Chereads / SOMEONE ILOVE (COMPLETE) / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Kanina pa siya hindi mapakali. Paulit ulit niyang iniisip kung bakit ganon umasta si Luigi sa kanya. Mariin siyang napapikit. Hindi siya lumabas sa shop niya ngayon. Nagkulong siya sa kanyang opisina at doon nag-isip ng maaaring dahilan kung bakit bigla bigla na lang muling nagparamdam at nagpakita sa kanya si Luigi. She frustratingly sighed.

Luigi Lee. Bakit nga ba pinag-iisipan pa niya ang rason kung bakit muli itong nagpakita sa kanya sa kabila ng galit na nararamdaman nito sa kanya? Napailing siya. Noon niya napagtagni-tagni ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nagpakita sa shop niya one week ago, kung bakit bigla na lang ito, imbes na si Dodong, ang nabungaran niya kaninang umaga, at kung bakit bigla itong nag-organize ng homecoming party para sa college batch nila.

She rested her back on her highback swivel chair. Napatingala siya sa puting kisame ng opisina niya. Nahahapong napapikit siya. Kasunod ng pagpikit niya ay panunumbalik ng alaalang kay tagal din niyang sinubukang limutin. Isang alaalang naganap sampung taon na rin ang nakakalipas. Napailing siya at dagling napamulagat ng mata. She sighed.

Ayaw na niyang maalala pa iyon. Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana ng opisina niya. Madilim na sa labas. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig. Ala-siyete na pala ng gabi. Kailan kaya siya patatahimikin ng alala ni Luigi mula sa nakaraan? Napalingon siya sa pinto nang marinig na may kumatok doon. Inayos niya ang sarili bago bumalik sa kanyang swivel chair. Tumikhim siya. "You can come in. The door's open."

Nabitin sa ere ang ngiti niya nang makita kung sino ang bumungad sa pinto. He was there, looking so handsome and so fresh, standing by her door and smiling at her. It's been ten years, pero alam niyang kahit pa siguro umabot ng sampung libong taon ay hinding-hindi niya magagawang makalimutan ang ngiting iyon. It was the smile that she's always wanted to see. Maaaring nagbago ang anyo nito sa nakalipas na sampung taon, but not his smile.

Wala na itong suot na dark-rimmed eyeglasses at braces sa ngipin, hindi na ito laging nakayuko na tila ba laging nahihiyang matitigan siya sa mata, hindi na ito iyong dating Luigi na clumsy at laging nanginginig sa tuwing nagsasalubong ang kilay niya. Hindi na ito ang dating Luigi na sa tuwing tumitingin sa kanya ay punung-puno ng pagmamahal ang mata.

Hatred, and not love, was all she can see in his eyes. Matapang na rin itong nakatitig sa mukha niya, ni hindi nito ininda ang pagsasalubong ng kilay niya o ang pagtatagis ng mga bagang niya. He closed the door behind him and suavely walked inside her office. Naglakad ito palapit at tumigil sa eksaktong harapan ng mesa niya. Nagpalinga-linga ito sa paligid.

"Nice office." komento nito.

"W-what are you doing here?"

Nagkibit ito ng balikat. "Just visiting an old classmate, I guess."

"Luigi, why are you doing this?" it came out almost as a whisper.

Tumaas ang isang kilay nito. He put his hands on her table and leaned towards her. "What am I doing, Airen?" tinitigan siya nito sa mata.

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa nagawa ko noon."

"No." sansala nito. Umayos ito ng tayo at lumayo sa kanya. "Hindi ako galit sa'yo."

"L-luigi..."

"Galit na galit ako sa'yo. Alam mo ba kung bakit ako nagkaganito? Dahil sa'yo Airen. Dahil sa'yo ang lahat ng ito. Look at me now. Gwapo, mayaman, hinahabol-habol ng mga babae, I can have everyone I want. No one can resist me. But I'm never happy. Dahil iyon sa'yo. Sinira mo ang tiwala ko sa lahat ng tao. I never learned to trust anyone but me."

Kusang bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata. He was hurting. He was furious. He has become a monster. Nasasaktan siyang malaman na dahil sa kanya kaya ito nagkagayon. Kung balak nitong ipadama sa kanya ang guilt na dapat niyang madama dahil sa ginawa niya non ay nagtagumpay ito. The guilt she was feeling was killing her.

"Congratulations, Airen, you just made me stronger." sarkastikong anito. She bit her lower lip. "Alam mo ba kung bakit ako bumalik?"

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Bumalik ako para maghiganti."

Napasinghap siya. Hindi niya inaasahan ang tinuran nito. "W-what?"

"Nagtataka ka siguro kung bakit sinasabi ko sa'yo ito." nagsimula ulit itong maglakad palapit sa kanya. But this time, dumiretso na ito sa mismong harapan niya.

Kagyat siyang napatayo dahil sa kapangahasang ginawa nito. Ngumisi ito. Hindi siya tanga para hindi malaman ang balak nitong gawin sa kanya. Ngunit bago pa man siya tuluyang nakalayo rito ay nahawakan na siya nito sa bewang. Hinapit siya nito palapit.

"B-bitiwan mo ako!" piksi niya.

"Ano nga ulit iyong ginawa mo sa akin dati?" nagpatango-tango ito. "Pinaasa mo ako, pinagmukhang tanga at sinaktan. Alam mo bang kaya ko ring gawin iyon sa'yo ngayon?"

Nagsimula ng mangatog ang mga tuhod niya. Natatakot siya, hindi sa maaaring gawin nito sa kanya, kundi dahil sa kakaibang reaksiyon ng katawan niya dahil sa pagkakadikit nila. Akala niya ay matagal na ring nakalimutan ng systema niya ang kakaibang pakiramdam na iyon. Hindi pa pala. Itinaas niya ang mga kamay at itinukod iyon sa malapad nitong dibdib.

"L-let me go."

"Alam mo rin ba kung ano ang pagkakaiba natin? Ako, sinasabi ko sa'yo ngayon ang balak ko. Hindi kagaya mo na kahit noong maging sa kahuli-hulihang sandali ay hindi mo nagawang aminin sa akin ang nagawa mong kasalanan. That makes me better than you, huh?"

Nanlaki ang mata niyang walang anu-ano'y idinampi nito ang mga labi sa pisngi niya. He began giving her hot and wet kisses all over her face. Ni hindi na niya nagawang pumiksi. Nawalan siya ng lakas na gawin iyon. And his passionate and teasing little kisses made her body shudder all the more. Napapikit siya. Narinig niya ang nakakalokong tawa nito.

"Hindi ako kagaya mo na kailangan pang magsinungaling para makapanloko. I am better than you. Kaya kitang paikutin sa mga kamay ko ng walang kahirap-hirap, walang pagpapanggap. And before you know it, nahuhulog ka na sa bitag ko. Ano ba'ng mas masakit, ang maloko dahil wala kang kaalam-alam, o ang maloko kahit na alam mo ang nangyayari at wala kang nagawa para iligtas ang sarili mo?"

Hindi siya nakapagsalita. Damang-dama niya ang mainit at mabangong hininga nito na tila nakakalokong dumadampi sa leeg niya. Then she felt his lips brush against her neck, up to her cheeks. Napalunok siya. May gusto siyang gawin, pero hindi niya alam kung ano iyon.

"My revenge has officially started. Sinisiguro ko sa'yong bago matapos ang buwan na ito ay iiwan kitang luhaan at awang-awa sa sarili mo." banta nito.

"Paano kung hindi mo magawa iyon?" buong tapang niyang tanong. Sinalubong niya ang pangungunot ng noo nito. She bravely smiled at him.

"Magtatagumpay ako." determinadong sagot nito.

"Paano kung kusa akong magpatalo sa'yo?"

"W-what?" awtomatikong kumuyom ang mga palad nito.

"I want you to forgive me, Luigi." pabulong na anas niya. "Can't you forgive me?"

His fiery eyes landed on her gloomy face. "I will never forgive you."

Marahas na binitiwan siya nito. He gave her one last demeaning look before storming out of her office. Napadausdos siya sa sahig. Hinihingal pa siya dahil sa nangyari. Hindi niya napigilang mapaiyak. Ito na ba ang karma niya? Kung alam lang nito ang nangyari noon...