Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

Lumapit si Kent sa lamesa at tiningnan ang mga notebook ni Ada na inilabas nito.

 

"Paano naman, ang matamis na pagtitinginan ninyo ng kababata mo?" tanong ni Kent habang haawak ang isang notebook.

 

"Hindi kami nagtitinginan ng matamis." Sagot ni Ada habang nagbibihis.

 

"Talaga ba? Nakita ko kayo sa sarili kong mga mata. Ano ang ginagawa ninyo?" sabi niya.

 

Nainis naman si Ada sa mga tanong ni Kent, na tila ba inaakusahan siya nito, sa pakikipag-usap kay Mark.

 

"Wala, matagal na kaming hindi nagkita, kaya marami kaming pinag-usapan." Sagot ni Ada.

 

"Kaya nangungulila kayo sa isa't isa." Sabi ni Kent habang papalapit siya kay Ada at niyakap siya at hinagkan ang kanyang balikat.

 

"Kent, ano ba ang gusto mong palabasin? Magkaibigan lang kami ni Mark." Sabi ni Ada at bumaling kay Kent para humarap dito.

 

"Sigurado ka?" Tanong ni Kent habang nakatingin kay Ada.

 

"Oo, sigurado ako." Sagot ni Ada.

 

Huminga ng malalim si Kent at hinaplos ang kanyang buhok, "Okay sige, mag start na tayo."

 

Inanyayahan ni Kent si Ada na magreview na at umupo sa tabing lamesa. At tinuruan siya ni Kent ng mga lesson na irereview para sa darating na exam.

 

Maraming natutuhan si Ada mula kay Kent, ipinaliwanag niya nang husto ang iba pa niyang mga paksa, na hindi niya gaanong maunawaan.

 

Hanggang sa makatulog na si Ada.

 

Bumaba muna saglit si Kent para kumuha ng pagkain sa kusina. Nang binuksan ni Kent ang pinto ng kwarto ay nakita niya na nakatulog na si Ada, habang nakasalampak sa sahig at nakayuko sa lamesa.

 

May dala siyang tray na may lamang juice at sandwiches para kay Ada, pero tulog na ito. Inilapag niya ang dalang tray sa isang lamesita.

 

Lumapit siya kay Ada at umupo katapat ni Ada. Pinagmasdan niya si Ada habang tulog ito, hinawi niya dahan-dahan ang buhok na nalaylay papunta sa mukha nito at iniipit sa kanyang tenga.

 

"You're so beautiful." Bulong ni Kent habang nakangiting pinagmamasdan ang mukha ni Ada at kinuskus nang bahagya ang pisngi ni Ada ng kanyang mga daliri.

 

Pagkatapos ay binuhat niya si Ada sa kama at hinalikan ang kanyang noo. Pagkatapos, ay inayos ang notebook ni Ada at inilagay ito sa kanyang bag.

 

Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone ni Ada at tiningnan niya ang cell phone ni Ada na nakapatong sa mesa at nakita niyang may nagtext sa kanya.

 

Kinuha niya ito at binasa, at nalaman na nag-text si Mark kay Ada. Biglang nabago ang kanyang mood, habang binabasa ang text nito. Naiinis siya kay Mark nang malaman niyang napakalapit niya kay Ada.

 

Nabasa niyang gusto ni Mark na pumunta sa bahay ni Ada, upang sunduin siya ng maaga bukas at sabay silang pumasok ng school. Nakatuon ang kanyang mga mata habang binabasa ang text ni Mark. Gusto niyang durugin ang mukha ni Mark sa mga oras na iyon.

 

"Hmp, nakakainis!" Sabi ni Kent at inilagay niya ang cell phone ni Ada pabalik sa mesa.

 

At lumakad siya papunta sa kama at tumabi kay Ada at mahigpit na niyakap siya habang natutulog si Ada. Ilang sandali pa ay nakatulog na din siya katabi si Ada sa kama.

 

Kinabukasan ay maagang gumising si Ada, tiningnan niya ang oras sa cell phone at mag alas-7:10 na ng umaga, at nakita niya na may text ito. Isa-isa niyang binasa ang mga text galing kay Mark.

 

"Good morning Ada! Anong oras ka papasok sa school?"

 

"Ada, gumising ka na, umaga na!"

 

"Ada, saan ka ba nakatira? Sabay na tayong pumasok sa school."

 

Ito ang mga text ni Mark sa kanya.

 

Inisip ni Ada kung bakit kinakailangang sunduin pa siya ni Mark? Sumagot si Ada sa kanyang mga text.

 

"Good morning Mark. Ngayon lang ako gumising. Huwag mo na akong sunduin, magkita na lang tayo sa paaralan." Sagot ni Ada.

 

Pagka-text niya sa kanya, ay agad siyang tinawagan ni Mark. Nagulat si Ada, kinabahan din siya dahil maaaring magising si Kent.

 

"Hello! Bakit ka tumawag?" Mahinang sagot ni Ada.

 

"Good morning sa pinakamaganda kong kaibigan!" sabi ni Mark sa kabilang linya.

 

Tumayo si Ada at lumapit sa harapan ng pintong salamin ng balcony.

 

"Tssk, ano ba ang sasabihin mo?" Bulong ni Ada, dahil nagising si Kent at tumingin kay Ada na nakatayo sa harapan ng balcony.

 

"Susunduin kita, sabay na tayong pumasok. Nasa bahay ka ba?" Tanong ni Mark.

 

"Hindi, huwag mo na akong sunduin." Agad na sabi ni Ada.

 

"Sige na, pupuntahan kita sa bahay mo." Pangungulit ni Mark kay Ada.

 

"No, magkita na lang tayo sa school, doon na lang -" Biglang naputol ang sinasabi niya dahil kinuha ni Kent ang kanyang telepono at pinatay ito.

 

Tiningnan siya ni Kent ng masama at sinabi niyang, "Napakaingay!"

 

Itinapon ni Kent ang kanyang telepono sa kama at pagkatapos ay lumakad siya papalayo at pumunta sa banyo. Nagulat si Ada, muli niyang dinampot ang cell phone, nakita niyang muling tumatawag si Mark ngunit hindi na niya ito sinagot pa.

 

Naghanda na siya para sa pagpasok sa school, pagkatapos ni Kent maligo at sumunod na din siya para maligo.

 

Pagdating sa klase, nakita niyang naghihintay si Mark sa harapan ng kanilang silid.

 

"Oh, bakit ka nakatayo rito?" tanong ni Ada sa kanya.

 

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" Tanong kaagad ni Mark na para bang boyfriend niya ito.

 

"Eh, abala na ako kanina, nag-ayos na ako at naghanda para pumasok sa school." sagot ni Ada.

 

"Ganun ba? Sige, sabay na tayong umuwi mamaya pagkatapos ng klase." sabi ni Mark.

 

Habang kausap si Mark ay nakita niyang pumasok si Kent sa silid.

 

"Ah, may gagawin ako mamaya eh." Pagtanggi ni Ada at nakita niyang paparating na ang kanyang Guro.

 

"Narito na ang aming Guro, mamaya na lang ulit." Sabi niya at nagmamadali siyang pumasok sa silid.

 

"Sige, bye." Sabi ni Mark habang kumaway ito sa kanya.

 

Sa oras ng kanilang breaktime, ay sabay-sabay ulit silang tatlo nila Mark, Joice at Ada na pumunta at kumain sa canteen. Muli silang masayang nagkwentuhan habang kumakain ng tanghalian.

 

Samantala, lingid sa kaalaman ni Ada ay kanina pa sila pinagmamasdan ni Kent. Naiirita at naiinis naman si Kent sa mga pag-akbay ni Mark kay Ada at tila ba lalong dumidikit pa ito kay Ada habang nakikipag kwentuhan.

 

Maghapon silang nag-aral sa paaralan. Nakita ni Ada na naghihintay na naman si Mark sa labas ng kanilang class room.

 

Patuloy niyang iniisip kung ano ang sasabihin niya, para maiwasan si Mark. Nilapitan niya si Joice at kinausap ito na tulungan siyang magdahilan kay Mark, dahil ang totoo ay ayaw niyang magpahatid dito. At ayaw din niyang malaman na kala Kent siya nakatira.

 

"Joice, tulungan mo ako. Narito ulit si Mark, gusto niya akong ihatid papunta sa bahay ko, pero ayaw ko." sabi niya.

 

"Ha? Bakit ayaw mo? Anong problema?" Tanong ni Joice.

 

"Dahil kapag nalaman niya kung saan ako nakatira, magpupunta siya araw-araw sa bahay namin at siguradong doon na siya tatambay at kakain."

 

"Ha? Ah, mahirap nga iyan. Okey lang na tulungan kita. Lumabas ka muna, at susunod ako, akong bahala, sumakay ka na lang sasabihin ko." Sabi ni Joice sabay kindat sa kanya.

 

"Talaga? Salamat Joice! Sige, mauna na akong lumabas." sabi ni Ada.

 

Pagkatapos ay lumabas na nga si Ada sa kanilang room at agad naman siyang nakita ni Mark at siya's tinawag.

 

"Ada!" Sumigaw si Mark nang makita siyang papalabas ng room.

 

"Oh, kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Ada, habang papalapit kay Mark.

 

"Hindi naman, tara alis na tayo." Yaya ni Mark sa kanya at lumakad na sila.

 

Subalit napahinto sila ng paglalakad ng may tumawag kay Ada.

 

"Ada! Ada!" Tawag ni Joice kay Ada.

 

Lumingon si Ada at humarap kay Joice.

 

"Ah, saan ka pupunta? Hindi ba may pupuntahan tayo?" Sabi ni Joice kay Ada.

 

"Siguro mauna ka na lang umuwi Mark, kasi maypupuntahan pa pala kami ni Joice." sabi ni Ada.

 

"Sandali, saan kayo pupunta? Gusto kong sumama sa inyo." Sabi naman ni Mark.

 

Nagtinginan sila Ada at Joice at muling ngumiti kay Mark at nagdahilan.

 

"Naku, hindi pwede, it's a girl thing. Bawal ang lalake." Pagtanggi ni Joice.

 

"Ganun ba?" Nalungkot ang mukha ni Mark, "Okey, mag-ingat na lang kayo." sabi ni Mark.

 

"Sige, tara na Joice." Yaya ni Ada kay Joice at kinawit niya ang kanyang braso sa braso ni Joice.

 

"Sandali, sabay na tayong pumunta sa gate," sabi ni Mark.

 

"Okey, sige." Sagot ni Ada.

 

At silang tatlo ay sabay-sabay na naglakad at pumunta sa gate ng school.