Chapter 14 - Thirteen- Cousin

Chast's POV

"Bye Chast!"

"Una na kami Chast!!"

"Salamat sa Pagsabay!"

"Chast, Nice to meet you!"

"Nice meeting you din Chast!"

"Ako din Chast Nice meeting you!"

"Bye-bye Chast!"

Paalam ng mga asungot ng makarating kami ng Field. Binigyan ko lang sila ng tipid na tipid na ngiti na 'di manlang tumagal ng tatlong segundo.

Sa wakas! Nakadating na din sa Field! Pakiramdam ko napakalayo ng Field dahil sa ilang beses naming pagtigil sa paglalakad.

Nang mawala na sa paningin ko ang mga loko, agad na lumapit sa'kin si Akira. "Naks, One of the Boys ang Grand Entrance mo Zai!!" Pang aasar nito sa'kin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Oops sorry hehehe" nahihiyang sambit nito sabay peace sign.

"Ayos Chast ah? New friends mo? Naks napaka friendly naman ng representative namin!" Bungad sa'kin ni Blue ng makalapit ito sa'min na agad namang siniko ni Akira. Sinamaan ko naman ng tingin si Blue sa sinabi nito. Damn that Representative. Tss.

"Woah Chast, don't look at me like that! Para mo na akong pinapatay sa tingin mo eh Grrrr" sambit naman ni Blue at yinakap ang sarili na parang kinikilabutan, na siyang ikinairap ko. Para siyang sira.

"'Asan pala yung asungot na Jasper na 'yan?" Kalmado kong tanong sa dalawa.

"Akala ko ba magkasama kayong dalawa?" Nagtatakang Tanong pa ni Akira.

"Yowwww Blue!!! Wazzup?" Sigaw ni Jasper sabay akbay kay Blue na may sobraaaaang lapad na ngiti na siyang ikinabwisit ko.

"Speaking of the devil" Bulong ko sa sarili. Ngunit agad namang napalingon si Jasper sa direksyon ko.

"Wazzup din Jasper?" Tanong ko din sakanya ng masama ang tingin, umangat ang gilid ng labi ko.

Agad namang naestatwa si Jasper sa kanyang kinatatayuan at ang mukha niyang naka ngiti ng sobrang Lapad kanina ay mabilis na nag laho na parang bula.

"Ahh.. Blue... Akira... Ch-Cha-Chast.. A-Ano.. U-Una Na M-Muna Ako he-he-he" nauutal na sambit ni Jasper habang dahan dahang naglalakad papaalis.

Nang pagkatalikod ni Jasper ay agad itong naglakad ng medyo mabilis. Bago pa ito mawala sa paningin ko ay agad ko itong hinabol at inakbayan.

"And where do you think you're going?" May Diing Bulong ko dito habang mahigpit na naka-akbay rito.

"W-wa-wala Chast, M-mag C-cr lang a-ako" Kinakabahang sagot ni Jasper habang dahan dahang inaalis ang pagkakaakbay ko.

"Ahh mag C-Cr?? Hindi ba doon ang Papuntang Cr?" turo ko sa kabilang dirksyon at lalong hinigpitan ang pagkaka-akbay rito.

"O-oo nga, d-do'n nga pala hehehe" pilit na tawang sabi ni Jasper. Ngunit bago pa ito makaalis ay hineadlock ko na ito.

"A-Ahh!! C-Chast!!! So-Sorry na!!!" Daing ni Jasper habang pilit na inaalis ang pagka headlock ko rito.

Naawa naman ako kaya agad kong inalis ang pagkaheadlock nito. Ngunit alam kong Tatakas ang lokong 'to kaya maagap kong nahawakan ang kaliwang tenga niya.

"At saan ka nanaman pupunta??" Tanong ko pa rito habang pingot pingot siya sa tenga.

"A-Ahh! A-Aray Chast!! Sorry na nga eh!!" Daing ni Jasper sa pagkakapingot ko. Hinila ko naman si Jasper sa pamamagitan ng pagpingot pabalik sa pwesto nila Akira at Blue.

"Wahhh!! Ang galing mo Zai!!! Keep up the good work!!!" Bungad ng Nakangiting si Akira na tuwang tuwa pumapalakpak sa ginagawa ko.

"Ahh!! Chast Bitaw na Plss?!!!" Muling daing ni Jasper ng Nakayuko.

May katangkaran kasi itong si Jasper kaya kailangan pa nitong yumuko para maging kalebel niya ang kamay kong pumipingot sa tenga niya. Kung 'di siya yumuko edi bahala siyang mahiwalay ang tenga niya sa mukha niya!

"Sorry na kasi Chast! Gagawin ko lahat para bati na tayo!! Please??" Pagmamakaawa pa nito sabay pacute sa'kin. Pwe, Yuck!

"Gagawin mo lahat?" Tanong ko rito sabay bitaw ko sa tenga niya. Habang siya naman ay tango ng tango habang nakahawak sa tenga na piningot ko.

"Lahat-Lahat?" Nakangising paninigurado ko. Napalunok naman ito na halatang kinakabahan habang sige parin sa kakatango.

"Hmm okay, just make sure na gagawin mo lahat ah?" Sambit ko dito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Wahhh!!! Labyu na Chast!!!" Sigaw pa nito sakin at akmang yayakap pa.

"Hey, Hey.. Eto gusto mo?" Sabay angat ng kamao ko upang 'wag na nitong ituloy ang balak niyang pagyakap.

Subukan niya lang! Lalanding talaga itong kamao ko sa mukha niya. May alam pa naman akong Martial Arts kahit papaano.

"Ano bang kasalanan mo kay Chast?? At kayo naman ang nagaaway?" Tanong naman ni Blue kay Jasper.

"Alam mo Blue, wag na natin ungkatin yon baka mabugbog na ako ng tuluyan ni Chast" sambit ni Jasper sabay lapit kay Blue.

"Na-uto ko na eh, shh ka na Blue, minsan ko lang mauto 'yan si Chast eh" Bulong ni Jasper kay Blue.

Muling kumunot ang noo ko. Ahh ganon? Inuto pala ah!

"Ouch!! Chast naman!! Joke lang 'yun eh!!! 'Di ka naman mabiro!" Daing ni Jasper mula sa pagka batok ko sakanya.

"Akira, babes oh!! Inaaway ako ni Chast!!" Takbo ni Jasper sa likod ni Akira.

"Ano ba?! Umalis ka nga sa likod ko!! Baka gusto mo tulungan ko pa si Zai na awayin ka eh!!" Sigaw naman ni Akira kay Jasper na siyang ikinasimangot nito.

"Ohh Jasper, ayan na pala si Akira. 'Diba kanina sa Cafeteria hinaha------" 'di ko na natapos ang balak kong sabihin ng may kamay na biglang nagtakip sa bibig ko. Lihim naman akong napangiti.

"Ha-ha-ha Chast naman, kung ano-ano pinagsasabi mo hehehe" natatarantang sambit ni Jasper. Bakas ang pag tataka sa mukha nila Akira.

"Goodmorning students! We are going to distribute your uniforms today so kindly Form into two lines, one for boys and one for girls. Thank You"

Natigil kami sa pagbabangayan ng may magsalita sa 'mini stage' dito sa may Field. Napansin ko din na maraming karton na nakalagay sa ibabaw ng 'mini stage'. Siguro 'yon na ang mga uniform's namin.

Agad na namang humiwalay ang dalawang lalaki sa'min ng marinig ang announcement. Nginitian ko lang si Blue bilang paaalam, samantalang Sinimaan ko lang ng tingin si Jasper.

Lumapit na sa'kin si Akira at sabay na kaming pumila. Ang haba naman ng pila tsk!

---

After how many minutes dalawa na lang at ako na ang susunod na mabibigyan ng uniform, nasa likod ko naman si Akira.

"Your name please?" Tanong ng nagbibigay ng Uniform.

"Chastlett Andr----- KYLE?!" Hindi ko natapos ang balak sabihin ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.

It's Kyle, My Childhood Friend slash Cousin. Alam ko na napatingin sila Akira at ang ibang estudyante sa'kin ng sumigaw ako. Pero wala na akong pakialam do'n. Ang importante ay malaman ko kung ano ang ginagawa ng magaling kong pinsan dito.

Kinunuotan ko ito ng noo at tinignan na parang sinasabi na what-the-hell-are-you-doing-here?. "Zai. Shh!! Just go to the Principal's office later I'll explain everything, okay??" Bulong nito na tanging kami lang ang makakarinig.

"This will be your School Uniform" Sabay abot nito sa'kin ng Damit that supposedly my uniform.

"And this will be your PE Uniform" Abot naman nito sa'kin ng PE Uniform ko.

I was Just looking at him. Ni hindi ko manlang tinapunan ng tingin ang damit na binibigay niya. I was Just starring, No Glaring, I was Just Glaring at him.

"Please Sign here Ms. Andrada" Pormal na Sambit nito sa'kin dahilan ng pagkaputol ng masamang pagtitig ko rito.

Pagkatapos kong mapirmahan ang dapat mapirmahan ay sa huling pagkakataon ay sinamaan ko ito ng tingin na nagsasabi na You-must-explain-later. Mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin ko at tinanguan ako.

"Akira Una na ako sa Room ah? Sunod ka na lang" Paalam ko kay Akira na gulong gulo kung anong nangyayari.

Hindi pa nakakasagot si Akira ng Umalis na ako at nagtungo na sa Room.

Hindi ba namukhaan ni Akira ang Pinsan kong yon?! At Ano ang ginagawa ng pinsan ko na 'yon dito?! At talagang namimigay pa siya ng uniform huh?