"Ano? Sinasabi ko lang ang totoo. At isa pa, ikaw ang unang nanglait sa'kin." Nakatitig ang mga matang gasuklay ni Lin Che kay Gu Jingze.
"Alright, I'm sorry. Kasalanan ko. Hindi ko na dapat sinabi pa 'yon," ang sabi ni Gu Jingze habang inaayos ang kanyang damit.
Tumango naman si Lin Che. "Okay, tinatanggap ko ang sorry mo. Wala ng mangyayari ulit sa'tin kaya hindi ko na muli pang babanggitin 'yang kakayahan mo."
Lalo lang nagdilim ang mukha ni Gu Jingze sa kanyang sinabi.
Pinipigilan ang sarili na makipagsagutan ulit, sinabi niya, "Habang nagsasama tayo sa iisang bahay, kinakailangan din nating magtabi sa iisang higaan gaya ng tipikal na mag-asawa para walang isyu na lumabas. Pag nalaman pa'to ng pamilya ko, magiging problema na naman. Ginagalang ko ang kalayaan mo. Hindi kita pagbabawalan na makipagkaibigan at mayroon ka pa ring privacy. Hindi ako makikialam sa mga bagay na 'yan as long as hindi mako-compromise ang reputasyon ko."
"Wag kang mag-alala. Mayroon akong tinatawag na professional ethics. At dahil kasal ako sa'yo, hindi ako papasok sa anumang isyu sa ibang lalaki. Magdi-divorce din naman tayo sa susunod; so matitiis ko naman ito nang ilang taon."
"Okay. It's a deal."
"Deal."
Sabagay, kahit kasal man silang dalawa, sa totoong buhay, wala silang pinagkaiba sa dalawang estranghero na nakatanggap ng marriage certificate.
Animo'y natapos na niya ang kanyang misyon, hindi na muling tiningnan ni Gu Jingze ang kanyang bride. Sa halip, naglakad na siya at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na sumunod.
Kasa-kasama lang si Lin Che mula sa downtown area patungo sa isang compound.
Sa may bakuran, makikita ang isang tatlong-palapag na villa. Nang makababa na sa sasakyan si Lin Che, bumungad sa kanya ang isang nakangiting tauhan ng villa. Nakatiklop ang kanyang mga kamay at nakayuko ang kanyang ulo at nagbigay-galang kay Lin Che, "Madam, pwede mo po akong tawaging Butler Hu."
"Oh." Nahihilong pinagmasdan ni Lin Che ang buong paligid. Malawak at maaliwalas ang bakuran na may mahaba at tuwid na daanan patungo sa looban. Mapapansin rin ang malagong luntian sa di-malayong banda. Napakaluwang ng lugar na ito na halos di niya malaman kung hanggan saan ang hangganan.
Tiningnan siya ni Gu Jingze. "Dito ka na maninirahan kasama ko, mula ngayon."
"Oh, so dito ka rin titira?"
"Oo naman. Gusto mo na agad makipaghiwalay kahit kakakasal palang natin?"
"H-Hindi naman. Nagtatanong lang ako," itinaas ni Lin Che ang kanyang ulo at nagsabi.
Habang nakatuon ang pansin sa kanya, nagpatuloy si Gu Jingze, "Bihira lang magpunta ang aking mga magulang dito. Pwede mong utusan ang mga katulong dito nang kahit ano. Kung hindi mo gusto ang interior design ng bahay, wag kang mahiyang magsabi kay Butler Hu. Pwede mong baguhin ang kahit ano dito maliban na lang ang aking kwarto at study room."
Parang hindi naman talaga yun tama, aniya sa isip.
"Hindi. Wala naman akong hindi nagustuhan dito. Masyado na'ng abala kung magpapa-renovate pa."
Napahinto sa kanyang paglalakad si Gu Jingze. Mula sa kanyang kinaroroonan, tiningnan niya si Lin Che. Kahit ang simpleng pagsandal nito sa gilid ng mesa ay napaka-eleganteng tingnan.
Marahil nga, maganda pa ring tingnan ang mga taong likas na gwapo/maganda kahit walang ginagawa.
Nakapatong ang isang kamay ni Gu Jingze sa ibabaw ng mesa. Ang balingkinitang mga daliri ay nakahawak sa kanyang wallet. Napakaganda ng pagkakaayos ng kanyang mga daliri na akma lamang gamitin sa pagtugtog ng piano.
"Sasamahan ka ni Butler Hu sa pag-iikot ng bahay," aniya, "Sana masanay ka kaagad sa kapaligiran dito."
Mabilis naman siyang inikot sa buong villa ng butler.
Napakarami ng mga kwarto. Ang maids' quarters ay nasa labas, ang kusina ay nasa likuran, ang sala ay nasa harap, at ang silid-tulugan ay nasa itaas. Pakiramdam niya'y mawawala talaga siya kapag mag-isa lang siyang maglakad dito.
Bagama't mayaman naman ang mga Lin, pero napakalaki ng pinagkaiba ng lugar na ito kaysa sa bahay ng mga Lin.
Lumingon siya't tinanong ang butler, "Bahay 'to ni Gu Jingze?"
"Opo, Madam. Simula ngayon, bahay mo na rin po ito."
Inilibot niya ang kanyang paningin. "Sobrang yaman naman ni Gu Jingze."
"Opo, Madam." ang sagot ng butler nang may kaunting paghihinala.
Ngumiti naman ito sa kanya at sinabing, "Kahit parang mahirap pakisamahan si Sir Jingze, mabait naman po siyang tao. Masasanay ka rin po kaagad sa kanya. Wala ka pong dapat ipag-alala."
Itinulak pabukas ni Lin Che ang kulay-brown na pintuan papuntang bedroom.
Biglang bumungad sa harapan ni Lin Che ang medyo hubad na katawan ni Gu Jingze, na kasalukuyang nakatayo katabi sa pinto ng bathroom.
Lalong mas naging kaakit-akit ang balingkinitan nitong katawan pagkatapos maligo. Ang mga nag-uumbukang muscles sa kanyang dibdib at mga braso ay magkapantay, at higit na nakakaporma ng perpektong V-shaped na katawan. Halata at kitang-kita din ang mga linya sa ibaba ng kanyang balakang.
Hindi kaagad nakakilos si Lin Che.
Wala siyang suot na damit!
Parang malalaglag na ang tuwalyang nakasabit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Napasigaw sa gulat si Lin Che at patakbong lumabas sa kwarto. Malakas ang pagkalabog ng pinto dahil sa biglang pagkasarado nito.
Sa loob, nakasimangot si Gu Jingze. Sa mga oras na iyon, parang bigla siyang nagsisi na kaagad siyang pumayag sa gusto ng mga magulang. Ang gusto niya sa isang babae ay elegante, at may magandang pag-uugali. Tulad ni Mo Huiling. Pero ngayon, nagpakasal siya sa isang babaeng hindi nababagay sa kanya. At ang lahat ng ito ay dahil lang sa katawa-tawang dahilan!
Pero, asawa na nga niya ang babaeng ito.
Nakasandig sa pinto si Lin Che habang ang kanyang kamay ay nasa dibdib. Ramdam niya pa rin hanggang ngayon ang malakas at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang gunita ang nakita.
Talagang nakakaakit ang lalaking iyon; napakaganda ng kanyang katawan na halos magdugo na ang kanyang ilong!
Alam niyang aksidente lang yun. Kahit kasal man sila, sa papel lang 'yon.
Nagbukas ang pinto. Nakasuot na si Gu Jingze ng casual na pambahay. Bagama't hindi na tulad kanina ang pagkakayamot sa kanyang mukha, malamig pa rin siyang tingnan; sinumang titigan nito ay makakaramdam ng lamig sa katawan.
Masama ang kanyang tingin kay Lin Che at nagtanong, "Gusto mo pa ring pumasok?"
Hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan at nangangatal na sumagot, "Sorry, sorry. Papasok na ako."
Sa una pa lang, sinabi na nito na magsasama sila sa iisang bahay pagkatapos ng kanilang kasal; sadya lang talagang hindi pa siya gaanong sanay sa ganitong set-up.
Sa malalamig na titig ni Gu Jingze, patakbong pumasok sa loob si Lin Che at sinarado ang pinto.
Alam niyang medyong napasobra siya sa kanyang reaksiyon kanina. Kaya't nahihiya at walang magawa niyang sinabi sa kanya, "Sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka. Kaso nga lang... hindi pa ako masyadong komportable na kasama ka at hindi ko pa rin mapaniwalaan na may asawa na ako ngayon. Kaya ganoon ang naging reaction ko kanina."
Napahinto si Gu Jingze sa pagtitig sa kanyang maputi at makinang na mukha. Kumpara sa ibang babae, sobrang puti ng kanyang balat na parang napakanipis. Parang napakalambot tingnan tulad ng kutis ng isang sanggol. Huminto siya saglit bago ibaling ang tingin.
"Wala akong pakialam kung ano mang mga bad habits ang mayroon ka. Pero gusto ko na ang pinakauna mong matututunan dito ay matutong kumatok bago pumasok."
Sumagot naman ng may tonong galit si Lin Che, "Sinisisi mo ba ako dahil pumasok ako nang hindi kumakatok? Bakit? Alam ko bang nakahubad ka pala? Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang dapat mas mag-adjust. Ngayong may kasama ka na sa bahay na ito, hindi pwedeng basta-basta ka na lang lalabas nang nakahubad."
"Ano..." Hindi makapaniwala si Gu Jingze sa pinagsasabi ng babaeng ito.
Hindi talaga makapagpigil si Lin Che. Gusto niyang makisama nang maayos sa lalaking ito pero lagi nalang itong nag-iimbita ng away dahil sa masakit nitong pagsasalita.
Hindi pa talaga siya sanay na pakisamahan ito.
Nagpasya si Jingze na tigilan na ang pakikipagsagutan sa babaeng ito. Kinuha niya ang kumot at naglakad papunta sa may couch.
Nang makita ito ni Lin Che, agad niyang sinabi, "Sa couch ako matutulog."