"Sandali lang!" patakbo niyang tinungo ang kanyang gate upang pagbuksan ang taong kanina pa pindot ng pindot sa doorbell niya. Tila nang-aasar pang sunud-sunod nitong pinipindot iyon. Akala mo naman may aso siyang dumudumi sa harap ng gate ng may gate.
"Ano ba? Hindi mo ba kayang mag-antay?" patuloy siya sa pagsigaw habang tinatakbo ang pagbubukas ng gate. "Ano ba?" singhal niya pagkabukas na pagkabukas niya ng gate. Natigilan siya nang tumambad sa kanya ang nakangising mukha ni Luigi.
"So ngayon, alam mo na iyong pakiramdam na may nagdo-doorbell sa bahay mo na para bang mag-e-end of the world na kung makapindot?" nang-aasar na tanong nito.
Ngani-nganing pagsarhan niya ito ng gate. Kung hindi lang talaga biglang sumulpot iyong maliit na babaeng nasa likuran nito, malamang na nakipag-lips to lips na nga ito sa gate niya. She recognized the girl as Camille. Dati nila itong kaklase noong college. They studied Business Administration, nasa block section sila noon kaya simula first year college hanggang sa fourth year college ay naging kaklase niya ito, that included Luigi, of course.
"Hi! Kamusta ka na friend?" magiliw na bati nito sa kanya.
Her heart pounded. Hindi agad siya nakahuma sa biglaang pagdating nito. Napalunok siya at hindi makapaniwalang napatingin sa dating kaklase. Nag-aalalang napatingin siya kay Luigi. Nagulat siya nang makitang kampante lang itong nakamasid sa kanya. He should be the one freaking out, not her! For ten years, ginawa niya ang lahat mapagtaguan lang ang mga dati nilang kaklase. She wanted to forget everything that has happened.
Hindi ba, dapat ay si Luigi ang mas natatakot na makaharap ulit ang mga kaklase nila noon? Marahan siyang nagpatango-tango. Was it his way of telling her that he has already moved on? Iyon ba ang paraan nito ng pagsasabi na wala na itong pakialam sa nangyari sa kanila, sampung taon na ang nakakaraan? Siguro nga, kasi nagagawa pa nitong ngumiti habang kausap si Camille eh. Unlike her, na daig pa ang nakakita ng multo nang makaharap ang dating kaklase. Pinilit niyang ngumiti. She should be glad that he had become stronger.
"B-bakit ka napadalaw?" kinakabahang tanong niya.
"May ibabalita lang ako sa'yo." ani Camille.
"A-ano iyon?"
"Hindi mo man lang ba kami papapasukin sa bahay mo?" biro nito.
Nagsidatingan na rin ang mga kasama nito, na apparently ay mga kaklase rin nila noon. Mas lalo lang tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Ang mga kasama nito ay iyong mga kasamahan nito sa science club noon. Biglang nanikip ang dibdib niya. He was painfully bringing back old memories. Pakiramdam niya ay malapit na siyang maiyak.
"Busy kasi ako ngayon eh. Okay lang ba na dito mo na lang sabihin iyong balita mo?"
"Is this how you treat your guests? To think na mga dati mo pa naman kaming mga kaklase." biglang sumingit sa usapan nila si Luigi na noo'y matamang nakatingin sa kanya.
"S-sige, pumasok muna kayo." marahan niyang niluwagan ang pagkakabukas ng kanyang gate. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang panginginig niya. She barely made it through her living room. "Please have a seat." alok niya.
"Nice place, Airen. Maganda pala itong bahay mo. Bakit ganon, ang ganda mo pa rin? Para kang hindi tumanda. It's been like, what, ten years?" komento ni Camille.
"Oo nga eh, ang tagal ka rin naming hindi nakita." segunda naman ni Emy.
"Hindi ka naman siguro nagtago, diba?" biro ni Prince.
Natigilan siya sa tinuran ni Prince. Matagal bago siya nakasagot. Hindi niya inaasahang uungkatin nito ang nangyari ten years ago. "W-why would I?" she faked a laugh.
"Sabagay, mga bata pa naman tayo noon." nakangiwing sansala ni King. Napansin niyang biglang nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila dahil sa sinabi ni Prince. Napatingin siya kay Luigi. He was still smiling. Para bang hindi ito apektado sa tanong ni Prince kanina.
"Oo nga naman. Ako dapat ang magtago, bakit si Airen, diba?"
Napalingon silang lahat kay Luigi. The animosity just grew bigger. Dinig na dinig niya ang pagsinghap ng mga kasama nila. Lalo naman siyang pinamulahan ng mukha. Luigi broke the ice by giving out a crispy laugh. "I'm just kidding. Tama naman si Prince eh. Mga bata pa tayo noon. Don't worry guys, nakamove on na ako." ngumiti ulit si Luigi.
"Ano ba'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" mayamaya'y tanong niya.
"May beer ka ba? Nauuhaw kasi ako." swabeng tanong ni Luigi. "Kayo guys, ano'ng gusto ninyong inumin?" balewalang baling nito sa mga kasama.
Hindi nito itinago ang ngisi habang pinagmamasdan ang kamiserablehan niya. Batid niyang kanina pa siya nanginginig at pinamumulahan ng mukha. At natitiyak niya ring alam nito kung ano ang nangyayari sa kanya. Sa naisip ay hindi niya naiwasang masaktan. He was playing with her feelings and he didn't even care. Palihim niyang kinastigo ang sarili. Sino siya para magreklamong nasasaktan siya? Ni wala pa sa katiting ng nararamdaman niyang sakit ang ibinigay niya rito noon. "W-wala akong beer sa ref. I don't drink...anymore."
"Talaga? Well, back in college, hindi ba't mahilig ka sa beer?"
Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang hostility at sarcasm sa tanong na iyon ni Luigi. Nang mga oras na iyon ay hindi na lang siya ang pinamumulahan, kundi maging ang mga kasama na rin nila. Unti-unting lumilinaw ang intensyon ni Luigi sa pagpunta nitong iyon. Gusto siya nitong ipahiya. Kagaya ng ginawa niya rito ten years ago.
"T-that was ten years ago."
"Ibig sabihin, hindi fake na nagbago ka na nga?" sarkastikong tanong pa nito.
Pumormal ang kanyang anyo. Ayaw niyang palawigin pa ang ginagawa nito. "You have to understand na kailangan ko ng pumunta sa shop. Hindi naman sa pinapaalis ko na kayo, pero may trabaho din ako. Kaya kung may gusto kayong sabihin, sabihin ninyo na."
Natigilan at napayuko ang mga lahat, bukod kay Luigi na mataman lang na nakatingin sa kanya. Luigi crossed his arms and lazily looked at her. "There will be a homecoming party by the end of this month. Isn't that a great idea? It's like bringing back the past."
Bringing back the past. It was so painful to hear such words from him. And he was mocking. Yeah, it was like in the past. "A h-homecoming?"
"Yes. Tinawagan ko si Luigi at sinabihan about the party. I was in-charged in getting in touch with our classmates. Sa'yo nga lang ako nahirapan eh. I wasn't able to find you. Lucky for me, nang sabihin ko ang tungkol sa party ay nasabi ni Luigi na alam nga raw niya kung nasaan ka. We were shocked to know na magkapit-bahay pa pala kayo rito." ani Camille.
"I-I'll try to come." labas sa ilong na sagot niya. When Camille seemed to protest, mabilis niyang dinugtungan ang sinabi. "I can't tell right now. I might be busy, you know. Pero susubukan ko namang pumunta." nahihiyang dagdag niya.
"May tinatakasan ka ba?" nakangising tanong ni Luigi mayamaya.
Napalunok siya. All eyes bore onto him. He's mocking again. He sure has become bolder. She saw evident and determined threat in his eyes. Parang biglang nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pangangatog ng tuhod niya.
"May dapat ba akong takasan?" painosenteng tanong niya.
"Wala ba?" hinuli ng naghahamon nitong mga mata ang kanyang mga mata.
He was obviously belittling her. And he had changed a lot. Hindi na ito ang dating Luigi na nakilala niya. Where has the gentle and sensitive Luigi gone? Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa ipinapakita nito. With misty eyes, she looked away. "Fine. Dadalo ako."