Chapter 11 - Ten- Left

Chast's POV

Sa sobrang bilis ng araw hindi ko namalayan na Lunes na.

Nagising ang diwa ko ng may malakas na gumalabog sa labas ng kwarto ko.

"Zaiiiii!!!!! Bangooonnn naaaa!!!" Sigaw ni Akira habang pinaghahampas ang pintuan ng kwarto ko.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama. 4:00am

It's 4 am in the midnight! Ano ang ginagawa nito sa pamamahay ko?!

"Zaiiiiii!!!" Muling sigaw nito.

Kinuha ko ang isa ko pang unan at itinakip sa mukha ko. Aish!

Nang tumahimik ang buong paligid ay muli na ako nagpadala sa antok.

*Boogsh!!* *Boogsh!!*

Napabalikwas ako ng bangon ng muling gumalabog ng sobrang lakas ang pintuan ko. Kapag nasira ang pintuan ko sa kagagawan ni Akira. Masasabunutan ko talaga ito, and I'm damn Serious about it.

Iritang nagtungo ako sa pintuan.

"What the heck do you want Akira?!" Sigaw ko rito.

"Hehehe, Zai. Bibigay ko lang naman ito." Bahagya nitong inangat ang hawak na paper bag habang nakangiti.

Tumaas ang kilay ko. "At ano nanaman 'yan?"

"Damit mo! Hehehe, 'yan ang susuotin mo mamaya, haaa Zaii??" Inabot nito ang paper bag niyang dala. Kunot noo ko itong tinanggap. "Magagalit ako pag 'di mo 'yan sinuot. Sige na! Babye! Kailangan ko na pumasok! Suotin mo ha??? See yah Later! Love youuu!!" Sambit nito at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nanatiling nakakunot ang noo ko at muli nang pumasok sa kwarto. Nababaliw na ba ang best friend kong 'yon?

Ipinatong ko na lang ang paper bag sa study table ko at muling bumalik sa pagtulog.

---

Muli akong Nagising ng tumunog nanaman maingay kong alarm sa pangapat na pagkakataon.

6:30am

Nang makita ang oras ay nilabanan ko na ang antok ko. Late nanaman ako nito.

Bumangon na ako ka-agad, Ngunit pagkatayo na pagkatayo ko ay biglang nanlabo ang paningin ko. Napahawak ako sa side table ko. Fuck. Sige mag puyat ka pa Chast.

Nang umayos na muli ang paningin ko ay agad na akong dumiretso sa banyo upang maligo.

Matapos maligo ay nagbibis na ako ng usual na sinusuot ko. Pants at T-shirt.

Habang nagsusuklay ay nadako ang paningin ko sa paper bag sa may study table ko.

"'yan ang susuotin mo mamaya, haaa Zaii??"

Natigilan ako. Oo nga pala! Tsk.

Agad kong nilapitan ang paper bag at tinignan ang nasa loob nito.

Isang maong na pantalon at isang long sleeves na kulay light brown na may pagka dirty white?

Agad na akong nagpalit ng damit. Tinuck in ko ang long sleeve na pinapasuot ni Akira dahil masyado itong mahaba. Nagsuot rin ako ng dark brown na belt.

Pinalitan ko din ang gamit kong bag. Ang itim kong backpack ay naging brown na sling bag. Sa sapatos naman ay isang puting Converse ang isinuot ko.

Wala naman masyadong pinagkaiba sa usual kong sinusuot. Naging Long sleeve lang ang dating T-shirt.

Kinuha ko na ang Id ko na nakasabit sa may pintuan ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Well, late na talaga ako. And just like what i said.

Kapag late ka na, Sulitin mo na.

= School =

Pagkadating ko sa loob ng school ay kokonti na lamang ang tao sa labas dahil panigurado na simula na ang klase.

Kumunot ang noo ko ng lahat ng madadaanan ko ay napapatingin sa'kin. Hindi lang napapatingin kundi sinusundan din ako ng mga mata nila.

Hinayaan ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sa 4th Floor pa pala ang Classroom ko, Tsk.

Sino ba Principal dito?! Masabihan nga na mag lagay ng Elevator! Kawawa kaming nasa 4th Floor ang Classroom!

'Di ko na lang pinansin ang mga matang nakasunod sa'kin at pumunta na ng classroom.

Napangisi ako ng makita na bukas pa ang pintuan ng Klase ko. Well, wala pa si Prof kaya hindi pa pala ako Late.

Pagkapasok ko sa Loob ay nadako ang paningin nila sa'kin at bahagya pa itong natigilan.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Uhm.. Why?"

Nginitian lang ako ng mga ito at bumalik na sa kanya kanya nilang gawain. Okay? That was weird.

Kahit puno ng pagtataka ay dumeretso na lang ako sa upuan ko. Napansin kong wala pa rito si Blue. Nadako ang paningin ko sa upuan ni Akira. Wala pa din ito.

Kanina pa 'yon pumunta dito ah? 'Asan na ang babaitang 'yon?

Nagkibit balikat na lang ako at naglabas mg isang pocket book. Magbabasa na lang ako kesa sa magisip ako ng magisip kung nasaan ang dalawa Kong kaibigan.

Malapit na ako sa Climax ng binabasa ko ng biglang dumating si Prof kasunod si Blue at Akira.

Itinago ko na lang ang Pocket book ko bago pa ito makita ni Prof. Nang magtama ang paningin namin ni Akira ay bumaba ang tingin nito sa damit ko at lalong lumapad ang kanyang ngiti. Bahagya pa itong pumalakpak ng walang tunog. Inirapan ko na lang ito.

Nang mag tama naman ang paningin namin ni Blue ay tipid ko itong nginitian.

"Good morning class, Sorry I'm Late." Bati nito at sinimulan nang mag lecture.

*Lecture*

*Lecture*

*Lecture*

"For Now, I need to do some important matter, so that's all for today. You're Dismissed." Sambit ni Prof habang nagaayos ng gamit. Agad na din kaming nagsiayusan ng gamit.

Nang maayos na ni Prof ang mga gamit nito ay muli itong bumaling sa'min.

"Goodbye Class" sambit nito kahit hindi pa tumutunog ang bell at lumabas na nang room. Ngunit hindi rin nagtagal ay muli itong bumalik.

"I almost forgot, Akira and Blue, you should come with me" pagkasabi nito ni Prof ay lumabas na ulit ito ng room.

Agad akong nilingon ni Blue. "Hey Chast, alis muna ako ah? Pinapatawag nanaman ako eh." Napangiti naman ako sa sinabi nito

"Sure. No problem" Nakangiting sambit ko kay Blue.

"Zai! Antayin mo nalang si Jasper ah? feeling ko maaga din naman pinadismiss yung kabilang section." sambit ni Akira na hindi ko namalayan na nakalapit na pala dito.

"Okay, sige na lumayas na kayo, shoooo" pagtataboy ko sakanilang dalawa. Ngunit walang ginawa ang dalawa at nanatiling nakatingin sa'kin.

Nagtataka ko itong tinignan. "I think you should go already? Dali na baka hinahanap na kayo" Wala paring pagbabago sa reaksyon ng dalawa na tila wala itong narinig. Napangisi ako.

"Nako ewan ko sa inyo, ako na lang aalis kung ayaw niyo. Byeee! Una na ako ah?" Paalam ko sakanila at lumabas na ng room, Ayaw nila umalis eh, Edi ako na lang ang aalis.

Since Maaga kaming pinadismiss ngayon pupunta muna akong Cafeteria. Hindi pala ako nakapag breakfast, kakain na muna ako.

Malalim akong bumuntong hininga at sinimulan nang bumaba ng hagdan. Damn it.

= Cafeteria =

Pagkapunta ko sa Cafeteria konti lang ang tao na nandoon, Class hours nga naman kasi.

Umorder na lang ako ng Burger at ng isang Softdrink. Pagkaorder ko ay umupo na lang ako sa usual na pwesto namin nila Akira.

Nang makaupo na, sinimulan ko nang kainin ang burger ko. Ipinatong ko muna ang softdrink ko sa lamesa.

Nowhere to be found naman si Jasper. Kaya eto ako ngayon, magisa. And the thing is.. sanay na ako. This is not new to me.

Maya-maya ay may lumapit saking isang lalaki at umupo sa harapan ko. Kumunot ang noo ko.

"Hi Chast! I'm Marc, Pwede makiupo?" Tanong pa nito kahit naka upo na sa tapat ko.

Lihim akong napairap. "Ahh sure! Nakaupo ka na eh" sambit ko rito at ngumiti ng pilit. Please Note the sarcasm.

Nginitian din naman ako ni Marc na animo'y nanalo sa lotto. Okay? Bakit ang weird ng mga tao ngayon?

Nawala ang ngiti nito ng may isa pang lalaki na lumapit sa'kin at umupo din sa tabi nito. "Hi! Ako din pwede makiupo?" Tanong pa nito kahit prente na itong nakaupo sa tabi ni Marc.

Tinanguan ko na lang ito at kumagat sa burger ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"I'm Ivan pal------" hindi nito natuloy ang kanyang sinasabi ng may sumingit at nakisiksik sa tabi nila Marc at Ivan.

"And I'm Eric! Nice to meet you!" Nakangiti nitong sambit sa'kin at sabay lahad ng kamay na mukhang nakikipag kamay.

"Pare 'wag ka namang bastos kita mong nagsasalita pa ako dito, 'diba?" Naiinis na sabi nung Ivan dun sa Eric daw. Binaba muna ni Ivan ang kamay nito bago muling nagsalita.

"Malay kong nagsasalita ka! Ikaw ba kausap ko?" Sabi naman nung Eric kay Ivan daw.

"Aba mga pare naman! Ako nauna dito! Respeto naman!" Reklamo naman ni Marc.

"Bakit sayo ba itong pwesto? Pake ko naman kung ikaw nauna? 'Di naman ikaw pinunta ko dito." Hirit pa ni.... Sino ba 'to ulet? Si Ivan o Eric?

Habang busy pa silang mag away ay pasimple kong kinuha ang Softdrink ko at pasimple ding tumakbo paalis.

Habang tumatakas ako sa tatlong asungot ay may isang lalaki akong nakabunggo.

*Splashhh*

"Fuck." Mura ko ng natapon ang softdrinks ko sa damit ng taong nasa harapan ko.

"What the?!" Reklamo nito habang tinitignan ang nabasa nitong damit.

"Shit! I'm sorry, sorry, 'di ko sinasad-----" naputol ang sinasabi ko ng mapagtanto ko na napaka sama ng tingin niya sakin. Napalunok ako. Bakit nakakatakot ito tumingin?!

"Tsk!" Nabalik ako sa ulirat ng umismid ang lalaking nasaharapan ko.

"Okay. I'm really Sorry. Pero Nagmamadali ako! Palitan ko na lang 'yang damit mo sa susunod! Again, I'm sorry!" Hindi pa ito nakakapagsalita nang tumakbo na ako paalis sa Cafeteria.

Baka mahalata pa ang tatlo na tumakas ako sakanila. Kung sino man ang natapunan ko ng Softdrinks, I'm really sorry. Papalitan ko na lang ang T-shirt mo kapag nagtama muli ang landas natin.

Napatingin ako sa damit ko. Good thing hindi ako natapunan ng Softdrinks.