IYON ang ikalawang punta niya sa bahay nina Dave para sa kanilang practice. Alam niyang mahirap siyang turuan. Pero siguro dahil likas na mahusay magturo ang binata at bukod pa roon ay crush niya ito kaya talagang inspired siyang matutunan ang lahat ng ituro nito.
"Slow, slow, quick, quick" aniyang kinakabisa ang footwork timing ng naturang ballroom dance. Hapon na at sa mansyon ang tungo nilang dalawa ni Dave noon para magmeryenda.
"Ano, di ba madali lang?" nang lingunin niya ay nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata ni Dave.
"Opo, o baka naman magaling ka lang talagang magturo?" aniyang sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.
"Hindi ka naman mahirap turuan eh" ani Dave.
Napalabi siya kahit ang totoo tinablan siya sa compliment na iyon."T-Talaga ah? Baka naman sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mong mas pagbutihan ko pa?"
Natatawang ginulo ni Dave ang buhok niya. "Totoo, sana nga ganoon din kadaling turuan ang puso mo" meaningful nitong sabi.
Nag-iinit ang mukhang umiwas siya ng tingin kay Dave, habang sa puso niya ay naroon ang kakaibang kilig na dulot ng sinabi nito. Hindi mo na kailangang turuan ang puso ko Dave. Dahil ang totoo, ang lahat ng ginagawa mo sobra-sobra ng dahilan para mahulog ako sayo. Anang isang bahagi ng isip niya. "In fairness ang ganda ng kusina ninyo, parang ang sarap magluto" ang sa halip ay tinuran niya nang mabungaran niya ang magandang kusina.
"Dapat siguro Culinary ang kinuha mong course" ang binata na hinila ang isang upuan ng mahabang mesa saka siya pinaupo.
"Actually first choice ko iyon, kaso magastos kaya ECE nalang ang kinuha ko" sagot niya.
"Anong gusto mong kainin?" ang naitanong nito sa kanya saka ibinalik ang tingin sa loob ng refrigerator.
"Kahit ano" aniya.
"Wala namang kahit ano dito eh" natatawang baling ulit sa kanya ng binata.
Napasimangot siya. "Sige ice cream saka cake!"
"Ayun, kapag tinanong ka kasi wag mo ng paiiralin iyang hiya-hiya. Sabihin mo agad kung anong gusto mo" nasa tinig ni Dave ang pagbibiro pero deep inside ay alam naman niyang tama ito.
"Para mas magaan ang buhay ganoon ba?" natatawa niyang sabi.
"Tama!" anitong inayos ang pagkain sa mesa. "at isa pa, mas masarap sa pakiramdam kapag gusto natin ang ginagawa natin. Hindi napipilitan, parang sa love."
Salubong ang mga kilay niyang pinagmasdan si Dave na noon ay nakaupo na sa silyang katabi ng kanya. "At paano naman napasok ang love sa usapan natin?"
Noon siya nito pinakatitigan. Nasa isang dangkal lang siguro ang layo ng mukha nito sa kanya. Sanay na siyang naaamoy ang mabangong hininga ng binata. Pero ang pakiramdam na dala niyon sa kanya, parang hindi niya kayang sanayin ang sarili niya.
"Nagiging poetic kana yatang masyado, napaka-unusual para sa isang playboy na kagaya mo" aniyang saka hinirap ang hiwa ng Black Forest cake sa platitong nasa harapan niya sa kagustuhang iwasan ang mga tumatagos na titig sa kanya ni Dave.
"Bakit porke ba playboy hindi na pwedeng magbago? Wala ng karapatang ma-in love?" nangingiti nitong tanong saka narin sinimulan ang pagkain.
"Oh wala akong sinabing ganyan ah! Ang sinabi ko unusual lang" pagtutuwid niya.
"May tanong ako" ang binata. Umangat ang mga kilay niya."Kung sakaling may manligaw sayong playboy bibigyan mo ba ng chance?" parang gusto niyang himatayin sa tanong na iyon ng binata.
"Ano ito, Bio Data?" aniyang napabungisngis saka sumubo ng ice cream.
"Tsk, sagutin mo nalang kasi ang tanong ko" giit ni Dave .
Amuse niya itong nilingon bago nagsalita. "Eh lahat naman dapat bigyan ng chance di ba?" kinikilig niyang sabi saka nagkibit ng balikat.
Tumango-tango ang binata. "So ibig sabihin papaligaw ka sa kanya?" paglilinaw nito.
"Oo, pero kailangan maramdaman ko munang seryoso siya saka dapat meron siya nung mga qualities na hinahanap ko sa isang lalake" pagkuwan ay naaliw narin siya sa ginagawang pagtatanong sa kanya ng kasama.
Nakita niyang ibinaba ni Dave ang hawak na tinidor, inabot ang baso ng tubig saka uminom. Pagkatapos ay nangalumbaba habang matamang nakatitig sa kanya. "Ba't ano ba'ng gusto mo sa lalake?"
Nang masulyapan ay kasama ay walang anuman niyang nakagat ang kanyang lowerlip saka wala sa loob siyang napangiti at tila nangangarap na nagsalita pero umiwas siya ng tingin sa binata. "Siyempre gusto ko gwapo, moreno, matangkad. Kung pwede sana maganda ang apelyido, mabait, matapang, masayang kasama, iyong maunawain at marunong magkontrol ng galit, mahaba ang pasensya, romantic, considerate sa lahat ng gusto ko at higit sa lahat iyong mamahalin ako ng totoo sa kabila ng lahat ng imperfections ko" aniyang sandaling sinulyapan si Dave.
Nang mapuna niyang titig na titig parin ito sa kanya ay mabilis siyang nagbawi ng tingin at sa halip ay ang cake nalang ang tinitigan. At kung nakakatunaw lang ang mga titig, malamang nagsimula ng malusaw ang cake na iyon.
"Talaga?"
Tumango siya. "Kaya lang, may ganung lalaki kaya sa totoong buhay?" may panghihinayang sa tinig niyang nabanggit saka ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain at muling nilingon si Dave.
Narinig niya ang isang mahinang tawang naglandas sa lalamunan ni Dave na napuna niyang nakatingin sa kanyang mga labi. Sunod-sunod ang ginagawa niyang paglunok dahil sa ginawing iyon ng binata. "Meron" kumpiyansa nitong sagot saka hinawakan ang sandalan ng stool na kinauupuan niya pagkatapos ay iniikot iyon paharap rito.
Nang hawakan ni Dave ang kanyang mukha ay daig pa niya ang na-stroke kaya hindi siya nakakilos. Naumid rin ang kanyang dila saka nanlaki ang mga mata nang maramdaman niya ang hinlalaki nitong masuyong humaplos sa kanyang upperlip.
"May icing ka sa labi" nangingiting paliwanag pa nito nang makita ang reaksyon niya. Magkakasunod ang ginawa niyang paghinga saka inabot ang baso ng tubig at uminom. Pakiramdam niya nasa mga labi parin niya ang hinlalaki ng binata dahil naiwan doon ang kakaibang init ng daliri nito."O-Okay ka lang?" nang mapansin ng binata ang pananahimik niya.
Sunod-sunod siyang napatango. "O-Oo naman!" malakas niyang sambit sa pagnanais na itago ang panginginig ng tinig. "s-sana nga may ganung lalake sa totoong buhay."
Tinawanan siya ni Dave saka pinakatitigan. "Meron, mabubuo mo ba naman sa isip mo ang isang ideal guy na ganoon kung wala? Baka nga na-meet mo na iyon hindi mo lang nahahalata" ang binata sa tinig na tila nagpapahiwatig.
"Na-meet? Parang soulmate?"
"Parang soultmate" sang-ayon ng binata. Sasagot pa sana siya pero napigil ang lahat ng iyon nang may magsalita mula sa kanilang likuran.
"Dad, Mom" ani Dave. "si Audace" dugtong pa ng binata kaya mabilis siyang napatayo.
"H-Hello po, good afternoon" halos pabulong niyang sambit saka nahihiyang ngumiti sa mga magulang ng binata.
"How are you hija? Madalas kang ikwento sa akin nitong si Dave, bukambibig ka niya actually" ang ama ni Dave na binuksan ang refrigerator.
Nakita niyang napapikit si Dave sa sinabing iyon ni John. "Dad naman, iyong totoo lang."
Amuse nitong muling hinarap ang anak. "Hindi ba totoo naman, Sandra?" baling nito sa asawa na noon ay kasalukuyang nagtitimpla ng kape.
"Yeah, anyway we are happy at nagkakilala narin tayo hija. At least ngayon hindi na kami magtataka sa lahat ng pagbabagong nangyayari dito sa anak namin" si Sandra naman na lumapit kay Dave saka hinaplos ang likuran ng anak.
"Mom" angal ni Dave.
"I like you already hija at napakaganda mo" si Sandra ulit na pinakatitigan siya pagkatapos ay sinulyapan ang nakangiting si John.
"Naku salamat po, maganda rin po kayo" nahihiya niyang sagot saka tipid na nginitian ang ginang.
"Anyway maiwan na muna namin kayo" si John saka sinulyapan sandali ang suot na relo. "marami pa kaming tinatapos na trabaho, Audace hija. Nice meeting you" paalam nito dala ang isang baso ng tubig kasunod si Sandra na tasa naman ng kape ang nasa kamay.
"Teka mabalik tayo dun sa course mo, baka gusto mong mag-apply ng Full-Scholarship, pwede kitang ilapit kay Dad" nang magkasarilinan ulit sila.
Lihim siyang nasiyahan. Oo nga't may application na siya sa naturang program. Pero iyong naalala siya ni Dave, iyon ang nagdala ng kakaibang saya sa puso niya. "Okay na, sana nga makapasa para next sem wala na akong poproblemahin" pagtatapat niya sa binata.
"Papasa ka, akong bahala" may katiyakang sabi ni Dave.
"Tutulungan mo ako?" masigla niyang tanong.
Tumango ang binata. "Basta ikaw, kahit ano gagawin ko" anito. "saka para ma-i-refund mo narin lahat ng nagastos mo sa sem na ito. Then next year, itutuloy mo parin ba ang ECE?"
Sa huling tanong ni Dave ay napaisip siya. "Hindi ko alam eh, masyado kasing magastos ang Culinary. Baka kapusin ako."
"Tutulungan kita sa gastos kapag kinapos ang ibinibigay na allowance sayo ng SJU" walang pag-aalinlangang sagot ni Dave kaya takang napatitig siya dito.
"Huwag! Sobra naman na iyon, saka darating ang time magagawa ko rin iyon kung talagang para sakin" katwiran niya.
"Ano ka ba, kung iyon ang talagang gusto mo bakit hindi mo pa i-grabbed ang pagkakataon. Wala namang mawawala, saka isa pa huwag kang mag-alala wala naman akong hihinging kapalit sayo na kahit ano."
Sandali siyang tumahimik saka nag-isip. "S-sige ikaw ang bahala" aniyang nahihiyang tinanggap narin ang alok ni Dave kalaunan.
"Right, excited na akong makita ka with your Culinary uniform" sambit nito.
Hindi siya nakapagsalita kaya naman nang maramdaman niya ang kamay nitong hawak ang kanya ay mataman niyang sinalubong ang mga titig ng binata. "Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
"Kailangan ba dapat laging sinasabi ko sayo ang dahilan? Hindi ba pwedeng pakiramdaman mo nalang?" masaya nitong sambit. Natigilan siya sa narinig. Natatandaan niyang sinabi niya kay Dave ang linyang iyon noon. Pero ang dahilan kung bakit nasabi niya iyon sa binata, kapareho rin kaya ng reason nito ngayon?
Alam niyang hindi tama ang magkumpara pero talagang hindi niya naramdaman ang ganito kay Alfred. Kay Dave kahit sa simpleng sulyap lang ay bumibilis na ang tibok ng puso niya at parang nawawala siya sa sarili niya. Pero sa kabila noon gusto niya ang pakiramdam. It feels like heaven at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya magawang tumalikod. Masyado na siyang addicted sa binata. Parang may force ang mga mata nito na kaya siyang paayunin sa anumang gustuhin nito. Nang hindi sapilitan, but all in gentle persuation.
Something's there na hindi ko kayang ideny kahit sa sarili ko Dave. I knew it, yes I do, and it was when I first looked at you.