Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 10 - Ito Pala Ang Tipo Ng Babae Na Gusto Niya

Chapter 10 - Ito Pala Ang Tipo Ng Babae Na Gusto Niya

Nagpatuloy naman si Lin Che, "Pero, hindi ko na problema 'yun kung may pera ka man o wala, anyway; magdi-divorce di naman tayo kaagad."

Tumawa naman si Gu Jingze. "Buti naman at alam mo."

Sumakay na si Lin Che sa kotse nito. Tiningnan niya ang naka-side view nitong mukha at di mapigilan ang sarili na mamangha sa napakagandang anggulo ng panga nito. Para itong isang perpektong istatwa. Habang lalo siyang nakatitig, mas lalo siyang nahuhumaling na pagmasdan ang perpekto nitong mukha.

Lumingon nang bahagya si Gu Jingze at nagkataong nakita nito ang di-magandang pagkakaupo ni Lin Che. Nakabuka ang mga binti nito, dahilan upang makita ang panloob nitong puting safety pants. Sa madaling tingin lamang, mapapansin kaagad ang linya sa pagitan ng kanyang panloob.

Nagtagpo na naman ang mga kilay ni Gu Jingze. "Pwede ba, umupo ka naman nang maayos katulad ng isang babae?"

Napatigil si Lin Che. Iniyuko niya ang kanyang ulo at tiningnan ang kanyang suot na dress bago siya nagmadaling isara ang nakabukang mga binti.

Bakit ba kailangan niya pang makalimutan na nakasuot nga pala siya ng dress?

Itinaas niya ang kanyang ulo at nakasalubong niya ang halata-sa-mukhang badtrip na tingin ni Gu Jingze. Walang balak na magpatalo, sinagot niya ito, "As if naman, hindi mo pa ito nakita noon."

"..." Hindi agad nakaimik si Gu Jingze. "Pwede ba, babae ka ba talaga?"

"Makikipag-divorce ka pa ba sa'kin kung babaeng-babae ako kumilos?" Pagalit niyang sagot na lalong nakapatigil kay Gu Jingze.

Ito ang unang beses na sinigawan siya ng isang babae; pansamantala, hindi niya malaman kung ano ang isasagot.

"Miss Lin, gusto ko na maging komportable tayo pareho sa pagsasamang ito. Hindi ba't dapat ay gawin mo rin ang responsibilidad mo? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan ng lahat ng ito."

"Hah, makapagsalita ka naman, akala mo pinilit kitang hubarin ang damit ko nang gabing iyon! Ang ginawa ko lang ay patigasin 'yang ano mo. Hindi kita inutusang tanggalin ang suot ko."

"..." Lalong napatigil si Gu Jingze. "Pero sa natatandaan ko, sobra kang nag-enjoy nang gabing 'yon. Nakayakap ka sa akin at halos hindi mo na ako bitawan pa. Natatandaan ko din na gustung-gusto mo na kinakagat 'yang mga daliri mo sa tuwing nasasarapan ka. Ang pula-pula rin ng mukha mo non. Parang tutulo na ang dugo mula diyan sa pisngi mo."

Biglang namula ang mukha ni Lin Che. Kahit pinipilit niyang lumaban sa pakikipagtitigan, pakiramdam niya masusunog na siya sa sobrang init ng kanyang mukha.

"H-hah! Wala akong maalalang ganyan. Baka imagination mo lang 'yan. Ang natatandaan ko lang, sobrang sakit ng ginawa mo sa'kin non. Palibahasa, it was your first time. Wala kang kaalam-alam at hindi ka man lang makapagdahan-dahan."

"Heh." Biglang inilapit ni Gu Jingze ang kanyang mukha kay Lin Che. Habang minamasdan niya ang namumula nitong pisngi, pakiramdam niya ay napakalambot nito; lumalabas ang likas nitong panghalina. Mababakas ang kapilyuhan sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Lin Che.

Dali-daling umatras si Lin Che habang nakatingin sa malalim nitong mga tingin na katulad ng kailaliman ng dagat.

Parang uminit nang husto ang hangin sa loob ng sasakyan dahil sa kalapitan ng dalawa. Mistulang mayroong hindi inaasahang mangyayari sa mga oras na iyon. Ramdam na ramdam ni Lin Che ang init na pumapasok sa kanyang katawan dulot ng pagkakadikit sa katawan ng isang lalaki.

"See, tulad ng ganito." Ngumiti si Gu Jingze habang tinitingnan ang namumula nitong mukha. "Gusto mo bang kunan kita ng larawan para makita mo ang mukha mo?"

Inalis ni Lin Che ang kamay nito at umayos sa pagkakaupo. Naghiwalay sila ng tingin at parehong tumingin sa bintana ng sasakyan na parang walang nangyari.

Subalit, patuloy lamang sa pagtindi ang init sa loob kaya't nararamdaman pa rin nila ito.

Patuloy din sa pag-iinit ang mukha ni Lin Che na halos ayaw niya nang lingunin pa ang lalaking katabi.

Paano niya ba makakalimutan ang gabeng iyon? Iyon ang kanyang first time pero nasayang lang at labis pa siyang nahirapan nang mangyari iyon.

Nakatakip ang kamay sa kanyang mukha, napatanong siya nang mahina sa kanyang isip; Sobrang namumula ba talaga ang mukha niya?

Hindi na nakapagpigil, binasag ng driver ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Sir, Madam, nandito na po tayo."

Nagmamadaling binuksan ni Lin Che ang pinto.

Ngunit, biglang hinila ni Gu Jingze ang kanyang braso.

Lumingon siya at nagtanong, "Ano'ng ginagawa mo?"

Nanunukso naman si Gu Jingze na nagtanong, "Bakit ka nagmamadali? Nahihiya ka, ano?"

"Leave me alone!" Itinulak ni Lin Che palayo ang kamay nito at dali-daling naglakad papasok sa villa.

"..." Napailing nalang si Gu Jingze habang sinusundan ito ng tingin.

Marahan namang bumaba ng sasakyan si Gu Jingze. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan habang pinagmamasdan si Lin Che na tumakas para sa sarili nitong buhay.

Hindi pa man nakakalapit si Lin Che, may nakita siyang isang di-kilalang babae na nakatayo katabi ng pinto. Elegante itong tingnan, maganda at agad niyang nailarawan sa kanyang isip ang apat na kataga: "well-bred young lady".

Napahinto si Lin Che.

Sa likod niya, biglang napahinto sa paglalakad si Gu Jingze at tiningnan ang babae. Tinawag niya ito sa bahagyang paos na boses, "Huiling..."

Si Mo Huiling ay ang kanyang girlfriend.

Nang makita niya ang babae, naintindihan agad ni Lin Che na ito pala ang tipo ng babae na gusto ni Gu Jingze.

Habang inililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok, mahahalata agad sa maliwanag at maganda nitong mukha na maganda ang pagpapalaki dito. Nakasuot ito ng hapit na puting jacket. Sa ilalim nito ay kulay-gray na dress. Napaaliwalas, napakaganda, mahinahon, at mabait nitong tingnan. Sa isang tingin pa lang ay masasabi kaagad na siya'y "fair and wealthy beauty", walang halong duda.

Pansamantalang huminto si Lin Che, hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Napapatunganga siya habang pinagmamasdan ang dalawa; kahit na pansin niyang para siyang tanga doon.

Bagay na bagay silang dalawa.

Mahahalatang napaka-stylish at fashionable ng babaeng ito. Sigurado, hindi siya kasing-clueless ni Lin Che.

Kung magsasama sila ni Gu Jingze, siguradong sila ang magiging "favorite couple" ng lahat. Marami ang maiinggit sa kanilang dalawa.

Nang lumingon ito, nakita niya si Lin Che. Bahagyang tumaas ang kanyang baba at parang nagmamataas na tiningnan si Lin Che. Pagkatapos siyang titigan nang ilang segundo, ibinaling naman nito ang tingin kay Gu Jingze.

Nang mapansin ang awkward na sitwasyon, parang nahihiyang tumingin siya kay Gu Jingze at nagpaalam, "Hindi pa pala ako nakapaglaba ng mga damit. Aalis na ako't maglalaba ngayon din."

At tumakbo na siya papasok sa bahay.

Nagtagpo ang mga kilay ni Gu Jingze habang pinagmamasdan ito na natatarantang pumasok sa loob. Lumingon naman siya pagkatapos kay Mo Huiling.

Napasinghal si Mo Huiling. Tinutukoy si Lin Che, nagtanong siya. "Anong klase ng babae ba ang dinala mo sa bahay na'to?!"

Sumagot naman si Gu Jingze. "Nabasa mo ba ang email na ipinadala ko sa'yo? Wala akong magawa kaya umabot na ito na sa ganito. Alam kong magagalit ka at malulungkot, pero nangyari na ang lahat ng 'to. Wala akong ibang choice; kailangan kong tanggapin ang kasal na ito."

"Dahil naniniwala ang pamilya ko na makakatulong siya sa aking paggaling, gusto nila na pakasalan ko ang babaeng ito. Pumayag nalang ako. Alam kong napakahirap para sa'yo na tanggapin ito dahil ngayon ko lang sinabi sa'yo, pero nangyari na nga ito. Kung iiwan mo ako dahil dito, tatanggapin ko. Magalit ka sa'kin, pagsalitaan mo ako ng masasakit na salita, pagbayarin mo ako... tatanggapin ko ang lahat ng yan. Sinira ko ang ating pangako, kaya't tatanggapin ko ang anuman na gusto mong gawin ko."

Nanginginig ang mga balikat ni Mo Huiling. "Hindi ko kayang sampalin ka. Kaya ko bang gawin yun, ha? Pero gusto lang kitang tanungin. Ano na ang gagawin ko? Hindi..."

"Sa totoo lang, we're just strangers at ilang araw pa lang palang namin nakikilala ang isa't-isa. Bago kami magpakasal, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Wala akong ibang choice dahil pinilit ako ng mga magulang ko. Pag makahanap na ako ng pagkakataon, makikipag-divorce agad ako sa kanya."

Dahil dito, iniangat ni Mo Huiling ang kanyang ulo at puno ng luha ang mga mata na tumingin sa kanya. "Talaga?"

Bata pa lang sina Gu Jingze at Mo Huiling, lagi na silang magkasama. Natigil lang ang pagsasama nila nang biglang nagkasakit si Gu Jingze at hindi na makalapit sa mga babae. Gusto ng mga Gu na makahanap si Gu Jingze ng babaeng makapagbibigay sa kanya ng mga anak, pero sa tuwing magkadikit sila ni Mo Huiling, nagkakaroon siya ng mga rashes at lumalala ang kanyang sakit. Halos ginawa na ni Mo Huiling ang lahat ng paraan; mula sa pagtigil sa paggamit ng cosmetics hanggang sa pag-inom ng gamot. Pero, lumalabas pa rin ang mga rashes sa buong katawan ni Gu Jingze.