Chapter 12 - Eleven- Run Away

Chast's POV

"Whooo...Phew, napagod ako don ah" sambit ko sa sarili habang hinihingal dahil sa ginawa kong pag takas sa tatlong nilalang mula sa Cafeteria.

Tinignan ko ang paligid kung saang lupalop ako dinala ng mga paa ko. Garden. I'm at the Garden. Again.

Mabuti naman at may mga upuan at mga lamesa rito kaya 'di ako gaano mahihirapan kumain. Umupo na lang ako sa isang bakanteng lamesa at sinimulan ubusin ang kinakain kong burger na muntik nang magkanda lasog lasog sa ginawa kong pagtakbo

"Tsk! Wala akong panulak" bulong ko sa sarili ng maubos ko na ang kinakain kong burger.

Sayang naman, wala na akong softdrinks, bakit nga ba ako nawalan ng softdrinks? Konti palang ang bawas non ah?

Nanlaki ang mata ko. Yung lalaking natapunan ko! Guguluhin nanaman ako ng konsenya ko nito. Tsk.

At talagang iniwan ko lang ito sa Cafeteria. Wow! Grabe ka Chast! Ang 'bait mo!!

Napairap ako. Makabili na nga ng tubig sa Cafeteria!

Muli nanaman akong natigilan. C-cafeteria?!

Baka nandon pa yung tatlo! Pero nauuhaw ako eh!

Bahagya kong ginulo ang buhok ko. Bahala na nga!

---

"Jasper!!!" Sigaw ko ng makita ko si Jasper na naglalakad magisa sa hallway. Agad naman itong lumapit sa'kin.

"Oh Chast, kanina pa kita hinahanap saan ka galing?" Tanong nito.

"Ahh wala lang hehehe" Tanging sambit ko ka rito.

Nginisian ako nito. "Sus wala daw, eh tumakas ka lang kaya sa tatlong lalaking pumunta sa table mo habang kumakain ka" Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Nasa Cafeteria din ba siya kanina?!

"Hey, Kung iniisip mo kung nando'n ako, let me tell you, Wala ako do'n kanina" Wala siya?? Edi paano niya nalaman yon?!

"I'm not kidding Chast, ikaw kasi pinaguusapan ng halos lahat dito, mostly about dun sa pagaaya sa'yo nung tatlong lalaki, narinig ko pa nga na marami pang gustong lumapit sa'yo, mga naiinggit ata sa tatlo" nanlaki naman ang mata ko sa narinig.

What the hell?! Ano daw? Ako? Pinaguusapan?! Gustong lapitan?! At bakit?!

"Really? Ako? Pinaguusapan? Nice Joke Jasper, nakakatawa. Ha-ha." may halong sarkasmo kong sambit rito.

Napaisip ako, bakit ako pinaguusapan? Ang laki laki ng SA tapos ako ang hot topic?! Okay I know that I'm hot pero wag niyo na akong gawing topic. It's weird as Fuck.

"Hahahaha oo nga 'di kita niloloko noh pero kung ayaw mo maniwala. Ikaw na ang bahala." Nagkibit balikat ito. "Tara na nga! dun muna tayo sa Garden tumambay"

Nginitian ko ito. "Ahh sige, Sure. Pero ano, Pwede Favor??"

"Oh ano nanaman?" Nakangising sambit ni Jasper.

"Bili mo ko ng tubig sa Cafeteria hehehe" Medyo nahihiya kong sambit rito. And that nahihiya part is not true. Bakit naman ako mahihiya kay Jasper? Tss.

"Sige ba, Sure! Pero sasama ka sa'kin" Sambit nito ng may malokong ngiti. Agad akong napasimangot.

"Tsk, 'wag na pala. Sa bahay na lang ako iinom ng tubig" sambit ko kay Jasper at tumalikod na para bumalik sa Garden.

Nagulat ako ng may biglang humablot sa may pulsuhan ko at hinila na papunta sa Cafeteria.

"Hoy! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa humihila sa'kin. Sino pa ba ang maghihila sa'kin? Malamang si Jasper. Tss.

---

Pagkapasok namin sa Cafeteria, lahat nanaman sila tumingin sa'min, pero mostly kay Jasper.

Hindi na ako nagtaka ng madaming babae ang nagpapapansin at nagpapacute kay Jasper. Todo kindat naman ito at todo kaway na 'kala mo Artista.

Napairap ako at binilisan na maglakad. Wala akong kasama. Hindi ko kilala ang lalaking kindat ng kindat. Hindi ko talaga 'yan kilala.

Nauna na akong maupo sa usual na pwesto na kinakainan naming apat dito sa Cafeteria.

Ewan ko kung bakit walang umuupo dito kahit minsan wala nang vacant table pero yung table namin, Vacant parin.

Siguro nakasanayan na nila? O dahil puro So called 'Prinsipe' at 'Prinsesa' ang mga kasama ko? Napairap nanaman ako sa kakornihan ng SA.

Isa lang naman itong normal na table na may 5 seats. Kung tutuusin nga sobra kami ng isang upuan, kaya minsan nagiging patungan lang ito ng mga gamit namin, minsan naman patungan lang ng paa.

Kanina naman ay dito din ako umupo 'diba? Bakit? Wala lang nakasanayan ko lang.

"Naks, may pa-fan girls" Asar ko kay Jasper ng makaupo na ito sa harapan ko.

"Of course, isa ba naman ako sa mga gwapo dito, pinaka gwapo pa nga eh"

"Grabe bakit humangin dito?" Pagtataray ko rito.

"Bakit? Totoo naman ah? Kung 'di ako gwapo 'di ako magiging prinsepe dito hahahaha" maloko nitong sambit sa'kin.

"Yeah, Whatever. Ibili mo na lang ako ng tubig do'n! Pero kung gusto mo samahan mo na din ng chichirya." Paguutos ko rito.

"Wow, makautos 'to, bakit pera mo? Pera mo? Haist mapapagastos nanaman ako neto" reklamo pa ni Jasper na siyang nginitian ko lang ng kay tamis.

Inirapan naman ako nito at agad na pumuntang counter. Habang inaantay si Jasper makabalik kinalikot ko na lang ang Cellphone ko.

"Eto na po mahal na prinsesa" mapangasar na sabi ni Jasper ng makarating ito sabay lapag ng tubig ko at ng tatlong chichirya.

"Hahahah, salamat po Mahal na Prinsepe!" Mapangasar ko ding sagot rito na siyang ikinairap niya. Mahina akong natawa sa ginawa nitong pagirap.

"'Asan pala si Akira?" Pagiiba nito ng topic.

"Wala pinatawag din" maikli kong sagot, Habang sinisimulan nang lamunin ang chichiryang binili niya. Dahil sa sagot kong ito ay biglang bumusangot si Jasper.

"Oh bakit nakabusangot ka na bigla d'yan?" Tanong ko rito nang may nakakalokong ngiti.

"Wala, wala kasi akong maasar, wala si Akira." Sabi pa nito.

"Ayiieee, namimiss niya si Akira" asar ko dito. Lalong lumawak ang ngiti ko ng namula ang magkabila nitong tenga.

"Pfft, Ang pula ng tenga mo! Hahahahaha! Babalik din 'yon 'wag mo muna masyadong mamiss!" Natatawang asar ko rito

"Calling the attention of all Senior High school students please proceed to the field thank you!"

Natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang announcement na 'yon. Tinignan ko si Jasper, muli lang ako nitong inirapan.

Pupuntang field? Bakit nanaman? Ang init init do'n! Pwede naman sa auditorium na lang para may aircon!

"Chast!/Chastlett!/ Chast!" Rinig kong sigaw ng tatlong magkakaibang boses sa pangalan ko.

Ako ba 'yun? Baka naman 'di ako yon, baka may Chast din na nagaaral dito sa SA.

"Chastlett!/Chast!/Chast!" Sigaw pa ulit nila. Baka ako nga tinatawag ng mga lokong ito.

"Sino ba yung tumatawag sa'kin?" Naiirita Kong Tanong sa sarili at nilingon kung saan nanggagaling ang tatlong boses na iyon.

Nanlaki ang mata ko. Sila ano! Silaaa-- Ano nga ba ang pangalan ng tatlo kanina? Tsk, Basta yung tatlong lalaki na biglang umupo sa Table ko!

Bakit ba magkakasama parin itong tatlong toh? Akala ko ba magkakaaway sila?

"Ahh he-hello" Na hihiyang bati ko sakanila at awkward na kumaway.

"Again Calling the attention of all Senior High school students please proceed to the field thank you!"

Nilingon ko naman si Jasper at tinignan ito na parang nanghihingi ng tulong. Hindi na pala parang, Nanghihingi na talaga ako ng tulong!

Tinignan naman ako nito at nginitian. Nakahinga ako ng maluwag, 'buti naman at tutulungan ako ni Jasper makatakas rito.

Ngunit kumunot ang noo ko ng bigla itong ngumisi.

"Hey, Chast! Una na ako! Sunod ka na lang sa Field!" Nakangisi nitong sambit sa'kin at kinindatan pa ako bago tuluyan na akong iniwan dito sa tatlo. Fuck.