"PASENSIYA kana hija wala na akong ibang mapakisuyuan" ani Glenda sa kanya.
"Okay lang po Ma'am" aniyang lumabas na ng kainan para dalhin sa Faculty ng College of Arts and Sciences ang pagkaing nasa hawak niyang paperbag. Miyerkules iyon ng hapon, may klase pa siya in fifteen minutes kaya minabuti niyang magmadali sa kagustuhang hindi mahuli.
Paakyat na siya ng building nang tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa. Si Dave, tinatanong kung nasaan siya, nagreply naman siya agad sa binata. Naipadala na niya ang text nang matabig siya nang kasalubong na babaeng hindi niya napuna kanina dahil nakayuko siya.
"S-Sorry" aniya para lang matigilan nang mamukhaan ito.Janna!
"Tatanga-tanga kasi, bullshit!" anito saka matalim na sulyap ang ipinukol sa kanya.
"P-Pasensya na" kinakabahan niyang ulit sa isang mababang tinig saka na umakmang tatalikod pero napigil iyon nang magsalita ang isa sa dalawang kasama ni Janna.
"Hindi ba ikaw iyong kitchen crew sa canteen na tinubos ni Dave sa booth kapalit ang motorbike niya?" agad na sinalakay ng matinding kaba ang dibdib niya.
"W-What?" ang mataray na isinatinig ni Janna saka madilim ang mukha siyang pinakatitigan. Magkakasunod ang ginawa niyang paghinga dahil sa takot na naramdaman.
"Goodness hindi mo alam? Siya ang usap-usapan ngayon dito sa campus! Akalain mo nga naman, isang kusinera lang pala ang ipapalit sayo ni Dave!"
Kitang-kita niyang nanlisik ang mga mata ni Janna sa narinig kasabay ang matinding pamumula ng mukha nito. "Shut up!" galit nitong awat sa kaibigan. Pagkatapos ay mabalasik ang titig siyang nilapitan.
Nabigla siya nang marahas na hablutin ni Janna ang kanyang braso. Dahil doon ay nabitiwan niya ang hawak na paper bag. Bumagsak iyon sa sahig at napunit kaya natapon sa sahig ang laman niyong pagkain.
"Layuan mo si Dave ambisyosa! Hindi kayo bagay!" sigaw nito sa kanya na mabilis na nakatawag sa atensyon ng ibang naroroon.
Kinalma niya ang sarili saka nagmamadaling dinampot ang nagkalat na pagkain sa sahig. "Kawawa naman, siguradong ikakaltas iyan sa kakarampot niyang sweldo!" ang nang-uuyam na tinig ng isa pa sa dalawang kasama ni Janna na tumawa pa ng mahina.
Hindi niya iyon pinansin at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Pero hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Janna. Sinipa nito ang natitirang stypore sa sahig papunta sa kanya kaya bumalandra sa mukha niya ang laman niyong pansit.
"Janna!" nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon ay noon siya napaluha.
"D-Dave" kahit nakayuko ay nabakas niya sa tinig ni Janna ang matinding takot.
Wala siyang narinig na sagot dahil naramdaman nalang niya ang mainit na kamay ni Dave sa kanyang braso. "Audace, are you okay?" mabait na tanong ni Dave sa kanya saka siya inalalayan sa pagtayo. Pagkatapos niyon ay dinukot nito ang panyo sa bulsa saka pinunasan ang kanyang mukha. "hush" anito pa nang mapunang umiiyak siya. Narinig pa niyang pinakiusapan ni Dave ang nagdaang janitor na linisin ang pagkain sa sahig. "Come, ako na ang magpapaliwanag sa amo mo" nang itigil ni Dave ang ginagawa. Habang siya nang mga sandaling iyon ay parang ibig na lamunin nalang ng sahig dahil sa tinamong kahihiyan.
"M-May k-klase pa ako Dave" pabulong niyang sabi sa pagitan ng pagluha.
"Ako na ang bahalang mag-explain sa Prof mo, okay? Umuwi na tayo tara na" anitong inakbayan siya pagkatapos. Hindi alintana ang maraming pares ng mga matang nanonood sa kanila.
"Dave!" narinig niyang inis na tawag ni Janna nang igiya siya ng binata pababa ng hagdan.
Nakita niya ang galit sa mga mata ni Dave nang lingunin nito ang tumawag. "Tumigil kana, palalampasin ko ang ginawa mong ito dahil babae ka. Naintindihan mo? Dahil babae ka!"
Nang magtama ang paningin nila ni Janna ay nakita niya ang panganib sa mga titig nito sa kanya. Pero dahil kasama niya si Dave alam niyang hindi na siya magagawang saktan ng dalaga.
"YOU know what, hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin kong ito pero minsan na tayo nagkasabay dito" nang hindi makatiis ay naisipan niyang sabihin sa dalaga. Pagkagaling sa SJU ay sa sementeryo sila nagtuloy. Gusto raw kasing dalawin ni Audace ang puntod ng ina nito. Kahit gustong-gusto niyang yakapin si Audace ay nagpigil siya. Hindi niya tiyak kung tama pero para sa kanya ay sign iyon na talagang ang nangyayari sa kanilang dalawa ay by chance.
It's magic, it's meant to be, and it's destiny.
"Huh? Kelan? Saka ba't di ko alam?" kunot-noo siya nitong nilingon.
"Nakatalikod ka kasi nun" sagot niya ng nakangiti.
"Ows? Sige nga kumbinsihin mo ako" panghahamon pa nito sa natatawang tinig.
"Halika" pagkuwan ay tumayo siya saka inabot ang kamay ng dalaga.
"Saan tayo pupunta?"
"Meet my sister, Danica" aniyang pinaglipat-lipat ang tingin kay Audace at sa puntod ng yumao niyang kapatid.
"Ah so ibig sabihin?" nang makuha nito marahil ang ibig niyang sabihin.
"Oo, man hater ka nga nun eh. Kaya ngayon malinaw na sakin kung bakit mo ako in-snob nung unang beses kitang nakita sa canteen" aniyang sinundan pa ang sinabi ng isang mahinang tawa.
Noon nangunot ang magandang noo ni Audace."Anong man hater? Saka kelan kita in-snob sa canteen?"
Hindi niya napagilan ang makaramdam ng amusement habang pinagmamasdan ang maganda mukha ng kaharap. Ang maganda nitong buhok lalong tumingkad ang pagiging mamula-mula niyon dahil sa sikat ng araw. "Kailangan ko pa bang ulitin iyong dialogue mo nun sa nanay mo tungkol sa aming mga lalake? Na lahat kami manloloko at paasa?" buska niya sa dalagang mabilis na namula ang mukha bagaman nakangiti. "at iyong in-snob mo ako? Di ba tiningnan mo pa nga ako nun kasi nahuli mo akong nakatitig sayo?" aniya sa tonong nagpapaalala.
Salubong ang mga kilay paring nagbaba ng tingin si Audace saka siya muling tiningala makalipas ang ilang sandali. "Ah iyon ba? Sorry kung in-snob kita ah?" anitong napakagat-labi. "bitter lang ako nun kaya ko nasabi at nagawa ko iyon. Pero in fairness natandaan mo pa talaga ang lahat ng detalye ah" dugtong pa ng dalaga sa isang nasisiyahang tinig.
Kahit ilang libong taon siguro ang lumipas hindi ko makakalimutan kung kelan kita unang nakita at kung kelan ako unang kinabahan ng sobra.
"Ows? Di ibig sabihin moved on kana dun sa ex mo?" undeniable ang tuwang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.
Naglandas ang mabining tawa sa lalamunan ni Audace. "Oo naman no!"
Noon niya hinawakan ang kamay nito saka nilinga ang puntod ni Danica. "Narinig mo iyon 'te? Moved on na siya" masaya niyang turan saka tila wala sa sariling hinalikan ang buhok ng dalaga.
Nakita niya ang pagkabiglang lumarawan sa mukha ni Audace dahil sa ginawa niya. Aaminin niyang natakot siyang baka magalit ito, pero hindi naman nangyari iyon. "Ano bang nangyayari sayo, bakit parang ang saya-saya mo?" nangingiting tanong nito sa kanya.
"Tsk, alam mo naman ang sagot tinatanong mo pa" aniyang kinabig ang dalaga palapit sa kanya saka inakbayan ng mahigpit. "siya nga pala 'te, si Audace ang babaeng pakakasalan ko!" pakiwari niya ay hindi niya magagawang sasabihin iyon kung hindi niya dadaanin sa biro.
Gaya ng dati ay parang mansanas sa pula ang mukha ni Audace. Pero wala siyang planong bawiin iyon. Dahil kahit hindi pa siya nai-in love alam niyang doon na papunta ang nararamdaman niya para sa dalaga. At masasabi niyang wala siyang pinagsisisihan kahit pa naghintay siya ng matagal. Dahil ang feelings na mayroon siya para kay Audace ay sobra-sobra ng dahilan para maging grateful siya.