Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Samantala, pinagmamasdan naman sila ni Kent habang nakadungaw sa rooftop. Nanliit ang mga mata ni Kent sa pagpupuyos ng galit, habang tinitingnan silang naglalakad.

 

Si Mark ay nakaakbay pa kay Ada habang masaya silang nagkwekwentuhan. Hindi na mapigilan ni Kent ang kanyang damdamin at agad niyang tinawagan si Ada.

 

Narinig ni Ada ang kanyang telepono na nagriring at lumayo muna siya kala Joice at Mark bago sinagot ang tawag ni Kent.

 

"Sandali, kailangan ko lang sagutin ang tawag na ito." sabi ni Ada sa kanila.

 

"Sige." At tumigil ang dalawa sa paglalakad. Lumayo naman ng bahagya si Ada sa dalawa.

 

"Hello." Sagot ni Ada.

 

"Nasaan ka?" tanong ni Kent.

 

"Andito sa labas, malapit sa gate, bakit?" Tanong ni Ada.

 

"Pumunta sa rooftop." Iniutos ni Kent sa kanya.

 

Nagulat naman si Ada sa inuutos nito sa kanya, "Ha, bakit?" Pagtatakang tanong ni Ada.

 

"Ah basta, hihintayin kita dito. Bilisan mo." sabi ni Kent.

 

"Wait, ngayon na ba?" Tanong niya pero ibinaba na ni Kent ang cell phone.

 

Ni hindi nauunawaan ni Ada kung bakit inuutusan siya ni Kent na pumunta sa rooftop. Huminga siya nang malalim at pinag-isipan ang dahilan para sa dalawa.

 

Lumapit siya sa mga ito at nag-aalangan na magsalita.

 

"Ah, guys kayo na lang ang maunang umuwi. May mahalagang bagay akong naiwanan sa room, eh." Sabi ni Ada nang bigla siyang tumakbo para maiwasan ang kanilang mga tanong.

 

Narinig niyang tinawag siya ni Mark, pero hindi siya lumingon dito, kaya patuloy siyang tumatakbo papalayo sa kanila.

 

"Ada wait! Ada!" Sigaw ni Mark. Subalit hindi siya pinansin ni Ada at patuloy itong tumakbo pabalik sa school building.

 

"Oy, hayaan mo na! Tara, umuwi na tayo." Saway ni Joice kay Mark.

 

Walang nagawa si Mark ngunit panoorin si Adang tumatakbo papalayo sa kanila. Nanlumo naman si Mark sa nangyare, akala niya kasi ay magiging maganda ang araw niya ngayon at maihahatid niya si Ada sa inuupahan nitong bahay. Subalit tila ba mapaglaro ang tadhana at hindi sila nagkasamang umuwi.

 

"Halika na, makikita mo naman siyang muli bukas," sabi ni Joice kay Mark.

 

Sabay na lang sila ni Joice na naglakad palabas ng gate at umuwi.

 

Samantala, nagmamadaling pumunta si Ada sa rooftop. Hinintay ni Kent si Ada at nakita niya ang paghingal ni Ada. Tumakbo si Ada mula sa baba hanggang sa makarating sa rooftop, kaya naman ay halos kapusin na siya ng hininga.

 

Huminto siya ng makitang nakatayo si Kent sa may gilid ng rooftop at habang humihingal. 

 

"Ada, gusto mo bang sumali sa marathon? Ha, ha, ha." Nakangiting pananalita si Kent.

 

Huminga ng malalim si Ada, bago nagsalita, "Bakit mo ako pinapunta dito? Iniisip ko, baka kung ano ang nangyari sa iyo eh."

 

Lumapit si Kent sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

 

"K-Kent..." Mahinang sinabi ni Ada habang naguguluhan sa biglaang pagyakap ni Kent sa kanya.

 

"Shhiii, please give me a few minutes. Gusto kitang yakapin." Bulong ni Kent sa kanyang tenga.

 

"Huh?" Mahinang tugon ni Ada.

 

Ngumiti si Kent at inilabas niya ang kuwintas niya na may singsing. Hinawakan niya ang singsing at hinagkan ito.

 

Pagkatapos ay tumitig siya sa mga mapupungay na mata ni Ada.

 

"I miss you and I love you." Mahinang sinabi ni Kent.

 

At ibinaba niya ang kanyang ulo at hinagkan ang mga malalambot na labi ni Ada. Habang hinahalikan niya si Ada ay dahan-dahang niyang niyakap ang baywang ni Ada at si Ada naman ay unti-unting kumapit sa matipunong balikat ni Kent.

 

Pagkatapos ng kanilang matamis na mga halik, sila ay nagyakap at sabay silang bumaba ng building at umuwi sa mansyon.

 

Pagdating nila sa mansyon, may tumawag kay Kent, kaya nauna nang umakyat si Ada.

 

"Okey, papunta na ako." Sabi ni Kent sa kausap nito sa phone, habang pumapasok sa silid.

 

Pumunta siya sa closet upang pumili ng damit. Dinala ni Kent kay Ada ang isang black dress na isusuot at ibinigay ito kay Ada.

 

"Isuot mo ito, lalabas tayo." sabi ni Kent sa kanya, habang agad na nagbihis si Kent ng bagong damit.

 

"Ha? Saan?" Tanong ni Ada habang hawak-hawak ang dress.

 

"Birthday ng kaibigan ko." Sabi ni Kent at nagbihis ito kaagad ng bago.

 

"Maghanda ka, after 30 minutes, aalis na tayo." Sabi ni Kent.

 

"Okey." Tumango naman si Ada at mabilis din siyang nagbihis at nag-ayos ng kanyang sarili. Nagmake-up siya ng kaunti at naglipstick. Inulugay lang niya ang kanyang buhok at nagpabango ng kaunti.

 

Pagkatapos ay nagtataka si Ada, bakit gusto ni Kent na dalhin siya roon? Sinunod na lang niya ang sinabi nito. Pagkatapos nilang magbihis ay nagpaalam sila sa kanilang Lolo.

 

Sila ay nanatiling tahimik sa loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa isang sikat na bar sa city. Lumabas sila ng kotse at inalalayan siya ni Kent sa paglabas dito. Hinawakan siya ni Kent sa kamay habang naglalakad sila.

 

Hindi niya alam kung ano ang plano ni Kent, kaya tinanong niya ito.

 

"Kent, hindi ba tayo mahahalata o baka may makakita sa atin dito?" Nag-alalang tanong ni Ada.

 

"Huwag kang mag-alala, ito ay isang private bar, alam ko kung sino ang narito." Ngumiti si Kent habang nakatingin sa kanya.

 

"Ah." Napanatag naman ang kalooban ni Ada sa sinabi ni Kent, kaya naman ay hinayaan na lamang ito sa paghawak sa kamay niya.

 

Nakarating sila sa may bandang dulo at binuksan ni Kent ang pinto. Nakita niyang nagsasayaw at umiinom ng alak ang mga tao dito. Nagpunta sila sa isang sulok, na may mga apat na lalaki at isang babaeng nakaupo sa itim na sopa.

 

"Ah, narito na pala ang hinihintay natin!" sabi ni Troy habang nakatingin ito sa kanila. Si Troy ay gwapo din at malakas ang sex appeal sa mga babae na medyo moreno.

 

At binabati sila ni Kent ng maligaya.

 

"Happy Birthday Bro!" sabi ni Kent at medyo niyakap si JM. Si JM naman ay mukhang genious sa kanilang barkada, dahil sa salamin nitong suot. Simple lang ito at medyo pormal kung manamit.

 

Pinakilala naman siya ni Kent at inakbayan habang ipinapakilala sa kanila.

 

"Syanga pala, ito si Ada, my girlfriend." Sabi ni Kent at ipinaalam ito sa kanila.

 

"Hi! Hello!" Ngumiti si Ada sa kanila at kumaway. Kahit na nagtaka siya sa sinabi ni Kent na 'girlfriend at hindi wife' ay hindi na lang niya ito pinansin.

 

"Yun oh! Sa wakas, mayroon ka ng girlfriend." Sabi ni Troy habang nagtatawanan ang lahat.

 

Pagkatapos ay umupo sila. Inalok sila ni JM ng pagkain at inumin.

 

"Ada, saan mo nakilala si Kent?" tanong ni Dave. Si Dave naman ay mukhang seryoso sa unang tingin pero mapagbiro din ito. Cute ang mukha nito at may katabing babae.

 

"Ah, sa school." Sagot naman ni Ada bago sumubo ng cake.

 

"Ah, gaano katagal na kayo?" tanong naman ni JM, na para bang tinitingnan kung nagsisinungaling siya o hindi.

 

"Ano ang ginagawa niyo? Investigator ba kayo?" Tanong ni Kent at nahalata niya ang mga tingin nito sa kanila.

 

"Oo, huhulihin ka namin, baka dahil nandadaya ka lang! Hahaha!" Sagot ni Dave at pagkatapos ay sama-sama silang nagtawanan.

 

"Kent, inilagay mo ba ang helmet ni Ada? Para kung mahulog siya, hindi ka niya iiwan." sabi ni Troy.

 

Lahat sila ay muling nagtatawanan. Namula naman ang mukha ni Ada dahil sila ang pinag-uusapan ng mga ito.

 

"Mga sira!" Sagot ni Kent at muli silang nagtawanan.

 

Kahit si Ada ay natawa na rin, napansin niyang may kakaiba kay Kent. Hindi niya ito nakitang nakikipag biruan sa iba ng ganito. Lagi lang kasing aloof si Kent sa school, walang kinakausap kundi si Alfred. Kapag may lumapit naman ay iniisnaban niya ito o nilalayuan.

 

Masaya silang panuorin na tila ba mga bata na nagtatawanan. Sana laging masaya si Kent at kahit hindi niya kasama ang barkada niya ay masaya parin siya sa piling niya.

 

Katagalan ay marami nang nainom sila Kent at barkada nito. Napansin niyang medyo lasing na si Kent.

 

Lumapit siya kay Kent at bumulong, "Kent, marami ka nang nainom, baka lasing ka, tama na."

 

"Hindi, ayos lang sa akin." Umiling si Kent at hinawakan ang kamay niya, "Tara, sayaw tayo."

 

Pagkatapos ay tumayo silang dalawa at lumapit sa dance floor at sila'y masayang nagsayaw.

 

Habang nagsasayaw ay bulong si Kent sa kanya, "Pasensya ka na sa kanila, mahilig talaga sila mag biro."

 

"Okey lang." Ngumiti naman si Ada.

 

"Pero totoo, ikaw ang unang girlfriend ko, hindi iyan isang biro!" Sabi ni Kent sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

 

Naisip naman ni Ada na baka lasing lang si Kent. Sa gwapo ni Kent ay imposibleng wala itong naging girlfriend.

 

"Talaga ba?" tanong ni Ada habang nakataas ang kilay.

 

Tumango naman si Kent na pumupungay, "Oo, ikaw pa lang ang naging girlfriend ko."

 

Ngumiti naman si Ada at sinabi, "Ikaw rin ang una kong boyfriend."

 

"Oo, alam ko." Sagot naman ni Kent habang nakatingin sa mga mata niya.

 

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Ada sa kanya.

 

Naalala naman ni Kent na hindi marunong humalik si Ada at ang kanilang naging first night, pero hindi niya ito sinabi kay Ada.

 

"Hmm, pakiramdam ko lang ito. Pagod ka na ba?" tanong ni Kent.

 

"Medyo, inaantok na ako." sabi ni Ada.

 

"Ah, magpapaalam na ako sa kanila at para makauwi na tayo." sabi ni Kent.

 

Ngunit pagbalik nila sa sopa ay ilang beses pa na uminom si Kent ng wine, at hindi sila kaagad nakapag-paalam na umuwi. Napansin ni Ada na lasing din ang iba pa niyang mga kaibigan.

 

Nang kinulit na niya si Kent na umuwi, ay nagpasya na itong magpaalam sa barkada niya. Medyo pagiwang-giwang na si Kent na lumakad, kaya inalalayan ni Ada si Kent. Tumawag sila ng driver, dahil hindi na makakaya pang magmaneho ni Kent.

 

Pagdating nila sa Mansion.

 

Tumulong ang drayber ni Ada sa pagbaba kay Kent sa kotse at pagpasok sa kanilang kwarto.

 

"Sige, salamat po Manong Willy." Sinabi ni Ada sa Manong drayber, habang inilatag nila si Kent sa kama.