Sa katayuang iyon nakita sila ni Mark!
"Ada!!!" Tumawag si Mark at agad niya silang nilapitan.
Biglang nagulat si Ada at Kent nang makita si Mark.
"Ikaw!" Sigaw ni Mark habang naglalakad papunta sa kanila.
"Ano ang ginagawa mo kay Ada?" Galit na tanong ni Mark kay Kent habang dinuduro niya ito.
"Ano sa palagay mo?" Sagot naman ni Kent habang nang-aasar na tingin nito kay Mark.
Nang marinig iyon ni Mark, nanliit ang mga mata nito at bumugso ang galit niya.
"Hayop ka!" Aakmang suntukin ni Mark si Kent subalit agad na pinigilan siya ni Ada at hinawi ang kamay niya at pumunta sa gitna nilang dalawa.
"Mark, wag!" Sabi ni Ada at hinarangan niya ito.
"At ipinagtatanggol mo pa siya? Tingnan mo ang ginawa niya sayo." sabi ni Mark habang nakaturo sa blusa ni Ada na bahagyang bukas, inayos ni Ada ang kanyang blusa.
"Hindi, wala siyang ginagawa. Nagkakamali ka sa iniisip mo." Humarap siya kay Kent at sinabi, "Sige na Kent, pwede ka ng umalis."
Gusto niyang paalisin na muna si Kent, para hindi na mag-away ang dalawa. Umiling si Kent kay Mark bago siya umalis. Tiningnan naman siya ng masama ni Mark.
Nang maka-alis na si Kent ay nag-usap na muli si Mark at Ada.
"Ada, kung wala siyang ginagawang masama sayo, bakit bukas ang botones ng blouse mo?" tanong niya habang itinuro ang blouse ni Ada.
"Hindi mo lang naiintindihan. Nag-uusap lang kami, tinutulungan lang niya ako, dahil hindi ako komportable sa leeg ko." Pagsisinungaling ni Ada.
Huminga ng malalim si Mark at nag-isip ito at nagsalita muli, "Ganun ba?"
"Oo, ganun nga, medyo naiinitan na kasi ako dito sa Shoul ko. Tara na, punta na tayo sa room, baka dumating na ang teacher natin." Yaya ni Ada kay Mark at wala naman siyang nagawa kundi sumunod kay Ada.
"Okay, sige." Sabi ni Mark, pero hindi siya talaga kumbinsido tungkol dito.
Habang papalapit sila Ada at Mark sa room, nakita nilang hinarang si Kent ng isang batang babae at inaabot sa kanyang harapan ang dala nitong regalo.
"Mukha ba akong charity at kailangan ko ng regalo mo?" Galit na sinabi ni Kent sa babae at pagkatapos ay nagpatuloy na maglakad at pumasok sa room at inilagay ang kanyang bag at umupo.
Napahiya naman ang babae, at tumakbo siya papalayo. Nakita nila Ada at Mark ang tagpo na iyon.
"Alright Ada, mauna na ako." Paalam ni Mark at tinapik ang kanyang balikat.
"Sige." Maikling sinabi ni Ada habang tumango siya.
Natakot siyang pumasok sa silid, dahil maaaring galit pa rin si Kent sa pakikipag-usap niya kay Mark.
Dahan-dahang pumasok si Ada sa room, subalit bigla siyang tinawag ni Joice.
"Uy, Ada! Saan ka nanggaling, bigla ka na lang nawala?" tanong ni Joice, habang nagulat si Ada sa tawag nito.
"Ah, may pinuntahan lang ako." Sagot ni Ada at dali-dali siyang umupo sa kanyang upuan.
Tahimik siyang nasa silya hanggang sa matapos ang klase.
Agad siyang nilapitan ni Joice ng matapos na ang kanilang klase.
"Ada, let's go." Yaya ni Joice sa kanya.
"Ha, saan?" Maang na tanong naman ni Ada.
"Di ba, magrereview tayo nila Mark." Sabi ni Joice, at biglang tumayo si Kent at binigyan si Ada ng masamang tingin, bago nito kinuha ang bag at lumakad palabas ng pinto ng room kasama si Alfred.
Nang makita ni Ada ang mga tingin na iyon ni Jake, ay agad niyang naintindihan ang gustong ipahiwatig nito sa kanya. Kaya naman, ay nag-isip siya kaagad ng maidadahilan kay Joice, para hindi sumama sa kanila sa pagrereview.
"Ah, hindi ako makakasama sa inyo. Pasensiya na, may ibang bagay ako na mahalagang gagawin. Pakisabi mo na lang kay Mark." Sabi ni Ada habang papaalis.
"Wait, Ada! Ano ang gagawin mo?" Habol na tanong ni Joice sa kanya, subalit hindi na siya nilingon pa ni Ada at nagpatuloy na itong maglakad papalayo, naiwan na lamang si Joice na nakatayo sa tapat ng pinto ng room.
Pagdating ni Mark, ikinuwento sa kanya ni Joice ang tungkol kay Ada na hindi ito makakasama sa kanila sa pagrereview. At silang dalawa na lamang ang nagpunta sa library at nag review ng kanilang lesson para sa darating na exam.
Lalong nag-alala si Mark tungkol sa dahilan ni Ada, kaya naisip niyang tanungin si Joice habang sila ay nagrereview.
"Joice, napansin mo ba ang isang bagay na kakaiba kay Ada at Kent?" tanong ni Mark habang nakatingin kay Joice.
"Kakaiba?" Nag-isip si Joice at sumagot na muli, "Wala naman, ni hindi nga nag-uusap yun dalawa sa loob ng room eh." Sagot ni Joice.
"Ah ganun ba, eh paano naman sa labas ng room? Nakita mo ba silang nag-uusap o magkasama?" Muling tanong ni Mark.
"Uhm, yun lang na nabuhusan ni Ada si Kent ng kape. Talagang nagalit si Kent sa panahong iyon." Kuwento ni Joice.
"Ano? Nabuhusan niya si Kent ng kape?" Tanong ni Mark habang nakangiti ng palihim.
"Oo, biglang nagalit si Kent nun. Siyempre, sino ba naman ang matutuwa na mabuhusan ng kape di ba? Bigla niyang hinila si Ada, hindi ko alam kung saan sila pupunta, pagkatapos nun." Muling kuwento ni Joice.
Napaisip naman si Mark sa nangyare. "Hindi mo ba sila sinundan?"
"Hindi eh, hindi magandang ideyang sumunod. Bukod dito, nakakatakot kapag galit si Kent, ayaw ko ngang madamay noh." Sagot ni Joice at nagpatuloy ito sa pagsusulat.
"Ganun ba." Sabi ni Mark.
Biglang huminto si Joice at nagtaka sa pagtatanong ni Mark. "Teka, bakit ka pala nagtatanong tungkol sa kanila?" sabi ni Joice.
"Naku, wala. Wala, lang." Umiling-iling naman si Mark. Pagkatapos ay nagpatuloy na ulit sila sa kanilang pagrereview.
~
Dumating ang araw ng kanilang pagsusulit. Mabuti na lang ay nagreview sila nang husto at maganda ang kanilang naging tugon sa mga sagot sa test.
Pagkatapos ng kanilang pagsusulit, sinabi ng kanilang Guro tungkol sa kanilang School Festival, sa darating na linggong ito.
Sa kaganapang ito ay magkakaroon ng isang games, sports activity at iba pa. Magkakaroon din ng mga booths sa iba't-ibang mga departamento. At ang finale ng School Festival ay ang Mister at Miss Campus, kung saan makikipag-kumpetensya ang makikisig at magagandang mag-aaral ng school. At sino man ang makakakuha ng mataas na boto mula sa mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo at kokoronahan at kikilalaning Mister and Miss CAMPUS ng paaralan.
Tuwang-tuwa ang mga estudyante nang marinig ang balita ng kanilang guro. Humihiyaw sila sa galak dahil buong linggo itong idinaraos sa paaralan.
"Kung may interesado sa inyo patungkol sa mga aktibidad, mag-sign up nang maaga. Lalo na para sa mga gustong sumali sa Mister at Miss Campus. Sa darating na ay Lunes sisimulan na ang pagboto at pipiliin lamang ang top 5 finalist na nakakuha ng pinakamataas na boto at sila ay magtutunggali sa Biyernes." Mrs. Cruz.
Matapos ibalita sa kanilang ng kanilang guro ay lumabas na ito ng kanilang room.
Agad namang lumapit si Joice kay Ada.
"Uy, sumali ka Ada sa Ms. Campus, ito yung sinasabi ko sayo noon." Sabi ni Joice habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ha… hindi ako sumasali sa mga ganyan, at nakakahiya." sabi ni Ada.
"Hindi, masaya ito. At sure ako na mananalo ka, kaya sumali ka na." Sabi ni Joice, at bumaling kay Kent nang makita niyang tumayo ito at inaayos ang bag.
"Kent, sasali ka ba sa Mr. Campus? Sinisikap kong kumbinsihin si Ada na sumali rin." tanong ni Joice.
"Sasali ka ba?" tanong ni Kent kay Ada at tiningnan siya nito.
"Ha, hindi pa kasi ako sigurado." Pag-aalangan na sagot ni Ada.
"Sige, kung sasali ka, sasali na rin ako." Sabi ni Kent at lumabas na ito.
"Yes! Sumali ka na ngayon Ada!" Panghihikayat ni Joice.
"Ha? Hindi, hindi ako sasali, mahiyain ako, hindi ako bagay sa mga ganun at ano naman ang binatbat ko, noh?" sabi ni Ada.
"Sumali ka na, kung tutuusin, malaki ang chance mo na manalo, hayaan mo tutulungan kita para makakuha ng mga boto. Para naman maipakita natin kay Charm nan hindi lang siya ang maganda dito sa Campus noh! Sigurado akong mananalo ka!" Sabi ni Joice, habang kumindat ito kay Ada at nag thumbs up.
"Joice pero..." sabi ni Ada.
"Sige, wala ng pero, pero. Tutulungan kitang makakuha ng mas maraming boto." Pamimilit ni Joice sa kanya.
That time, hindi pa nakatanggi pa si Ada at sumang-ayon kay Joice na sumali sa Miss Campus, at pumunta sila sa registration office.
Nag-text siya kay Kent tungkol dito.
"Kent, ano ang gagawin ko? Si Joice ay pinipilit akong sumali sa Ms. Campus." Text ni Ada.
"Gusto mo bang sumali?" text ni Kent.
"Ayaw ko nga, dahil hindi ko ito ginagawa. Narito kami sa registration office, nagsisign-up siya sa pangalan ko."
"Haha, nag-sisign up ka na pala ngayon eh. Hayaan mo na. Mamaya pupunta din ako diyan, para magparegister.
"Hmp." Sagot ni Ada.
Napag-alaman ni Ada na kailangang isubmit ang larawan niya, kailangan ay maganda para mai-post nila sa kanilang billboard. Kinuha niya ang phone, at tiningnan ang mga picture na nakasave doon, subalit ang tanging larawan niya na maganda ay yun kuha ng kasal nila ni Kent.
Tiningnan niya muna ito ng mabuti, parang hindi naman ito eksaktong damit pangkasal at hindi ito mahahalata ng iba, dahil mukhang karaniwang dress lang ito na puti at hindi bongga.
"Okay na siguro ito." Sinabi ni Ada sa kanyang sarili.
Pagkatapos ay ito ang ipinasa niya bilang kanyang profile picture para sa Ms. Campus Candidate.
"Wow! Ada! Napakaganda mo dito! Tama ako, napakaganda mo lalo na kapag naka-ayos ka. Ako ay talagang boboto para sa iyo sa lalong madaling panahon." Tuwang-tuwa si Joice ng makita ang picture niya na sinend.
"Umm, thanks." Nakangiting sagot ni Ada.
"Oo, maganda ka rito, dapat ayusin mo palagi ang sarili mo ng ganyan." Sabi ng coordinator.
"Ha, salamat po sa inyo Maam!" sabi ni Ada at ngumiti.
Matapos silang magparegister, nagplano si Joice kung ano ang dapat nilang gawin, para makakuha ng mas maraming boto.