naman ako" Ani ko habang tinititigan niya lang ako sa mata.

"Para namang hindi ako taga rito" Hirit ko pa.

"Sige mabilis ka lang ah. Mahirap na at baka matuklaw ka ng ahas diyan" Ayan na naman siya, kinukuha niya na naman ang loob ko nang hindi niya namamalayan.

"Edi tuklawin ko din siya para patas" Pagbibiro ko na ikina-ngiti niya lang.

"Loka-loka ka talaga. Sige na at para makauwi ka ng maaga"

"Oo na po" Iniwan ko na siyang nakatayo lang duon. Habang ang mga mata niya ay nakatingin parin sa akin. Hindi ko ugaling maging asumera pero, kinikilig ako sa ganitong galawan niya.

Nang makapasok na ako sa loob ng gubat ay agad na bumungad sa akin ang mga nagliliparan na mga ibon at sari-saring insekto. Habang ang mga sanga naman ng puno ay dinuduyan ng hangin. Napa-upo ako sa isang malaking tipak na bato sa gilid ng puno. Ang tambayan ko, eto ang lugar na nagpapakalma sa akin kung sakaling nastre-stress ako o kaya naman ay nalulungkot. Pero hindi ako pumunta dito para umiyak o sumigaw. Andito ako para magpahinga.

Kahit isang minuto lang o dalawa. Gusto ko munang langhapin ang sariwang hangin dito sa gubat, gusto ko munang marinig ng malapitan ang mga ibon na kumakanta sa mga sanga ng mga puno. At ang halimuyak ng sari-saring bulaklak na tumutubo dito. Ang karaniwan ay ang gumamela, ang bulaklak kung saan ng galing ang pangalan ko. Napapikit ako nang humampas ang hangin sa aking balat. Hindi na ito sing lamig tulad noong limang taong gulang ako. Pero dala-dala naman nito ang pamilyar na simoy ng hangin.

"Goma Mella" Tawag ng pamilyar na tinig ng babae. Ang nakababata kong kapatid na si Anna Bella. Dalawang taon ang agwat namin pero hindi mag-ate ang tratuhan namin sa isa't-isa. Si Anna Bella kasi ay mas mature ng mag-isip kaysa sa akin. Simula noong bata pa lang kami ay siya na ang ma-responsable sa aming tatlo. Noong namatay kasi ang Inang namin ay siya na ang tumayong ina para sa aming bunso na si Mera Donna.

Oo, ganyan talaga ang mga pangalan namin. Alinsunod sa kagustuhan ni Inang. Hindi ko rin alam kung bakit, pero satingin ko eh para magkakatunong ang mga pangalan namin.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad siya papalapit at may bitbit-bitbit na basket.

"Wala naman, naghahanap kasi ako ng mga kabute kanina nang makita kita dito. Ba't hindi mo pala kasama si Igog?" Pagtatanong niya.

"Gusto ko muna mag-isa" Rason ko habang ang mga mata ko ay nakatingin lang sa mga paru-parong naglalaro sa mga bulaklak.

"May kinalaman ba 'to sa kasal mo?"

"Wala namang kaso sa akin 'yon. Gusto ko din naman si Isog" Hinarap ko siya.

"Eh, ano?"

"Nanaginip ako kagabi"

"Tapos?"

"May lalaking naka-itim... tapos patay na daw ako"

"Kaawaan ka ni Abba! Kumagat ka na ba sa kahoy?" Nag-aalala niyang tanong. Napa-higpit ang hawak niya sa kanyang dala-dalang basket.

"Kanina..." Ngumiti ako.

"Oy, Goma Mella hindi nakakatawa yung mga ganyang panaginip kaya wag mo akong ngingitian diyan. Tara, magpakonsulta tayo kay Apong Isidro, baka malaman niya kung anong maligno yung naglalaro sayo"

'Wag na, alam mo naman kung gaano ka-busy yung matanda ngayon. Na-enkanto kaya si Marikit kahapon"

"Malay mo magaling na si Marikit ngayon" Pagkukumbinsi niya.

"Ano ka ba An---"

BANG!

Naputol ng isang malakas na pagputok ang sasabihin ko. At na estatwa kaming dalawa ni Anna sa kinatatayuan namin. Parehas nanlaki ang mga mata namin, at alam namin kung saan nang galing ang tunog na iyon. Sa barangay namin.

"Anna dito ka lang" Utos ko sa naninigas na Anna. Hindi ko kayang tingnan ang namumutla niyang mukha at ang bakas ng takot sa kanyang mga mata. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad na akong sumugod sa aming barangay. Hindi pa man ako nalalapit ay nakita ko na agad ang mga nagtatakbuang mga babae at bata papalayo sa kani-kanilang tahanan. Hindi na nakapalag pa ang mga kalalakihan dahil sa kanilang mga baril.

Bago pa man ako makagalaw ay narinig ko ang yapak ng paa sa aking likuran.

"Ikaw!" Sigaw ng isang armadong lalaki, habang ang kanyang baril ay nakatutok sa akin.

"Taas mo ang kamay mo" Utos niya na isinunod ko nalang. Hinawakan niya ako sa aking nakataas na braso at inalalayan ako patungo sa sentro ng aming barangay kung saan naka-luhod ang aking mga kasama. Unang nahagip ng aking mga mata ang apat na kalalakihan at isang batang babae na nakahandusay sa lupa na wala ng malay. Hindi ko na kayang tingnan ang kanilang kalumoslumos na sitwasyon at ibinaling ko nalang ang aking mga mata sa buhay pa.

Ramdam ko ang galit sa aking puso. Parang gusto kong manakit, gusto ko silang saktan, gusto ko silang mawalan den ng buhay para maranasan nila ang pakiramdam ng mamatayan. Pero wala akong kakayahan na gawin iyon, alam kong idadagdag lang nila ako sa bangkay na ililibing nila mamaya.

"Luhod" Pinaluhod niya ako kasama ng aking mga ka-tribo. Ang bilis ng kabog ng aking dibdib. Parang sa bawat paghingi, ay sinasakal ako ng hangin. Bahagya akong nagulat nang may humawak sa aking likuran. Gusto ko man lumingon, hindi ko kaya. Nakatitig kasi ang isa sa mga armadong lalaki sa akin.

"Sa pagbabalik mo, wag mong kalimutan ang ating tribu" Bulong ni Ampong Isidro sa aking likuran. Na ipinagtataka ko. Bakit saan ba ako pupunta?

"Pirmahan mo na!" Bulyaw ng lalaki sa loob ng aming kubo kasabay ng pagtangis ng aking bunsong kapatid. Tatayo na sana ako nang mahipit na kumapit sa akin si Ampong Isidro. Nilingon ko siya at siyaka naman niya ako inilingan.

"Bitaw!" Madiin kong utos.

"Hindi mo pa oras Bai Goma Mella Purton"

"Babasagin ko ulo ng anak mo Datu kung hindi mo pipirmahan 'yan" Pagbabanta ng lalaki sa loob. Nasaksihan ko sa bintana kong pano niya hinugot ang kanyang baril at itunutok sa aking bunsong kapatid. Apat na taong gulang lang si Mera Donna, hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko hahayaan 'yon.

Parang nawala ako sa tuliro at sinugod ang kubo ng walang pag aalinlangan. Wala pa ako sa kalahati nang nagpakawala sila ng bala. Kitang-kita ko sa sa mukha ng bumaril sa akin ang kanyang pagkagulat, ganun din ako sa kanya.

"Bai Goma!" Sigaw ng aking mga kasamahan. Parang dahan-dahan akong nahuhulog na walang maramdaman at nang tumama na ako sa malamig na lupa ay duon ko lang naramdaman ang mahapding sakit sa aking kaliwang dibdib.

"Pot*** ina niyo!" Sigaw ng pamilyar na boses at kasunod non ang isa na namang pagputok ng baril. Tumumba sa aking harapan si Isog, katabi niya ang bolo na ipang tataga niya sana sa bumaril sa akin. Pero maski siya ay walang nagawa. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang duguang kamay. At dahan-dahan ko din itong inabot.

"Aking bulaklak... tahan na" Bulong niya. Hindi lang dugo namin ang naghalo sa madamong lupa, pati narin ang luha ng bawat isa. Bago pa man ako kimkimin ng dilim ay huli ko nang narinig ang wangwang ng sasakyan ng mga pulis.