"Tama na! Tama na! Sanji, ano ba?"
Umiiyak na siya habang pinipigilan si Sanji sa pagbugbog kay Luigi. Pilit siyang kumakawala mula sa pagkakahawak ng dalawang kabarkada ni Sanji sa magkabilang braso niya. Napahiyaw ulit siya nang makitang sinipa ni Sanji si Luigi sa tiyan. Lugmok ang huli sa lupa. Nanginig siya at lalong napaiyak. "S-sanji, tigilan mo na siya, please."
"Ito ba Airen, ito ba ang ipinagmamalaki mong lalaki mo?" inundayan ni Sanji ng sipa ang dibdib ni Luigi. Napaubo ang kawawang binata at napauklo.
"Tigilan mo na siya. Nagmamakaawa ako, tigilan mo na siya."
"Tigilan? Itong ungas na ito, titigilan ko?" tumawa si Sanji. "Fine. Tigilan pala eh." Naglakad si Sanji palayo kay Luigi. Nanlaki ang mga mata niya nang kunin nito ang isang dos por dos na kahoy. Napangisi si Sanji dahil sa panghihilakbot niya. "Surprise!"
"Please, Sanji, leave Luigi alone. Nagmamakaawa ako, tigilan mo na siya!" nagpakawag kawag siya. Pilit niyang kumakawala mula sa mga nakahawak sa kanya. "Bitiwan ninyo na ako, please." sumamo niya. Ngunit sa halip na bitiwan ay nagtawanan lang ang mga ito. "Mga hayop kayo! Pakawalan ninyo ako dito! Luigi, stand up and run!"
Bagamat duguan ang mukha at halos hindi na makagalaw ay nagawa pang mag-angat ng tingin ni Luigi sa kanya. Halos hindi na rin nito maibuka ang mga mata. Lalo siyang napaiyak. She has to do something. Kailangan niyang iligtas si Luigi.
"I'll do everything, pakawalan ninyo lang si Luigi."
Natigilan si Sanji at hinarap siya. "Talaga?" naghahamong anito.
"A-airen, h-huwag..."pigil ni Luigi.
Inilayo niya ang tingin kay Luigi. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ito. "Yes." halos pabulong niyang sagot kay Sanji. Napapikit siya dahil sa pagsigaw ni Luigi.
"Babalikan mo ba ako kapag pinakawalan ko ang ungas na ito?"
"A-airen..." nagmamakaawang tawag ni Luigi. Nagpupumilit itong tumayo kahit pa puro sugat at puro pasa ang katawan nito. "Patayin mo na lang ako! Patayin mo na lang ako!" nanggagalaiti at umiiyak na sigaw ni Luigi. He was panting, he was almost dying.
"Wow. Nakaka-touch naman pala itong si Mr. Genius eh. Kaya ba nagawa mo akong ipagpalit sa kanya dahil sa kasweetan niya?" nang-uuyam na ani Sanji.
"Airen, patayin mo na lang ako." sumamo ni Luigi. Umiiyak na ito habang hirap na hirap na gumagapang sa lupa papalapit sa kanya. "Huwag mong gagawin iyan."
Seeing him crying and begging not to do it made her eyes swell all the more. She can't disappoint him. Masyado niya itong mahal para pasakitan at pahirapan ng ganon ang kalooban nito. "Patayin mo na lang din ako, Sanji. Patayin mo na lang kami!" sigaw niya.
Malutong na halakhak ang isinagot ni Sanji sa isinigaw niya. Mayamaya'y hinambalos nito ng kahoy ang likod ni Luigi. "Papatayin ko talaga kayo!"
"L-Luigi!" sigaw niya.
"Patayin mo na lang ako!" Luigi screamed.
Napaiyak siya. Ganon siya nito kamahal. Handa itong magbuwis ng buhay para sa kanya. "Patayin mo na rin ako, Sanji. Gawin mo na ang lahat ng gusto mo pero hinding-hindi na ako babalik sa'yo! Patayin mo na rin ako! Patayin mo na lang din ako!"
Inihagis ni Sanji ang hawak na kahoy at palaspas na lumapit sa kanya. Pinatulilig nito ang ulo niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang malutong na sampal sa pisngi niya. Galit na galit na hinawakan siya nito sa baba at pilit na ipinatingala paharap rito.
"Gusto mo ba talagang makitang pinapatay ko iyang lalake mo?"
"Patayin mo na lang din ako." umiiyak niyang sumamo.
Muli ay sinampal siya nito. Naramdaman niya ang pagsigit ng dugo mula sa gilid ng kanyang bibig. Hinawakan siya nito sa buhok. "Akin ka lang, Airen. Akin ka lang!"
Dinuraan niya ito sa mukha. "Kahit kalian ay hindi ako naging iyo!"
Umangat ang kamay nito kaya napapikit siya. Ngunit ilang sandali pa ay muli siyang napamulagat. Napatigil ito sa pagsampal sa kanya at galit na galit na tinignan siya. Mayamaya'y binitiwan siya nito. "May araw din kayong dalawa sa akin."
Binitiwan siya ng dalawang lalaking humahawak sa mga kamay niya. Itinulak siya ni Sanji dahilan upang mapaupo siya sa lupa. Pinukol siya nito ng nagbabantang tingin. "Magsisisi ka, Airen. Hindi pa ito ang huli. Mapapasaakin ka ulit. Tandan mo iyan!"
Umalis ito at ang mga kasama nito. Hindi niya mapaniwalaang nagawa silang iwan ng mga ito ng buhay. Napatingin siya kay Luigi. He looked like was half-breathing. Natatarantang pinuntahan niya ito. Lalo siyang napatangis nang mabistahan ang hitsura nito. Napakadami nitong sugat. Punung-puno ng dugo ang mukha at katawan nito.
"Luigi, I'm so sorry." umiiyak na niyakap niya ito.
Napangiti ito. "I love you, Airen. Mahal na mahal kita. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang makitang nasa piling ka ng iba." nanghihinang bulong nito.
"Thank you. Thank you, Luigi. Mahal na mahal din kita."
"Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo. Hindi mo ako isinuko."
Humigpit ang yakap niya sa kanyang kasintahan. Nanatili silang magkayakap habang umiiyak dahil sa sobrang kasiyahan. Hinding hindi niya isusuko si Luigi. Not now, not ever.
Napabalikwas ng bangon si Airen at hinihingal na napatulala sa karimlan ng kanyang kwarto. Nagsimulang manginig ang katawan niya. Nakaramdam siya ng panlalagkit sa buo niyang katawan tanda na basang-basa na pala siya sa pawis habang natutulog. Nanghihinang napasubsob siya ng mukha sa kanyang mga palad. Just when she closed her eyes, nagsimulang bumalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
Marahas siyang napabuntong hininga. Kay tagal na panahon niyang kinalimutan ang pangyayaring iyon. Ayaw na niyang maalala ang mga panahong sinubok ng pagkakataon ang pagmamahalan nila. Ayaw niyang maalala na minsan ay dumating sila sa puntong mas ninais pa nilang mamamatay kesa ang maghiwalay. Ayaw na niyang maalala na matapos ang lahat ng mga pinagdaanan nila ay siya pa ang sumuko. Ipinagpasalamat niyang hindi naituloy ang panaginip niya. It would have been harder for her, ang maalala ang...napapikit siya.
Akala niya ay nakalimot na siya. Hindi pa pala. Luigi. She shook her head. Pinilit niyang kalimutan ang napanaginipan. Bumalik siya mula sa pagkakahiga. She was silently hoping that she wouldn't have that same bad dream again. Lalo na ang maituloy iyon.